Kapaimbabawan sa Iglesia, Pamamahayag, Mga Pulitiko, Lahat

6/08/2016 , 18 Komento


Huwag tayong magpaikot-ikot. Tawagin nating ispada ang ispada.

Ang taong ito ay nagsasabi na may problema ng korupsyon sa lahat ng antas at sektor. Ano ang gagawin? “Aminin ang suliranin, palabasin ang elepante.” At ano ang nakasasagabal dito? Kapaimbabawan! Ngayon, narito ang isang tao na tumatawag sa ispada na ispada.

“Mag prangkahan na tayo. Mas mabuti na sabihin ang totoo at sumang-ayon sa totoo. Sa halip na makipaglokohan sa pamamahayag. Iglesia, mga pulitiko, pulis, lahat. Mayroong isang talukbong ng kapaimbabawan. Ating alisin ang talukbong na ito upang ating maunawaan ang bawat isa at mabuhay sa demokrasya na pinatatakbo sa pamamagitan ng katotohanan, at hindi sa pamamagitan ng mga pansariling interes ng mga taong nagpapanggap. Hindi ako titigil. Magugugol ko ang buong anim na taon ng aking pagka-pangulo sa paglalantad sa inyo at pagbatikos sa inyo… Boykot? Mabuti kung maglaho kayo … Wala akong pakialam kung walang tatakip sa akin… Gawin ninyo ang biyahe na ito na huling biyahe ninyo sa Davao.” - Rodrigo Duterte, 6/2/2016 sa simula ng kumperensya ng mamamahayag, Malacanang ng Timog, Panacan, Davao City (http://www.sunstar.com.ph/davao/opinion/2016/06/03/editorial-elephant-room-477511)

Ang mga prangkang tapat na tao ay gumagamit ng mga diretsang salita. At mas mabuti kung ganoon ito.

Ako ay dumating sa pagpapahalaga mula sa malalim na kinapapalooban ng isang halaga, na aking pinaniniwalaan na na kay nahirang na Pangulong Rodrigo Duterte - sa pamamagitan ng pahayag na ito. Ang halaga na ito ay, gayunman, napawalang halaga gaya ng sinabi ng Pangulo, ng lahat ng mga institusyon ng mga tao, maging ito ay relihiyoso, pulitika, media, at pamahalaan. Ang kanyang obserbasyon na sa bawat dako ay mayroong isang talukbong ng kapaimbabawan ay totoo ayon sa Biblia!

TITO 1:16 
Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.

Ang kapaimbabawan, gaya ng kahulugan sa diksyonaryo, ay ang pagsasanay ng pag-aangkin ng moral na mga pamantayan o mga paniniwala kung kanino ang sariling pagkilos nito ay hindi tumutugma; ito ay pagpapanggap.

Ang kapaimbabawan ay malawakang pinagsasanayan sa mga relihiyon na itinayo ng mga tao. Samantalang kanilang ipinapahayag na kanilang nakikilala ang Dios, gumagawa sila ng mga ilegal na gawain, nagsasamantala sa bawat pagkakataon para sa mga pansariling interes.

MIKAS 3:11 
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

Kamakailan lamang, kinuha ng nahirang na Pangulo ang gawain ng Iglesia Katolika bilang “pinaka-tiwaling institusyon.” Sumunod, kanyang ginawang target ang media sa pagiging tiwali ng ilan sa kanila. Papaano naman ang sistema ng hustisya? Parating may “panahon” o “oras” sa bawat bagay sa ilalim ng araw. At ako ay naniniwala na ang oras ay dumating na para sa atin upang makita ang tunay na pagbabago.

ECLESIASTES 3:1-8 
1 Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:
2 Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim; 
3 Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo; 
4 Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw; 
5 Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap; 
6 Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon; 
7 Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita; 
8 Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan.

Ako, sa aking sarili mismo, ay nauuhaw at nagugutom sa katarungan dahil sa kapaimbabawan ng mga tao sa relihiyon at sa pamahalaan! Ako ay nagpapasalamat na may tao na nakaisip ng pagsusulat tungkol sa mismong mga duda na bumabagabag sa aking isip. Ako ay napayapa nang aking nabasa ang isang aklat ng isang walang takot na mamamahayag na nagbulgar ng isang bagay na aking pinagaatubilihan na ilantad sa pangamba ng panggigipit.


Ang aklat na ito, “Shadow of Doubt: Probing the Supreme Court” by Marites Danguilan Vitug (Philippine Trust Media Group, Inc. 2010, 268 pp) wrote on Pages 93-94 -

Talagang tumulong ng malaki na si Velasco ay inendorso ni Arsobispo Ricardo Cardinal Vidal ng Cebu, isang kamag-anak ng kanyang asawa, at ng Iglesia ni Cristo. Itinala ni Velasco si Cardinal Vidal bilang isa sa kanyang mga reperensya nang siya ay nag-aplay sa Korte Suprema. Tinanong tungkol sa nominasyon ng INC, sinabi ni Velasco , “Ang ilan sa aking mga kaibigan at mga kamag-aral ay maaaring nakalapit sa Iglesia ni Cristo.”

Makalipas ang mga taon, si Velasco ay nagsulat ng isang desisyon na pabor sa INC nang kanyang kinatigan ang tatlong buwan na suspensyon ng programa sa telebisyon, Ang Dating Daan, na kung kanino ang tagapagsalita ng programa ay gumamit ng mga opensibong lengguwahe laban sa isang ministro ng INC na isa ring tagapagsalita sa isang programa sa telebisyon, Ang Tamang Daan. Ang mga magkaribal relihiyosong ito ay dati na’ng nasa lalamunan ng isa’t isa sa loob ng mga taon.

Ang nakararami ay pumanig kay Velasco. Apat na mga hukom ng korte suprema ang hindi samang-ayon, na tinatawag ang desisyon na isang “paunang pagpigil” at samakatuwid, isang suntok sa kalayaan ng pagsasalita.
Ang pagkaunawa ay si Velasco’y nagbabayad ng kanyang mga utang sa INC. “Ito ay isang en banc na desisyon,” ang wika niya, pagpapabulaan sa inisip na pagkiling.

Ang Velasco na binabanggit sa aklat ay si Presbitero J. Velasco Jr., isang kasalukuyan na Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. Sa katunayan, si Velasco ay naghabla ng libelo sa may-akda at humingi ng P1-M na danyos - ang kauna-unahang umuupong Hukom ng Korte Suprema na nagsampa ng kasong libelo laban sa isang mamamahayag. Siya ay naghabla ng iba pang kaso nang ang artikulo ay lumitaw sa aklat ni Vitug na “Shadow of Doubt: Probing the Supreme Court.” Malaunan ay kanyang iniurong ang isa sa mga kaso ng libelo. (Purple Romero, “Justice Presbitero Velasco: Faced with 'ethical' issues,” RapplerDotCom, July 27, 2012),

Papaano naman ang mga ugnayan ng “iglesia at korte?” Kung ang isang grupo ay puwersahang umiimpluwensya, gaya ng kasanayan ng mga Iglesia ni Cristo, para sa pag-eendorso ng isang hukom, ang isa ay maaaring makatiyak na mayroong kahilingan na kailangan matugunan. Nasaan kung gayon matatagpuan ang katarungan sa kanilang ponente? Sa “INC lobbies for key gov’t positions,” Aries Rufo (RapplerDotCom, July 23, 2015) ay isinulat -

Kabilang sa mga hukom na naging mga benepisyaryo ng INC ay ang kasalukuyang Associate Justice Presbitero Velasco ng Korte Suprema at ang retiradong Justice Ruben T. Reyes ng Korte Suprema. Ang INC ay sumuporta rin sa kanila nang sila ay hinirang sa Court of Appeals sa simula pa. Hinirang din ni Arroyo si Reynaldo Wycoco, isang retiradong heneral at miyembro ng INC, bilang hepe ng NBI. Namatay si Wycoco noong 2005. (http://www.rappler.com/newsbreak/64529-inc-lobbies-key-government-positions).

Nakikita ko ang liwanag sa mga malaking pagbabagong inisyatiba na ito na inilulunsad ng nahirang na Pangulo kung saan ang disiplina ay maitatag.

Sulong, Pangulong Duterte! Kami ay nananalangin para sa iyo! At kung ikaw ay iiwan ng mga higanteng entidad ng media, hayaan ito. Kami ay naririto upang tumulong sa iyo. Maaari mong gamitin ang mga pasilidad ng UNTV ng libre upang lalong mapaglingkuran ang sambayanang Pilipino! Pagpalain ka nawa ng Dios!

Sincerely yours,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

18 (mga) komento:

Biblia: Ang Aklat na Pinaka Nagamit sa Maling Paraan sa Lahat ng Panahon

6/08/2016 , 1 Komento


Ipinakikita ng estatistika na ngayon ay may 6 na bilyong kopya ng Biblia ang naipagbili!


Bakit ko sinasabi na ang Biblia ay ang pinaka nagamit sa maling paraan sa lahat ng mga aklat? Ang mga lider relihiyoso, na nagtatag ng kanilang sariling mga relihiyon na gumagamit ng Biblia ( diumano ) bilang kanilang batayan, ay nagtuturo ng magkakasalungat na paniniwala at pananampalataya. Mali ang pagkakagamit, ang nasulat na salita ng Dios sa Biblia ay hindi maglalabas ng mga magandang resulta.

I TIMOTEO 1:8 
Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

Nadumhan sa pamamagitan ng mga ideya ng mga tao, ang kabutihan na nasa salita ng Dios ay namantsahan. Ang katotohanan ay nararapat na walang iba kundi ang katotohanan.

JUAN 17:17 
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.

KAWIKAAN 30:6 
Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.

Nahaluan ng mga kasinungalingan ng mga tao, ang katototohanan ay nawawala!

Ang mga katuruan ng Iglesia ni Manalo (INCM), na ang pagkakaisa ng mga Kristiyano na itinuro ng Panginoong Jesus ay nagsasali sa pagkakaisa sa pagboto sa eleksyon, ay hindi isang Biblikal na katotohanan! Ito ay isang ideya mula sa utak ni Manalo na kanyang isinaksak sa mga isip ng kanyang mga bulag na mga tagasunod. Ating suriin ito sa liwanag ng mga Kasulatan.

AWIT 133:1 
Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!

Ito ay mabuti at kaayaaya sa mga tao ng Dios na magsitahan na magkakasama sa pagkakaisa. Nguni’t anong mga sangkap ang nagbubunga ng kabutihan sa pagkakaisa?

ROMA 7:12 
Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.

Ang pagkakaisa ay nararapat na pinamamahalaan ng batas ng Dios, sa pamamagitan ng Evangelio. Ang mga Kristiyano sa unang siglo ay pinayuhan upang magkaisa sa pananampalataya sa Evangelio.

I CORINTO 1:10 
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

FILIPOS 1:27 
Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;

Pansinin na ang pagkakaisa sa isip at espiritu na itinuro ng Apostol Pablo sa mga tunay na Iglesiang Kristiyano ay pagkakaisa sa Evangelio, hindi sa eleksyon o sa alin pa mang mga makamundong gawain!

Hindi lahat ng mga pagkakaisa ay nagdadala sa maganda at kaayaayang mga resulta! Ang mga diakono at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ni Manalo, kasama ang isang minstro na presente, ay nasa pagkakaisa nang kanilang brutal na pinatay ang limang Katolikong mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ng dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan sa isang laro ng basketbol.

Sa aklat na Supreme Court Reports Annotated, Volume 339, August 28, 2000, People vs. Abella, ating mababasa:


Ang pagkakaisa sa mga kasapi ng Iglesia ni Cristo ni Manalo ay masyadong naimpluwensyahan ng mga maling pakahulugan ng mga biblikal na mga pahayag ng kanilang mga bulag na lider! Ito ay hindi nagdala ng kaayaaya at mabuting mga resulta! Sila ay tila pinagdikit na magkasama sa paggawa ng mga gawaing kriminal.


Philippine Daily Inquirer 
By Ramon Tulfo 
First Posted 02:40:00 07/07/2009

Ang pagsasaya sa isang nayon ng San Juan, Apalit, Pampanga ay naging marahas nang ang isang katolikong nagdiriwang ay nambasa ng tubig sa isang ministro ng Iglesia ni Cristo ( INC ).

Ang insidente ay naganap sa kasalukuyan ng piyesta ni San Juan Bautista kung kailan ang mga lokal na mga mamayanan ay nagsasaboy ng tubig sa mga dumdadaan sa mga mga lansangan. Si Joel Banag, 31, isang tsuper ng tricycle, ay nambasa ng tubig sa isang tila ministro ng iglesia na hindi niya nakilala. Diumano ang mangangaral ng INC ay nanuntok kay Banag, na kanya namang ginantihan ng suntok. Sila ay pinayapa at si Banag ay umuwi ng bahay.

Nguni’t ang insidente ay hindi natapos doon. Isang grupo diumano ng mga kasapi ng INC, na nakaarmas, ay nagpunta sa bahay ni Banag at siya ay pinalabas. Hindi lumabas si Banag, natatakot sa paghihiganti. Sa puntong ito, si Senior Police Officer 1 Avelino Balingit Jr. ng kapulisan ng Apalit, isang umano ay miyembro ng INC, ay pumasok sa bahay ni Banag at inaresto siya ng walang warrant. Samantalang si Banag ay dinadala sa himpilan ng pulis, ang kuyog ng INC umano ay ginulpi sa kanya ng sagad. Siya ay dumating sa himpilan na duguan at kalahating hubad dahil umano sa pinunit ang kanyang kamiseta ng mga dumaluhong sa kanya.

Kung ang Obispo ng INC Erano “Ka Erdie” Manalo ay magbabasa nito, nasisiguro ko na siya ay usok sa galit sa mga abusadong miyembro.

(Source:http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20090707-214205/Trillanes-should-look-at-himself-in-the-mirror)

Tandaan na sa lahat ng mga gawaing kriminal na ito, ang pagkakaisa sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ni Manalo ay napakalinaw na nakikita. Kung sila ay may tapang upang magpakita ng kanilang mga gawaing labag sa batas, sila ay tiyak na lalo pang magpaparangalan sa pagsuporta sa isang kandidato na idinikta sa kanila ng kanilang mga lider, na malaunan ay maaaring maimpluwensyahan, sa pamamagitan ng kanilang paniniwala na sila ay nagwagi sa halalan dahil sa kanilang mga boto, na susundan ng di masukat na mga pabor at proteksyon mula sa mga tiwaling mga pulitiko na ito. 

Nguni’t ano ang humubog sa pag-iisip ng mga Manalo upang manindigang matatag sa kanilang mga katuruan sa isahang pagboto?

Kailangan nating matuto mula sa kasaysayan!

God Bless.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

1 (mga) komento: