Mga Walang Kahihiyan na Mamamahayag na Lumalabag sa Kodigo ng Etika


Madali ang maglagay ng mga islogan gaya ng “Legal, tapat, at makatotohanan,” “ Sa paglilingkod sa mga Pilipino sa buong mundo,” “Walang kinikilingang sinoman, walang pinangangalagaang sinoman; walang kasinungalingan, purong serbisyo lamang!”

Nguni’t hindi gayon ang nararanasan ng mga tao sa inilalabas ng mga higanteng media sa mga araw na ito. Hindi ba?

Sa katunayan ang nahirang na Pangulong Rody Duterte ay nagsabi “pera-pera lang yan!”


Narito ang mga sipi mula sa mga pakikipag-usap ni Duterte sa media -

Tayo’y maging prangka. Ako ay nagsasabi ng mga ito na walang mga pagbibigay dahilan. Walang paghingi ng paumanhin, walang anuman. Ibig ba ninyong marinig ito? Maigi. Kung hindi, hayaan itong maging gayon. Huwag nating linlangin ang isa’t isa . Inyo nang nalalaman ito: sila’y napakarami - ang mga buwitre na nagpapanggap na mga mamamahayag!

Ang problema ay ang bawa’t anak ng puta na nag-aangkin na isang mamamahayag na gumagawa ng pera mula dito, gumagatas ng salapi, nangingikil ng salapi mula sa mga tao… at siya ay pinatay at siya ay pinarangalan sapagka’t siya ay isang mamamahayag. Parating may binayarang banat. Hindi lamang ito sa ibang mga propesyon. Huwag kailanman isipin na ikaw ay nasa larangan ng kadalisayan. (https://www.youtube.com/watch?v=XXRTdljXljA)

Ako’y nakatitiyak na ang nahirang na Pangulong Duterte ay nagkaroon ng mga karanasan na kahawig ng akin nang kanyang sabihin ang hinggil sa media sa Pilipinas ( kanyang tinutukoy ang mga higanteng networks ) bilang “pera-pera lang yan!”

Mga Halimbawa

Bakit intensyonal na ilalagay ng isang network sa kanyang balita at sabihin pang internasyonal, ang isang partikular na restawran na naghahain ng mabuting pagkain samantalang mayroong marami na naghahain ng mas mabuti ? Hindi ba nangangahulugan na ang mamamahayag ay makikinabang mula sa sumasakay sa balita na patalastas na ito?

Tinuran ito sa Merriam Webster bilang advertorial - isang patalastas sa porma na editoryal ang nilalaman. Alinsunod dito, ang salitang “advertorial” ay isang pinaghalong mga salitang “advertisement” at “editorial.” Tunay na ito ay isang patalastas na may mukha ng balita! Napaka mapanlinlang!

At bakit natin binibigyang diin ito? Sapagka’t ang balita ay nararapat na maka-layunin ( walang kasangkot na salapi ) at ang patalastas ay mahirap pangbenta ( ang pera ay kasangkot ). Kaya mahalaga na ang isa ay huwag magbihis bilang iba.

Bakit hindi pahintulutan ang may-ari ng restawran na bumili ng espasyo o oras upang mag-anunsyo ng kanyang restawran? Sa gayong paraan, ito ay lalabas na tunay na asul na patalastas at hindi bilang balita. At bakit pinahintulutan ng Editor-in-Chief ang gayong inhustisya sa ibang restawran?

Sa pamamagitan ng tinanggap na unibersal na pamantayan, ang mga negosyo ay nararapat na mag-anunsyo ng kanilang mga produkto o serbisyo at hindi sumakay gaya ng balita! Ang natatamo ay panlilinlang sa publiko! Ang tagapanood ay makapagsasabi sapagka’t nagsisimula ito bilang balita at maya-maya pa ay nandoroon na ang promosyon!

Subali’t papaano naman yaong mga hindi makahalata? Sila ba ang inyong target na tagapanood? Papaano naman yaong mga nagtitiwala sa inyo na inyong inihahatid ang inyong serbisyo ayon sa inyong islogan ng katapatan? Ng katotohanan? Ng pagiging tagapaglingkod ng bayan? Ang dahilan sa likod ay maaaring…”pera-pera lang yan!”

Hindi karapatdapat ibalita

May mga balita na nailathala, inilimbag, at ipinahayag ng media ng pagbabalita na mga hindi mahalagang ibalita! Mga tsismis tungkol sa mga personalidad ng takilya gaya ng napipintong paghihiwalay ng mga kilalang tao, ang away ng dalawang nagseselos na magkaribal sa isang lalake sa fourth street ng Bangkusay, isang tindero sa lansangan na nakikipagbuntalan sa isa pang tindero - ang mga ito ay walang pakinabang sa mga tagapanood at mambabasa. Ito ay paghahatid dumapit na ipinagbabawal ng Biblia!

KAWIKAAN 16:28 
Ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.

Ang pagiging patas ay isang kailangan lalo na sa investigative journalism. Samantalang ito ay isang
publikong interes at isang karapatan upang malaman ang mga bagay tungkol sa isang tanyag na tao sa pamahalaan, sa pribadong sektor, at sa mundong relihiyoso, kapwa mabuti at masamang balita tungkol sa isang tao ay kinakailangang mailathala sa media na nagsasanay ng patas na pamamahayag!

II CORINTO 6:8 
Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri, sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat; gaya ng mga magdaraya gayon ma'y mga mapagtapat;

Focusing on the negative Ang pagpili upang palaging ibalita ang sa isang panig na mga ulat tungkol sa isang tao ay hindi makatarungan!

Si Kapatid na Eli ay naging laging paksa ng mga masasamang balita ng media networks sa Pilipinas, kung minsan ay paksa ng mga pangunahing balita sa ilang mga pahayagan! Sa maraming mga kaso na isinampa ng mga kaaway relihiyoso ni Kapatid na Eli sa mga hukuman ng Pilipinas, karamihan ay iniuulat gaya ng balita at naglayon upang siraan siya ng puri. Gayunman, nang ang kaso ay ibinasura o kung saan si Kapatid na Eli ay napatunayang walang sala, walang balita tungkol dito, nag-iiwan ng kawalan ng pagiging patas - gaya ng pagpapakilala sa publiko na ako ay isang masamang tao - isang salot sa lipunan! Ito ba ang katotohanan nito?

Narito ang ilan sa mga pinili ng media na ipagsawalang-kibo:

1) Criminal Case No. QO4-126059 (For Libel). Sina Joselito Mallari at Wilfredo Santiago ay nagkomento sa tatlong balita na inilathala sa tatlong lokal na mga pahayagan sa kanilang programa sa telebisyon. Bilang resulta, ang Iglesia ni Cristo (INC) na kinakatawan ni Bienvenido C. Santiago ay nagsampa ng mga kaso laban sa kanila noong ika-31 ng Marso para sa krimen ng libelo. Sa 13-pahinang desisyon na sinulat ni Presiding Judge Manuel B. Sta. Cruz, Jr. ng Regional Trial Court, NCJR, Branch 226 para sa Criminal Case No. QO4-126059, si Joselito “Josel” Mallari at Wilfredo “Willy” Santiago ay pinawalang sala sa krimen ng libelo dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang lahat ng elemento ng krimen na isinampa, kung kaya’t nabigo ito na maipakita ang kasalanan ng akusado lampas sa makatwirang pagdududa.

2. Criminal Case 5957 (For Libel). Ang mga nagreklamo sa pangunguna ni Bernardo Santiago ay nabigong patunayan “ng walang anumang pag-aalinlangan” na mayroong malisya sa mga pahayag na di umano’y sinabi ni Soriano sa kanyang pahayag sa himpapawid sa telebisyon noong ikaw-7 ng Setyembre 2001. Ang kasong ito ay isinara pitong taon makalipas na ito ay naisampa. Sa walong pahinang desisyon na isinulat ni Josephine Zarate Fernandez, ang Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 76 ng San Mateo Rizal, ang TV Broadcaster na si Eliseo Soriano ay pinawalang sala sa kasong libelo. Sa utos na nilagdaan noong ika-24 ng Enero 2014, sinabi na ang malisya ay hindi napatunayan ng walang anumang bahid duda na makatuwiran.

3. Criminal Case 06-248365 (For Libel). Sa kabila ng pagtanggi ng korte, noong 2007, makalipas ang dalawang taon, ang mga nagreklamo sa Criminal Case 06-248365 (Para sa Libelo) sa Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 8, Manila ay humiling din sa isang mosyon na ideklara ang akusado na si Eliseo Fernando Soriano na isang fugitive from justice o tumakas sa hustisya. Ang korte sa pagkakataong ito ay nagtiyagang magpaliwanag na ang kahulugan ng “fugitive from justice” ay para sa isang tao na nahatulan na o “convicted by final judgment.” Hanggang sa mapatunayan na may kasalanan, ang isang akusado ay itinuturing na inosente.

4. Criminal Case 5957 (For Libel). Ang mga nagreklamo sa pangunguna ni Bernardo Santiago ay nabigong patunayan “ng walang anumang pag-aalinlangan” na mayroong malisya sa mga pahayag na di umano’y sinabi ni Soriano sa kanyang pahayag sa himpapawid sa telebisyon noong ikaw-7 ng Setyembre 2001. Ang kasong ito ay isinara pitong taon makalipas na ito ay naisampa. Sa walong pahinang desisyon na isinulat ni Josephine Zarate Fernandez, ang Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 76 ng San Mateo Rizal, ang TV Broadcaster na si Eliseo Soriano ay pinawalang sala sa kasong libelo. Sa utos na nilagdaan noong ika-24 ng Enero 2014, sinabi na ang malisya ay hindi napatunayan ng walang anumang bahid duda na makatuwiran.

5. Criminal Cases Nos. 2002-4236-MK (For attempted murder). Nagsampa ng kasong attempted murder si Bernardo Santiago ng Iglesia Ni Cristo laban kay Bro. Eli Soriano at sa kanyang mga kasamahan. Nakatala bilang Criminal Cases Nos. 2002-4236-MK at tumutukoy sa ika-4 ng Setyembre 2001, sa gayon ding petsa nang siya at si Dr. Pascua ay dumadalaw sa mag-asawang Jimenez, ang pribadong naghain ng reklamo na si Bernardo Santiago ay nag-akusa kay Soriano na kumilos sa pakikipagsabuwatan sa mga iba pa upang siya’y patayin. Si Judge Geraldine Fiel-Macaraig ng Regional Trial Court, Branch 192 ng Marikina City, gayunman, ay nagbasura sa kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya noong ika-11 ng Pebrero 2010. Ang pakikipagsabuwatan ay hindi napatunayan. (Bro. Eli Soriano wins Case Vs. Iglesia ni Cristo: “Killing Fields” and “Katayan” Comment not Libelous, kotawinters.wordpress.com, 3/8/2014)

Palaging Alerto Kapag Negatibo

Subali’t ang kaduda-duda ay kapag ang isang kaso na isinampa ng kaaway ay sumulong o kapag si Kapatid na Eli ay tinanggihan sa kanyang mga apela, ang mga higanteng media na ito ang una sa pag-uulat nito!

Hindi ba lohikal na isipin na ang mga media na ito ay nababayaran o naimpluwensyahan ng mga kaaway ni Kapatid na Eli? “Pera-pera lang ba yan?” Ewan ko. Alam nila yan! Ang mga kasangkot ang nakakaalam tungkol dito, sigurado.

What’s Newsworthy?

Hindi lamang ang legal na laban ni Kapatid na Eli sa mga maimpluwensyang relihiyon ang mahalaga na ibalita. Mayroong ilang bilang ng mga kawanggawa at mga paglilingkod sa komunidad ang pinangungunahan ni Kapatid na Eli na hindi nakapagmerito ng pansin ng mga higante sa media. Marahil walang nagbayad sa kanila upang ilagay sa listahan ng kanilang mga balita ang mga mahahalagang ibalitang bagay na ito!

a. MCGI bilang Numero 1 na Tagapagbigay ng Dugo: Sa karaniwan, halos 10,000 blood units ang nalilikom taon-taon ng mga Kaanib sa Iglesia ng Dios Internasyonal, na kanilang ibinibigay sa pamahalaan at sa mga hindi pampamahalaang organisasyon. (https://www.elisoriano.com/ang-dating-daan-supports-blood-donor-day/)


b. Kasama sa Pamamahagi ng PBS: Si Kapatid na Eli ay isang habang buhay na kasapi, regular na tagapagbigay at mayor na kasama sa pamamahagi ng Philippines Bible Society.

c. Proyektong Libreng Kolehiyo . Ilang iskolar ang pinaglilingkuran hindi alintana kung anuman ang relihiyon. (http://www.mcgi.org/mcgi-launches-free-college-project/)


d. First in the country: The transient home project by the Kamanggagawa Foundation, a non-profit arm by the Members Church of God International (MCGI) caters to those unable to go home for the night. It has several of these in the country.


e. For abandoned or unwanted babies: Infant Care Center


f. Free Rides with vehicles plying the streets.


g. Daily free medical and dental clinic (http://www.mcgi.org/the-true-church-of-god/church-charities/)



Samantalang hindi ko mababanggit ang lahat ng mga bagay na aming ginagawa, ang mga ito ay mga halimbawa lamang ng kung ano ang maaaring maibalita - at hindi ang karaniwang hanay ng kuwento ng daldalero.

Patungkol sa Media

Sapagka’t hindi nila makitang maliwanag, ito ang talata na nababagay sa mga higanteng news media na ito.

MATEO 23:24
Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

Maliwanag, ito ay tungkol sa kaibahan sa sukat, Ang kapaimbabawan sa lahat ng inyong mga islogan ng katapatan, pagkamakatotohanan at paglilingkod ay ang kayo ay nagbibigay atensyon sa maliliit na bagay at iniuulat ang mga ito subali’t inyong ipinagwawalang bahala ang lalong matitimbang na bagay.

Naniniwala kayo na may mga bagay na tunay na hindi mahalaga gayunman ay sinasabing gayon sila dahil ito ay sa inyong makasariling pakinabang.

Ano ang mahalaga uli tungkol sa napipintong paghihiwalay ng mga kilalang tao, ang away ng dalawang nagseselos na magkaribal dahil sa isang tao sa fourth street ng Bakungsay, isang tindero sa lansangan na nakikipagsuntukan sa isa pang tindero? Bilang media, hindi ba kayo ay nararapat na maging mga gabay sa mga karaniwang tao?

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

5 (mga) komento:

Ang Ginintuang Tuntunin: Prinsipyo na Itinuro ni Jesus


Palagi nating naririnig ang tungkol sa Ginintuang Tuntunin na nagsasabi, “Gawin mo sa iba ang ibig mo na gawin ng iba sa iyo.” Ito ay kinuha mula sa Mateo 7:12.

MATEO 7:12 
Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.

Sa pamamagitan ng lahat ng pamantayan, ang pahayag na ito ng ating Panginoong Jesucristo ay matuwid, patas at makatarungan. “Gawin mo sa iba ang ibig mo na gawin ng iba sa iyo.” Sa isang simpleng lohika, ang Mateo 7:12 ay tungkol din -

“Huwag mong gawin sa iba ang hindi mo ibig na gawin ng iba sa iyo.”

Ito ay isang payak at simpleng kabutihan na ang isang libre at nag-iisip na kaisipan ay madaling makakaunawa. Kung hindi mo ibig na masaktan, ikaw ay hindi nararapat na manakit ng iba. Kung ibig mo na igalang ng iba ang iyong mga karapatan, ikaw ay nararapat na gumalang sa mga karapatan ng iba.

Samantalang tayo ay naglalakad, ang realidad ay kailangan nating igalaw ang ating mga kamay (braso). Ayon sa siyensya, ito ay paraan ng ating katawan upang mamantine ang tamang balanse habang tayo ay naglalakad.

Nguni’t hindi natin kailangan na ikampay ang ating mga kamay ( braso ) upang mapanatili ang balanse sa sukdulang tinatamaan na ang mukha ng ibang tao, kung kaya, pinagkakaitan siya ng katulad na karapatan na ating tinatamasa para sa ating mga sarili. Ang respeto para sa iba ay sangkap na kailangan ng kapapayapaan sa isang sibilisadong lipunan.

I PEDRO 2:17 
Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.

Sa pamamagitan ng mga simpleng pamantayan ng hustisya, ating madaling mahahatulan na ang pananakit sa ibang mga tao lalo na ng mga inosente ay simpleng paglabag sa kanilang katutubo at natural na karapatan bilang tao. Ang aking puso ay nalulumbay sa bawa’t pagkakataon na ako’y nakaririnig ng ganitong mga balita, na ang mga tao na hindi nananakit ng mga iba, na mga walang layunin na manakit ng sinoman, ay mga sinasaktan.

Ang pananakit o ang pagdudulot ng pinsala sa mga inosenteng tao ay pagdudulot din ng pinsala at kalumbayan sa kanila na nagmamahal sa mga taong ito. Ang lalong malubha pa rito ay ang Manlilikha ng mga taong ito, na Siyang Manlilikha nating lahat, ay napapagalit sa pamamagitan nitong hindi matuwid na gawa.

KAWIKAAN 14:31 
Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.

KAWIKAAN 19:17 
Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.

Ako ay nag-iisip na kung iyong sasaktan ang aking ina, iyong sasaktan ako sapagka’t siya ay mahal ko. At kung aking sasaktan ang iyong ina, ikaw man ay sasaktan ko sapagka’t mahal mo ang iyong ina. Ito ay isang napakasimpleng lohika na hindi naiintindihan ng ilang mga panatikong relihiyoso na walang respeto sa mga iba.

Ating tingnan ang kaso na ito - isang iniulat dahil sa takot nguni’t kulang sa pagkahayag para sa katotohanan. Ito ay ipinadala kamakailan sa Facebook kay Sher Lock, isa sa mga nangungunang tagapagtanggol ng Iglesia ni Cristo, na sumisigaw ng mga katiwalian sa loob ng INC. Ang Ka Tenny na binanggit dito ay ang asawa ng yumaong Eraño Manalo, ang ikalawang henerasyon na kataastaasang Ministro ng INC, at ang mismong ina ni Eduardo Manalo, ang kasalukuyang kataastaasang Ministro.





In photo: Ka Tenny (Left) and her sister, Tita Ayds

Walang paraan na mapatunayan ang katotohanan ng istorya na ito subali’t ang mga balita sa nakaraan ay nagpapatibay sa walang pagbabagong kapabayaan ni Eduardo Manalo sa kanyang sariling ina at pagtakwil sa kanyang sariling mga kapatid. Mula nang kanyang itiwalag ang kanyang sariling ina at mga kapatid, kanyang ginagamit ang Biblia upang panindigan ang kanyang mga gawa. Tumanggi siyang makipag-usap sa kanila -

MATEO 12:46-50 
46 Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap. 
47 At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka. 
48 Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid? 
49 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid! 
50 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.

Sa isang ulat na sinulat ni Jaymee T. Gamil (“Iglesia row flares up anew at QC property,” Philippine Daily Inquirer, 6/12/2016), ang mga bantay ay itinalaga ng Iglesia ni Cristo na humahadlang sa paghahatid ng pagkain at tubig sa 36 Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Ito ay ang tahanan ng pamilya ni Eraño Manalo kung saan ang mga itiniwalag na mga kapatid ng kataastaasang Ministro Eduardo Manalo ay nananatiling nakalungga sa halos isang taon.

Iyong maiisip na ito ay pamilya na kung saan ang mga anak ay kasangkot, at pagkakaitan ba sila ng Kataastaasang Ministro ng tubig at pagkain? Ito ay ang tahanan kung saan ikaw dati ay kabilang, ang pamilya ng iyong ama at iyong sariling dugo na ina at mga kapatid. At iyo bang tatanggihan sila sa karapatan sa tubig at pagkain?

Sa kabutihang palad, mayroon pa ring Espiritu ng Bayanihan sa kanilang mga miyembro na ipinaglaban ito upang lingapin yaong mga ulit-ulit na pinighati sa loob.

Aking nalaman mula sa aking pagkabata na ang mga Pilipino ay mahabagin, magiliw sa pagtanggap ng panauhin, at mabait. Ang ating tradisyon ng “bayanihan” ay nagpapatunay nito!

Ang bayanihan gaya ng pakahulugan, ay tumutukoy sa espiritu ng pagkakaisa ng komunidad, paggawa at kooperasyon upang makamit ang isang partikular na layunin. Narito ang isang larawang orihinal na ipininta ni Carlos “Botong” V. Francisco na nagsasalarawan ng espiritu ng bayanihan. 


Nang ang 36 Tandang Sora Avenue ng Quezon City ay patuloy na humihingi ng saklolo, ang ilan ay naglakas ng loob upang magdala ng pagkain at tubig na panustos sa isang takdang petsa - bagaman may mga bantay sa paligid.

Nguni’t papaano ito? Ang pinagmulan ay internasyonal. Orihinal na isinulat ng CBC ng Canadian Broadcasting Corp, “Isang Pilipino nag-aangkin ng mga banta sa buhay mula sa mga miyembro ng makapangyarihang iglesia Kristiyana” ay tungkol sa isang hindi naordinahan na ministro ng INC na tumatakas mula sa kanyang dating relihiyon dahil sa kanyang paglalantad tungkol sa katiwalian. (https://ca.news.yahoo.com/filipino-man-claims-death-threats-090006032.html).

Tumatanggap ng mga banta sa buhay mula sa mensahe na inilagay sa kanyang nakaparadang kotse isang araw noong Marso ng taong ito, Lowell Menorca II at ang kanyang pamilya ay lumipad patungong Vietnam at pagkatapos ay patungong Thailand.


Ang banta sa buhay ay pinadala gamit ang larawan ng pamilya ni Menorca na may petsang Marso 7, ang mukha ng kanyang anak na babae ay minarkahan ng “X” (Tetch Torres-Tupas, “Ex-INC minister who accused sect leaders goes missing — lawyer,” Philippine Daily Inquirer, 4/7/2016).

Ang kanyang buntis na asawa at anak ay iniwan samantalang siya ay naghahanap ng kanlungan sa Canada. Samantala, ang abogado ng INC ay inutusan na tanggihan ang mga akusasyon sa Canada at upang pabulaanan ang banta. Si Menorca ay nag-aangkin na siya ay palihim pa ring sinusubaybayan sa Canada. Ang mismong pinagmulan ay nagsasabi -

Ang Iglesia Ni Cristo ay ang ikatlong pinakamalaking pananampalataya sa Pilipinas pagkatapos ng Katolisismo at Islam, at ito ay mayroong daan-daang mga kapilya sa buong mundo, kabilang ang marami sa Canada.

Ang INC ay nangangaral na ang mga ito “ang mga huling araw,” at tanging ang mga miyembro nito ang maliligtas. Ayon sa mga doktrina ng iglesia, ang pagkatiwalag ay nangangahulugan ng pagkawala ng iyong kaligtasan.

Maaaring ipaliwanag nito kung bakit sa kabila ng nalalantad sa organisasyon na ito, ang mga miyembro ay nananatili pa rin at nakikipaglaban “upang ibalik ang INC sa kanyang dating kaluwalhatian,” desperadong tumutuya kay Eduardo Manalo at sa kanyang liderato.

Ako ay isang Pilipino at aking nakikilala ang mga tunay na Pilipino. Ako ay sapat na sa katandaan, may 70 taong gulang, upang makilala ang klase ng Pilipino. Hindi karaniwan sa mga Pilipino ang pumatay ng kapuwa mga Pilipino, subali’t ang relihiyosong impluwensya ay gumagawa sa ilang Pilipino upang iwala ang pagpapahalaga na yaon.

Ito ay lalong lalo na sa ilang mga denominasyon na ibinibilang ang kanilang mga sarili na mga Kristiyano, pumapatay o nagddudulot ng pinsala sa iba, na kabilang din bilang mga Kristiyano.

Sa aking sariling kaso, ito ay kaalaman ng publiko na ang mga ministro ng INC ay nagpapahayag na kanilang hangad nilang kamatayan sa akin sa Net25. Ito ba ay dahil nagsasabi ako ng katotohanan? Tungkulin ko ang maghayag ng mga kabulaanan. Ito ay parte at bahagi ng aking pagkatawag. Ngayon, iyo ba akong papatayin dahil doon?


Ang hindi karaniwan sa mga Pilipino sa nagdaan, ay ngayon ay karaniwang senaryo dahil sa iba’t ibang maling relihiyosong paniniwala na ipinakilala sa mga Pilipino, at yaon ay “Gawin mo sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo!” Ang mga relihiyon sa silangan ay nagbigay ng kanilang tuntunin ng ganito -

Confucianismo: "Huwag mong gawin sa iba kung ano ang hindi mo nais sa kanila na gawin nila sa iyo." (Analects 15:23)

Hinduismo: “Ito ang kabuoan ng tungkulin: huwag mong gawin sa iba ang makapagdudulot ng sakit kung gagawin sa iyo.” (Mahabharata 5:1517)

Buddhismo: “Huwag mong saktan ang iba sa mga paraan na ikaw sa sarili mo ay makasasakit.” (Udanavarga 5:18)

Ako ay umaasa lamang para sa isang banal na interbensyon upang maalis ang Pilipinas dito sa makademonyong brutal na pagpatay ng mga tao lalo na ng mga inosente dahil sa mga panrelihiyong kabuktutan!

JUAN 16:2-3 
2 Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga: oo, dumarating ang oras, na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios. 
3 At ang mga bagay na ito'y gagawin nila, sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama, ni ako man.

MATEO 23:15 
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.

Ang mga talatang ito ay malinaw na nagpapakita ng impluwensya ng mga bulaang relihiyon sa sangkatauhan!

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

3 (mga) komento:

Pagkiling ng Media o Balitang Ipinagbibili?


Ang pahayag ng nahirang na Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa media at ilang mga mamamahayag bilang “pera-pera lang yan” ay isang obserbasyon ng isang makaranasanang lingkod publiko na nagsisilbi sa mga Pilipino sa Timog ng Pilipinas sa mahigit na 30 taon. Ito’y lagi nang aking naging paniniwala na, bukod sa mga tradisyon at karaniwang pagkaunawa, kung ang isang tumanda at makaranasang tao ay nagsasalita, siya ay nagsasalita mula sa karanasan, at samakatuwid ay ng katotohanan. Maging ang Biblia ay kumikilala sa karunungan ng tumanda.

KAWIKAAN 20:29 
Ang kaluwalhatian ng mga binata ay ang kanilang kalakasan: at ang kagandahan ng matanda ay ang ulong may uban.

KAWIKAAN 16:31 
Ang ulong may uban ay putong ng kaluwalhatian, masusumpungan sa daan ng katuwiran.

JOB 12:12 
Nasa mga matanda ang karunungan, at sa kagulangan ang unawa.

Ang tao marahil ay nagsasalita ng mga kasinungalingan at kapaimbabawan kung ang gayong tao ay nasa ilalim sa pamamahala at kapangyarihan ng ibang tao.

KAWIKAAN 29:12 
Kung ang puno ay nakikinig sa kabulaanan, lahat niyang mga lingkod ay masasama.

Nguni’t kung siya ay hindi, kung gayon ay maaaring siya ay nagtatapat sapagka’t siya ay nakakakita ng mga bagay mula sa lahat ng panig na walang sinumang nagdidikta sa kanya.

Para sa isang tao na kagaya ng nahirang na pangulong Duterte na hindi nadidiktahan o pinamamahalaan ng kanyang sariling relihiyon nang kanyang sinabi “ Ako’y hindi na isang Katoliko,” karapatdapat sa kanya ang kredibilidad.

Kailangan tayong bumalik sa pagpaplano ng pamilya. Sa ganang akin, ako’y hindi na Katoliko nguni’t ako ay isang Kristiyano. At mayroon ako nitong malalim, namamalaging pananampalataya sa Dios upang gabayan tayong lahat, at para sa akin, upang magkaroon ng malinaw na pag-iisip. (http://www.pahomepage.com/news/philippines-new-leader-to-be-dictator-against-corruption)

Maging ang pagkakaibigan ay hindi nakakaimpluwensya sa mga desisyon ni Pangulong Duterte. Nang kanyang sinabi ang tungkol kay Apollo Quiboloy na hindi niya kailangan konsultahin ang sinoman sa pagpapatakbo ng pamahalaan ng mga taong personal niyang kilala, tahasang pinatutunayan nito na ang tao ay hindi naoobligang magbigay pabor dahil sa utang na loob maging sa kanyang pinakamatatalik ng mga kaibigan.

Inilabas ni Duterte ang pahayag na ito matapos na ang kanyang malapit na kaibigan, Pastor Quiboloy, ay nagreklamo dahil siya’y pinagsarhan mula sa pagpipiliang bagong mga kalihim ng kabinete.

Ang aking katapatan sa aking mga kaibigan ay natatapos kung saan ang aking kapatapan sa aking bayan ay nagsisimula. Wala ‘yung usapan na kailangan natin … kunsultahin kita. Nagpapasya ako na mag-isa. Tanungin mo isa’t isa iyan. Walang nagturo sa akin. Ako ang nag-isip. (Dharel Placido, “Duterte to friends: I decide alone,” ABS-CBN News, 22 May 2016)

Si Pangulong Duterte ay napaka-katulad ng isang mangangaral na kumikilala ng utang na loob hindi sa kanino mang tao kundi sa Dios.

II CORINTO 6:11 
Ang aming bibig ay bukas para sa inyo, Oh mga taga Corinto, ang aming puso ay lumalaki.

II CORINTO 7:4,2 
4 Malaki ang katapangan ko ng pagsasalita sa inyo... 
2 Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso: hindi namin inapi ang sinoman, hindi namin ipinasama ang sinoman, hindi namin dinaya ang sinoman.

Ang paraan ng pagsasalitang ginamit ni Apostol Pablo ay hindi naglayong magbigay lugod sa mga tao kundi sa kung kanino siya tumatanaw ng utang na loob, at iyon ay ang Dios.

GALACIA 1:10 
Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.

Ako ay naniniwala na kahit ang Iglesia ni Manalo, ni kami man, ay makakaimpluwensya sa makatuwirang paghatol ni Pangulong Duterte. Iyon ay magiging magandang balita - sa kapakanan ng bansa na matagal na nitong sinubukan na bulukin dahil sa mga rekomendasyon nito sa mga sensitibong posisyon sa pamahalaan. Sa nakaraan, “Pinadadali ng INC sa kanilang mga alyado sa pulitika na malaman kung ano ang kanilang gusto sa porma ng listahan ng mga hinihirang na posisyon na kanilang ibig na masiguro para sa kanilang sariling mga miyembro.”

Ang pahayag ni Duterte tungkol sa ilang miyembro ng media at mga mamamahayag ay hindi isang kuwentong engkantada at isang hindi walang kwentang obserbasyon. Ako rin ay nag-iisip batay sa aking karanasan sa mga tinaguriang “journalists” ng mga higanteng network sa Pilipinas.

Mga katanungan sa media

Bakit ang “balita” na makakasira sa aking reputasyon tungkol sa mga kinathang mga kaso ng aking mga kalaban sa relihiyon na isinampa laban sa akin sa mga hukuman sa Pilipinas, ay ginagawang sensasyonal ng mga “respetadong mamamahayag” ng mga higanteng network?

Ang panlipunang reponsibilidad ay nagmumungkahi na ang media ay mayroong obligasyon upang kumilos para sa kapakinabangan ng lipunan sa kabuoan. Hindi ito nararapat na maglaro ng mga paborito; hindi ito nararapat kumilos batay pangunahin sa pakinabang.

Kapag ang media ay napuntusan na may kinilingan, ang mga katunayan ay hindi na sinusuri; ang istorya ay hindi kumpleto gayunman ay iyong aakalain na ito ay gayon. Kaya ang nakuha mo kung gayon ay basura yamang ang iyo lamang nakuha ay isang panig.

At bakit ang mga gawain ng kawanggawa na ginagawa ng mga kaanib sa Iglesia ng Dios kagaya ng Libreng Misyon Medikal araw-araw sa mahigit na 10 taon, Libreng Serbisyong Legal, Libreng Sakay, Dunong Gulong, Transient Home, Libreng Edukasyon, Rescue sa mga dakong tinamaan ng kalamidad, ay hindi naririnig mula sa mga higanteng network na ito?

Samantala, ang isang araw na misyon medikal ng aking mga kalaban ay napakarilag na nailalathala sa halos lahat ng mga network na ito. Ito ba ay dahil sa sila ay gumagawa ng isang bagay na negatibo gaya ng pagpapabara ng trapiko kapalit ng kanilang pagsigaw sa mundo ng kanilang ginagawa na napakadalang? Sila ba ay nagbabayad upang sila ay maitampok sa balita?

Sa ngayon, masasabi natin na may pagkiling sa pagbabalita - sa pagpili, para sa panimula. Yaon ay ang pinakamababang sakdal na ating maibibigay sa media.


Ano ang tunay na puntos? Ano ang nasa media sa mga araw na ito? Sa malamang ay nalalaman ito ni Pangulong Duterte. Kanyang sinabi na mayroong tatlong uri ng mga mamamahayag at dalawa sa mga ito ay : 1) Mga tagapamahayag o yaong mga binayaran upang maging mga bibig ng mga pulitiko; at 2) Mapagsamantala, ang mga buwitre ng pamamahayag.

Ang isang pangyayari na katulad ng Kahit Isang Araw Lang - Takbo Para sa Libreng Kolehiyo na pinakinabangan ng maraming mahihirap na kababayan, na dinaluhan pa ng Hepe ng PNP at ng kalihim ng DepEd, ay hindi bahagi ng kanilang balita. Ito ba ay dahil ito ay hindi tungkol sa mga mayaman at sikat na relihiyon? Narito ang isang siniping liwat ng Wikipedia -

Ang Kahit Isang Araw Lang Unity Run ay isang takbo na binuo ng UNTV. Ito ay ginanap sa Mall of Asia Pasay City Metro Manila Philippines noong ika-22 ng Enero 2012. Ang adbokasiya ni Kuya, Daniel Razon (CEO ng UNTV) kilala rin bilang “Mr. Public Service”, ay upang lumikha ng isang makasaysayang fun run para sa edukasyon na may hindi bababa sa 300,000 kalahok.

Sinabi ni Razon “ Ang proyekto ay talagang isang karapatdapat na kasunod ng isang kahawig na ginanap noong nakaraang 2010 na hindi lamang nag-iwan ng marka sa kasaysayan sa mga tuntunin ng bilang ng mga kalahok, kundi sa katuparan ng adbokasiya nito ng pagkakaloob ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa mga benepisyaryo.”

Sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Razon at ang Department of Education Secretary, Armin Luistro, ay gumawa ng kasunduan bilang pagtugon sa kakulangan ng ilang aspeto ng edukasyon.

Maaaring makita na walang nasulat o narinig ng tungkol sa pangyayari noong 2010 - isang malinaw na pagwawalang bahala ng mga higanteng TV Networks dahil sa ang pagbabalita nito marahil ay kalapastanganan . Ang mga organisador ng okasyon ay mga kilalang kasama sa UNTV.

Nguni’t ito bang balita na ito ay para sa UNTV lamang? Ito ay isang pagsisikap na nagpipilit tumulong sa mga mahihirap upang makakuha ng edukasyon, tama? Nasaan na ngayon ang panlipunang responsibilidad na kung saan ang media ay dapat sanang nakapangako?

Kahit na papaano, kahit huli [ hindi isang pagbabalita ], ang Unity Run ng 2012 ay kinilala ng pangtanghaling programa ng ABS-CBN, “SHOWTIME” noong nakaraang ika-17 ng Pebrero 2012, halos isang buwan matapos na ito ay ganapin.


Sa kabaligtaran, narito ang ilan sa mga hindi karapat-dapat ibalita na mga bagay ng mga higanteng network na ito: Dalawang babae nagsabunutan dahil sa lalake at isang away ng mga babae dahil lamang sa yelo.

Ang mga ito ba ang mahahalagang bagay na kailangan malaman ng mga tao? Sa kabaligtaran, ang isang okasyon na magbibigay ng halos 10M piso sa mga institusyon ng pagkakawanggawa na ginaganap sa Smart Araneta upang tumulong sa mahihirap na mamamayan ay hindi ang paksa - hindi kailanman isang paksa - ng kanilang balita.

Ano ang UNTV Cup?

Ang UNTV Cup ay isang liga ng basketbol na pagkakawanggawa sa Telebisyon sa Pilipinas, ang kauna-unahang palarong pagkakawanggawa na inilaan para sa tagapaglingkod sa publiko at mga tanyag na tao sa Pilipinas. Ito ay isang orihinal na konsepto ni Daniel Razon na tinagurian bilang Mr. Public Service at isinakatuparan ng UNTV. Ang mga manlalaro ay binigyan ng pagkakataon upang maglaro at kasabay nito ay makapagbigay ng kanilang mapapanalunan sa kawanggawa na kanilang sariling pinili. Ang palaro ay nagsimula noong ika-29 ng Hulyo 2013.

Ang Season 4 na nagtapos noong Marso 2016 ay nagpapakita ng kanilang benepisyaryo na nabigyan sa kabuoan na 10 milyong piso.

Ang AFP Cavaliers ay tumanggap ng 4 milyong pisong premyo ( 3.5 milyong piso para sa mga benepisyaryo at 500 libong piso para sa nagwaging koponan ), samantalang ang pumangalawa, PNP Responders ay nakatanggap ng 2 milyong pisong premyo ( 1.7 milyong piso para sa benepisyaryo at 300,000 para sa koponan ). Ang 10 ibang koponan ay tatanggap din ng kaloob na salapi para sa kanilang mga tagapagbigay at ang koponan sa katapusan ng season.

Kung ang layunin ng media ay upang magbigay alam, upang magturo at upang umaliw, bakit mayroong maliwanag na pagkiling ng media? Marahil ay tama si Pangulong Duterte nang kanyang sabihin “ pera pera lang yan!”

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

2 (mga) komento: