Ang Kamangmangan Ay Mapagpapaumanhinan

3/05/2016 , 25 Komento


Pasko - di umano’y ang kapanganakan ni Kristo - ay ipinagdiriwang sa halos lahat na bahagi ng mundo sa ika-25 ng Disyembre taon-taon : isang maligayang panahon kung saan ang mga nagdiriwang ay mga ignoranteng bata. Ako ay nagmula sa isang pamilya ng walo (ako bilang ika-7 ) . Bilang laging “nahihiram” mula sa aking pamilya ng aking tiyahin na walang anak na si Auntie Toyang at Lola Pilar, na kapuwa debotong Katoliko, ay minahal ako na kagaya ng pagmamahal ng aking ina sa akin. Natatandaan ko pa nang ako’y naghahanap ng malaking medyas bago ako matulog bandang ika-7 o ika-8 ng gabi ng Disyembre 24 sa bawat taon sa tahanan ng aking tiya.

Naramdaman ko ang labis na kapanatagan sa bahay ng aking tiyahin, lalo na sa kapaskuhan, kung saan ako ay nasabik para sa pagdating ni Santa Klaus. Sa aming bahay ay walang larawan ni Santa Klaus, o sila man ay naghihintay sa kanyang pagdating. Ang aking ina ay naging kasapi ng Iglesia ng Dios noong 1934. Mula noon, sila ay timigil na sa pagdiriwang ng Pasko na gaya ng kanilang nakagawian nang sila ay mga Katoliko pa. Ang aking ama at ina ay dating debotong mga Katoliko. Hanggang sa edad 17, ang pagsapit ng Kapaskuhan ay nagpataas ng aking mga espiritu taon-taon sapagka’t ang aking tiyahin at lola ay nagturo sa akin na ito ang “pinakadakilang panahon ng taon” bilang sana ay ang “kapanganakan” ng ating Panginoong Hesukristo.Aking natutunan na gumalang sa Kristo ng Iglesia Katolika - sa kawalan ng kamalayan. Ako ay natruan na magbigay ng pinakamataas na paggalang sa estatwa na ito. Kailangan kong yumuko ng aking ulo kailanman at ako ay maglalakad sa harap nito at hindi ko man maituro ang aking daliri dito, na aking ikinalungkot ng malalim nang aking makilala ang tunay na Kristo ng Biblia.

Ang umaga ng Disyembre 25 ay naging espesyal na umaga para sa akin sapagka’t ako ay gumising sa mga regalo sa loob at sa palibot ng medyas na aking isinabit nang nakalipas na gabi sa may bintana. Ngayon, sa aking paggunita sa nakaraan, aking nakikita ang isang pobreng batang lalake sa akin limangpu’t pitong taon na ang nakalilipas; subalit ang lalong kaawaawa ay yaong mga namatay na hindi nalaman kung ano ang Pasko at ang lahat ng mga gawain na nakapalibot sa pagdiriwang nito. Mapalad ako ( Salamat sa Dios ) na nakatagpo ng karunungan sa pinaka edukasyunal na aklat na susundin - ang Biblia.

Ang kasaysayan ay nag-umpisa mula kay Cesar Agusto nang ang buong sanlibutan ay nararapat na buwisan:

LUCAS 2:1 
Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.

Si Jose at Maria, bilang nagmula sa angkan ni David, ay nangailangan na maglakbay mula sa Galilea hanggang sa Betlehem ( na tinawag na bayan ni David ) upang “magpatala” at magbuwis. Ito ay ang partikular na panahon ng taon nang si Maria ay nararapat na manganak sa batang si Hesus.

LUCAS 2:3-7 
3 At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan. 
4 At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David; 
5 Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan. 
6 At nangyari, samantalang sila'y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak. 
7 At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.

Sa gabi ring yaon, ang ebanghelistang si Lukas ay nagsasabi sa atin na mayroong mga pastor na nasa parang na nagbabantay sa kanilang mga kawan kung kanino ang mga anghel ay nagpahayag ng kapanganakan ng tagapagligtas na si Hesukristo.

LUCAS 2:8-11 
8 At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan. 
9 At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila'y totoong nangatakot. 
10 At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan: 
11 Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.

Sa puntong ito, tayo’y tumigil sandali at mag-isip. Maaari bang ang lahat ng ito ay mangyari sa ika-25 ng Disyembre?

Walang emperador Romano na kasing pantas ni Cesar Agusto ( tinutulan na nagbago ng pulitikal at pinansyal na sistema ng Emperyo Romano upang magsimula ng “bagong kaayusan”, na matibay na nagtatag sa emperyo sa sumunod na dalawang siglo at tinawag na “Golden Age of Rome’s Empire” o ang “Ginintuang Panahon ng Emperyo ng Roma” ), ay mag-uutos ng pagpapatala para sa layunin ng pagbubuwis, sa Disyembre o sa tagginaw - mangangahulugan ito na imposible para kay Kristo na ipanganak ng Disyembre 25 kung kailan ang kalupaan ng Banal na Lupain ay puno ng yelo, gumagawa upang maging napakahirap na maglakbay. Gamit ang sentido komun, walang pastor na maglalabas ng kanyang mga tupa sa gabi kung kailan ang mga parang ay hanggang tuhod ang taas ng yelo. Ang tanyag sa mali na katawagang “tatlong hari”, nagkataon, ay hindi binanggit sa Biblia, hindi naglakbay upang hanapin ang sanggol na bagong panganak - sa tagginaw!

MATEO 2:1-6 
1 Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi, 
2 Saan naroon ang ipinanganak na hari ng mga Judio? sapagka't aming nakita ang kaniyang bituin sa silanganan, at naparito kami upang siya'y sambahin. 
3 Nang marinig ito ng haring si Herodes, ay nagulumihanan siya, at pati ng buong Jerusalem. 
4 At pagkatipon sa lahat ng mga pangulong saserdote at mga eskriba ng bayan, ay siniyasat niya sa kanila kung saan kaya ipanganganak ang Cristo. 
5 At sinabi nila sa kaniya, sa Bet-lehem ng Judea: sapagka't ganito ang pagkasulat ng propeta, 
6 At ikaw Bet-lehem, na lupa ng Juda, Sa anomang paraan ay hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga pangulong bayan ng Juda: Sapagka't mula sa iyo'y lalabas ang isang gobernador, Na siyang magiging pastor ng aking bayang Israel.

Mahirap na paniwalaan na ang “tatlong hari” ay naglakbay na sila lamang sa gayon kalayong distansya sa tagginaw.

Si David, bilang isang hari, ay naglalakbay na kasama ang anim na raan na mga tauhan niya. Nakakaawa na makita na ang “tatlong hari” ay naglalakbay na sila lamang at walang kasama.

1 SAMUEL 23:13 
Nang magkagayo'y si David at ang kaniyang mga tao na anim na raan, ay tumindig at umalis sa Keila, at naparoon kung saan sila makakaparoon. At nasaysay kay Saul na si David ay tumanan sa Keila, at siya'y tumigil ng paglabas.

Ang kumplikadong mga kamalian na nagawa ng Katolikong pagdiriwang ng Pasko ay nakarating na ng masyadong malayo sa pag-impluwensya maging sa dapat sana ay matalinong kumpositor at mga manunulat ng awit. Ang “The First Noel” ay mayroong napakagandang melodiya, subali’t mayroong nakasusulasok na mga letra na naimpluwensyahan sa pamamagitan ng kamangmangan ng mga Katolikong paniniwala sa Pasko. Ang linya na “on a cold winter’s night that was so deep” ay nagpapaging tanga sa mga pastor sa pagdadala ng kanilang kawan sa isang gabi ng tagginaw.

“The First Noel, the Angels did say

Was to certain poor shepherds in fields as they lay

In fields where they lay keeping their sheep

On a cold winter’s night that was so deep. 
Sa isang malamig na gabi ng tagginaw na ubod ng lalim.

Noel, Noel, Noel, Noel

Born is the King of Israel!”

Upang magdagdag ng kakutyaan sa kamangmangan, ang iglesia sa Roma ay nagtakda sa kapanganakan ni Hesus sa ika-25 ng Disyembre na siyang pista ng paganong dios na araw ng Emperyo Romano.

Christian Overlays of Christmas

Ang dalawang mahahalagang kontribusyon ng paghahari ni Konstantino ay ang mga pagkakatatag ng mga petsa ng Pasko at Kuwaresma. Gayunman, ni ang mga kapistahan ay tangi at orihinal sa iglesia, ang mga ito ay nakapatong sa mas naunang mga tradisyon, at kapuwa nakaugnay sa araw, ang nauna ay sa kahabaan ng tagginaw at ang huli ay sa pangyayari sa tagsibol. Muli, ang pagdaan ng araw sa makalano ay nagpapakita ng astronomical na tema na inilapat sa dios Kristiyano.

Maaring hindi nakumpleto ni Konstantino ang petsa ng Pasko, nguni’t ang malinaw ay nagkaroon siya ng malaking impluwensya sa pagtatakda sa ika-25 ng Disyembre bilang kapanganakan ni Kristo. Pagkatapos ng pagwawagi ni Konstanino, noon marahil 320 o 353 C.E. ang iglesia ay nag-utos na ang Disyembre 25 ay magiging pirmihang araw ng paggunita para sa kapanganakan ni Krsito. Gayunman, ang petsa na ito ay matagal nang kinilala sa unang panahon na pagbabalik ng araw, para sa sinaunang panahon, bago ang pagkatatag ng kalendaryo Gregoryo, ang ika-25 ng Disyembre ay ang petsa ng kahabaan ng tagginaw, ang punto kung kailan ang araw ay nakaabot sa kanyang pinakamababang lakbayin sa ibaba ng ekwador, kung saan ito ay lumilitaw na nakatigil sa loob ng tatlong araw.

…si Papa Hulio I, sa ika-apat na siglo ay nag-utos sa isang komite ng mga obispo upang itatag ang petsa ng kapanganakan ni Hesus. Disyembre 25 ( ang araw ng Sol Invictus, ang hindi maaaring makitang araw ) ay napagpasyahan. Hindi nagkataon, yaon ay ang araw kung kailan ang “paganong mundo ay nagdiriwang ng kapanganakan ng kanilang mga Dios na Araw - Osiris ng mga Ehipsiyo, Griyegong Apollo at Bacchus, Adonis ng mga Kaldeo, Persiyanong Mithra - kung kailan ang Sodiyakong tanda ng Virgo ( ang araw ay ipinanganak ng isang birhen ) ay bumangon sa linya kung saan nagkikita ang langit at lupa sa karagatan. Kaya ang sinaunang kapistahan ng Winter Solstice, ang paganong pagdiriwang ng kapanganakan ng Araw, ay dumating na napagtibay ng Iglesya Kristiyana bilang ang kapanganakan ni Hesus, at tinawag na Pasko” (Crosbie). Natagpuan ng iglesiya ang kanyang sarili:


Ang mga pantas na lalake ( hindi ang tatlong hari ) ay sumunod sa bituin ( hindi nakasabit sa isang puno sapagka’t walang puno na may kaugnayan sa kapanganakan ni Hesus ) upang matukoy ang kinaroroonan ng sanggol na si Hesus sa isang bahay at hindi sa isang pasabsaban sapagka’t walang mapagmahal na mga magulang na magpapahintulot na ang kanilang bagong silang na sanggol ay magtagal sa isang pasabsaban. Sa huli ay lumipat sila sa isang bahay habang ang karamihan na nagsipunta sa Betlehem na pumuno sa mga tuluyan sa kasagsagan ng pagpapatala ay inaakalang nagsibalik na sa kanilang mga tahanan.

MATEO 2:9-11 
9 At sila, pagkarinig sa hari ay nagsiyaon ng kanilang lakad; at narito, ang bituing kanilang nakita sa silanganan, ay nanguna sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng sanggol. 
10 At nang makita nila ang bituin, ay nangagalak sila ng di kawasang galak. 
11 At nagsipasok sila sa bahay, at nangakita nila ang sanggol na kasama ng kaniyang inang si Maria; at nangagpatirapa sila at nangagsisamba sa kaniya; at pagkabukas nila ng kanilang mga kayamanan ay inihandog nila sa kaniya ang mga alay, na ginto at kamangyan at mira.

Ang mga katotohanan tungkol sa…

Christmas tree



Santa Klaus

Ang mga pagkakamali na nagresulta mula sa kamangmangan sa katotohanan ay hindi na maitatama. Hanggang ngayon, si Santa Klaus ang namamayani sa tanawin sa panahon ng Kapaskuhan. Ang mga Katoliko ay hindi nabigyan ng tamang impormasyon sa pagkawala ni Santa Klaus sa kanilang talaan ng mga santo. Kung ating tatanggapin ang internasyonal na pagkakilala ng Ignorantia juris non excusat, na sa kasaysayan ay dumating mula sa Emperyo Romano mismo, maraming Romano Katoliko ang mawawalan ng kanilang kaligtasan dahil sa isang paniniwala sa isang huwad na Kristo na ipinanganak sa isang huwad na petsa, napaliligiran ng mga hidwang katuruan, at isang pagdiriwang na masyadong komersyalisado - hindi maabot ng mahihirap kung para kanino ang tunay na Kristo ay ipinangak; nguni’t, ang kamangmangan ay mapagpapaumanhinan sa oras ng pagtanggap sa katotohanan.

Ang paksa na ito ay ang susunod kung loloobin ng Dios.

Truly yours in Christ,

Bro. Eli Soriano

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

25 (mga) komento: