Pagsalungat sa Katotohanan ng Dios: Dahilan kung bakit ang Iglesia ni Cristo (INC) ay hindi Nabanal
Sa gitna ng kung ano ang nagaganap ngayon sa Iglesia ni Cristo, mahalaga na ating matutunan na tukuyin kung ano ang totoo mula sa kung ano ang mali.
Nang ang mga sana ay mga biktima ay nagsilabas upang sumigaw sa publiko kung papaano sila tinrato ng hindi patas, sila ay nauwi sa pagsasabi na sila ay nagmula sa isang tunay na iglesia. Subali’t lagi tayong makakasuling sa patnubay ng Dios mula sa Biblia upang matutunan kung ano ang katotohanan. Dumako tayo sa mga basiko. Sino ang nagtatag ng katotohanan kung hindi ang lumikha ng lahat ng mga bagay?
Atin munang pagtuonan ang mga katangian ng katotohanan - ang katotohanan ng Dios o ang ganap ng katotohanan.
Una, ang katotohanan ay makapagpapabanal. Ang pinakamandang bagay sa katotohanan ay pinagpapala nito ang nagdadala at nanghahawak dito. Dinadalisay nito ang puso. Ang pagpapabanal ay isa sa mga bagay na magagawa ng katotohanan ng Dios.
JUAN 17:17
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
Ikalawa, ang katotohanan ay ganap. Ang katotohanan ng Dios ay ganap na katotohanan. Hindi Siya nagsisinungaling sapagka’t hindi Siya makapagsisinungaling at “imposible” sa Kanya ang magsinungaling.
TITO 1:2
Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
HEBREO 6:18
Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:
Ikatlo, ang katotohanan ay may wastong lugar. Nalalaman ng katotohanan ang kanyang angkop na lugar. Ito ay kasama ng Dios, ang Ama, na makatuwirang pinakahuluganan ng Panginoong Jesucristo sa Juan 17:17 na “Ang Iyong katotohanan.”
Ito rin ay nasa Panginoong Jesucristo gaya ng sinabi ni Apostol Pablo.
EFESO 4:21
Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.
Ito rin ay nasa Banal na Espiritu.
JUAN 16:13
Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.
Ang katotohanan ay maaari ding nasa isang alagad.
II JUAN 1:1-2
1 Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan;
2 Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man:
III JUAN 1:3
Sapagka't ako'y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.
Ikaapat, ang katotohanan ay umiiral at hindi kailanman namamatay sa kabila ng mga kasinungalingan na bumabangon upang takpan ito. Kapag ang isa ay lumulutang upang ihayag na kung ano ang kanyang sinasabi ay mga katotohanan, ang isa pa ay lumilitaw na may ibang bersyon. Subali’t ang katotohanan ay naroroon - batid ng isa na Siyang lumikha sa ating lahat. Tandaan na ang kabaligtaran ng katotohanan ay kasinungalingan nguni’t kailan man ay hindi ito magwawagi sa ibabaw ng katotohanan.
Ikalima, subali’t hindi ang pinakamababa, ang hindi pagmamahal sa katotohanan ay mayroong kahihinatnan: sila ay mangalilinlang, silang mga nagsisipaniwala sa kasinungalingan o ang kabaligtaran ng katotohanan.
II TESALONICA 2:9-12
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.
Ikaanim, mayroong “pakinabang” sa paglayo sa katotohanan nguni’t isang kahabaghabag na pakinabang. Ang isa ay maaaring umani ng materyal at pisikal na mga pakinabang, na sa unang lugar ay ang dahilan kung bakit ang isa ay tumatalikod mula sa katotohanan at bumabaling sa mga kasinungalingan. Antimano, aking sasabihin sa inyo, ang “pakinabang” na ito ay nagsasalin ng kanyang sarili sa kaparusahan.
Ang Biblia kung gayon ay nagsasaad na may mga “tunay na mga nagpapakunwari”! Sila ay ang mga tunay na mga sinungaling! Hindi nila tinatanggap ang pag-ibig sa katotohanan kundi mas ginugusto nila ang mga kaaliwan ng hindi katuwiran. At dahil doon, sila ay nangalinlang sa paniniwala sa kanilang mga kasinungalingan. Iyon ay ang nakalulungkot na epekto.
II CORINTO 11:13-15
13 Sapagka't ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo.
14 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.
Samantalang sila ay maaaring lumitaw ng ilang panahon na tulad sa mga ilaw, gaya ni Satanas, ang ilaw na yaon ay hindi ganap sapagka’t sa isang dako na hindi natatalos ng walang malay, ay malaking kadiliman! Maaari silang magmukhang tupa, sa panlabas ay gayon nga sila, nguni’t isang bagay na malupit ay nakakubli!
MATEO 7:15
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.
JUDAS 1:16
Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.
Sa kabuoan, ang Biblia ay tumukoy sa dalawang katotohanan: Ang isa ay ganap na katotohanan na tinawag na “katotohanan ng Dios.” Ang iba ay kasamaan na nasa pagpakunwaring katotohanan at, sa katunayan, kasamaan - na nalalaman ng sanlibutan bilang kasinungalingan. Yaong mga nagsisipaniwala rito, ay talagang nagsisipaniwala rito bilang “katotohanan” mula sa delusyon na pinahintulutan ng Dios. Ang gayon ay ang kalikasan ng kasinungalingan o “mga katotohanan” na pinaniwalaan mula sa delusyon. Ang ganap na katotohanan at ang katotohanan mula sa delusyon ( mga kasinungalingan ) ay direktang magkasalungat sa isa’t isa.
Ang publiko ay tinrato sa pamamagitan ng “katotohanan” mula sa mga dinukot na mga ministro at ng ina at ng mga kapatid ng Kataastaasang Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo na si Eduardo Manalo. Sila ay tinanggihan sa pamamagitan ng tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala at ng pamunuan ng INC na nagpahayag ng iba pang “katotohanan.” Alin ang alin ngayon? Ang kanilang sinasabi ay ang direktang kasalungat ng isa’t isa - at, para sa isang katotohanan, ay hindi ko mga katha.
Maaari kong tawagin ang mga natiwalag na mga ministro ng INC bilang aking mga “hostile witnesses” sa lugar ng saksi upang sumaksi sa mga katotohanang ito! Sila ay sina Isaias Samson Jr., ang dating editor-in-chief ng Pasugo, at si Lowell Menorca II, isa ring ministro ng Iglesia ni Cristo.
Ipinahayag ni Isaias Samson Jr. na siya ay ilegal na ikinulong.
Hulyo 2015, sa Net25, himpilan ng INC, si Lowell Menorca, nasa gitna, ay nagpahayag na siya ay hindi dinukot.
Tatlong itiniwalag na mga ministro ng INC ay tumakbo sa Department of Justice upang humanap ng tulong, nagsasabing ang mga buhay ay nasa panganib.
Oktubre 2015, si Lowell Menorca ay pumunta sa Youtube pagkatapos na ang Writ of Amparo at Writ of Habeas Corpus ay naipagkaloob ng Korte Suprema, nagsasabing ang unang pahayag ay scripted.
Oktubre 2015, si Lowell Menorca ay nagsalita ng lahat tungkol sa pagdukot (Rappler interview).
Mabigat na Kahihinatnan
Gaya ng ating tinalakay nang nauna, ang hindi paniniwala sa katotohanan ay may mabigat na kahihinatnan: Ang isa ay ang isang tao ay nalilinlang upang maniwala sa mga kasinungalingan. Ipinahihintulot ng Dios ang gayon dahil sa pagtanggi na maniwala sa kung ano ang totoo. Ang kagustuhan sa mga kaaliwan ng hindi katuwiran ay nagmumula kay Satanas, ang ama ng mga kasinungalingan.
2 TESALONICA 2:9-12
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan,
10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.
At dahil diyan, ang INC ay masyadong puno ng mga kasinungalingan, subali’t tayo ay tumutok sa kaunti lamang sa mga paglalahad na madalas ulitin.
Ang mga natiwalag na mga Ministro ng INC na sina Samson at Menorca ay nag-aangkin at talagang naniniwala na sila ay nasa tunay na iglesia, at sa labas, sinoman ay hindi maliligtas. Ito ba’y totoo?
Pagpapabanal hindi gumagawa sa INC
Ating nauna nang sinabi na ang unang katangian ng katotohanan ay ito’y dumadalisay sa sumasampalataya o sa taong nananangan sa katotohanan. Sa kabaligtaran, ang tao na naniniwala sa mga kasinungalingan ay nalilinlang upang maniwala sa kasinungalingan bilang “katotohanan.” Mayroong kaaliwang natatagpuan sa hindi katuwiran na kanilang ikinaliligaya. Atin kung gayon ay masasabi, kung saan walang katotohanan, ang pagdadalisay ay hindi nangyayari.
Sa isang artikulo na sinulat ni Eduardo V. Manalo, ang kasalukuyan na Kataastaasang Tagapamahala, ay sinasabi sa bernakular, “Hindi malilligtas ang nasa labas ng Iglesia ni Cristo.” Sa saling Ingles, mababasa ito, “Outside of the INC, no one can be saved.” Kanyang sinulat ito halos 40 na taon na ang nakalilipas, at kung gayon ay ang doktrina nilang ito ay masasabing itinuturo sa loob ng 40 mahabang mga taon.
Si Eraño Manalo, ang ikalawang henerasyong Kataastaasang Tagapamahala, ay nagsasabing ang mga nasa labas ng INC ay mga “sentensyado sa apoy.” Siya ay nangangaral ng hindi kukulangin sa 50 taon o kalahating siglo bago siya pumanaw. Sa haba ng panahong yaon ng pangangaral ng maling doktrina, isipin ang maraming mga tao na kanyang dinaya!
Kung ano ang ipinangangaral ng dalawang Manalo na ito sa loob ng daang mga taon ay direktang sumasalungat sa Dios na nagsasabing Siya ang may ibig na ang lahat ng mga tao ay maligtas. Hindi Niya sinabi ang ipinangangaral ng mga Manalong ito.
I TIMOTEO 2:3-4
3 Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas;
4 Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.
Ating kung gayon makikita kapuwa ang ama at anak, na nanguna sa INC, nagpapatibay sa isa’t isa sa kanilang maling doktrina upang mabitag ang mga tao sa kanilang samahan.
Korupsyon ng Kaluluwa
Ang ating isyu rito ay hindi ang pagdukot o ilegal na pagkulong sa mga itiniwalag na mga ministro kundi ang kanilang pag-aangkin na sila ay mga saksi sa katiwalian sa ubod ng “kaisa-isang at bukod-tanging tunay na iglesia.” Ang kaisa-isa at bukod-tanging tunay na iglesia? Gaano sila nakasisiguro?
Kung magpapahayag man, ang katiwalian na nararapat na ipinahahayag ni Samson at Menorca ay hindi dapat matutok sa paghigop ng salapi sa pamamagitan ng kanilang inaakusahan ( materyal ) kundi tungkol sa katiwalian ng mga turo ng INC. Iyon ang ubod ng tunay na iglesia - ang mga katuruan. Sa gayon at sa gayon lamang sila makasisiguro na sila ay nasa tunay na iglesia. Kung ang mga katuruan ay totoo, walang pangangailangan sa kaninoman sa kanila na humihigop ng mga kontribusyon ng kanilang mahihirap na mga miyembro.
Mga Imbestigasyong Kailangan
Ang mga imbestigasyon ng mga Pilipino tungkol sa grupong ito ay matagal nang lampas sa taning! Napapanahon na para sa aking mga kababayan upang malaman, ayon sa mga biblikal na tuntunin, kung ano ang uri ng iglesia na itinatag ni Felix Manalo sa Pilipinas.
Naririto ang aking masasabi: Ang iglesia na nag-aangkin na ito ang “tunay na iglesia,” ang “kaisa-isa lamang” pa naman, subali’t kinatatakutan ng kanyang sariling mga ministro at mga miyembro sa maaaring gawin nito sa kanila, ay maaaring sa kabalintunaan maging totoo! Ito ay ang tunay na iglesia ni Satanas!
Walang iba kundi ang mismong balo ng dating Kataastaasang Tagapamahala, Eraño Manalo, na siyang ina ng kasalukuyang Kataastaasang Tagapamahala, Eduardo Manalo, ang natatakot para sa kanyang buhay at sa mga buhay ng kanyang mga anak - ang mga kapatid mismo ng kasalukuyang Kataastaasang Tagapamahala! Sa pamamagitan lamang ng paghahayag ng kanilang kaalaman tungkol sa katiwalian sa ubod ng kanilang iglesia, sila ay itiniwalag! Hindi ba ang inaasahang reaksyon ng isang nakakaalam ng katotohanan - hayaan silang magsalita ng kanilang nalalaman, at magsagawa ng mga imbestigasyon?
Narito ang ina na naghahangad na makausap ang kanyang anak subali’t mula sa mga ulat, ang anak ay hindi kailanman nakipag-usap sa kanya sa loob ng anim na taon - o simula nang si Eraño Manalo ay pumanaw.
Hindi ko tinanggap na magaan nang sa telebisyon sa Pilipinas ay sinabi ng mga ministrong ito ng hayagan na kanilang sasalubungin ako sa paliparan sa aking pagbabalik bayan ng kanilang kapatid na Amurao, isang punenarya, upang sumundo sa akin. Sa ibaba ay ang kuha mula sa Net25, ang himpilan ng INC.
Narito ang karatula ng Punenarya Amurao
Ako’y Napawalang Sala
Hindi dahil sa karuwagan kundi upang maisalba ang mga buhay ng ibang mga tao kung kaya ako ay nagpasya - bagaman mabigat sa puso - na manatiling malayo sa aking minamahal na bansa!
Ang mga ministrong ito ng INC ay nangungutya at naninira sa akin, na nagsasabing ako ay duwag, at nararapat na magbalik sa Pilipinas upang harapin ang mga kinathang mga kaso na kanilang isinampa laban sa akin sa mga hukuman ng Pilipinas!
Maging ang mga Depensor Katoliko ay naghahamon sa akin upang magbalik sa Pilipinas para harapin itong mga ( hindi tunay ) na mga akusasyon laban sa akin.
Ngayon, mas nalalaman ko: Ako ay napawalang sala sa pamamagitan ng kung ano ang ibinunyag nitong mga ministro at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo. Kung ang kanila mismong sariling mga kasamahan ay nasisindak sa pamunuan, isang katalinuhan para sa akin ang makaramdam din ng gayon - hindi lamang para sa aking buhay kundi para na rin sa mga tao na nagmamasalakit sa aking kaligtasan!
Aking pinupuri ang Panginoon sa lahat ng Kanyang pagmamahal, Kanyang katarungan, at Kanyang pagmamalasakit!
Kay Samson at Menorca
Yaong mga hindi nakakaalam ng katotohanan at hindi nanghahawak sa katotohanan ay hindi napagiging banal. Sila ay hindi nalilinis mula sa kanilang walang habas na mga kasiyahan.
Wala silang nalalamang hangganan kung kaya’t kanilang natatagpuan ang kaligayahan sa mga kasinungalingan gaya ng panghikayat ng ama ng mga kasinungalingan. Aking masasabi sa inyo, kinatha ng pamunuan ng INC ang lahat ng mga maling paratang na kanilang isinampa laban sa akin.
Ang iglesia na nagtuturo ng kasinungalingan upang masilo ang mga tao dito ay isang hukay na inilaan para sa masasamang mga tao. Ang aking pag-asa kay Samson at Menorca at sa mga kagaya nila ay sila nawa’y magpatuloy na magsikap upang mahayag ang katotohanan. Higit at sa ibabaw ng pagrereklamo tungkol sa hinuthot na salapi, sila sa halip ay dapat na umangat sa mas mataas na antas at magsuri ng kanilang mga sariling paniniwala. Ang sanlibutan ay hindi masyadong makitid upang hindi sila makakita ng mga pamamaraan upang magawa ito. Ang katotohanan ay may tamang mga lugar.
Sa Dios ang lahat ng karangalan magpakailanman! Amen!
Sincerely in Christ,
Brother Eli
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
Katotohanan ang magpapalaya sa atin, anang ating Panginoong Jesus. Nawa'y manghawak sa katotohanan ang mga taong ito gaya ng kapatid na Eli na laging nagpapahayag at nagsasabi ng totoo.
TumugonBurahinSalamat sa Dios
TumugonBurahinTO GOD BE THE GLORY
Basahin po natin iyong blogs mga na ito at marami po tayong maunawaan at malalaman na ngayon lang po sila mabubunyag....
TumugonBurahinMatagal na ring naging isang malaking tanong sa aking kaisipan kung ano ang sanhi ng matinding KORUPSYON at KASAMAAN sa ating bansang Pilipinas. Ang madalas tuloy na naiisip ay MAARING may isang malaking sindikatong nagdidikta at nagmamaniubra sa ilang mga matataas na opisyal ng gobyerno.
TumugonBurahinNgayon ay inilalantad na ng panahon kung sino ang nasa likod ng korupsyon at kabuktutan sa ating gobyerno. LTO, LTFRB, BOC, Tanim-bala... isa lang common denominator, mga BUGOK na opisyal na lagay ng BULOK na relihiyong nagmamalinis na animo'y banal ngunit MALULUPIT at mga GANID na handang mamuwerhisyo ng kapwa.
Salamat na lamang ay may Bro Eli na nagmamalasakit sa sambayanang Pilipino na walang takot na nageexpose ng mga katiwalian ng mga sinasangkalan ang relihion ngunit sa katotohanan ay mga sindikatong nagkakalat ng LAGIM sa lipunan!
Dalangin ko na sanay bukas ng Dios ang puso at kaisipan ng ibang membro ng INC namagkaisa sila maihayag ang tunay na katotohan sa loob ng kanilang samahan,Salamat po sa Dios sa kanyang kabutihan loob.
TumugonBurahinSawayin nawa ng Panginoon ang mga bulaang mangangaral....
TumugonBurahinSalamat po sa Dios
TumugonBurahinMamulat nwa ang kaisipan ng bawat miyembro ng INCM.Mamuhay sa katotohanan hindi sa kasinungalingan at banta ng sangunian
TumugonBurahinNawa'y masaisip at maisa puso ng ibang kaanib ng "iglesia ni cristo" na nanatili pa din dito, ang mga patotoong lumalabas mula sa mga dati nilang miyembro. Maging gabay nila ito upang mapatunayan na may mali sa samahan na iyon. Huwag hayaang galit ang manalantay sa puso o paghihiganti bagkus harapin at hanapin ang katotohanan.. Masayang mabuhay sa mundo at sa buhay na walang hanggan kung ang lahat ay puro sa PAGIBIG lamang.. Salamat sa Dios.
TumugonBurahinang maliwanag na syang tumatak sa aking kaisipan ay Mayroong dalawang katotohanang umiiral sa mundong ito. ang isa ay ang katotohanan ng Dios at ang isa ay katotohanang delusyon na kinaroroonan ng mga bulaan at masasamang mangangaral.
TumugonBurahinsalamat sa Dios mayroong mangangaral na gaya ni bro. Eli Soriano na kasangkapan ng Dios upang magturo ng daan ng kaligtasan.
To God Be The Glory!!!
Katotohanan ang magpapalaya sa atin, anang ating Panginoong Jesus. Nawa'y manghawak sa katotohanan ang mga taong ito gaya ng kapatid na Eli na laging nagpapahayag at nagsasabi ng totoo.
TumugonBurahinSalamat sa Dios
TO GOD BE THE GLORY
Salamat sa Dios. To God be the Glory!!!!
TumugonBurahinSalamat sa Dios may bro. Eli Soriano na nagmamalasakit ng totoo sa kaluluwa ng mga tao upang di mailigaw ng bulaang mangangaral..
TumugonBurahinThanks be to God
TumugonBurahinSalamat sa Dios mr controversy sa pamamagitan nitong blog nalalaman ng tao ang katotohanan at nabubunyag ang kasinungalingan ng mga INCM!
TumugonBurahinSalamat sa Dios, sa pamamagitan ng blog na ito nabubuksan ang kaisipan ng maraming mga tao sa katotohanan at namumulat sa kasinungalingan ni manalo!
TumugonBurahinpanu sila maging banal na mamatay tao sila..
TumugonBurahinsalamat sa mga mangangaral na nag akay saamin upang makaalam nang katotohanan.
to god be the glory
Salamat sa Dios may bro Eli Soriano na sinugo ng Dios upang ipahayag ang aral na ikaliligtas nating mga tao....
TumugonBurahinMagandang blog... karapat dapat na basahin ng mga taong naghahanap ng katotohanan. Ang DIOS ang lahat ng kapurihan.
TumugonBurahinMateo 7:17
TumugonBurahinGayon din naman ang bawa't mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama. Salamat po sa Dios🙏🏻
Nawa'y mamulat na ang mga mata ng mga kaanib dyan sa iglesia ni manalo na niloloko ng mga bulaang mangangaral...
TumugonBurahinSalamat sa Dios at kailanma'y hindi Niya pinabayaan si Kapatid na Eli.
Naway mabuk
TumugonBurahinsan ang isip ng mga taong naliligaw ng unawa.
Buo ang aking pagasa, sa tulong at awa ng Dios, na lalabas din ang buong katotohanan. Dalangin ko nga na hindi maging huli ang lahat pra sa mga kapwa tao na tanggapin ang tunay na ebanghelyo
TumugonBurahinSalamat sa dios!!!!!!
TumugonBurahinSa katulad mo brother eli...
Salamat at mayroong Dios!
TumugonBurahinBecause without God, Everything will be lost.
To God be Glory!
Salamat sa DIYOS sa mga tapat na mangangaral! Salamat sa DIYOS at mayrong Bro. Eli Soriano at Kuya Daniel Razon na handang ipagtanggol aang katotohanan laban sa kamalian.
TumugonBurahinSalamat sa Diyos at sa Panginoong Hesus
TumugonBurahinTo God be the Glory
TumugonBurahinDapat lang na ang mga ministrong itiniwalag ng pamamahala ng INC ..dahil sa paghahayag at pagbubunyag ng mga maling gawa at masasamang gawain ay dapat sanng manindigan sa katotohanan ng buong sikap at tapang.At sana sa bandang huli, hindi lang sana nila maalaman na mali ang sanggunian nila..kundi ang kabuuan ng iglesia nila ay mali..wala sa bibliya...HINDI TUNAY NA IGLESIA.
TumugonBurahinang mga maling gawain ay mahahayag sa pamamagitan ng mga taong kinakasangkapan ng DIOS. para sa mga ministro na nabiktima ng maling pagsasama-sama. Manindigan po tayo sa katotohanan dahil DIOS ang magiging katuwang natin para mabago ang kaisipan ng mga nasa maling paniniwala na gumagawa ng mga kabuktutan sa kapwa tao. Salamat po sa DIOS.
TumugonBurahinmaliwanagan nawa silang mga naliligaw
TumugonBurahinSana wag kayong maging mangmang,suriin nyo ang mga nangyayari sa iglesia ni manalo at madali nyo makikilala ang relihiyon na yan ay hindi sa DIOS.
TumugonBurahinSalamat sa DIOS at may kapatid na SORIANO!
Salamat sa Dios na may Bro Eli na handang magbunyag ng mga kabulukan ng iglesia ni manalo!
TumugonBurahinSalamat Sa Dios dahil kay Bro Eli, Bro Daniel Razon. Marami na kayong nasagip na kaluluwa sa pamamagitan ng pagsasabi ng KATOTOHANAN NG BIBLIA, sana ay marami pang mabuksang mga puso ang Panginoong Hesus at Dios Ama sa pamamagitan ninyo. MORE POWER! TO GOD BE THE GLORY!!!
TumugonBurahinLahat ng ipinaratang nila Kay bro. Eli bumalik sa knila kc sila talaga ang gumagawa sa mga ipinaratang nila Kay bro. Eli.. Salamat sa DIOS sa kaniyang DAKILANG KAHATULAN sa DIOS ANG LAHAT NG KARANGALAN AT KAPURIHAN MAGPAKAYLAN KANLAN MAN..AMEN.....
TumugonBurahinSalamat sa Dios sa pagbibigay sa atin ng mga tooting mangangaral ng Dios
TumugonBurahinTo God be the glory forever! More power #TheTruthCaster
TumugonBurahinNahuhubaran tuloy ang ating bansa at nalalantad sa kahihiyan dahil sa kabulukan nitong Iglesia ni Manalo maling relihiyon
TumugonBurahinWalang kabanalang inaasahan kundi kabalbalan.
Salamat sa DIOS at nakakapamayagpag ang katotohanan dahil sa blog na ito ni MrControversryExtraordinary
Salamat sa Dios
TumugonBurahinTO GOD BE THE GLORY
Hindi talaga mababanal ang grupong gumagawa ng kasamaan sa kapuwa. Mga malulupit, mapagpaimbabaw, at mapagsamatalang grupo katulad ng INC na kinakalakal ang salita ng Dios at hindi sinusunod ang tunay na aral sa biblia. Bagkus ay kinuha pa ang karangalan na ipinakilala sa kanilang miyembro na si Felix Manalo daw ang huling sugo na dapat ay kay Kristo. Salamat sa Dios at sa Panginoong Hesukristo sa pagkasangkapan kay Mr. Controversy X.
TumugonBurahinSalamat po sa Diyos. na humirang sa blog nato.
TumugonBurahin