Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Philippines. Ipakita ang lahat ng mga post

Sa Aking Mga Kababayan, Tayo'y Magpatawad!


Aking natatandaan ang isang bahagi ng Gettysburg Address.

"Walumpu at pitong taon na ang nakakaraan nang ang ating mga magulang ay nangagdala sa kontinenteng ito, ng isang bagong bansa, ipinaglihi sa Kalayaan, at dedikado sa panukala na ang lahat ng mga tao ay nilikha na magkakapantay."

Isang bahagi ng isang mala-tulang literatura ni Shakespeare, at aking sinisipi -

“Uminom ka sa akin lamang ng iyong mga mata, At ako ay mangangako ng akin: O mag-iwan ng halik kundi sa tasa, At ako’y hindi maghahanap ng alak.”

At isang bahagi ng isang tanyag na tula sa Kastila ng ating pambansang bayani, Dr. Jose Rizal -

"Ang bawat nota na binubulong ng hangin, ang bawat sinag ng liwanag sa ilalim ng araw, bawat bulaklak ng luntiang kapatagan Ito ay isang awit para sa kaluwalhatian ng Dios. " "Ito ay isang mundo maringal na lira na nagpapahina sa walang hanggang awit, kung siya ay nagbuntung-hininga, kung siya umaawit o humihiyaw, palagi, palaging sa kaluwalhatian ng Diyos."

At isang makatang pamamaalam na inialay sa isang minamahal na bansa, isang pamilya at isang ipinalagay na asawa -

"Paalam, mahal na tinubuang-bayan, iniibig na dako ng araw, 
Perlas ng dagat ng Silangan, ang Eden nating nawala!
Masaya kong ibibigay sa iyo ang aking malungkot at lantang buhay, 
Ito ay dating mas maaliwalas, mas presko, mas bulaklakin, 
Para sa iyo ito rin ay aking ibibigay, aking ibibigay para sa ikabubuti mo...

Paalam, mga magulang at mga kapatid, mga piraso ng aking kaluluwa, 
Mga kaibigang mula pagkabata sa tahanang nawala, 
Magpasalamat dahil magpapahinga ako sa araw na nakakapagod; 
Paalam, matamis na banyaga, aking kaibigan, aking kagalakan, 
Paalam, mga minamahal kong kapuwa tao, ang mamatay ay ang magpahinga.

Ako ay isang saksi - isang buhay na saksi - sa kung ano ang nangyayari ngayon sa aking minamahal na bansa. Kaguluhan sa pulitika, ang kawalang-kasiyahan sa halos lahat ng mga rehimen ng pamahalaan, mga pasya ng pinakamataas na hukuman na kinukuwestiyon ng walang iba kundi ang mga miyembro ng lehislatibong sangay ng pamahalaan, isang tila walang katapusang alitan sa pagitan ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at ang Yellow Army ng Edsa Revolution, at iba pa..

Aking natatandaan ang isang sanaysay bilang isang binata sa isang tunggalian sa pananalumpati kung saan ako ay nagwagi ng pinakamataas na premyo na ganito ang sinasabi. Yaon ay maraming dekada na ang nakalilipas at gayunman ay ganoon na lamang kalaki ang kaugnayan ngayon. Ito ay maaari lamang mangahulugan na hindi nagkaroon ng mga pagbabago sa puso ng tao, sa puso ng Pilipino.

Sa nakalipas na dalawampung taon, 
Pagkatapos na aking maibubo ang huling patak ng aking dugo 
Sa madugong lupain ng digmaan sa Bataan at Corregidor 
Ako ay humarap sa aking Manlilikha, 
Taglay ang nag-uumapaw na karangalan sa aking puso.

“Dios,” ang sabi ko, 
“Aking nagawa ang aking bahagi,” 
“Ako ay nakapagsakripisyo ng aking buhay upang aking bayan 
Ay maaaring mamuhay sa tumatagal na kapayapaan.”

Ngayon ako ay tumayo minsan pa sa presensya ng Dios, 
“Bumalik ka,” wika Niya, 
“Tingnan mo ang iyong mamamayan sa iyong bansa ngayon,” 
“Masdan mo kung papaano nila ginawang isang kakutyaan ang iyong pinagkamatayan,” 
“Masdan mo kung papaano nila winasak ang pinaka esensya ng demokrasya.”

Kung kaya, mga Ginang at Ginoo, 
Ako ay nagbalik, 
Hindi gaya ng isang buhay na masa, kundi gaya ng isang Multo, 
At ito ang aking Kasaysayan.

Ang aking Ama, aking Ina at ako 
Ay namumuhay ng mapayapa sa isang maliit na bukid sa bundok, 
Bigla na lamang, isang grupo ng mga sundalong Hapones ay dumaluhong sa amin,

Ang aking Ama at ako, ay iginapos na parang baboy, 
At sa harap ng aming nasindak na mga mata, 
Ang aking ina ay inabuso, at ginahasa...

Pagkatapos ng kanilang mapawi ang kanilang sadistang pagkauhaw, 
Kanilang pinatay siya sa malamig na buong laya 
At iniwan ang kanyang niluray, duguan at walang buhay na katawan sa alabok.

Ang sumunod na aking namalayan, 
Ako ay binuhat ng isang grupo ng mababait na Sundalong Pilipino, 
Kanilang ibinalik ako sa kanilang kampo na mag-isa, Oo mag-isa, 
Sapagka’t ang aking ama ay namatay na.

Ang kasunod na bagay na aking ginawa 
nang naramdaman ko na ako’y may sapat nang lakas na, 
Ay ang humingi ng isang baril, 
At nagsimulang lumalaban sa kaaway, 
Hindi lamang upang ipaghiganti ang kamatayan ng aking Ama at Ina, 
Kundi upang mamatay din naman, kung kailangan para, 
Sa isang malaya, at isang demokratikong paraan ng pamumuhay.

Opo, mga Ginang at Ginoo, 
Doon sa Bataan ako ay nakipaglaban, 
At doon sa Bataan, Ako ay namatay.

Yaon ay 20 mahabang mga taon nang lumipas, 
Ngayon, habang ako’y nagmamasid sa aking paligid 
Ako ay nakakakita ng mga taong naglalaban at nagpapatayan,

Aking nakikita sila na ginagahasa ang sariling nating mga kababaihan, 
Pinapatay ang ating sariling mga anak, 
At winawasak ang ating sariling mga tahanan,

Anong posibleng kapangyarihan, 
Ang maaaring nakapag-alis sa kanila nitong kagandahang asal, 
Na ngayon ay kanilang nilalapastangan 
Ang kasagraduhan ng ating sariling kababaihan

Ano ang posibleng kapangyarihan, 
Ang maaaring bumaluktot sa puso at mga isip ng ating mamamayan, 
Na kanila ngayong nilalabanan at pinapatay ang isa’t isa.

Sa lubos na pagkadesperado, 
Sinubok kong alisin ang lahat ng ito sa aking kaisipan, 
Subali’t ang mga ito ay bumabalik sa akin sa kanyang buong kirot 
at brutal na katingkaran,

Aking inilapit sila na madali sa aking Manlilikha at namanhik, 
“Dios, patawarin Mo sila, sapagka’t hindi nila nalalaman, ang kanilang ginagawa.”

Payagan ninyong ako ay kumuha ng ilang sipi ng sanaysay na ito at iugnay ang mga ito sa kung ano ang nangyayari ngayon. Ako ay maaaring tumunog na paulit-ulit sa aking mga mambabasa, subali’t gaya ng ito’y ganito, ako ay nagtatanong sa aking sarili ng mga ilang mga katanungan.

Hindi ba natin mapahalagahan kung ano ang mabuti? Hindi ba tayo makapagpapatawad? Hindi ba tayo maaaring tumigil sa akala ng laging naninisi sa iba dahil sa mga pagkabigo at kasalanan ng ating lipunan?

Ang ating mga bayani ay nakipaglaban sa Bataan laban sa ating mga kaaway at mga mananakop. Ang higit sa lahat na nakababahala sa akin ay, sa mga panahong ito, ang mga Pilipino ay sila mismong mga kaaway ng kanilang sariling kababayan. Hindi ba natin maaaring mahalin ang isa’t isa?

At samantalang ang ilan ay may posibilidad na sumama sa kampo ng mga kaaway ng ating minamahal na bayan, liwanagan nawa ng Dios ang ilawan ng pagka-makabayan sa loob natin at ang pag-ibig na Kanyang ibinahagi sa atin bilang isang bansa.

Pagpalain nawa ng Dios ang Pilipinas.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Pagpapatikom ng Bibig: Tayo ay Manalangin para sa Kapayapaan


Ang mga serye ng mga pangyayari at mga pagpatay na nagaganap sa Pilipinas ay gumising sa aking pansin, ang pinakahuli ay ang pagpatay sa sumuko sa Albuera, na Alkalde ng Leyte Rolando Espinosa Sr. sa loob ng Baybay, Leyte Sub-Provincial Jail.

Alkalde ng Leyte Rolando Espinosa pinatay sa ‘putukan’ sa loob ng piitan
Albuera, ang Mayor ng Leyte Rolando Espinosa Sr. ay napatay sa isang “putukan” matapos na diumano ay lumaban sa pag-aresto sa Baybay, Leyte Sub-Provincial Jail, maaga noong Sabado ng umaga.

Isang putukan sa pagitan ni Espinosa at Raul Yap at ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa Northern Leyte (CIDG8) ay nagresulta sa mga kamatayan ng dalawang bilanggo, sabi ng ulat ng pulis sa insidente.

http://newsinfo.inquirer.net/841271/rolando-espinosa-killed-in-jail

Ang mga mamamayan ay nababalaan sa lawak at lalim ng network ng korupsyon na sangkot sa mga iligal na droga sa ating bansa. Ang ilan ay naniniwala na ang isang pangunahing saksi gaya ni Espinosa ay dapat na inilagay sa ilalim ng pangangalaga ng SAF sa Camp Sto. Domingo, o maging sa ilalim ng mga Marines sa isang kampo ng mga Marines.

Sa pagsasaalang-alang sa oras na ika-4 ng madaling araw, hindi marami ang mga gising upang magbigay ng tulong. Ang ulat sa nangyari ay hindi kapanipaniwala!

Inaasahan na ang mga salarin ay magtatrabaho ng pinakamatindi hangga’t maaari upang mapagtakpan ang pagpaslang sa dalawang walang magagawang lalake na ito sa bilangguan! Aking sinasabi na “walang magagawa” sapagka’t sila ay nasa likod ng mga rehas, na walang anumang sandata.

Subali’t may mga hindi maiiwasang mga posibiidad. Sila ay maaaring pinatahimik ng kung sinoman ang nagkaroon ng interes sa kanilang mga testimonya tungkol sa mga bagay na kanilang nalalaman sa bilihan ng droga kung saan sila ay kasangkot.

Para hatulan na ang pamahalaan ang nagplano ng “extra judicial killing,” ay hindi nagmemerito ng lohikal na pangangatuwiran. Muli, ang EJK ay karaniwang ipinaparatang laban sa mga operatiba ng pamahalaan sa ilalim ng isang blanket command upang maglinis.

Sino ang makikinabang kung ang bibig ni Espinosa ay matitikom magpakailanman? Ang mga tao sa kanyang blue book? Sa dalawang grupo ng Police Force, sino ang kukuha ng sisi? Ang CIDG na nagsilbi sa search warrant? Ang Warden at kanyang mga bantay?

Ang ilan sa mga pulis na ayon sa Pangulo ay nasa mahabang listahan din ng mga personalidad sa droga ay maaaring magamit bilang mga instrumento ng ilang hindi nakikitang kapangyarihan. Ang mga ito ay mga posibilidad. Subali’t hintayin nating pumasok ang ebidensya.

Kung ano ang nangyari ay nangyari na. Walang tao na makapagbabalik sa mga buhay ng mga taong ito na hindi maaaring tawaging mga biktima; ni maaari man silang matawag na mga inosente. Kailangan nating maghintay at tumingin. (Maaari ba itong matawag na krimen? Maaari ba itong matawag na katarungan?)

Ang mga Kristiyano ay maaaring mga nananahan sa isang bansa na walang hustisya, at tiwaling pamahalaan kagaya sa Roma, subali’t mayroong paraan upang mabuhay sa kapayapaan. Tayo ay manalangin!

1 TIMOTEO 2:1-2
1 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2 Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.

Sa Roma, binigyang diin ni Pablo sa mga Kristiyanong naninirahan doon na magpasakop sa mga awtoridad.

ROMA 13:1-3 
1 Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.
2 Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
3 Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:

Sa katiwalian sa sistema ng pamahalaan ng mga Romano, ang normal ay ang mga awtoridad ay hindi “kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama.” Kaya kailangan natin manalangin para sa mga awtoridad upang mas maging kumikiling sa panig ng mabuti at hindi ng masama. Tayo ay manalangin ng walang patid.

1 TESALONICA 5:17 
Magsipanalangin kayong walang patid;

Sa ganang atin, tayo ay nahaharap sa mahirap na mga sitwasyon sa ating bansa. Ang pagmamahal sa bansa at pagkamakabayan nawa ay pumailanglang sa atin. Kailangan nating manalangin para sa Pilipinas yamang kailangan natin ang karunungan at basbas ng Panginoon. Sa nakaraan, tayo ay naharap sa maraming mahirap na panahon. Ang panalangin ang siyang makapagpapatagpos sa atin. Ating imbitahan ang interbensyon ng Makapangyarihan sa Lahat para sa ating minamahal na bansa. 

Tayo ay manalangin.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Paghatol sa mga Pagpatay: Hindi para Sisihin si Duterte kundi Lagumin ang Katotohanan


Ang paghatol na may pagkapatas at katarungan ay batay sa mga katotohanan, realidad, at lohika. Ang kasaysayan ang sasaksi na sa mga mahihirap na mga kaso na nireresolba sa pamamagitan ng hustisya ng tao, pinaka madalas, lohika, realidad at katotohanan ay nagkakatulong na magkasama upang lagumin kung ano ang katotohanan.

Ang katotohanan ay, nagkaroon ng dalawang sanggol, ang isa ay patay at ang isa ay buhay. Mayroong dalawang babae na nag-aangkin na siyang byolohikong ina ng nabubuhay na sanggol. Upang solusyunan at makapagbigay ng hatol sa tila mahirap na kaso, si Solomon ay gumamit ng lohika.

I MGA HARI 3:16-28 
16 Nang magkagayo'y naparoon sa hari ang dalawang babae na mga patutot, at nagsitayo sa harap niya. 
17 At sinabi ng isang babae, Oh panginoon ko, ako at ang babaing ito ay tumatahan sa isang bahay; at ako'y nanganak ng isang batang lalake sa bahay na kasama ko siya. 
18 At nangyari, nang ikatlong araw pagkatapos na ako'y makapanganak, na ang babaing ito'y nanganak naman; at kami ay magkasama; walang iba sa amin sa bahay, liban sa kaming dalawa sa bahay. 
19 At ang anak ng babaing ito ay namatay sa kinagabihan; sapagka't kaniyang nahigan. 
20 At siya'y bumangon sa hating gabi, at kinuha niya ang anak kong lalake sa siping ko, samantalang ang iyong lingkod ay natutulog, at inihiga niya sa kaniyang sinapupunan, at inilagay ang kaniyang patay na anak sa aking sinapupunan. 
21 At nang ako'y bumangon sa kinaumagahan upang aking pasusuhin ang aking anak, narito, siya'y patay: nguni't nang aking kilalanin ng kinaumagahan, narito, hindi ang aking anak na aking ipinanganak. 
22 At sinabi ng isang babae, Hindi; kundi ang buhay ay aking anak at ang patay ay iyong anak. At sinabi ng isa: Hindi; kundi ang patay ay ang iyong anak, at ang buhay ay siyang aking anak. Ganito sila nangagsalita sa harap ng hari. 
23 Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Ang isa'y nagsasabi, Ang aking anak ay ang buhay, at ang iyong anak ay ang patay: at ang isa'y nagsasabi, Hindi; kundi ang iyong anak ay ang patay, at ang aking anak ay ang buhay. 
24 At sinabi ng hari, Dalhan ninyo ako ng isang tabak. At sila'y nagdala ng isang tabak sa harap ng hari. 
25 At sinabi ng hari, Hatiin ng dalawa ang buhay na bata, at ibigay ang kalahati sa isa at ang kalahati ay sa isa. 
26 Nang magkagayo'y nagsalita ang babae na ina ng buhay na bata sa hari, sapagka't ang kaniyang pagmamahal ay nagniningas sa kaniyang anak, at sinabi niya, Oh panginoon ko, ibigay mo sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag mong patayin. Nguni't ang sabi ng isa, Hindi magiging akin ni iyo man; hatiin siya. 
27 Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi, ibigay sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag patayin: siya ang ina niya. 
28 At nabalitaan ng buong Israel ang kahatulan na inihatol ng hari; at sila'y nangatakot sa hari: sapagka't kanilang nakita na ang karunungan ng Dios ay nasa kaniya, upang gumawa ng kahatulan.

Mayroong internasyonal na paghiyaw tungkol sa diumano ay extra-judicial killings sa laban ni Duterte kontra sa ipinagbabawal na gamot. Sinasabi ko na “diumano” sapagka’t ang mga ito ay hindi maibibilang na katotohanan.

Samantala, pahintulutan ninyo na aking maipaalala sa media na maging maingat sa kanilang paggamit ng mga salita. Ang “Extra-judicial killings” ay nararapat mangahulugan na ang mga gumagawa ng mga pagpatay ay mga tao na nasa kapangyarihan!

Ito ay pinaka-tiyak na hindi patas na taguriang “extra-judicial killing” sa mga pagpatay na ginawa mismo ng mga kriminal!

Napaka hindi patas na ipatungkol ang lahat ng mga pagpatay na nangyari mula Mayo 10 ng taong ito sa pamamahala ng nakaupong Pangulo. Ang mga mamamahayag ay nararapat na magsanay ng sentido ng delicadeza sa pagpapatungkol sa kaninoman ng anumang maling gawain sa lipunan. Sa akin personal, ako’y naniniwala na ang lahat ng mga pagpatay na nangyari mula Mayo 10 ay hindi nararapat na ibilang sa administrasyon ni Duterte.

Ito ay malinaw na naaayon sa konstitusyon at tumpak na si Duterte ay kumuha ng pamamahala ng kapangyarihan noon lamang huling araw ng Hunyo ng taong ito. Paano magagawa ng sinoman na nasa kanyang tamang estado ng lohika, konsensya at isip, na mag-isip na yaong mga pinatay sa nakaraang rehimen ay isisisi sa pamahalaan ni Pangulong Duterte? Hindi ba ito ang implikasyon na ating nakukuha sa mga ulat ng kapuwa lokal at internasyonal na pahayagan ngayon? Kung ang isa ay hindi makapagsabi ng simula - at ang mga hangganan ng panahon - napaka tiyak na hindi niya rin masisiguro kung ano ang magiging dulo.

ISAIAS 46:9-10 
9 Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko; 
10 Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:

Mayroong maraming pagdadaanan na maaaring ibilang upang humantong sa pinaka siguradong punto ng katarungan at pagkapatas. Sigurado na ang pinakamaikling guhit sa pagitan ng dalawang distansya ay sa pagitan ng dalawang eksaktong tuldok na tumatakbo na tuwid hangga’t maaari mula sa isa hanggang sa isa pa.

Ang punto upang magsimula rito ay, maaari ba na ang mga kriminal na tinutugis ngayon ng administrasyong Duterte ay nagpapatayan upang mapangalagaan ang kanilang sariling interes!? 

Maaari ba na may mga pagpatay na nangyari pangunahin dahil ang mga pulis ay nagsisikap na ipagtanggol ang konstitusyon, o ang utos ng kanilang kumander, at ang kanilang sariling mga buhay!?

Maaari ba na mayroong mga nagwawala dahil wala nang kinabukasan sa kanilang mga bisyo at mga ilegal na mga gawain sa ilalim ng administrasyong Duterte? At maaari ba na gusto lamang nilang idawit ang iba, maging ang inosente!?

Kung ang sagot sa lahat ng mga katanungang ito ay oo, kung gayon ay hindi lohikal na isisi at bilangin ang bilang ng mga pinatay at namatay mula Mayo 10 hanggang sa araw na ito sa administrasyong Duterte. Gaano ka estupido ang isa tao ay maaaring maging!!! Paano mo lalagumin ang mga bilang at ipatungkol ito sa isa at isa lamang dahilan? Ang malala, ikaw ay magpatuloy at tagurian ang mga ito bilang “extra-judicial killings.”

Nalalaman natin ayon sa siyensya at lohika na ang mga adik sa droga ay mga taong ibinilang na wala sa kontrol, maging ng kanilang mga sarili. Ang isang paraan upang tulungan sila ay ipakita sa kanila at ipatikim sa kanila ang hampas ng braso ng batas.

Kung kanilang makikita na ng mga nagtutulak at mga gumagamit ay isinasakdal at hindi hinahayaan, sila ay magdadalawang isip sa pagpapatuloy sa kanilang mga bisyo na pinaka siguradong estupido. Ang parusa ay pamigil sa krimen.

HEBREO 10:28 
Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:

Mayroon tayong napakalakas na himaymay sa hibla ng hurisprudensya ng Pilipinas na tinatawag na “karapatang pantao.” Ito ay bahagi rin ng batas ng lupain na samantalang mayroong mga klausa na nangangalaga sa mga hayop, walang batas o seksyon o artikulo sa konstitusyon na nagsasabi na pangalagaan ang buhay ng hayop, kailangan nating isakripisyo ang buhay ng isang tao.

Sa Biblia, mayroong mga tao na hindi maibibilang na mga tao upang tamasahin ang karapatang pantao, lalo pa nga, ang mga nahatulang mga drug lord at mga nagtutulak!

II PEDRO 2:12 
Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.

Marami pa sa kasunod.

Sincerely yours,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Pagkiling ng Media o Balitang Ipinagbibili?


Ang pahayag ng nahirang na Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa media at ilang mga mamamahayag bilang “pera-pera lang yan” ay isang obserbasyon ng isang makaranasanang lingkod publiko na nagsisilbi sa mga Pilipino sa Timog ng Pilipinas sa mahigit na 30 taon. Ito’y lagi nang aking naging paniniwala na, bukod sa mga tradisyon at karaniwang pagkaunawa, kung ang isang tumanda at makaranasang tao ay nagsasalita, siya ay nagsasalita mula sa karanasan, at samakatuwid ay ng katotohanan. Maging ang Biblia ay kumikilala sa karunungan ng tumanda.

KAWIKAAN 20:29 
Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.

KAWIKAAN 16:31 
Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng katuwiran.

JOB 12:12 
Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa.

Ang tao marahil ay nagsasalita ng mga kasinungalingan at kapaimbabawan kung ang gayong tao ay nasa ilalim sa pamamahala at kapangyarihan ng ibang tao.

KAWIKAAN 29:12 
Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama.

Nguni’t kung siya ay hindi, kung gayon ay maaaring siya ay nagtatapat sapagka’t siya ay nakakakita ng mga bagay mula sa lahat ng panig na walang sinumang nagdidikta sa kanya.

Para sa isang tao na kagaya ng nahirang na pangulong Duterte na hindi nadidiktahan o pinamamahalaan ng kanyang sariling relihiyon nang kanyang sinabi “ Ako’y hindi na isang Katoliko,” karapatdapat sa kanya ang kredibilidad.

Kailangan tayong bumalik sa pagpaplano ng pamilya. Sa ganang akin, ako’y hindi na Katoliko nguni’t ako ay isang Kristiyano. At mayroon ako nitong malalim, namamalaging pananampalataya sa Dios upang gabayan tayong lahat, at para sa akin, upang magkaroon ng malinaw na pag-iisip. (http://www.pahomepage.com/news/philippines-new-leader-to-be-dictator-against-corruption)

Maging ang pagkakaibigan ay hindi nakakaimpluwensya sa mga desisyon ni Pangulong Duterte. Nang kanyang sinabi ang tungkol kay Apollo Quiboloy na hindi niya kailangan konsultahin ang sinoman sa pagpapatakbo ng pamahalaan ng mga taong personal niyang kilala, tahasang pinatutunayan nito na ang tao ay hindi naoobligang magbigay pabor dahil sa utang na loob maging sa kanyang pinakamatatalik ng mga kaibigan.

Inilabas ni Duterte ang pahayag na ito matapos na ang kanyang malapit na kaibigan, Pastor Quiboloy, ay nagreklamo dahil siya’y pinagsarhan mula sa pagpipiliang bagong mga kalihim ng kabinete.

Ang aking katapatan sa aking mga kaibigan ay natatapos kung saan ang aking kapatapan sa aking bayan ay nagsisimula. Wala ‘yung usapan na kailangan natin … kunsultahin kita. Nagpapasya ako na mag-isa. Tanungin mo isa’t isa iyan. Walang nagturo sa akin. Ako ang nag-isip. (Dharel Placido, “Duterte to friends: I decide alone,” ABS-CBN News, 22 May 2016)

Si Pangulong Duterte ay napaka-katulad ng isang mangangaral na kumikilala ng utang na loob hindi sa kanino mang tao kundi sa Dios.

II CORINTO 6:11 
Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki.

II CORINTO 7:4,2 
4 Malaki ang katapangan ko ng pagsasalita sa inyo... 
2 Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, hindi namin dinaya ang sinoman.

Ang paraan ng pagsasalitang ginamit ni Apostol Pablo ay hindi naglayong magbigay lugod sa mga tao kundi sa kung kanino siya tumatanaw ng utang na loob, at iyon ay ang Dios.

GALACIA 1:10 
Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.

Ako ay naniniwala na kahit ang Iglesia ni Manalo, ni kami man, ay makakaimpluwensya sa makatuwirang paghatol ni Pangulong Duterte. Iyon ay magiging magandang balita - sa kapakanan ng bansa na matagal na nitong sinubukan na bulukin dahil sa mga rekomendasyon nito sa mga sensitibong posisyon sa pamahalaan. Sa nakaraan, “Pinadadali ng INC sa kanilang mga alyado sa pulitika na malaman kung ano ang kanilang gusto sa porma ng listahan ng mga hinihirang na posisyon na kanilang ibig na masiguro para sa kanilang sariling mga miyembro.”

Ang pahayag ni Duterte tungkol sa ilang miyembro ng media at mga mamamahayag ay hindi isang kuwentong engkantada at isang hindi walang kwentang obserbasyon. Ako rin ay nag-iisip batay sa aking karanasan sa mga tinaguriang “journalists” ng mga higanteng network sa Pilipinas.

Mga katanungan sa media

Bakit ang “balita” na makakasira sa aking reputasyon tungkol sa mga kinathang mga kaso ng aking mga kalaban sa relihiyon na isinampa laban sa akin sa mga hukuman sa Pilipinas, ay ginagawang sensasyonal ng mga “respetadong mamamahayag” ng mga higanteng network?

Ang panlipunang reponsibilidad ay nagmumungkahi na ang media ay mayroong obligasyon upang kumilos para sa kapakinabangan ng lipunan sa kabuoan. Hindi ito nararapat na maglaro ng mga paborito; hindi ito nararapat kumilos batay pangunahin sa pakinabang.

Kapag ang media ay napuntusan na may kinilingan, ang mga katunayan ay hindi na sinusuri; ang istorya ay hindi kumpleto gayunman ay iyong aakalain na ito ay gayon. Kaya ang nakuha mo kung gayon ay basura yamang ang iyo lamang nakuha ay isang panig.

At bakit ang mga gawain ng kawanggawa na ginagawa ng mga kaanib sa Iglesia ng Dios kagaya ng Libreng Misyon Medikal araw-araw sa mahigit na 10 taon, Libreng Serbisyong Legal, Libreng Sakay, Dunong Gulong, Transient Home, Libreng Edukasyon, Rescue sa mga dakong tinamaan ng kalamidad, ay hindi naririnig mula sa mga higanteng network na ito?

Samantala, ang isang araw na misyon medikal ng aking mga kalaban ay napakarilag na nailalathala sa halos lahat ng mga network na ito. Ito ba ay dahil sa sila ay gumagawa ng isang bagay na negatibo gaya ng pagpapabara ng trapiko kapalit ng kanilang pagsigaw sa mundo ng kanilang ginagawa na napakadalang? Sila ba ay nagbabayad upang sila ay maitampok sa balita?

Sa ngayon, masasabi natin na may pagkiling sa pagbabalita - sa pagpili, para sa panimula. Yaon ay ang pinakamababang sakdal na ating maibibigay sa media.


Ano ang tunay na puntos? Ano ang nasa media sa mga araw na ito? Sa malamang ay nalalaman ito ni Pangulong Duterte. Kanyang sinabi na mayroong tatlong uri ng mga mamamahayag at dalawa sa mga ito ay : 1) Mga tagapamahayag o yaong mga binayaran upang maging mga bibig ng mga pulitiko; at 2) Mapagsamantala, ang mga buwitre ng pamamahayag.

Ang isang pangyayari na katulad ng Kahit Isang Araw Lang - Takbo Para sa Libreng Kolehiyo na pinakinabangan ng maraming mahihirap na kababayan, na dinaluhan pa ng Hepe ng PNP at ng kalihim ng DepEd, ay hindi bahagi ng kanilang balita. Ito ba ay dahil ito ay hindi tungkol sa mga mayaman at sikat na relihiyon? Narito ang isang siniping liwat ng Wikipedia -

Ang Kahit Isang Araw Lang Unity Run ay isang takbo na binuo ng UNTV. Ito ay ginanap sa Mall of Asia Pasay City Metro Manila Philippines noong ika-22 ng Enero 2012. Ang adbokasiya ni Kuya, Daniel Razon (CEO ng UNTV) kilala rin bilang “Mr. Public Service”, ay upang lumikha ng isang makasaysayang fun run para sa edukasyon na may hindi bababa sa 300,000 kalahok.

Sinabi ni Razon “ Ang proyekto ay talagang isang karapatdapat na kasunod ng isang kahawig na ginanap noong nakaraang 2010 na hindi lamang nag-iwan ng marka sa kasaysayan sa mga tuntunin ng bilang ng mga kalahok, kundi sa katuparan ng adbokasiya nito ng pagkakaloob ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa mga benepisyaryo.”

Sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Razon at ang Department of Education Secretary, Armin Luistro, ay gumawa ng kasunduan bilang pagtugon sa kakulangan ng ilang aspeto ng edukasyon.

Maaaring makita na walang nasulat o narinig ng tungkol sa pangyayari noong 2010 - isang malinaw na pagwawalang bahala ng mga higanteng TV Networks dahil sa ang pagbabalita nito marahil ay kalapastanganan . Ang mga organisador ng okasyon ay mga kilalang kasama sa UNTV.

Nguni’t ito bang balita na ito ay para sa UNTV lamang? Ito ay isang pagsisikap na nagpipilit tumulong sa mga mahihirap upang makakuha ng edukasyon, tama? Nasaan na ngayon ang panlipunang responsibilidad na kung saan ang media ay dapat sanang nakapangako?

Kahit na papaano, kahit huli [ hindi isang pagbabalita ], ang Unity Run ng 2012 ay kinilala ng pangtanghaling programa ng ABS-CBN, “SHOWTIME” noong nakaraang ika-17 ng Pebrero 2012, halos isang buwan matapos na ito ay ganapin.


Sa kabaligtaran, narito ang ilan sa mga hindi karapat-dapat ibalita na mga bagay ng mga higanteng network na ito: Dalawang babae nagsabunutan dahil sa lalake at isang away ng mga babae dahil lamang sa yelo.

Ang mga ito ba ang mahahalagang bagay na kailangan malaman ng mga tao? Sa kabaligtaran, ang isang okasyon na magbibigay ng halos 10M piso sa mga institusyon ng pagkakawanggawa na ginaganap sa Smart Araneta upang tumulong sa mahihirap na mamamayan ay hindi ang paksa - hindi kailanman isang paksa - ng kanilang balita.

Ano ang UNTV Cup?

Ang UNTV Cup ay isang liga ng basketbol na pagkakawanggawa sa Telebisyon sa Pilipinas, ang kauna-unahang palarong pagkakawanggawa na inilaan para sa tagapaglingkod sa publiko at mga tanyag na tao sa Pilipinas. Ito ay isang orihinal na konsepto ni Daniel Razon na tinagurian bilang Mr. Public Service at isinakatuparan ng UNTV. Ang mga manlalaro ay binigyan ng pagkakataon upang maglaro at kasabay nito ay makapagbigay ng kanilang mapapanalunan sa kawanggawa na kanilang sariling pinili. Ang palaro ay nagsimula noong ika-29 ng Hulyo 2013.

Ang Season 4 na nagtapos noong Marso 2016 ay nagpapakita ng kanilang benepisyaryo na nabigyan sa kabuoan na 10 milyong piso.

Ang AFP Cavaliers ay tumanggap ng 4 milyong pisong premyo ( 3.5 milyong piso para sa mga benepisyaryo at 500 libong piso para sa nagwaging koponan ), samantalang ang pumangalawa, PNP Responders ay nakatanggap ng 2 milyong pisong premyo ( 1.7 milyong piso para sa benepisyaryo at 300,000 para sa koponan ). Ang 10 ibang koponan ay tatanggap din ng kaloob na salapi para sa kanilang mga tagapagbigay at ang koponan sa katapusan ng season.

Kung ang layunin ng media ay upang magbigay alam, upang magturo at upang umaliw, bakit mayroong maliwanag na pagkiling ng media? Marahil ay tama si Pangulong Duterte nang kanyang sabihin “ pera pera lang yan!”

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Kapaimbabawan sa Iglesia, Pamamahayag, Mga Pulitiko, Lahat


Huwag tayong magpaikot-ikot. Tawagin nating ispada ang ispada.

Ang taong ito ay nagsasabi na may problema ng korupsyon sa lahat ng antas at sektor. Ano ang gagawin? “Aminin ang suliranin, palabasin ang elepante.” At ano ang nakasasagabal dito? Kapaimbabawan! Ngayon, narito ang isang tao na tumatawag sa ispada na ispada.

“Mag prangkahan na tayo. Mas mabuti na sabihin ang totoo at sumang-ayon sa totoo. Sa halip na makipaglokohan sa pamamahayag. Iglesia, mga pulitiko, pulis, lahat. Mayroong isang talukbong ng kapaimbabawan. Ating alisin ang talukbong na ito upang ating maunawaan ang bawat isa at mabuhay sa demokrasya na pinatatakbo sa pamamagitan ng katotohanan, at hindi sa pamamagitan ng mga pansariling interes ng mga taong nagpapanggap. Hindi ako titigil. Magugugol ko ang buong anim na taon ng aking pagka-pangulo sa paglalantad sa inyo at pagbatikos sa inyo… Boykot? Mabuti kung maglaho kayo … Wala akong pakialam kung walang tatakip sa akin… Gawin ninyo ang biyahe na ito na huling biyahe ninyo sa Davao.” - Rodrigo Duterte, 6/2/2016 sa simula ng kumperensya ng mamamahayag, Malacanang ng Timog, Panacan, Davao City (http://www.sunstar.com.ph/davao/opinion/2016/06/03/editorial-elephant-room-477511)

Ang mga prangkang tapat na tao ay gumagamit ng mga diretsang salita. At mas mabuti kung ganoon ito.

Ako ay dumating sa pagpapahalaga mula sa malalim na kinapapalooban ng isang halaga, na aking pinaniniwalaan na na kay nahirang na Pangulong Rodrigo Duterte - sa pamamagitan ng pahayag na ito. Ang halaga na ito ay, gayunman, napawalang halaga gaya ng sinabi ng Pangulo, ng lahat ng mga institusyon ng mga tao, maging ito ay relihiyoso, pulitika, media, at pamahalaan. Ang kanyang obserbasyon na sa bawat dako ay mayroong isang talukbong ng kapaimbabawan ay totoo ayon sa Biblia!

TITO 1:16 
Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.

Ang kapaimbabawan, gaya ng kahulugan sa diksyonaryo, ay ang pagsasanay ng pag-aangkin ng moral na mga pamantayan o mga paniniwala kung kanino ang sariling pagkilos nito ay hindi tumutugma; ito ay pagpapanggap.

Ang kapaimbabawan ay malawakang pinagsasanayan sa mga relihiyon na itinayo ng mga tao. Samantalang kanilang ipinapahayag na kanilang nakikilala ang Dios, gumagawa sila ng mga ilegal na gawain, nagsasamantala sa bawat pagkakataon para sa mga pansariling interes.

MIKAS 3:11 
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

Kamakailan lamang, kinuha ng nahirang na Pangulo ang gawain ng Iglesia Katolika bilang “pinaka-tiwaling institusyon.” Sumunod, kanyang ginawang target ang media sa pagiging tiwali ng ilan sa kanila. Papaano naman ang sistema ng hustisya? Parating may “panahon” o “oras” sa bawat bagay sa ilalim ng araw. At ako ay naniniwala na ang oras ay dumating na para sa atin upang makita ang tunay na pagbabago.

ECLESIASTES 3:1-8 
1 Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit:
2 Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim; 
3 Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo; 
4 Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw; 
5 Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap; 
6 Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon; 
7 Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita; 
8 Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan.

Ako, sa aking sarili mismo, ay nauuhaw at nagugutom sa katarungan dahil sa kapaimbabawan ng mga tao sa relihiyon at sa pamahalaan! Ako ay nagpapasalamat na may tao na nakaisip ng pagsusulat tungkol sa mismong mga duda na bumabagabag sa aking isip. Ako ay napayapa nang aking nabasa ang isang aklat ng isang walang takot na mamamahayag na nagbulgar ng isang bagay na aking pinagaatubilihan na ilantad sa pangamba ng panggigipit.


Ang aklat na ito, “Shadow of Doubt: Probing the Supreme Court” by Marites Danguilan Vitug (Philippine Trust Media Group, Inc. 2010, 268 pp) wrote on Pages 93-94 -

Talagang tumulong ng malaki na si Velasco ay inendorso ni Arsobispo Ricardo Cardinal Vidal ng Cebu, isang kamag-anak ng kanyang asawa, at ng Iglesia ni Cristo. Itinala ni Velasco si Cardinal Vidal bilang isa sa kanyang mga reperensya nang siya ay nag-aplay sa Korte Suprema. Tinanong tungkol sa nominasyon ng INC, sinabi ni Velasco , “Ang ilan sa aking mga kaibigan at mga kamag-aral ay maaaring nakalapit sa Iglesia ni Cristo.”

Makalipas ang mga taon, si Velasco ay nagsulat ng isang desisyon na pabor sa INC nang kanyang kinatigan ang tatlong buwan na suspensyon ng programa sa telebisyon, Ang Dating Daan, na kung kanino ang tagapagsalita ng programa ay gumamit ng mga opensibong lengguwahe laban sa isang ministro ng INC na isa ring tagapagsalita sa isang programa sa telebisyon, Ang Tamang Daan. Ang mga magkaribal relihiyosong ito ay dati na’ng nasa lalamunan ng isa’t isa sa loob ng mga taon.

Ang nakararami ay pumanig kay Velasco. Apat na mga hukom ng korte suprema ang hindi samang-ayon, na tinatawag ang desisyon na isang “paunang pagpigil” at samakatuwid, isang suntok sa kalayaan ng pagsasalita.
Ang pagkaunawa ay si Velasco’y nagbabayad ng kanyang mga utang sa INC. “Ito ay isang en banc na desisyon,” ang wika niya, pagpapabulaan sa inisip na pagkiling.

Ang Velasco na binabanggit sa aklat ay si Presbitero J. Velasco Jr., isang kasalukuyan na Associate Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas. Sa katunayan, si Velasco ay naghabla ng libelo sa may-akda at humingi ng P1-M na danyos - ang kauna-unahang umuupong Hukom ng Korte Suprema na nagsampa ng kasong libelo laban sa isang mamamahayag. Siya ay naghabla ng iba pang kaso nang ang artikulo ay lumitaw sa aklat ni Vitug na “Shadow of Doubt: Probing the Supreme Court.” Malaunan ay kanyang iniurong ang isa sa mga kaso ng libelo. (Purple Romero, “Justice Presbitero Velasco: Faced with 'ethical' issues,” RapplerDotCom, July 27, 2012),

Papaano naman ang mga ugnayan ng “iglesia at korte?” Kung ang isang grupo ay puwersahang umiimpluwensya, gaya ng kasanayan ng mga Iglesia ni Cristo, para sa pag-eendorso ng isang hukom, ang isa ay maaaring makatiyak na mayroong kahilingan na kailangan matugunan. Nasaan kung gayon matatagpuan ang katarungan sa kanilang ponente? Sa “INC lobbies for key gov’t positions,” Aries Rufo (RapplerDotCom, July 23, 2015) ay isinulat -

Kabilang sa mga hukom na naging mga benepisyaryo ng INC ay ang kasalukuyang Associate Justice Presbitero Velasco ng Korte Suprema at ang retiradong Justice Ruben T. Reyes ng Korte Suprema. Ang INC ay sumuporta rin sa kanila nang sila ay hinirang sa Court of Appeals sa simula pa. Hinirang din ni Arroyo si Reynaldo Wycoco, isang retiradong heneral at miyembro ng INC, bilang hepe ng NBI. Namatay si Wycoco noong 2005. (http://www.rappler.com/newsbreak/64529-inc-lobbies-key-government-positions).

Nakikita ko ang liwanag sa mga malaking pagbabagong inisyatiba na ito na inilulunsad ng nahirang na Pangulo kung saan ang disiplina ay maitatag.

Sulong, Pangulong Duterte! Kami ay nananalangin para sa iyo! At kung ikaw ay iiwan ng mga higanteng entidad ng media, hayaan ito. Kami ay naririto upang tumulong sa iyo. Maaari mong gamitin ang mga pasilidad ng UNTV ng libre upang lalong mapaglingkuran ang sambayanang Pilipino! Pagpalain ka nawa ng Dios!

Sincerely yours,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]