Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post

Pista ng Lahat ng Mga Kaluluwa at Pista ng Lahat ng mga Santo nasa Hula?


Ang mga hula na natupad sa Katolisismong Romano na naaayon sa Biblia na mga propesiya ay sinadya upang matupad na walang paltos. Ang katuparan ay nagpapatunay ng pag-iral ng Dios na nagpauna sa mga ito.

ISAIAS 46:9-10 
9 Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko; 
10 Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:

Tanging ang tunay na Dios ang may kapangyarihan upang makita ang hinaharap. Walang tao sa kanyang sariling katalinuhan na mayroong pinaka modernong technological know-how ang makapagsasabi ng eksakto kung ano ang mangyayari sa hinahaharap.

KAWIKAAN 27:1 
Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.

Ang hula ng Dios ay nahayag sa pamamagitan ng bibig ng Kanyang mga propeta, gaya ng Panginoong Hesukristo.

DEUTERONOMIO 18:18 
Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.

GAWA 3:22,20 
22 Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya.
20 At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo, na si Jesus: 

Sa alin mang okasyon na ang nagpapanggap na propeta ay nagsasabi ng mga hula sa pangalan ng Panginoon at hindi nangyari, ang gayon ay isang bulaang propeta!

DEUTERONOMIO 18:22 
Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.

Sa kabaligtaran, ang katuparan ng isang sinalitang hula ay ang katunayan na ang propetang yaon na nagsalita nito ay sinugo ng Dios. Sa panukat na ito ay maraming mga propeta ngayon ang katuparan ng hula tungkol sa pagdating ng maraming bulaang propeta!

MATEO 24:24 
Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.

1 JUAN 4:1 
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

Ang mga propeta na sinugo ng Dios ay humula na marami ang mag-iibig na makinig sa mga bulaang propeta at sa kanilang mga katha.

2 TIMOTEO 4:3-4 
3 Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; 
4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha.

Ang salitang katha sa lengguwaheng Griyego ay μῦθος (muthos) na nangangahulugang katha o kuwentong katha.

moo’-thos

Marahil mula sa kapareho ng G3453 (sa pamamagitan ng ideya ng turo); isang kuwento, na, katha (“myth”): - pabula.

* (Strong’s Hebrew and Greek Dictionaries, Dictionaries of Hebrew and Greek Words taken from Strong’s Exhaustive Concordance by James Strong, S.T.D., LL.D., 1890.)

Ang doktrina ng limbo, purgatoryo, rosaryo, antanda ng krus, misa, ang hindi maaaring magkamali ng mga papa, Pista ng Lahat ng mga Kaluluwa, Pista ng Lahat ng mga Santo at marami pang iba ay ni hindi naaayon sa Biblia o maka-katuwiran man! Ang mga salitang ito, maging ang pinaka ideya na kanilang pinaparating, ay hindi ayon sa Biblia. Wala saan man sa Biblia na maaaring nating matagpuan ang salitang limbo, purgatoryo, rosaryo, masa, antanda ng krus, papa, Pista ng Lahat ng mga Kaluluwa at Pista ng Lahat ng mga Santo.

Kung ang mga Katolikong papa ay nagsasalita ng hindi maaaring magkamali (ex-cathedra) gaya ng kanilang inaangkin, bakit naman ang kasalukuyang papa ay nagdeklara na ang limbo, na naging bahagi ng mga katuruan ng lahat ng mga nagdaang mga papa, ay hindi umiiral?


Kanila mang ideklara ito o hindi, hindi lamang ang doktrina ng limbo ay hindi umiiral. Ang mga apostol ay hindi bumanggit ng anumang bagay tungkol sa Pista ng Lahat ng mga Kaluluwa at sa Pista ng Lahat ng mga Santo! Ang mga Kristiyano sa unang siglo ay hindi nagdiwang ng pista para sa mga patay o para sa mga kaluluwa sa purgatoryo. Ni ang pagdiriwang ng “All Hallows Eve” o “Halloween” ay maaaring matagpuan sa Biblia!

Ang Kristiyanong paniniwala ay dapat na nakabatay sa mga katuruan ng Panginoong Hesukristo - walang dagdag, walang bawas. Ang mga katuruan na ito ay isinulat sa mga pahina ng Biblia sa pamamagitan ng mga nakakitang saksi.

JUAN 1:1-4 
1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 
2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. 
3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. 
4 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.

Ang ating pagkatuto ay hindi nararapat humigit sa kung ano ang isinulat.

1 CORINTO 4:6 
Ang mga bagay ngang ito, mga kapatid, ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.

Ang isinulat ay ang ipinag-utos ng Panginoon upang masulat.

1 CORINTO 14:37 
Kung iniisip ninoman na siya'y propeta, o ayon sa espiritu, ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo'y isinusulat ko, na pawang utos ng Panginoon.

Alin mang artikulo ng pananampalataya na hindi nasulat sa Biblia ay nahuhulog sa pabula! Hindi natatagpuan sa Biblia ang limbo, purgatoryo, nobena, rosaryo, misa, antanda ng krus, ang Pista ng lahat ng mga Santo, ang Pista ng lahat ng mga Kaluluwa gaya ng nasa mga sumusunod:

LIMBO

PURGATORYO

Sa mga sulat ni Agustino (namatay, 430 A.D.) ang doktrina ng purgatoryo ay unang binigyan ng depinidong porma, bagaman siya mismo ay nagpahiwatig ng duda sa ilang mga bahagi nito. Ito, gayunpaman, ay hindi hanggang sa ika-anim na siglo na ito’y nakatanggap ng pormal na hugis sa mga kamay ni Gregoryo ang Dakila, na humawak sa tanggapan ng papa mula 590 hanggang 604 A.D.

Ang doktrina tungkol sa purgatoryo ay naiproklama bilang artikulo ng pananampalataya noong 1439, sa pamamagitan ng konseho ng Florence, at pagkatapos ay nakumpirma sa pamamagitan ng Konseho ng Trent, noong 1548. Ang Eastern Orthodox Church, nagkataon, ay hindi nagtuturo ng doktrina ng purgatoryo.

http://home.computer.net/~cya/cy00026.html


NOBENA

Ang nobena sa karangalan ni San Francisco Javier, kilala bilang “Nobena ng Grasya”, ang nagsimula gaya ng sumusunod: noong 1633 si Padre Mastrilli, S.J., ay nasa bingit ng kamatayan bunga ng isang aksidente, nang si San Francisco Javier, kung kanino siya ay nagkaroon ng malaking debosyon, ay napakita sa kanya ay hinikayat siya na ilaan ang kanyang sarili sa mga misyon ng mga indiano. Si Padre Mastrilli pagkatapos ay gumawa ng panata sa harap ng kanyang probinsya na siya ay paroroon sa mga Indiano kung ililigtas ng Dios ang kanyang buhay, at sa isa pang aparisyon (ika-3 Enero 1634) ay humiling sa kanya si San Francisco Javier ng panibago sa kanyang pangako, ipinagpauna sa kanya ang kanyang pagiging martir, at nagpapanumbalik sa kanyang kalusugan ng buo kaya’t sa gabi ring yaon si Padre Mastrilli ay nasa kundisyon upang isulat ang ulat ng kanyang paggaling, at sa sumunod na umaga upang ipagdiwang ang misa sa altar ng santo at upang ipagpatuloy ang kanyang buhay komunidad. Sa madaling panahon ay pumalaot siya para sa mga misyon sa mga Hapones kung saan siya ay naging martir, ika-17 ng Oktubre 1637. Ang kabantugan ng himala ay mabilis na kumalat sa Italya, at nagbigay inspirasyon na may pagtitiwala sa kapangyarihan ang kabutihan ni San Francisco Javier, ang mga mananampalataya ay namanhik ng kanyang tulong sa isang nobena na may gayong tagumpay na ito ay dumating sa pagkatawag na “nobena ng grasya”. Ang nobena ngayon ay ginagawa sa publiko sa maraming mga bansa mula ika-4 hanggang ika-12 ng Marso, ang huli bilang ang kaarawan ng kanonisasyon ni San Francisco Javier kasama si San Ignacio.

http://www.newadvent.org/cathen/11141b.htm

ROSARIO


MISA

Ang Sakripisyo ng Misa 

Ang salitang Misa ay unang itinatag sa kanyang sarili bilang heneral na designasyon para sa Sakripisyo ng Eukarista sa Kanluran pagkatapos ng panahon ni Papa Gregoryo ang Dakila (d.604), ang naunang Iglesia na gumagamit sa ekspresyon na “pagpuputol-putol ng tinapay” (fractiopanis) o “liturgy” ( Gawa 13:2, leitourgountes): ang Griyegong Iglesia ay gumamit ng huli ng pangalan sa halos labing anim na siglo.


SIGN OF THE CROSS

ALL SAINT'S DAY

ALL SOULS DAY

Ang lahat ng mga sumunod na mga doktrina at mga artikulo ng pananampalataya ay ang larawan ng katuparan ng hula tungkol sa pagdating ng mga bulaang Kristo at mga huwad na mga propeta na magbabaling ng mga tainga ng kanilang mga tagasunod mula sa katotohanan sa mga kasinungalingan!

Ang lahat ng mga katuruang ito ay dumating sa isip ng mga tagapagturong Katoliko sa maraming daang mga taon pagkatapos ng kamatayan ng mga apostol, na simpleng nangangahulugan na sila ay hindi maka-apostol.

2 TIMOTEO 4:4 
At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha.

Kung mayroong sinoman na makapagsasabi ng mga talata upang patunayan na ang mga katuruang ito ay ayon sa Biblia, kayo ay most welcome.

Brother Eli Soriano

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Biblia: Ang Aklat na Pinaka Nagamit sa Maling Paraan sa Lahat ng Panahon


Ipinakikita ng estatistika na ngayon ay may 6 na bilyong kopya ng Biblia ang naipagbili!


Bakit ko sinasabi na ang Biblia ay ang pinaka nagamit sa maling paraan sa lahat ng mga aklat? Ang mga lider relihiyoso, na nagtatag ng kanilang sariling mga relihiyon na gumagamit ng Biblia ( diumano ) bilang kanilang batayan, ay nagtuturo ng magkakasalungat na paniniwala at pananampalataya. Mali ang pagkakagamit, ang nasulat na salita ng Dios sa Biblia ay hindi maglalabas ng mga magandang resulta.

I TIMOTEO 1:8 
Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

Nadumhan sa pamamagitan ng mga ideya ng mga tao, ang kabutihan na nasa salita ng Dios ay namantsahan. Ang katotohanan ay nararapat na walang iba kundi ang katotohanan.

JUAN 17:17 
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.

KAWIKAAN 30:6 
Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.

Nahaluan ng mga kasinungalingan ng mga tao, ang katototohanan ay nawawala!

Ang mga katuruan ng Iglesia ni Manalo (INCM), na ang pagkakaisa ng mga Kristiyano na itinuro ng Panginoong Jesus ay nagsasali sa pagkakaisa sa pagboto sa eleksyon, ay hindi isang Biblikal na katotohanan! Ito ay isang ideya mula sa utak ni Manalo na kanyang isinaksak sa mga isip ng kanyang mga bulag na mga tagasunod. Ating suriin ito sa liwanag ng mga Kasulatan.

AWIT 133:1 
Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!

Ito ay mabuti at kaayaaya sa mga tao ng Dios na magsitahan na magkakasama sa pagkakaisa. Nguni’t anong mga sangkap ang nagbubunga ng kabutihan sa pagkakaisa?

ROMA 7:12 
Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.

Ang pagkakaisa ay nararapat na pinamamahalaan ng batas ng Dios, sa pamamagitan ng Evangelio. Ang mga Kristiyano sa unang siglo ay pinayuhan upang magkaisa sa pananampalataya sa Evangelio.

I CORINTO 1:10 
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

FILIPOS 1:27 
Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;

Pansinin na ang pagkakaisa sa isip at espiritu na itinuro ng Apostol Pablo sa mga tunay na Iglesiang Kristiyano ay pagkakaisa sa Evangelio, hindi sa eleksyon o sa alin pa mang mga makamundong gawain!

Hindi lahat ng mga pagkakaisa ay nagdadala sa maganda at kaayaayang mga resulta! Ang mga diakono at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ni Manalo, kasama ang isang minstro na presente, ay nasa pagkakaisa nang kanilang brutal na pinatay ang limang Katolikong mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ng dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan sa isang laro ng basketbol.

Sa aklat na Supreme Court Reports Annotated, Volume 339, August 28, 2000, People vs. Abella, ating mababasa:


Ang pagkakaisa sa mga kasapi ng Iglesia ni Cristo ni Manalo ay masyadong naimpluwensyahan ng mga maling pakahulugan ng mga biblikal na mga pahayag ng kanilang mga bulag na lider! Ito ay hindi nagdala ng kaayaaya at mabuting mga resulta! Sila ay tila pinagdikit na magkasama sa paggawa ng mga gawaing kriminal.


Philippine Daily Inquirer 
By Ramon Tulfo 
First Posted 02:40:00 07/07/2009

Ang pagsasaya sa isang nayon ng San Juan, Apalit, Pampanga ay naging marahas nang ang isang katolikong nagdiriwang ay nambasa ng tubig sa isang ministro ng Iglesia ni Cristo ( INC ).

Ang insidente ay naganap sa kasalukuyan ng piyesta ni San Juan Bautista kung kailan ang mga lokal na mga mamayanan ay nagsasaboy ng tubig sa mga dumdadaan sa mga mga lansangan. Si Joel Banag, 31, isang tsuper ng tricycle, ay nambasa ng tubig sa isang tila ministro ng iglesia na hindi niya nakilala. Diumano ang mangangaral ng INC ay nanuntok kay Banag, na kanya namang ginantihan ng suntok. Sila ay pinayapa at si Banag ay umuwi ng bahay.

Nguni’t ang insidente ay hindi natapos doon. Isang grupo diumano ng mga kasapi ng INC, na nakaarmas, ay nagpunta sa bahay ni Banag at siya ay pinalabas. Hindi lumabas si Banag, natatakot sa paghihiganti. Sa puntong ito, si Senior Police Officer 1 Avelino Balingit Jr. ng kapulisan ng Apalit, isang umano ay miyembro ng INC, ay pumasok sa bahay ni Banag at inaresto siya ng walang warrant. Samantalang si Banag ay dinadala sa himpilan ng pulis, ang kuyog ng INC umano ay ginulpi sa kanya ng sagad. Siya ay dumating sa himpilan na duguan at kalahating hubad dahil umano sa pinunit ang kanyang kamiseta ng mga dumaluhong sa kanya.

Kung ang Obispo ng INC Erano “Ka Erdie” Manalo ay magbabasa nito, nasisiguro ko na siya ay usok sa galit sa mga abusadong miyembro.

(Source:http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20090707-214205/Trillanes-should-look-at-himself-in-the-mirror)

Tandaan na sa lahat ng mga gawaing kriminal na ito, ang pagkakaisa sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ni Manalo ay napakalinaw na nakikita. Kung sila ay may tapang upang magpakita ng kanilang mga gawaing labag sa batas, sila ay tiyak na lalo pang magpaparangalan sa pagsuporta sa isang kandidato na idinikta sa kanila ng kanilang mga lider, na malaunan ay maaaring maimpluwensyahan, sa pamamagitan ng kanilang paniniwala na sila ay nagwagi sa halalan dahil sa kanilang mga boto, na susundan ng di masukat na mga pabor at proteksyon mula sa mga tiwaling mga pulitiko na ito. 

Nguni’t ano ang humubog sa pag-iisip ng mga Manalo upang manindigang matatag sa kanilang mga katuruan sa isahang pagboto?

Kailangan nating matuto mula sa kasaysayan!

God Bless.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Mula sa Silangan hanggang sa Kanluran


Isa sa mga nagmamalasakit na nagbabasa ng blog site na ito ay nagtanong, “ Mayroon bang anumang hula sa Biblia tungkol sa Pilipinas?” Agad ay pumasok sa aking isip nang sa mga panahon ng 1980, isang kritiko sa Pampanga kung saan ako ay nangangaral gabi-gabi ay nagtanong, “Mababasa mo ba ang Pilipinas sa Biblia?” At mula doon ay sumunod ang maraming pagtalakay hinggil sa kung ano ang hindi mababasa sa Biblia. Bilang halimbawa, bagaman ang ampalaya ay wala sa Biblia, bitter gourd sa Ingles, ang esensya at ang pagiging gulay nito ay nasa Biblia. Babasahin ko sa inyo ang aklat ng Genesis 1:11-12,29 -

"11 At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon. 
12 At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti. 
29 At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain:"

Malinaw sa talata na ang Dios ay lumikha ng bawa’t pananim upang maging pagkain. Ang bawa’t panananim ay nangangahulugan na bawa’t halaman at bawa’t gulay sa kanyang uri. Ibig ko na mapansin ninyo ang salitang “ayon sa kanyang pagkapananim” at “nagkakabinhi”. Ang ampalaya na nahuhulog sa ketegoryang ito. Pinatutunayan ito ng Exodo 12:8.

"At kanilang kakanin ang laman sa gabing yaon, na inihaw sa apoy, at tinapay na walang lebadura, kakanin nilang kaulam ng mapapait na gulay."

Nang ipag-utos ng Dios sa mga Israelita na ipagdiwang ang Pascua, sila ay tinuruan ng Dios upang kumain ng kordero ng Pascua kasama ang mapapait na gulay at walang pag-aalinlangan na ang ampalaya ay mapait. Kaya hindi nangangahulugan na kung ang isang partikular na pangalan ay hindi binanggit sa Biblia, ito ay wala sa Biblia. Sa katunayan, ang Biblia ay ang salamin kung saan ating masusukat o makikita ang mga bagay na umiral mula sa paglalang. Maging yaong mga naglaho na ay matatagpuan sa Biblia. Bilang halimbawa, ang mga dinosaurs, bagaman sila ngayon ay wala na, ay binanggit sa Biblia. Sila ngayon ay wala na, subali’t sila ay nasa Biblia. Gayon ding bagay ang sa Pilipinas. Ito ay nadiskubre ni Ferdinand Magellan noong March 16, 1521, at pinangalanan sa karangalan ni Haring Felipe II ng Espanya, noong mga 1543. Kaya tinawag ito na “Las Islas Filipinas” o Ang Kapuluang Pilipinas.

May mga dakilang bansa sa mundo ngayon na umiiral na ang pangalan ay wala sa Biblia. Mayroong pahiwatig na ang bansang Cyprus, bagaman ang salitang “Cyprus” ay hindi binanggit, ang Biblia ay bumabanggit nito bilang Chittim; subali’t ang salitang Cyprus ay wala sa Biblia. Ang Amerika, Gran Britanya o ang United Kingdom ay hindi rin masusumpungan sa Biblia. May mga hula sa Biblia na hindi sinasabi ang pangalan; kung kaya, lohikal lamang na hindi natin matatagpuan ang mga pangalan na yaon sa Biblia.

Ang huling aklat ng Biblia ay nasulat sa pagtatapos na bahagi ng unang siglo sa ating panahon. Ang mga aklat ng Matandang Tipan at ang mga propeta ay nangasulat mula pa sa 1,300 taon bago si Kristo. Kung kaya ang isang pangalan na ibinigay sa isang partikular na bansa noong lamang 1500 ng ating panahon ay hindi matatagpuan sa Biblia at ito ay lohikal. Nguni’t hindi nangangahulugan na dahil ang pangalan ng isang partikular na bayan o isang bansa ay hindi mababasa sa Biblia, ang bayang yaon ay hindi kabilang sa Biblikal na hula - gaya ng sa kaso ng aking bansa, ang Pilipinas. 

Anumang katotohanan na nangyayari na kasang-ayon ng kalooban ng Dios ay nasa Biblia. Naniniwala ako na ang pagsapit ng pangangaral ng tunay na iglesia sa Pilipinas ay nasa Biblia. Basahin natin mula sa mga hula ng kasulatan. Mayroong hula sa aklat ng Malakias 1:11, na nagsasabi -

"Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo."

Ito ay maliwanag sa hulang ito sa mga taga ibang lupa o mga Gentil. Ang katagang “Gentil” ay nangangahulugang “labas ng Israel”. Bilang batayan, mababasa natin ang Efeso 2:11-12:

"11 Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay: 
12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan."

Ang lahat ng mga bansa sa labas ng Israel, na siyang unang bayan na nasa ilalim ng Dios, ay mga tinawag na mga Gentil. At ayon sa Biblia, ang hula sa Aklat ni Malakias, ang pangalan ng Panginoong Dios ng Israel ay magiging dakila sa mga taga ibang lupa o mga Gentil. At yaon ay magsisimula sa sinisikatan ng araw.

Ibig kong anyayahan ang metikulosong atensyon ng mga iskolar na nagbabasa ng Biblia. Ang silangan na binanggit dito ay hindi sa silangan ng Jerusalem kung saan ang pagsikat ng araw ay nagsisimula. Alam natin na ang araw ay sumisikat sa direksyon ng Malayong Silangan at yaon ay kung saan ang aking bansa ay naroroon. Ang Pilipinas ay nasa Malayong Silangan at wala sa malapit na silangan. Kung ating isasaalang-alang ang mga pananalita ng hula ni Malakias, ito ay kabilang sa mga Gentil. Kaya, wala ito sa Gitnang Silangan o sa malapit na silangan kung saan ang Kristiyanismo ay unang natatag nguni’t ito ay sa isang pang silangan na iba mula sa malapit na silangan kung saan ang Kristiyanismo ay unang ipinangaral, ang malapit na silangan. Kung kaya, ito ay isa pang silangan at ang silangan na ito ay napakalinaw na ipinaliwanag sa Biblia bilang ang silangan kung saan ang araw ay sumisikat. Ayon sa hula... Apocalipsis 5:8 -

"At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal."

Ang kamangyan ay nangangahulugan na mga panalangin ng mga banal. Kaya magkakaroon ng mga tao sa silangan na nag-aalay ng mga panalangin sa Dios at tinatanggap ng Dios ang kanilang mga panalangin. Ang mga ito ay mga tao ng Dios sa silangan. Kaugnay rito, mayroong isa pang hula sa aklat ni Zacarias 8:7 -

"Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking ililigtas ang aking bayan sa lupaing silanganan at sa lupaing kalunuran;"

Kaya, magkakaroon ng mga tao ng Dios sa silangan. Huwag nating alisin, gayunpaman, ang posibilidad na kapag ating sinasabi ang salitang “silangan”, ito ay maaaring mangahulugan na Japan sapagka’t ito rin ay nasa silangan. Sa katunayan, ito ay tinawag na Land of the Rising Sun. Maari ding mangahulugan ito na Indonesia. Maaari ding mangahulugan ito na Pilipinas at ibang mga bansa sa Malayong Silangan subali’t ang kapansin-pansin sa hula ay ito ay nangungusap tungkol sa mga tao na dumadalangin sa Dios ng Israel. Hindi kailanman sa kasaysayan ng Japan o ng ibang mga bansa sa Malayong Silanganan na ang pangalan ng Panginoong Dios ng Israel, ang Dios ni Abraham, Isaac at Jacob ay pinuri ng mga Gentil o mga taga ibang bayan sa Japan.

Karamihan sa mga bansang oriental o sa Asya ay mayroong kanilang sariling relihiyon. Gaya halimbawa, ang Budismo ay napakalaganap sa Japan at ibang oriental na relihiyon. Sila’y hindi naniniwala sa Panginoong Dios ng Israel. Nguni’t sa Pilipinas, ito lamang ang tanging bansa sa Asya na naniniwala sa Biblia at kumukuha sa Biblia bilang awtoridad nito ng kanilang pananampalataya. At sa Pilipinas, naniniwala ako, ay ang katuparan ng hulang ito na magkakaroon ng bayan ng Dios at ang mga taong ito ay mag-aalay ng mga kamangyan o mga panalangin sa Panginoong Dios ng Israel. Subali’t papaano natin malalaman na sila ay ang bayan ng Dios at papaano sila magiging bayan ng Dios? Kanyang sinabi, “Aking ililigtas ang aking bayan mula sa lupaing silanganan …”

Bago magkakaroon ng bayan ng Dios, kailangang gamitin ng Dios ang isang tao sa pangangaral ng katotohanan. Sa aklat ng Mga Gawa 15:14

"Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan."

Sinaysay ni Simeon kung papaano unang dinalaw ng Dios ang mga Gentil upang kunin mula sa kanila ang isang bayan sa Kanyang pangalan. Kaya dinalaw ng Dios ang mga Gentil, upang kunin mula sa mga Gentil ang isang bayan para sa kanyang pangalan. At papaano ito magkakagayon? Papaano ito mangyayari? Ang Biblia, sa muli, sa aklat ng Mga Gawa 9:15, ay nagsasabi nito -

"Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Panginoon, Pumaroon ka: sapagka't siya'y sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa harapan ng mga Gentil at ng mga hari, at ng mga anak ni Israel:"

Ang talata ay nangungusap ng katauhan ng Apostol Pablo. Upang magkaroon ng bayan ng Dios, magkakaroon ng isang sisidlang hirang na gaya ng Apostol Pablo. Si Pablo ay isinugo ng Dios, pangunahin, sa Kristiyanong dispensasyon, upang maging front runner ng Kristiyanismo sa mga Gentil. “Siya ay isang sisidlang hirang sa akin upang dalhin ang aking pangalan sa harap ng mga Gentil...” kanyang sinabi sa hula. At ito ay naganap sa pamamagitan ni Apostol Pablo. Nang siya ay nangangaral, kanyang sinabi sa aklat ng mga Gawa 13:46-47 na -

"46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil. 
47 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa."

Maliwanag sa talata na sinabi ni Pablo sa mga Israelita, na nagtakuwil ng kanyang pangangaral na siya ay pumaparoon sa mga gentil “... ang salita ng Dios ay dapat na ipangaral na una sa inyo, subali’t nakikitang inyong inaalis sa inyo, ay hindi ninyo ito ibig tanggapin, inyong hinahatulan ang inyong sarili na hindi karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil …” Bakit? Dahil ito ang pinakadiwa ng hula (sa talatang 47) “Sapagka’t ganito ang ipinag-utos sa amin ng Panginoon (sa hula)...” ito ay nasa hula ni Isaias na nagsasabi “Ginawa kitang isang ilaw sa mga Gentil, upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.” 

Kaya nang ang pangalan ng Panginoong Dios ng Israel ay unang ipinangaral sa mga Gentil, ang Apostol Pablo ay ang sisidlang hirang. Nguni’t ating tandaan na ang mga Gentil na ipinangusap sa pamamagitan ng Apostol Pablo ay hindi ang mga Gentil sa Malayong Silangan yamang hindi siya nangaral sa Malayong Silangan. Ang mga Gentil, kung kanino isinugo ng Dios ang Apostol Pablo, ay ang mga Gentil sa mga nakapalibot na lugar ng Banal na Lupain at humahantong ang layo hanggang sa Gresya, ang mga Gentil sa nasasakupan ng Emperyo Romano. Subali’t ang hula sa Malakias ay tumutukoy sa mga Gentil sa silangan. Kaya, sa partikular na hula na iyon, hindi si Apostol Pablo ang magiging kasangkapan ng Dios sa pagtitipon sa Kanyang bayan sa partikular na bahagi na ito ng mundo. Magkakaroon ng isa pang sisidlan gaya ni Pablo na mangangaral ng kadakilaan ng pangalan ng Panginoong Dios ng Israel sa silangan; at ang silangan na yaon, ang sinisikatan ng araw, ay iba sa Jerusalem o sa Banal na Lupain na nasa Gitnang Silangan.

Ngayon, mayroon bang tao na kagaya ng Apostol Pablo sa silangan na mangangaral ng pangalan ng Panginoong Dios ng Israel? Mayroon bang hula na nagsasabi tungkol sa kanyang kalagayan at mayroon bang hula na nagsasabi sa panahon kung kailan itong sisidlan ng Dios o kasangkapan ng Dios gaya ni Apostol Pablo ay mangangaral ng pangalan ng Panginoong Dios ng Israel sa silangan? Siyempre nararapat na mayroon sa Biblia kagaya ng aking nasabi nang nauna, mayroon palaging katuparan ng katotohanan ng Dios na nakasulat sa mga kasulatan, lalo na sa mga hula.

To be continued...

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Ang Literatura ng Biblia ay Pinakamataas sa Antas ng Husay!


Bilang isang aklat, ang Biblia ay mapagkakatiwalaan bilang nasa pinakamataas na kalagayan na gawang literatura. Ang mga salita sa Biblia ay direktang nagmula sa Manlilikha, ang pinagmulan ng impormasyon na nagpapahayag ng Kanyang mga kaisipan at karunungan sa Kanyang mga nilalang gaya ng mga tao. Ang mga salitang ginamit mismo ng Dios ay nararapat na kilalanin at paniwalaan taglay ang ating pinakamataas na paggalang dito. Ang mga ito ay dalisay!

AWIT 12:6 
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.

Ang mga ito ay totoo!

JUAN 17:17 
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.

Ang mga ito ay nararapat na salitain ng mangangaral na kagaya ng pagkasalita ng Dios.

JEREMIAS 26:2 
Ganito ang sabi ng Panginoon, Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; huwag kang magbawas ng kahit isang salita.

Maging ang Panginoong Hesus, bagaman siya ay ang Anak, matapat Niyang sinalita ang salita ng Dios!

JUAN 12:49 
Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.

Ang pagkatha ng mga salita o paggamit ng mga ginawa ng mga tao na mga salitang kasingkahulugan ay isang tahasang kawalang paggalang sa Dios na Siyang orihinal na pumili ng mga salitang Kanyang sinasalita.

Ang mga tao ay tila hindi magalang na pumipili ng mga salita at mga pariralang iba sa salitang ginamit ng Dios sa isang partikular na okasyon. Ang isang magandang halimbawa ay ang salitang ginamit sa Mateo 16:18 nang sinabi ng Panginoon “... sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang “aking iglesia” o "ἐκκλησία" o "ekklēsia" (ek-klay-see'-ah) sa Griyego o " קהל" o "qâhâl" (kawhal) sa Hebreo.

Ang komunidad ng mga tao ng Dios ay tinawag na “Iglesia ng Dios” sa Biblia.

GAWA 20:28 
Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
Nguni’t pinili ng mga tao na matawag na “ Mga Saksi ni Jehova “, ipinalit ang mga salitang “mga saksi” sa salitang “iglesia” na ginamit upang deskribihin ang kongregasyon ng Dios!

Ang mga iba, bagaman gumagamit ng salitang “iglesia,” ay mapanghimagsik na nagpalit ng pangalang “Iglesia ng Dios” sa “Wesleyan Church” o “Presbyterian Church” o “Lutheran Chruch”, etc.

Ang tapat na lingkod ng Dios ay nararapat gumalang sa paggamit ng salita ng Dios kung alin ang ginamit ng Dios sa partikular na okasyon upang ipakita ang buong pagpapasakop sa Kanyang karunungan!

MATEO 4:4 
Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.

Ang mga dahilan kung bakit ang salitang “papa” ay hindi matatagpuan sa Biblia ay:

(1) Walang katungkulan sa iglesia na ginawa ng Dios na gaya ng tungkulin ng papa, at

(2) Ang apostol Pedro, na inaangkin ng mga Katoliko na umano’y ang unang papa, kailanman ay hindi naging papa!

I CORINTO 12:28 
At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.

Kung ang tungkulin ng mga apostol ay ang una sa iglesia, at si Pedro ay isa sa mga unang apostol na tinawag ni Kristo, kung gayon ay malinaw na ang katungkulan ng Papa, na kinatha ng mga Katoliko, ay hindi umiiral sa Biblia! Ang katungkulan ng papa ay ang pinakamahalagang tungkulin sa buong Iglesia Katolika. Siya ang ulo ng buong organisasyon.


Papaanong magiging tunay na iglesia ang Iglesia Katolika samantalang ang pinakamataas na katungkulan ay hindi matatagpuan sa Biblia! Bukod dito, kung ang Iglesia Katolika ay itinayo ng Panginoong Hesukristo, “ang mga pintuan ng impyerno ay hindi nararapat na makapanaig dito!” Ito ba ay totoo sa katungkulan ng Papa? Hayaan nating tumugon ang mga awtoridad Katolika.


Ang pariralang “most notorious” o “pinakabantog sa kasamaan” ay nangangahulugan na nagkaroon ng maraming bantog sa kasamaan na mga papa sa kasaysayan ng Katolika Romana! Mapapatunayan ba ngayon ng sinoman na mayroon nga talagang hindi naputol at hindi nasira sa paghahalili ng kapangyarihan mula sa Apostol Pedro hanggang sa kasalukuyang papa? Nang ang mga pinuno ng mga Israelita ay naging sakop ng “mga pintuan ng impyerno” ( Ang pintuan ay daanan upang mapasok ang partikular na lugar, at ang kasamaan ay ang pintuan ng impyerno), iniwan sila ng Dios, kung kaya’t walang Dios sa kanila.

II CRONICA 15:3 
Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan:

Bakit? Sapagka’t kanilang kinalakal ang relihiyon!

MIKAS 3:11 
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

Hindi ba totoo na ang mga paring katoliko ay gumaganap dahil sa salapi? Mga binyag, kumpil, seremonya ng kasal, mga misa at maraming iba pang mga ritwal ay binabayaran ng mga miyembro ng Iglesia Katolika. Sa nangyayaring ito sa Katolika Romana, totoo ba na “walang kasamaan na sumapit sa kanila?” Maging ang katungkulan ng papa, ang pinakamataas sa pamunuan ng Iglesia Katolika, ay tinamaan ng lahat ng uri ng mga kasamaan sa mahabang kasaysayan ng Iglesia Katolika. Sa kasalukuyan ay may mga reklamo ng napakaraming uri ng mga abuso na may sapat na popularidad upang magkamit ng merito ng isang entrada sa Guiness Book of World Records.


[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Grabidad Nagpapalutang ng Lahat ng mga Lihim ng mga Lihim


Hinihila ng gravity o grabidad ang mga bagay patungo sa ibaba, ngunit kamangha-mangha na ang grabidad sa pamamagitan ng “law of gravity” o “batas ng grabidad” ay makagagawa na ang mga bagay ay kumuha ng kasalungat na direksiyon - pataas!!! Hindi ba iyan kagilagilalas?

Walang aksyon ng grabidad sa lupa na, sa halip na dalhin ang isang bagay pababa, ay dadalhin ito pataas. Ang kababalaghang ito na nagdadala ng mga bagay pataas ay maituturing na “extra-terrestrial” o “hindi panlupa”! Isalarawan sa isip, isang tao na tinanggal ang kaniyang sarili mula sa lupa at makalupang mga bagay. Ito ay posible lamang sa isang tunay na Kristiyano!

ROMA 12:2 
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Bagaman ito ay mahirap na matamo, isang katuruang Kristiyano na ang isang tao ay bumaklas ng kaniyang sarili mula sa mga makalupa, o sa mga sa mundo.

COLOSAS 3:1-3 
1 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. 
2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa. 
3 Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.

Ang hila ng grabidad na nanggagaling sa langit ang maaaring makapagtanggal sa isang tao mula sa lahat ng atraksyon sa lupa at ito ay ang paghila ng pananampalataya sa Dios!

May mga puwersa - literal at hindi panlupa o “extra-terrestrial” - na nagpapahintulot sa isang bagay mula sa lupa upang maabot ang matataas at makapag-alis ng sarili nito sa mga puwersa ng paghila ng grabidad sa lupa. Sinasabi ng agham na ang paghila ng grabidad ng Araw ang nagpapaumbok sa mga gilid ng mundo, at ang paghila ng grabidad ng Buwan ang nagpapataas ng tubig sa mga karagatan at mga dagat sa mundo. Iyan ay terrestrial o panlupa. Narito ang sinasabi ng Universe.com -

Ang Mundo ba ay Bilog? 
Ang aktwal na hugis ng Mundo ay talagang oblate spheroid - isang globo na may umbok sa palibot ng equator. Ang Mundo ay nakaumbok sa kaniyang ekwador dahil ito ay mabilis na umiikot sa kaniyang aksis. Ang sentripetal na puwersa ng pag-ikot ay nagiging sanhi kung bakit ang mga rehiyon sa ekwador ay umuumbok palabas.

Balik sa mga puwersa na makapagdadala sa mga bagay sa ibaba sa ilalim, mayroong posibilidad ng kasalungat na puwersa na makapagpaangat ng mga bagay pataas at lumutang. Kung ano ang natatamo ngayon sa Iglesia ni Cristo ni Manalo sa kabila ng itinurong paglilihim ng kung ano ang kanilang ginagawa, ay isang puwersang mula sa itaas ang gumagawa na ang mga lihim na yaon ay lumutang. Walang pagaalinlangan, ito ay ang kapangyarihan ng Dios! Ang grupong yaon ay matagal nang nagsasanay ng akto ng pagtatakip ng mga pangit na bagay sa loob ng kanilang iglesia, ng pagdadala ng mga ito sa ibaba at paghahanay ng mga ito sa pagkalihim.

Ngunit kung ano ang ginawa nila sa limang magaaral ng PUP sa lihim, bilang halimbawa, ay lumitaw. Isinaad ng kaso na ang kanilang mga miyembro na kasangkot ang lumuray sa mga katawan ng biktima sa silong o basement ng kanilang kapilya. Ang mga bangkay ay lumutang at iniahon mula sa maputik na ilog Pasig!!!

Narito ang isang sipi mula sa Supreme Court Annotated, Volume 339, ika-28 ng Agosto 2000 sa kasong People vs. Abella. Sa isang pagtatangkang mai-flush off o mapagtakpan ang pagpatay, ang ilog ang disin sana’y solusyon. Ngunit ang mga bangkay ay lumutang sa itaas upang sumaksi laban sa mga salarin.


...Samantala, noong halos ika-6 ng hapon sa loob ng Iglesia ni Cristo (INC), Sta. Ana compound o bakuran sa Bacood, si ELENA Bernardo ay naghihintay kay Pastor Cesar Almedina upang humingi ng payo hinggil sa problema ng kaniyang manugang na lalake. Hiniling sa kaniya ni Pastor Almedina na maghintay, at gayon nga ang kaniyang ginawa. Siya ay naghintay hanggang ika-10 ng gabi. Bigla na lamang na pinatay ng guwardya ang mga ilaw sa loob ng bakuran. Tanging ang ilaw mula sa MERALCO na nagbibigay liwanag sa bakuran mula sa labas, siya ay nakakita ng isang puting Ford Fiera na puno ng mga pasahero na pumasok at pumarada sa tapat ng tirahan ng pastor malapit sa landas patungo sa silong, na nasa likod ng kapilya at nasa ibaba ng opisina ng mga mang-aawit. Sumunod si ELENA. Sa loob ng silong ang mga biktima ay pinagbububugbog, hinampas ng baril, at hinataw ng mga bakal na tubo, pamalong tingga at iba pang matigas na mga instrumento. Isa sa mga biktima ay iginapos ng kawad. Si Filemon Garcia ay dumating dala ang “blowtorch” o suplete at pumasok din sa silong. Narinig ni ELENA ang mga biktima na nagmamakaawa. Dahil sa hindi niya matagalan ang kaniyang nakita siya ay naupo sa tapat ng kapilya at nanatili ng 30 minuto. Dumating si Pastor Almedina at sinabi sa kaniya na sila ay mag-uusap tungkol sa kaniyang problema sa ibang pagkakataon. Pagkatapos ay dinala ang mga biktima sa Ford Fiera. Sila ay tila halos mga patay na.

Noong ika-10 ng Marso 1992, sa oras na 8:45 ng umaga, ang walang buhay na katawan ni FELIX ay natagpuang lumulutang sa ilog Pasig malapit sa Beata-Tawiran sa Pandacan. Sa oras na 12:25 ng tanghali, ang katawan ni ERWIN ay nakuha sa ilog ding yaon sa likod ng pamilihan ng Sta. Ana. Sa halos gayon ding oras, ang naaagnas na mga bangkay nila ANDRES, MARLON at JOSEPH ay naiahon din mula sa ilog Pasig malapit sa tulay ng Lambingan . (http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2000/aug2000/127803.htm)

Papaano naman ang tungkol sa akin? Ako ang kanilang naging pinakamatinding kritiko - maging magpahanggang ngayon. Sa kanilang walang tagumpay na pagtatangka na masiraan at mawasak ang aking pagkatao, sila ay nag-utos sa kanilang mga ministro na palihim na mamahagi ng mga komiks o magasin na nagsasalarawan sa akin bilang isang masama at mahalay na tao. Ang impormasyong iyan ay lumabas noong ang isang ministro sa kanilang ranggo ay nangumpisal sa akin ng kanilang pailalim na misyon.

Bago nagsumite ng kaniyang sarili sa bautismo sa Iglesia ng Dios Internasyonal, ibinigay niya sa akin ang katunayan na ako ay isinisipi dito. Pansinin ang VI.7. Tagubilin mula sa Central. “Kumuha ng “komiks” at ipamahagi nang “discreet”. Bakit discreetly? Sapagkat ito’y nanggaling sa kanila!


Pagkatuto mula sa kanilang mga Matatanda
Ang hindi maisalarawang katiwalian sa kanila ay naging hayag sa publiko nang ang isang ministro ay nag-abot sa akin ng maraming mga piraso ng DVD. Ang ministro ay hindi na naniniwala sa kanila ngunit siya ay nasa kanila pa rin dahil sa pangamba sa kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya. Ang mga nilalaman ay mga sermon ni Eraño Manalo at ang isa sa mga ito ay ang pag-atake niya sa kaniyang mga ministro sa mga katiwalian at masasamang gawain sa isang espesyal na pagpupulong ministerial o serbisyong pagsamba! 


Ang mga bagay na nilalaman ng mga DVD ay hindi kailanman itinanggi ng kanilang mga ministro sa telebisyon, kundi sa halip ay kanilang tinanggap na mismong mga salita ng kanilang “tagapamahalang pangkalahatan” o “kataastaasang tagapamahala”. Ang mga ito at marami pang iba ay nahahayag sa pamamagitan ng isang puwersa na kumokontra sa paghila ng grabidad sa mundo na nasa mga kamay ng dios ng sanglibutang ito.

II CORINTO 4:4 
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

Masasabi ba nating ito ay gaya ng Cambrian Period o Periodo ng Kambriyano kung saan sinasabi na mayroong malaking pagsabog ng paghahayag? (Tandaan : Ako’y hindi naniniwala sa Cambrian Period sa pagiging isang pagsabog)

Ang Cambrian Period o Kambriyanong Periodo 
Minamarkahan ng Cambrian Period ang isang mahalagang punto sa kasaysayan ng buhay sa lupa; ito ay ang panahon kung kailan ang karamihan sa mga grupong mayoria ng mga hayop ay unang lumitaw sa fossil record o rekord ng mga labi. Ang pangyayaring ito ay tinatawag kung minsan na “Cambrian Explosion” o Kambriyanong Pagsabog, dahil sa relatibong maikling panahon kung saan ang magkakaibang porma ay nagsilitaw. Minsan ay naisip na ang mga Kambriyanong malalaking bato ay naglaman ng una at pinakamatandang labi ng mga hayop, ngunit ang mga ito ay natagpuang nauna sa Ediacaran ( Vendian ) strata o istratang Ediakarano.
http://www.ucmp.berkeley.edu/cambrian/cambrian.php

Ang katotohanan sa bawat uri ay dumating sa pag-iral na kasabay ang kaniyang ka-uri na may habi ng disenyo ng simbayotikong pag-iral, na nagtutulak sa akin na bale-walain ang bawat kuro-kuro ng ebolusyon! Papaanong mabubuhay ang isang leon kung ang pagkain nito ay di pa iiral na kasabay nito? Ang katotohanan ay ang bawat uring umiiral, ay nagbibigay ng paraan ng pag-iral para sa iba.

GENESIS 1:24-25 
24 At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. 
25 At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.

Hindi natin masasabi na ang katiwalian sa Iglesia ni Cristo ay nagkaroon ng ebolusyon! Kung ano ang totoo sa Kambriyanong Panahon ay kolateral na totoo sa INC ni Manalo. Mula sa pasimula nito, mayroong mga tiwaling gawain ang mga ministro nito! Pinatutunayan ito ng mismong salita ni Eraño Manalo, ang ikalawang henerasyong Kataastaasang Tagapamahala, na ang katiwalian sa mga kasalukuyang henerasyon ng kaniyang mga ministro ay kanilang minana sa mga ministro na nangauna sa kanilang mga gawang katiwalian! Nauna nang pinatunayan ito ng palibot liham na nilagdaan mismo ni Felix Manalo, ang unang henerasyong Kataastaasang Tagapamahala, na nagbunyag ng mga tiwaling gawain ng kaniyang mga nangungunang ministro.

Sa ibaba ay ang palibot liham na binasa noong ika-3 ng Hunyo 1937 ( ika-27 ng Mayo 1937 ) na nilagdaan ni Felix Manalo mula sa address, 42 Broadway New Manila, San Juan, Rizal, Kapuluang Pilipinas. Isinulat sa Tagalog, Sa pamamagitan ng liham na ito, ipinatatalastas namin sa inyo na sila Kapt. na Norberto Cruz, Antonio Macasiano, Bienvenido Castro, Simplicio Elizaga at Fortunato Lozano ay nawalan ng karapatan sa pagka-manggagawa dahil sa kasalanang paghalay at pagpapabaya sa kanilang tungkulin.

Sila Fortunato San Esteban at Joaquin Balmores ay dahil sa pag-vale ng labis at paglilinglang sa mga naglalagay ng "O.K." na ito'y makalawang ginagawa sa isang pagkakataon. Si Kapt. na Vivencio Cosico ay sa pagbali ng higit sa kaniyang tinatanggap.

Si Felix Ortiz ay itinitiwalag dahil sa panglilinglang sa pag-utang sa mga kapatid na ang sinasangkalan ay ang ating Tanggapan. Si Antonio Collantes ay itinitiwalag din sa Iglesia dahil sa paghuwad sa pangalan ng Tagapamahala ng Div. ng Laguna upang makakuha ng kwarta sa Ingat-Yamang Pang-pook, at ikalawa'y ang kaniyang pagsasamantala sa kamangmangan ng isang dalaga upang maitanan.

Sinabi pa ng palibot liham o sirkular na ang mga itiniwalag na sina Joaquin Balmores, Cirilo Gonzales, Felix Ortiz at Antonio Collantes ay hindi pinahihintulutang sumamba kahit sa labas ng bahay sambahan, ni kaawaan, kupkupin o tanggapin sa inyong mga tahanan.

ANO ANG NANGYAYARI NGAYON?

Ito ba’y isang pagsubok ng pananampalataya? O ito kaya’y isang paghahayag mula sa Dios?

MATEO 24:35
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

At bakit ko ipinagpapatuloy na busisiin ang kanilang mga doktrina? Bakit hindi ko panatilihing nakatikom ang aking bibig? Sinabi ni Kristo:

MATEO 10:27-28
27 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.
28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

Ito ay aking pakay na magsalita at sumigaw tungkol sa kung ano ang iniutos sa akin na gawin. Ang bawat programang isinahimpapawid ng Iglesia ng Dios Internasyonal sa buong mundo ay dumarating sa mga "bubungan" sa pamamagitan ng satellite at telebisyon. Ito ay naging labis na nabahagi dahil sa ako’y laging nasa ilalim ng patuloy na banta mula sa Iglesia ni Manalo. Sinasabi ko ang “katotohanan sa mga bubungan!” Dahil sa kanilang makapritsong paguusig sa aking pagkatao, sila ang mismong mga dahilan kung bakit nilisan ko ang Pilipinas, ang aking minamahal na bansa. Yaon ay upang maiwasan ang mga pisikal na labanan at pagdanak ng dugo.

Ngayon, ako ay tunay na nakumbinsi na kung ano ang hindi ko maisiwalat sa pagsunod sa utos ng Panginoong Hesukristo, ito ay isiniwalat at nabunyag sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios! 

Ang mismong sariling mga kapatid at ina ng tao na nagdulot ng inhustisya o kawalang katarungan sa aking pagkatao sa pakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal sa Pilipinas sa rehimen ng isang pangulo na tinagurian ng Asia Pulse Survey bilang “The Most Corrupt of All Philippine Presidents” o “ Ang Pinakatiwali sa Lahat ng mga Pangulo ng Pilipinas “ ngayon ay nagsisilbi bilang “hostile witness” na pumapabor sa akin!

Narito ang kapatid na lalake at ang ina ni Eduardo Manalo, ang kasalukuyang Kataastaasang Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo -

Kapatid na lalake ng mga Manalo, tinira ang korupsyon sa Iglesia ni Cristo


http://www.rappler.com/nation/100304-manalo-brother-iglesia-cristo-corruption



Narito ang tungkol kay Gloria Macapagal Arroyo na magpapabilanggo sa akin sa pagsulsol ng INC. Sa “GMA found most corrupt president” na sinulat ni Regina Bengco (Malaya 12/12/2007), isang pagsisiyasat na isinagawa mula ika-20 ng Oktubre hanggang ika-31 sa pamamagitan ng Pulse Asia ay ipinakita na halos isa sa bawat dalawang Pilipino ay naniniwalang ang Pangulo (Arroyo) ay ang “pinakatiwali (pangulo) sa kasaysayan ng Pilipinas.”

Ang pagsisiyasat, na nagkaroon ng 1,200 na kalahok, ay nagkaroon ng margin of error na +/- 6 na porsyento. Apat na pu’t dalawang porsyento ng mga kalahok ay nagtaguri kay Arroyo na “pinakatiwaling” pangulo, sinundan ni Ferdinand Marcos ( 35 porsyento ), Joseph Estrada ( 16 porsyento ), Fidel Ramos ( 5 porsyento ) at Corazon Aquino ( 1 porsyento ). (http://www.malaya.com.ph/dec12/news1.htm).

Nasaan si Gloria Arroyo ngayon? Nalalaman ng lahat kung saan siya naroroon ngayon.


(Vote-rigging charges against Arroyo. http://english.sina.com/world/p/2011/1121/416344.html)

Sinasabi kong 99 porsyento ng lahat ng mga kaso na isinampa laban sa akin sa korte ay pawang imbento ng mga Iglesia Manalo, karamihan sa mga ito ay ginagamitan ng mga taong itiniwalag ko bilang mga tagapaghain ng reklamo o kaya nama’y mga saksi! Isang porsyento sa kanila ay nagmula sa kanilang mga kaibigan.

Hindi lahat ng mga puwersa sa lupa ay makapagdadala sa bawat bagay sa ilalim upang matakpan. Sa kabaligtaran, ay may mga puwersang mula sa itaas ng lupa na makakapagdadala ng mga ito sa itaas upang maihayag at ang mga lihim ay hindi maaaring matakpan ng matagal! Sa wakas ay nakita ng Dios na nararapat nang malinis ang aking pangalan pagkatapos ng mga kasinungalingang yaon at maraming kabulaanan. Kaya ngayon ay mapapansin natin ang ganitong uri ng grabidad - hindi panlupa o extra-terrestrial - nagpapalutang sa itaas ng mga lihim ng lahat ng mga lihim.

Tunay na hindi natin maitatago ang anoman sa buhay na ito. Hindi natin maaapi ang lahat sa lahat ng panahon. Mayroong isang Dakilang Tagapagbalanse na nakakakita ng lahat ng nangyayari. Hindi Niya ipahihintulot na ang masama ay magpatuloy magpakailanman.

Ang mga tumatamasa sa pansamantalang kapangyarihan at pansamantalang kaaliwan ay matututo ng kanilang leksiyon sa mahirap na paraan. Mayroon talagang dios ng sanglibutang ito na nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga anak ng pagsuway. Subalit doon sa mga maaaring maging mapagtiyaga at makapagpapaubaya sa Dios na Makapangyarihan sa Lahat na humawak ng mga bagay, sa wakas ay kanilang makikita ang pangako ng Dios sa pagsapit ng tamang panahon. Ang lahat ng mga itinagong lihim sa pamamagitan ng dahas at pananakot ay lulutang - ibubunyag sa pamamagitan ng grabidad na ito!

Pagpalain nawa ng Dios ang Pilipinas!

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]