Adiksyon sa Droga: Ang Hiwaga ay Nagsisimula sa Pagsubok
Isang makatuwiran, matalino, lohikal, at pantas na payo ng Biblia ay “subukan ang lahat ng mga bagay.” Ang layunin gaya ng pagkakasaad sa mga sumusunod na talata ay upang manghawak sa mabuti at lumayo sa lahat ng anyo ng masama..
I TESALONICA 5:21-22
21 Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22 Layuan ninyo ang bawa't anyo ng masama.
Ang naipong kaalaman ng sangkatauhan mula pa sa simula ay nagsasalamin sa kaalaman ng mga bagay na napatunayang mabuti na kailangan nating panghawakan, at masama na nararapat nating layuan. Ating tingnan ang isang halimbawa ng dapat sana ay isang naliwanagan subali’t hindi talaga.
Si Buda, ang dios ng mga Budista at autoridad ng pananampalataya ng may isang bilyong tao sa planeta, ay namatay sa pagkain ng isang uri ng nakalalasong kabute ayon sa ensiklopedya. Si Buda, mula sa kaniyang pangalan, Siddhārtha Gautama, ay payak na tinawag na “Buda,” na nangangahulugan na siya ay “naliwanagan.” Ang Buda ay nangangahulugang “ang naliwanagan isa”.
Ang Budismo, isang mayor na relihiyon sa mundo, ay itinatag sa hilagang-silangang Indya at batay sa mga katuruan ni Siddhartha Gautama, na nakilala bilang Buda, o ang Naliwanagang Isa.
Nagsimula bilang isang kilusan sa kumbento sa nalolooban ng nangingibabaw na tradisyong Brahman ng araw, ang Budismo ay mabilis na lumago sa isang natatanging direksyon. Ang Buda ay hindi lamang tumanggi sa makabuluhang aspeto ng pilosopiyang Hindu, nguni’t hinamon din ang autoridad ng pagkasaserdote, itinanggi ang bisa ng mga kasulatang Vedas, at itinanggi ang kultong sakripisyo na nakabatay sa mga ito. Higit sa rito, kanyang binuksan ang kanyang kilusan sa mga kasapi ng lahat ng mga lipi, itinatatwa na ang halagang espiritwal ng isang tao ay isang bagay ng kapanganakan. (Pinagmulan: Encarta)
Marahil dahil sa kanyang tahasang pagtanggi upang maniwala sa Dios ng Biblia, o ng kaniyang ignoransiya sa Biblia, siya ay nagsalarawan ng isang bagay na direktang kabaligtaran ng kaniyang sikat na pangalan “Buda.” Kung tunay na siya ay naliwanagan, dapat sana siyang naging maingat sa pagkain ng mga kabute - ang dahilan ng kanyang kamatayan - sapagka’t hindi ang lahat ng mga kabute ay magkakatulad.
Samantalang maraming uri ng mga kabute ay mabuti para sa mga tao at maaaring makadagdag sa ating mabuting katauhan, ito ay isang nalalamang katotohanan sa kasaysayan ng sangkatauhan na mayroong mga nakalalasong kabute. Ang mga kulay at hugis ng mga kabute ay nagpapakilala sa maaaring kainin at nagbababala sa atin sa mga nakalalason.
Narito ang mga karaniwang katangian nitong mga nakalalasong kabute:
1. Mga kulugo o kaliskis sa takip. Tandaan ang wala sa kulay na mga “tagpi” sa itaas ng litrato sa kanan. Ang mga ito ay ang mga nalabi ng unibersal na talukbong na pumapaligid sa kabuti samantalang ito ay bata. Kung minsan ang mga tagpi na ito ay nagmumukhang gaya ng mga hilera ng mga itinaas na mga tuldok, gaya na nakikita sa mga litrato sa mas ibaba pa.
2. Isang payong o hugis payong na takip. Bawa’t isa sa mga litrato na ito ay isang magandang halimbawa ng kung papaano ang hugis ng isang takip amanita, matambok gaya ng isang malapad, nakabaligtad na letrang U. O, para sa aking kapwa mahilig sa matematika, kagaya ng nakabaligtad na parabola !
3. Ang pagkakaroon ng isang nakaumbok na tasa o bulsa sa paligid ng base. Ang pabilog na tasang ito ay tinawag na “volva” at isa pang labi ng unibersal na talukbong. Ito ay madalas na nasa ilalim ng lupa kung kaya maaari mong marahan na hukayin itong kabute para makita. Ang Amanita muscaria ( karaniwang kilala bilang “tae ng palaka”) papunta sa kaliwa ay isang magandang halimbawa nitong nakaumbok na base.
4. Isang puting nilimbag na spore. Kapag ang isang takip amanita ay inilagay na nakataob sa isang may madilim na kulay na papel, madalas ay mag-iiwan ito ng isang limbag ng spore na puti.
5. Ang pagkakaroon ng isang singsing sa palibot ng tangkay. Ang singsing na ito, tinawag na ang “annulus,” ay kung saan ang isang parte ng talukbong ay idinikit sa tangkay bago ito napunit habang ang kabute ay lumalaki.
(http://www.mushroom-appreciation.com/identify-poisonous-mushrooms.html#sthash.9Szkw8P9.dpbs)
Si Buda, ikinalulungkot kong sabihin, ay hindi naliwanagan at hindi isang dios sa alin pa mang pamantayan ng Biblia. Ang Dios ng Biblia, bilang halimbawa, ay nagbigay ng mga palatandaan sa mga kabute, at napagtibay ng mga henerasyon ng mga tao kung alin ang mga nakalalason.
Ang isang taong naliwanagan ay maingat tungkol sa mga bagay na kaniyang kinakain kagaya ng Apostol Pedro at ang kagaya ng Propeta Ezekiel.
GAWA 10:13-14
13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.
14 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.
Pansinin na natandaan ni Pedro ang isang prinsipyo na itinuro sa kaniya nang mas nauna, at iyon ang dahilan bakit siya ay tumanggi. At narito ang isang pang prinsipyo:
EZEKIEL 4:14
Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, ang aking kaluluwa ay hindi nadumhan, sapagka't mula sa aking kabataan hanggang ngayon ay hindi ako kumain ng namamatay sa sarili, o nilapa ng mga hayop; o pumasok man ang kasuklamsuklam na karne sa aking bibig.
Ang isang bagay na magbabanta ng panganib sa kalusugan at buhay, at napatunayan ng mga henerasyon, ay hindi na nararapat pang subukan ng sinoman gamit ang kanyang katalinuhan at pang-unawa. Mayroon nang isang unibersal na pamantayan tungkol dito.
Ang mga droga (ang mga ipinagbabawal) ay napatunayan na nakapipinsala sa katawan ng tao. Ang mga droga ay nararapat na gamitin sa eksaktong dami at dosis, kung ang layunin ay upang mapaginhawa o gamutin ang paghihirap ng tao. Bagaman ang mga drogang ito ay mabibili nang walang reseta, hindi nangangahulugan na ang mga gamot na hindi ipinagbabawal ay laging ligtas.
Ang mga statin drugs, bilang halimbawa, ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, sa halip na hadlangan ang atake sa puso ay maaaring magdala papunta sa atake sa puso. Ang punto ko ay, kung ang mga gamot na hindi ipinagbabawal ay maaaring magdulot ng pinsala, lalo naman ang mapanganib na makapipinsalang mga drogang tinagurian bilang “ipinagbabawal na gamot.”.
Ang mga statin drugs na ang layunin ay upang kontrolin ang produksyon ng kolesterol ng atay, ay pumipigil din sa produksyon ng ibang enzymes katulad ng CoQ10 na kinakailangan sa pag-iwas sa atake sa puso. Samakatuwid, ang dapat sanang layunin ay hindi naisakatuparan.
Ang pagsubok sa ipinagbabawal na gamot ay pagiging walang ingat at kabaliwan. Ang Wikipedia ay nagsasabi, dalawa sa pinaka ginagamit at mamahaling ilegal na droga sa Pilipinas ay methamphetamine hydrochloride (shabu) at marijuana. Sa pagitan ng dalawang ito, ang shabu ay itinuturing na lalong mapanganib.
Ang shabu ay pinaghalo na mga sangkap gaya ng asido ng bateriya, gamot sa ubo at marami pang iba.
Ano ang ginagawa nito?
Bukod sa binabago ang iyong tulog, kalusugan, kalinisan, at negatibong nagkakaepekto sa bawa’t aspeto ng iyong buhay, ang shabu ay sumisira rin ng iyong mga emosyon. At ginagawa nito ito ng dahan-dahan. Sa una, iisipin mo na ang shabu ay nagpapaganda ng iyong buhay habang pinapahusay nito ang iyong tiwala sa sarili, nagpapanatili sa iyo upang maging aktibo, at nakapagpapabawas ng iyong timbang. Ang shabu ay nakagagawa rin ng permanente at hindi na maisasauli na pagkasira ng utak.
(http://bridgesofhope.com.ph/index.php/2016/05/02/what-is-the-most-dangerous-drug-addiction/)
Hindi nakapagtataka na ito ay ipinagbabawal. Ayon sa pagsasaliksik, ang shabu ay may kapangyarihan at may hiwagang kaakit-akit at malaganap na ipinagbibili sa mga lansangan sa buong mundo. Nguni’t ang napakatinding taas na naranasan ng adik mula sa droga ay hindi sapat upang tanggalin ang lohika.
Samantalang aking sinulat sa aking naunang blog, mayroong pag-asa sa mga adik sa droga. Ngayon na mayroong halos isang daan ng mga libong umamin sa sarili na mga adik at mga nagtutulak na nagsisuko sa administrasyon ni Pangulong Rody Duterte, ibig kong magbahagi ng karunugang ayon sa Biblia na maaaring magbigay ng pag-asa at buong pagbabago sa katauhan ng isang nalulong sa bawal na gamot. Ang buhay ay mahalaga. Mayroong pag-asa sa mga adik sa droga.
ECLESIASTES 9:4
Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon.
Marami pa na susunod.
Basahin ang ikalawang bahagi ng blog na ito.
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
0 (mga) komento: