May Pag-asa Para Sa Mga Adik Sa Droga
Basahin ang unang bahagi ng blog na ito.
Ang kasabihan sa Tagalog na “Habang may buhay, may pagasa” ay biblikal.
ECLESIASTES 9:4
Sapagka't sa kaniya, na napisan sa lahat na may buhay ay may pagasa: sapagka't ang buhay na aso ay maigi kay sa patay na leon.
Ako ay saksi sa katotohanang ito na sa mga Members Church Of God International ( MCGI ), ang makapangyarihang kamay ng Dios ay lumilikhang muli ng mga tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pananampalataya.
GAWA 26:18
Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.
Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya na ang Dios ay gumagawa ng Kaniyang mga gawa, binabago ang isang tao. Ang pagbabago sa pamamagitan ng pananampalataya ay nagagawa sa pamamagitan ng awa ng Dios.
TITO 3:5
Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,
II CORINTO 5:17
Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago.
Mga buhay na halimbawa
Mayroong ilang mga ministro ng MCGI at maraming mga miyembro na mga dating adik sa droga.
Partikular na yaong mga nakumbinsi sa pamamagitan ng aming Prison Ministry, sila ay naging mga may pagkatakot sa Dios at mga responsableng mga tao at mga lalaking may pamilya. Tandaan na sila ay hindi mga miyembro bago sila nakulong kundi mga nakumbinsi lamang noong sila ay nasa piitan.
Aking nasaksihan kung paanong ang mga taong ito - mga dating adik sa droga - ay matinding nagpunyagi sa pamamagitan ng pananampalataya upang iwan ang kanilang mga bisyo at pagkagumon upang masunod ang pagtawag ng Dios. Ngayon, sa pamamagitan ng tulong at awa ng Dios, ang ilan sa kanila ay naging may kakayahang mga ministro ng ebanghelyo at mga buhay na halimbawa para sa iba na ibig magbago. Mayroon talagang pagasa para sa mga adik sa droga!
Paano ito nangyayari?
Ang salita ng Dios ay buhay at makapangyarihan na gumagawa sa loob ng isang tao na sumasampalataya.
HEBREO 4:12
Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
Ang salita ng Dios ay tinanggap - kung tinanggap - ay ito ay ang gumagawa sa loob ng isang sumasampalataya.
I TESALONICA 2:13
At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
Ano ang pagkalulong sa droga
Ang pagkalulong ay nangangahulugan bilang isang talamak, lumalalang sakit sa utak na ipinakikilala ng mapilit na paghahanap at paggamit ng droga, sa kabila ng mga mapaminsalang kahihinatnan. Ito ay ibinibilang na isang sakit sa utak sapagka’t ang utak ay binabago ng droga; binabago nito ang balangkas at kung paano ito gumagana. Ang mga pagbabago sa utak ay maaaring maging pang matagalan at maaaring pumunta sa maraming mga nakapipinsala, madalas ay sumisira sa sarili, na mga pagkilos. (https://www.drugabuse.gov/publications/media-guide/science- drug-abuse-addiction- basics)
Hindi ba natin maaaring iwan na lang ang pagtatrabaho sa pagkalulong sa droga sa siyensya?
Ang siyensya ay tumutulong upang wakasan ang adiksyon at ito ay gumagamit ng bagong pagsasaliksik. Subali’t ang mga siyentipikong pagsisikap ay hindi sapat upang mapagbago ang mga adik sa droga. Payak na makikita sa mga literatura sa pagkalulong sa droga ang pag-amin ng mga limitasyon ng siyensya.
Noong ang pagsasaliksik sa adiksyon ay nagsimula ng mga taon ng 1930, ang adiksyon ay nakita pangunahin na bilang isang pagkasira ng moral sa halip na bilang isang isyu sa kalusugan ng publiko. Mula noon, tayo ay gumawa ng malalaking hakbang sa ating pag-unawa sa karamdaman at neurobiology. Mayroon pa ring maraming dapat magawa upang maunawaan ang lawak ng genetic variations at iba pang konsikuwensya medikal kaugnay ng adiksyon. Ang mahalagang siyentipikong pagsasaliksik ay nararapat na magpatuloy - at lumawak - kung ating puputulin ang kapit ng adiksyon sa ating lipunan. (http://www.shatterproof.org/pages/science-of- addiction)
Mayroon nitong sipi mula kay Blaise Pascal na nagsasabi, “Mayroong isang hugis-Dios na vacuum sa puso ng bawa’t tao na hindi mapupuno ng alinmang nilikhang bagay, kundi ang Dios lamang, ang Manlalalang.” Si Pascal ay isang matematisyan at pilosopo.
Subali’t ano ang sinasabi ng siyensya? Sa kaibuturan ng ating pagkatao ay isang vacuum na pupunuin ng pinakamalakas na impluwensya sa ating mga buhay at yaon ay ang pananampalataya sa Dios! Ito ay natuklasan ng mga modernong siyentipiko na sa isang partikular na lugar sa ating mga utak ay umiiral itong vacuum!
Sa isang ulat ni Arthur Martin, lumalabas na ang mga tao ay programado upang maniwala sa Dios. At ito ay gayon sapagka’t ito ay nagbibigay sa kanila ng mas mabuting pagkakataon na mabuhay. Sinabi ng ulat -
… Ang mga natuklasan ni Bruce Hood, propesor ng developmental psychology sa Unibersidad ng Bristol, ay nagmumungkahi na ang makamahiko at sobrenatural na mga paniniwala ay nakakonekta sa ating mga utak mula kapanganakan, at ang mga relihiyon ay kung gayon kumakabit sa isang makapangyarihang puwersa. Ang kanyang gawa ay suportado ng ibang mananaliksik na nakatagpo ng katunayan na nag-uugnay ng mga relihiyosong damdamin at karanasan sa partikular na mga rehiyon ng utak. Kanilang iminumungkahi na ang mga tao ay programado upang tumanggap ng isang damdamin ng ispirituwalidad mula sa elektrikal na aktibidad sa mga lugar na ito. (“Kung bakit tayo ay ipinanganak upang maniwala sa Dios: Ito ay konektado sa utak, ang wika ng sikologo,” Dailymail, (9/7/2009)
Ang paniniwala sa sobrenatural ay hindi “isang bagay na estupido” gaya ng sinasabi ng mga ateista. Ito ay napatunayan sa paraan ng siyensya na ang mga sobrenatural na koneksyon sa isang dako sa kalaliman ng ating pagkatao. Ito ay nasa vacuum na ito na ang katotohanan tungkol sa Dios at ang Kanyang mga katuruan ay nararapat na lumugar. Kung hindi ganito ay mangangahulugan ng disastre. Ang pagpuno sa vacuum na ito ng mga kinathang katuruan at mga kuwentong engkantada ay ang pangunahing sanhi ng kabuktutan.
MARCOS 7:7
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.
ROMA 10:3
Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.
Ang sanhi ng lahat ng ito
Ang pagtanggi upang ipasailalim sa kalooban ng Dios ay ang sanhi ng lahat ng kasamaan at kabuktutan sa tao kabilang na ng adiksyon sa droga sapagka’t ang isip ay tinirahan ng mga masasamang bagay. Ang lugar na nakareserba para sa Makapangyarihan Sa Lahat ay nadiktahan ng huwad kaligayahan.
ROMA 1:28-32
28 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat;
29 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala,
30 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang,
31 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:
32 Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.
Ang tunay na sanhi at ugat ng lahat ng kasamaan sa lipunan ng tao ay mga imbentong katuruan ng tao at mga maling rehiliyon! Kanilang naimpluwensyahan ang terorismo, pagkamalabis, panatismo, at ateismo, na naghahatid sa mga tao upang itakuwil ang katotohanan sa mga Banal na Kasulatan!
Ang gayong pagtanggi ay nagkaroon ng kanyang mga mabigat na mga konsikuwensya: ang paniniwala sa kasinungalingan. At ito ay mabigat sapagka’t ang may-ari ng mga salitang yaon na nararapat kilalanin ng tao, ay nagpaparusa sa mga nagbabalewala sa Kaniya at sa Kaniyang kalooban. Ang mga talatang ito ay hindi nagsisinungaling -
II TESALONICA 2:11-12
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan:
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.
Sa isang umaabuso sa droga o adik, ang abuso ay nagiging abuso at ang adiksyon ay nagiging adiksyon dahil sa paulit-ulit na pagkilos. Subali’t ang ikot ay masisira kapag ang vacuum sa tao ay tumutugon sa tawag ng Dios para sa pagbabago. Ang mga kasinungalingan na nalagay sa isip ay nararapat na malinis at ang pagkakaayos ay maitama sa pamamagitan ng mga salita ng Dios, upang ang vacuum na nakareserba para sa Kanyang Manlilikha ay maaaring mapaandar ng tama at maugnay sa tao. Kung gayon ang pagibig sa mga droga ay mabubunot sa ugat.
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
1 (mga) komento: