Stop! Ang Pagpapatiwakal Ay Hindi Kailanman Solusyon, Period.
Kapatid na Eli,
Kasalanan po ba ang pagpapatiwakal?
Sincerely,
Ang pagpapatiwakal ay ang tanging solusyon.
Dear pagpapatiwakal ay ang tanging solusyon, Ang pagpapakamatay ay para lamang sa mga hangal na hindi naniniwala sa kapangyarihan ng Dios. Sa mundong ito, makararanas tayo ng mga kapighatian. Ang mga bagay na gumagawa upang tayo ay makaramdam na hindi tayo komportable ay pawang nakapaligid sa atin. Hindi lang ikaw ang tao na nababagabag.
JUAN 16:33
Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.
Sa pag-uusap na batay sa istatistika, ang mga insidente ng pagpapatiwakal ay patuloy na tumataas.
Tinataya ng World Health Organization (WHO) na sa bawa’t taon humigit-kumulang sa isang milyon katao ang namamatay sa pagpapatiwakal, na kumakatawan sa pandaigdigang mortality rate na 16 na katao sa bawa’t 100,000 o isang kamatayan sa bawa’t 40 segundo. Hinulaan ito na sa pagsapit ng 2020 ang rate of death ay tataas ng isa sa bawa’t 20 segundo.
Iniuulat pa ng WHO na:
Sa nakalipas na 45 taon ang suicide rates o proporsyon ng pagpapatiwakal ay tumaas ng 60% sa buong mundo. Ang pagpapakamatay ay isa ngayon sa tatlong nangungunang sanhi ng kamatayan sa mga may edad 15-44 ( lalake at babae ). Ang mga tangkang pagpapatiwakal ay hanggang 20 beses na mas madalas kaysa mga naisakatuparan na mga pagpapakamatay. Bagaman ang suicide rates ay naging tradisyunal na pinakamataas sa mga nakatatandang kalalakihan, ang mga proporsyon
sa mga kabataan ay tumataas sa sukdulan na sila ngayon ang grupo na nasa pinakamataas ang peligro sa ikatlo ng lahat ng mga bansa.
Ang karamdaman sa kalusugan ng pag-iisip (partikular na ang depresyon at pang-aabuso sa substansiya) ay nauugnay sa higit sa 90% ng lahat ng kaso ng pagpapakamatay. Gayunpaman, ang mga resulta ng pagpapakamatay mula sa maraming kumplikadong mga sosyo-kultural na kadahilanan at mas malamang na mangyari sa panahon ng peryodo ng sosyo-ekonomiko, pamilya at indibidwal na krisis (gaya ng pagkawala ng mahal sa buhay, kawalan ng trabaho, sekswal na oryentasyon, kahirapan sa pagbuo ng pagkakakilanlan, pag-alis ng kaugnayan mula sa isa sa komunidad o iba pang mga panlipunan / grupo ng paniniwala at karangalan).
http://www.befrienders.org/suicide-statistics
Aking masasabi ng may pagtitiwala na ang aking mga suliranin at mga responsibilidad ay lalong higit kaysa sa karamihan ng mga taong nakikilala ko, nguni’t ako ay nabubuhay sa pag-asa sapagka’t ako’y nagtiwala na ang hindi ko magagawa ay magagawa ng aking dakilang Dios. Siya ay higit na dakila kaysa bawa’t bagay sa mundong ito.
I JUAN 4:4
Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan.
Marahil, hindi mo makikita ang Dios, Kanyang kinikilos ang mga tao at ginagawa silang mga kasangkapan ng Kanyang mabuting kalooban upang tulungan ang isang tao na kagaya mo. Maniwala ka sa kapangyarihan ng panalangin! Manalangin ka at iyong matatagpuan ang kapayapaan at mga solusyon sa iyong mga suliranin - kahit ano pa ito.
FILIPOS 4:6-7
6 Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
7 At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
Ang pagpapatiwakal ay kahangalan. Karaniwan, sa lahat ng aspeto ng buhay, maging sa mas mabababang uri ng nabubuhay, gaya ng mga hayop at mga ibon, ang buhay ay ipinagtatanggol at iniingatan. Ang kakayahan upang ibagay ang sarili sa isang kapaligiran at espesyal na mekanismo ng pagtatanggol ay nasa lahat halos ng uri ng nabubuhay: nagtuturo sa atin na ang pag-iingat ng buhay ay isang kalooban ng banal na Lumikha. Tanging ang Dios lamang, at ang Dios lang, na may hindi matututulang kapangyarihan ang may poder upang kumuha ng buhay.
DEUTERONOMIO 32:39
Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay.
Hindi Siya nagpapahintulot sa kaninuman upang kumitil ng buhay! Isang mamamatay tao, Kanyang hinahatulan.
I JUAN 3:15
Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.
Hindi Niya pinahihintulutan ang sinuman upang kumitil ng buhay ng isa pang tao, anuman ang layunin o ang kadahilanan, sinuman ay maaaring magsaysay. Maging ang mercy killing o euthanasia ay hindi isang dahilan. Ang Dios ay pinakamaawain.
AWIT 103:8
Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob.
Para sabihin na ang sinuman ay pumapatay ng sinuman dahil ito ay isang gawain ng kaawaan, ito ay katumbas ng pag-aangkin na ikaw ay mas maawain kaysa sa Dios - at ito ay kahangalan.
Ang Dios ay nakikitungo sa mga tao hindi lamang sa buhay na ito, subali’t hanggang sa pagkatapos nito, at walang kabatirang pantao ang makakakita kung ano ang inilaan ng Dios para sa kaninuman. Maaari Niyang pahintulutan na magdusa ng kaunti ang isang tao sa buhay na ito, subali’t mayroong nakalaan para sa kanya: Kaligayahan na naroroon sa darating.
I CORINTO 2:9
Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.
APOCALIPSIS 2:10
Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw. Magtapat ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.
APOCALIPSIS 21:4
At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.
At Siya na nangako ng lahat ng mga bagay na ito ay hindi makapagsisinungaling.
TITO 1:2
Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
Si Lazaro ay nagdusa sa kanyang buong buhay. Walang sinuman sa mundo ang nakakaalam noon kung ano ang nakalaan para sa kanya, nguni’t ito ay nahayag sa kabilang buhay.
LUCAS 16:19-25
19 Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:
20 At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,
21 At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.
22 At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.
23 At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.
24 At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.
25 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
Sa pagsasaalang-alang ng lahat ng mga ito, at ang dignidad ng nangako ng lahat ng mga bagay na ito, wala ni katiting na dahilan upang ikaw ay magpatiwakal.
Sincerely in Christ,
Brother Eli Soriano
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
34 (mga) komento: