Hindi Pumapasa sa Pagsubok sa Propeta: Si Manalo ay Isang Bulaang Propeta!


Ang mga payahag ng mga propetang sinugo ng Dios ay eksakto. Ang mga ito ay nangyayari.

DEUTERONOMIO 18:22 
Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.

Ang mga pahayag na ginawa sa pangalan ng Panginoong na hindi nagkakaroon ng katuparan ay ang mga tanda ng isang bulaang propeta.

Ganito iyon: Ang katuparan o pangyayari ng isang hula ay isang tanda na ang hula ay maaaring nagmula sa Dios. Mayroon din kasing mga pagkakataon na ang mga pahayag ng mga bulaang propeta ay nangyayari sa pahintulot ng Dios. Ito ay pagsubok ng Dios sa katapatan ng Kaniyang bayan, subalit hindi kailanman maaari na ang isang hindi natupad na hula ay magiging sa Dios.

DEUTERONOMIO 13:1-3  
1 Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan,  
2 At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga dios, na hindi mo nakikilala, at ating paglingkuran sila;  
3 Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagka't sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.

Kaya ang diin ay doon sa hindi pagkakaroon ng katuparan.

Mayroon tayong maraming bilang ng mga bulaang propeta sa ating panahon na napatunayan sa pamamagitan ng kanilang hindi natupad na mga pahayag na nagsilbi bilang maling pagasa para sa kanilang mga nilinlang na mga tagasunod! Aming ipakikilala sa inyo ang ilan sa kanila.  

1. Mga Saksi ni Jehova - wakas ng sanglibutan

Ang lahat ng mga petsa tungkol sa Armagedon na ibinigay ng WTBTS ay nabigo, anupat nagpapatunay na ang mga lider ng mga Saksi ni Jehova ay pawang mga bulaang propeta!

“Katapusan ng Sanglibutan” Mga Hula Ang 1914 ay isa sa mga mahahalagang pagtaya ng simula ng digmaan ng Armagedon ng mga Saksi ni Jehova (Watch Tower and Tract Society). Kanilang kinalkula ang 1914 mula sa hula sa aklat ng Daniel, Kapitulo 4. Ang mga kasulatan ay tumukoy sa “makapito”. Ang WTS ay nagpakahulugan na ang bawat “tiyempo” ay katumbas ng 360 araw, na nagbibigay ng kabuuang 2520 araw. Ito ay malaunan pang pinakahuluganan bilang kumakatawan sa 2520 taon, na sinukat mula sa simula ng 607 BCE. Ito ay nagbigay sa 1914 bilang target na petsa. 1914, 1918, 1920, 1925, 1941, 1975 at 1994 ay ang ibang mga petsa na hinulaan ng Watchtower Society. Ang 1975 ay tila kinalkula bilang ika-6,000 anibersaryo ng pagkalalang kay Adan sa halamanan ng Eden sa 4026 BCE. Kanilang pinakahuluganan ang Awit 90:10 bilang pangtukoy sa haba ng isang henerasyon upang maging 80 taon. Yamang ang 1914 kung dadagdagan ng 80 ay katumbas ng 1994, kanilang hinulaan ang Armagedon ay mangyayari sa nalolooban ng taong yaon. Ang pinakahuling pagtaya ay 6,000 taon pagkatapos ng paglalang kay Eva, na dito’y walang petsa na maaaring matukoy na may kasiguraduhan.(http://www.preteristarchive.com/StudyArchive/t/theory_false-prophets.html)

2. Sabbath Day Adventists (SDA) - sa Pagdating ni Jesus

Nang ang Panginoong Hesukristo ay hindi bumalik sa petsa na kanilang inasahan siya, si Ellen G. White, isang propetisa ng Seventh Day Adventist Church, ay kaniya pang ipinasa ang kaniyang “pagkakamali” sa Dios!


3. Mormons - Para sa Bagong Herusalem sa Missouri

Diumano ito ay isang pahayag na mula sa Panginoon na ang Bagong Herusalem ay matatatag sa Kanlurang Hangganan ng estado ng Missouri na ngayon ay tinatawag na Independence, at isang templo ay tatayo para sa kaluwalhatian ng Dios ng mga Mormons na kailanman ay hindi nangyari!


4. Apollo Carreon Quibuloy - hinulaan kung sino ang magiging pangulo ng Pilipinas para sa 2010. 

Isang Pilipinong bulaang propeta na umaapaw sa kayabangan at paniniwala sa sarili na nag-angking siya ay “the appointed Son of God.” Ang pundador at lider ng iglesiang nakabase sa Pilipinas, the Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. ay nagsabi na isang partikular na kandidato ang magiging pangulo ng Pilipinas. Hindi ito kailanman nangyari sapagkat ang taong ito na natalo noong 2010 sa pambansang halalan sa Pilipinas!!!!


Kaniya ring sinabi na ang may-akda ng blog na ito ay nakatakda na sa kapahamakan at mamamatay makalipas ang anim na buwan mula sa oras na paghahayag ( ika-6 ng Pebrero 2005 ) na di umano ay kaniyang natanggap mula sa Panginoon. Ngunit salamat sa Dios makalipas ang 10 taon, ang inyong lingkod ay buhay pa rin. Sa Dios ang kaluwalhatian!


5. Harold Camping - sa katapusan ng sanglibutan

Humula si Camping ng makaitlo na ang sanglibutan ay magwawakas noong 1994, at makalawa noong 2011, subalit ang lahat ay nabigo, anupat pinatutunayan ito na siya ay isang bulaang propeta.  


6. Luis Miranda - sa katapusan ng sanglibutan at mga maling pag-aangkin

Ang bulaang Kristo na ito ay nagsabi na ang wakas ay sa ika-30 ng Hunyo 2012 ngunit nabigo! Hindi lamang ito isang bulaang propeta. Siya ay nag-angkin na siya ay “Christ incarnate” o Kristong nagkatawang-tao.


7. Pat Robertson - sa katapusan ng sanglibutan
Sinabi ni Robertson na ang paghuhukom ay darating sa sanglibutan sa katapusan ng 1982; ngayon ay ika-19 ng Agosto 2015.


8. Eraño Manalo at ang Pasugo 

Sinabi ni Eraño Manalo na ang mga anak ng kaniyang iglesia ay mananatiling matatag sa pananamapalataya hanggang sa wakas. Anim na taon makalipas ang kaniyang kamatayan, ang kaniyang mga anak na lalake at babae kasama ang kaniyang minamahal na asawa ay itiniwalag at itinapon sa labas ng kaniyang iglesia ng kaniyang mismong sariling anak na si Eduardo Manalo!

Sa panahon ni Felix Manalo, ama ni Eraño at lolo ni Eduardo, ang Pasugo ay humula na pagkatapos ng pangangaral ni Manalo, ang dapat sana ay ang “huling sugo ng Dios sa mga huling araw,” ang paghuhukom o ang katapusan ng sanglibutan ay darating. Ang gayong pahayag sa isang taong nag-iisip, na kagaya ng may-akda ng blog na ito, ay interesanteng maigi, nag-udyok sa kaniya upang gumawa ng mga pagsisiyasat tungkol sa mga katuruan ng sektang ito sa Pilipinas. Ang resulta ay hindi maiiwasang nagpapatunay na ang mga manunulat ng Pasugo at ang mga nagdidikta sa kanila ay pawang mga bulaang propeta!

(Pagkamatay ni Felix, pagkatapos ay darating ang paghuhukom. Walang sugo na susunod).



Narito ang isang sipi sa letra por letrang pahayag ni Eraño Manalo na narinig at sinampalatayanan ng bawat miyembro ng iglesia ni Cristo, itinatanim sa kanilang mga puso ang isang maling pag-asa!

"JEREMIAS 32:39-40"

At bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, upang sila’y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila...

"Tayo lang?"

...at ng kanilang mga anak pagkamatay nila:...

"Anong gagawin ng Dios?"

...At ako’y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin.

"Ano pong gagawin ng Dios sa iglesiang ito patuloy sa kaniyang mga anak? Ang sabi ng Dios, " ...bibigyan ko sila ng isang puso, isang daan, para sila’y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak... 

At ako’y makikipagtipan sa kanila ng isang tipang walang hanggan, hindi ako hihiwalay sa kanila, gagawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sila ng takot sa akin para huwag na silang magsihiwalay sa akin. Ganyan po kamahal ng Dios ang iglesiang ito at ang bawat isa sa inyo."
 

Ngunit sa mga social media sites, inyong mababasa na sila ay nagtatalo. Ang ilan ay nagsisialis dahil sa kamakailan-lamang na kontrobersiya na kinasadlakan ng grupo ng iglesiang ito. Ang ilan sa kanila ay natiwalag for spilling the beans in media o dahil sa pagsisiwalat ng mga lihim sa media. Ang mga nalalabi ay nalilito. Ang kanilang mga lider ang akusado ng maluhong paraan ng pamumuhay. Ang iglesia ay iniwanan ng katakut-takot na utang. Ang kanilang malalaking gusali gaya ng Philippine Arena ay sumisipsip ng maraming salapi para sa pagmamantine pa lamang subalit ang mga miyembro, karamihan sa kanila ay kabilang sa mahihirap sa Pilipinas, ay hindi sumasang-ayon sa layunin ng paggamit dito. Samantala, nagkaroon ng mga akusasyon sa mga politiko at sa mga INC na gumagamit sa isa’t isa at nagpapalitan ng pabor sa pamamagitan ng kwestiyonableng pagsasanay ng INC ng bloc voting o isahang pagboto.

Hindi na nga ba sila mangangalat? Ang mga itiniwalag na mga ministro at kritiko ay nananawagan para sa isang kilusan laban sa kanila sa kabila ng mga pagbabanta sa kanilang mga buhay mula sa looban. Sila ay nangalat. Hindi nakapasa si Manalo sa pagsubok sa propeta.

Si Eduardo Manalo, anak ni Eraño Manalo at ang ikatlong henerasyong Kataastasaang Tagamapamahala, ay nagtiwalag mula sa kanilang iglesia ng kaniya mismong sariling ina at mga kapatid. Bago iyon, ay pinaniwalaan ng publikong siya’y hindi nakikipag-usap sa kaniyang ina ng anim na taon, kahit na pagkatapos na ang mga video ay inilabas sa publiko na ang buhay ng mga nito ay nasa panganib.

Si Felix Manalo ay namatay ngunit ang paghuhukom ay hindi pa dumating, taliwas sa hula ng Pasugo. Si Eraño Manalo ay nagpahayag na ang kaniyang mga anak ay hindi na mangangalat. Subalit sila ay nangalat ng talagang pagkapangalat. Sila’y hindi maaaring magkasama.

Paano natin malalaman kung ang isang propeta ay sa Dios? Ang propetang sinugo ng Dios ay sa Dios.

JUAN 7:17-18  
17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

Ang propeta na sinugo ng Dios at sa Dios ay hindi nagsasalita ng sa kaniyang sarili at hindi naghahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian. Ngunit si Felix Manalo, ang pundador ng Iglesia ni Cristo, ay nagkaroon ng maraming mga pagaangkin. Sinabi niya na walang tatalikod, ngunit isaalang-alang ang mga kaso ng katiwalian na inihahayag ng kaniyang mga miyembro ngayon. Namatay siya subalit walang paghuhukom na dumating pagkatapos ng kaniyang kamatayan, na nagbibigay ng maling hula.

Ating hanapin ang katotohanan hindi sa kaluwalhatiang materyal ng isang samahan gaya ng mga magagarang gusali. Hindi ginagarantiyahan ng mga ito na ikaw ay matututo ng mga daan ng Dios.

Ating hanapin ang katotohanan hindi sa bilang ng mga tagasunod sapagkat ang mga pagsasanay na katulad ng pangkapatirang proteksyon ay makakaakit ng mga tagasunod ngunit gagawin kang lalong masama.

Ating hanapin ang katotohanan hindi sa pamamagitan ng haba ng pag-iral ng grupo, tatandaan na ang kasaysayan ng sangkatauhan ay isang saksi sa mga siglo at milenya ng pag-iral ng mga bulaang relihiyon sa planetang ito!

Ating tingnan, sa pamamatnubay ng Espiritu ng Dios, ang mga doktrina! Dapat sundin ng mga doktrina ang salita ng Dios - hindi binuo sa iilan lamang na piniling talata ng Biblia at pagkatapos ay sinimentohan ng tradisyonal na turo ng mga tao.

Sa aking mga kababayan, ang pagkapoot sa akin o ang panunumpa sa akin ay walang maidudulot na anumang buti sa inyo. Ang aking trabaho ay ang magsabi ng katotohanan, ako man ay inyong paniwalaan o hindi.

Sa aking mga kababayan, ipanalangin ninyo na gabayan sana kayo ng Panginoon sa inyong paghahanap sa katotohanan. Maging niyutral kayo at naniniwala akong makikita ninyo ang liwanag na nagniningning sa ibayo ng guhit ng hangganan ng mga maling pag-asang ipininta sa inyong mga ilusyon ng mga bulaang propeta na bumiktima sa karamihan sa inyo.

Pagpalain nawa kayo ng Dios!

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

173 (mga) komento: