Ang Literatura ng Biblia ay Pinakamataas sa Antas ng Husay!

2/06/2016 , 10 Komento


Bilang isang aklat, ang Biblia ay mapagkakatiwalaan bilang nasa pinakamataas na kalagayan na gawang literatura. Ang mga salita sa Biblia ay direktang nagmula sa Manlilikha, ang pinagmulan ng impormasyon na nagpapahayag ng Kanyang mga kaisipan at karunungan sa Kanyang mga nilalang gaya ng mga tao. Ang mga salitang ginamit mismo ng Dios ay nararapat na kilalanin at paniwalaan taglay ang ating pinakamataas na paggalang dito. Ang mga ito ay dalisay!

AWIT 12:6 
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.

Ang mga ito ay totoo!

JUAN 17:17 
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.

Ang mga ito ay nararapat na salitain ng mangangaral na kagaya ng pagkasalita ng Dios.

JEREMIAS 26:2 
Ganito ang sabi ng Panginoon, Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; huwag kang magbawas ng kahit isang salita.

Maging ang Panginoong Hesus, bagaman siya ay ang Anak, matapat Niyang sinalita ang salita ng Dios!

JUAN 12:49 
Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.

Ang pagkatha ng mga salita o paggamit ng mga ginawa ng mga tao na mga salitang kasingkahulugan ay isang tahasang kawalang paggalang sa Dios na Siyang orihinal na pumili ng mga salitang Kanyang sinasalita.

Ang mga tao ay tila hindi magalang na pumipili ng mga salita at mga pariralang iba sa salitang ginamit ng Dios sa isang partikular na okasyon. Ang isang magandang halimbawa ay ang salitang ginamit sa Mateo 16:18 nang sinabi ng Panginoon “... sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang “aking iglesia” o "ἐκκλησία" o "ekklēsia" (ek-klay-see'-ah) sa Griyego o " קהל" o "qâhâl" (kawhal) sa Hebreo.

Ang komunidad ng mga tao ng Dios ay tinawag na “Iglesia ng Dios” sa Biblia.

GAWA 20:28 
Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
Nguni’t pinili ng mga tao na matawag na “ Mga Saksi ni Jehova “, ipinalit ang mga salitang “mga saksi” sa salitang “iglesia” na ginamit upang deskribihin ang kongregasyon ng Dios!

Ang mga iba, bagaman gumagamit ng salitang “iglesia,” ay mapanghimagsik na nagpalit ng pangalang “Iglesia ng Dios” sa “Wesleyan Church” o “Presbyterian Church” o “Lutheran Chruch”, etc.

Ang tapat na lingkod ng Dios ay nararapat gumalang sa paggamit ng salita ng Dios kung alin ang ginamit ng Dios sa partikular na okasyon upang ipakita ang buong pagpapasakop sa Kanyang karunungan!

MATEO 4:4 
Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Ang mga dahilan kung bakit ang salitang “papa” ay hindi matatagpuan sa Biblia ay:

(1) Walang katungkulan sa iglesia na ginawa ng Dios na gaya ng tungkulin ng papa, at

(2) Ang apostol Pedro, na inaangkin ng mga Katoliko na umano’y ang unang papa, kailanman ay hindi naging papa!

I CORINTO 12:28 
At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.

Kung ang tungkulin ng mga apostol ay ang una sa iglesia, at si Pedro ay isa sa mga unang apostol na tinawag ni Kristo, kung gayon ay malinaw na ang katungkulan ng Papa, na kinatha ng mga Katoliko, ay hindi umiiral sa Biblia! Ang katungkulan ng papa ay ang pinakamahalagang tungkulin sa buong Iglesia Katolika. Siya ang ulo ng buong organisasyon.


Papaanong magiging tunay na iglesia ang Iglesia Katolika samantalang ang pinakamataas na katungkulan ay hindi matatagpuan sa Biblia! Bukod dito, kung ang Iglesia Katolika ay itinayo ng Panginoong Hesukristo, “ang mga pintuan ng impyerno ay hindi nararapat na makapanaig dito!” Ito ba ay totoo sa katungkulan ng Papa? Hayaan nating tumugon ang mga awtoridad Katolika.


Ang pariralang “most notorious” o “pinakabantog sa kasamaan” ay nangangahulugan na nagkaroon ng maraming bantog sa kasamaan na mga papa sa kasaysayan ng Katolika Romana! Mapapatunayan ba ngayon ng sinoman na mayroon nga talagang hindi naputol at hindi nasira sa paghahalili ng kapangyarihan mula sa Apostol Pedro hanggang sa kasalukuyang papa? Nang ang mga pinuno ng mga Israelita ay naging sakop ng “mga pintuan ng impyerno” ( Ang pintuan ay daanan upang mapasok ang partikular na lugar, at ang kasamaan ay ang pintuan ng impyerno), iniwan sila ng Dios, kung kaya’t walang Dios sa kanila.

II CRONICA 15:3 
Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan:

Bakit? Sapagka’t kanilang kinalakal ang relihiyon!

MIKAS 3:11 
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

Hindi ba totoo na ang mga paring katoliko ay gumaganap dahil sa salapi? Mga binyag, kumpil, seremonya ng kasal, mga misa at maraming iba pang mga ritwal ay binabayaran ng mga miyembro ng Iglesia Katolika. Sa nangyayaring ito sa Katolika Romana, totoo ba na “walang kasamaan na sumapit sa kanila?” Maging ang katungkulan ng papa, ang pinakamataas sa pamunuan ng Iglesia Katolika, ay tinamaan ng lahat ng uri ng mga kasamaan sa mahabang kasaysayan ng Iglesia Katolika. Sa kasalukuyan ay may mga reklamo ng napakaraming uri ng mga abuso na may sapat na popularidad upang magkamit ng merito ng isang entrada sa Guiness Book of World Records.


[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

10 (mga) komento:

Ang Karanasan ay Mabuting Tagapagturo; Nguni't ang Panginoon ng Biblia ay ang Pinakamahusay!

2/03/2016 4 Komento


Saludo ako sa mga marangal na layunin ng Commission on Human Rights (CHR) . Sa aking bansa, may kilala ako na mga komisyoner ng CHR na walang kinikilingan at naninindigan sa kanilang mga prinsipyo at integridad. Karapatdapat para sa kanila ang pinakamataas na pagkilala sapagka't ito'y nauukol sa kanila.

ROMA 13:7 
Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.

Upang maging walang kinikilingan at patas sa disposisyon ng isang kaso samantalang ang isang tao ay napaliligiran ng mga banta at gumagamit ng impluwensya, lalo na, kung ang mga gumagamit ng impluwensya ay humahawak ng mga matataas na posisyon sa pamahalaan ay hindi napakadaling gawain upang gawin.

Ang isang tao na hindi nagnanakaw ay hindi kapagdaka’y matatawag na tapat at hindi magnanakaw. Ang isang tapat na tao (at hindi magnanakaw) ay isang tao na hindi nagnanakaw maging sa panahon na mayroong pagkakataon upang gawin ito. Ang tao na naninindigan sa mga prinsipyo ng katarungan kahit na nasa ilalim ng pamumuwersa ay isang matuwid na tao.

Nalalaman ko na ito ang naging kalagayan niyaong mga humawak sa aking petisyon sa CHR-NCR na nagpasya ng pabor sa akin laban sa opisyal ng pamahalaan na kanilang nasumpungang lumabag sa aking mga karapatang pantao. Dahil dito at sa kanilang mga pagsisikap, aking dalangin na sana'y gantimpalaan sila ng Makapangyarihan sa lahat.

Upang magbigay ng karangalan at kapurihan sa kung kanino hindi ito nauukol ay ang pinakamataas na kahangalan na magagawa ng isang tao.

KAWIKAAN 24:24 
Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:

KAWIKAAN 15:5 
Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan.


Nguni't ang aking pagpapahalaga ay may kaakibat na pagka-awa at simpatya sa mga taong ito na may integridad at katapangan sa pagsisilbi ng tunay na katarungan.

Ang Commision on Human Rights sa aking bansa ay hindi maaaring umusig sa mga yaon na napatunayang nagkasala ng paglabag sa mga karapatang pantao. Ang proseso ay para sa kanila ang magrekomenda sa pagsasampa ng isang kaso laban sa lumalabag na opisyal sa Ombudsman. Ang Ombudsman, bagaman, itinuturing na isang malayang opisyal ay hinirang ng Pangulo. Kung ang tanggapan ng Ombudsman ay magbabasura ng petisyon ng nagreklamo, ang mga pinaghirapan ng CHR ay halos masasayang. Kung ang tao na inihabla ay hinirang ng Pangulo; at ang Ombudsman ay hinirang din ng Pangulo, inyo bang mahuhulaan kung ano ang mangyayari sa reklamo?

Ang karanasan ay mabuting tagapagturo; nguni't ang Panginoon ng Biblia ay ang pinakamahusay!

JOB 9:24 
Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?

Maraming mga bansa sa mundo ang sinalot ng mga korupsyon at mga kawalan ng hustisya. Ang korupsyon ay hindi maaaring magsimula sa mga karaniwang mamamayan. Ang mga ito ay nagmumula sa mga tiwaling mga opisyal at mga pinuno.

MIKAS 3:11 
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

Nguni't ang mga tunay na mukha ng mga tiwaling lider ay nakatago sa mga tao dahil sa kanilang mga makalupang karunungan at katalinuhan.

ECCLESIASTES 8:1 
Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago.

Nguni't walang sapat na dami ng make-up o pampaganda, karunungan, o kapaimbabawan ang makapagkukubli ng tunay na katauhan ng mga tiwaling lider mula sa isang tao na nakaaalam ng karunungan ng Dios sa Biblia. Ang tumataas na bilang ng mga katibayan ay madaling mababatid sa pamamagitan ng magagawang gabay ng pinakamahusay na tagapagturo!

KAWIKAAN 29:2 
Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
Ang kawalan ng katiwasayan at kawalan ng kasiyahan ay mga sintomas ng isang umiiral na kultura ng katiwalian sa alinmang pamahalaan. Ang mga hinagpis at panaghoy ng mga tao ay tiyak na tutukoy sa sanhi ng sakit ng lipunan.

Bagaman sa sektor ng relihiyon, ako ay nasa media sa nakalipas na tatlong dekada. Nakihalubilo ako sa mga pinakamahusay at kilalang personalidad sa media. Ako ay naging panauhin sa halos lahat ng uri ng programa sa telebisyon at radyo. Ito ay hindi hanggang ngayon, kamakailan lamang, na aking nalaman na ang mga tauhan ng media na nag-uulat ng mga 'political developments' ay iginapos na gaya ng mga baboy ng mga awtoridad. Mapalad ako dahil ako'y wala roon. Sa aking opinyon, ito ay isa na namang paglabag sa mga karapatang pantao, lalo na sa mga mamamahayag, nguni't hindi ko maipapayo sa kanila na magsampa ng kaso sa Commission on Human Rights dahil maaari nilang maranasan ang aking mabuting tagapagturo. Ito ay tiyak na hindi magiging kaaya-ayang karanasan. Ang ating tanging pag-asa para sa tunay na katarungan ay sa luklukan ng hukuman ng Dios.

ECCLESIASTES 12:14 
Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.

May nagsabi sa akin, na isang tao (marahil ay isang huwad na apostol) na nagkomento “…pinakawalan na sila, hindi sila finaylan (no case was filed against them)…”(“… they were freed and were not charged”); narinig ko ang ang kanyang sinabi, "nakikisimpatya ako sa iyo. Naaawa ako sa iyo kung hindi ka nakararamdam ng awa sa iyong sarili dahil ang iyong sinabi ay hindi dapat sinasabi ng isang tao na may kalibre na inaakala ng iba’y iyong tinataglay. Sa bagay na ito ang masasabi ko, "No comment." Subali't ang Biblia ay nagsasabi nito:

JUDAS 1:10 
Datapuwa't ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.

Sa ating mga mamahayag sa media, sa susunod ay huwag kayong masyadong lumapit sa pagtutok sa alinmang pangyayari, ang inyong katapangan ay maaaring magdala sa inyo sa bilangguan. Mabuti kung kayo ang magiging katulad ni Enoc.

HEBREO 11:5 
Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:

Sincerely in Christ

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

4 (mga) komento: