Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Iglesia Ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ang Ginintuang Tuntunin: Prinsipyo na Itinuro ni Jesus


Palagi nating naririnig ang tungkol sa Ginintuang Tuntunin na nagsasabi, “Gawin mo sa iba ang ibig mo na gawin ng iba sa iyo.” Ito ay kinuha mula sa Mateo 7:12.

MATEO 7:12 
Kaya nga lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila: sapagka't ito ang sa kautusan at ang mga propeta.

Sa pamamagitan ng lahat ng pamantayan, ang pahayag na ito ng ating Panginoong Jesucristo ay matuwid, patas at makatarungan. “Gawin mo sa iba ang ibig mo na gawin ng iba sa iyo.” Sa isang simpleng lohika, ang Mateo 7:12 ay tungkol din -

“Huwag mong gawin sa iba ang hindi mo ibig na gawin ng iba sa iyo.”

Ito ay isang payak at simpleng kabutihan na ang isang libre at nag-iisip na kaisipan ay madaling makakaunawa. Kung hindi mo ibig na masaktan, ikaw ay hindi nararapat na manakit ng iba. Kung ibig mo na igalang ng iba ang iyong mga karapatan, ikaw ay nararapat na gumalang sa mga karapatan ng iba.

Samantalang tayo ay naglalakad, ang realidad ay kailangan nating igalaw ang ating mga kamay (braso). Ayon sa siyensya, ito ay paraan ng ating katawan upang mamantine ang tamang balanse habang tayo ay naglalakad.

Nguni’t hindi natin kailangan na ikampay ang ating mga kamay ( braso ) upang mapanatili ang balanse sa sukdulang tinatamaan na ang mukha ng ibang tao, kung kaya, pinagkakaitan siya ng katulad na karapatan na ating tinatamasa para sa ating mga sarili. Ang respeto para sa iba ay sangkap na kailangan ng kapapayapaan sa isang sibilisadong lipunan.

I PEDRO 2:17 
Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.

Sa pamamagitan ng mga simpleng pamantayan ng hustisya, ating madaling mahahatulan na ang pananakit sa ibang mga tao lalo na ng mga inosente ay simpleng paglabag sa kanilang katutubo at natural na karapatan bilang tao. Ang aking puso ay nalulumbay sa bawa’t pagkakataon na ako’y nakaririnig ng ganitong mga balita, na ang mga tao na hindi nananakit ng mga iba, na mga walang layunin na manakit ng sinoman, ay mga sinasaktan.

Ang pananakit o ang pagdudulot ng pinsala sa mga inosenteng tao ay pagdudulot din ng pinsala at kalumbayan sa kanila na nagmamahal sa mga taong ito. Ang lalong malubha pa rito ay ang Manlilikha ng mga taong ito, na Siyang Manlilikha nating lahat, ay napapagalit sa pamamagitan nitong hindi matuwid na gawa.

KAWIKAAN 14:31 
Siyang pumipighati sa dukha ay humahamak sa Maylalang sa kaniya. Nguni't siyang naaawa sa mapagkailangan ay nagpaparangal sa kaniya.

KAWIKAAN 19:17 
Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.

Ako ay nag-iisip na kung iyong sasaktan ang aking ina, iyong sasaktan ako sapagka’t siya ay mahal ko. At kung aking sasaktan ang iyong ina, ikaw man ay sasaktan ko sapagka’t mahal mo ang iyong ina. Ito ay isang napakasimpleng lohika na hindi naiintindihan ng ilang mga panatikong relihiyoso na walang respeto sa mga iba.

Ating tingnan ang kaso na ito - isang iniulat dahil sa takot nguni’t kulang sa pagkahayag para sa katotohanan. Ito ay ipinadala kamakailan sa Facebook kay Sher Lock, isa sa mga nangungunang tagapagtanggol ng Iglesia ni Cristo, na sumisigaw ng mga katiwalian sa loob ng INC. Ang Ka Tenny na binanggit dito ay ang asawa ng yumaong Eraño Manalo, ang ikalawang henerasyon na kataastaasang Ministro ng INC, at ang mismong ina ni Eduardo Manalo, ang kasalukuyang kataastaasang Ministro.





In photo: Ka Tenny (Left) and her sister, Tita Ayds

Walang paraan na mapatunayan ang katotohanan ng istorya na ito subali’t ang mga balita sa nakaraan ay nagpapatibay sa walang pagbabagong kapabayaan ni Eduardo Manalo sa kanyang sariling ina at pagtakwil sa kanyang sariling mga kapatid. Mula nang kanyang itiwalag ang kanyang sariling ina at mga kapatid, kanyang ginagamit ang Biblia upang panindigan ang kanyang mga gawa. Tumanggi siyang makipag-usap sa kanila -

MATEO 12:46-50 
46 Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap. 
47 At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka. 
48 Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid? 
49 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid! 
50 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.

Sa isang ulat na sinulat ni Jaymee T. Gamil (“Iglesia row flares up anew at QC property,” Philippine Daily Inquirer, 6/12/2016), ang mga bantay ay itinalaga ng Iglesia ni Cristo na humahadlang sa paghahatid ng pagkain at tubig sa 36 Tandang Sora Avenue sa Quezon City. Ito ay ang tahanan ng pamilya ni Eraño Manalo kung saan ang mga itiniwalag na mga kapatid ng kataastaasang Ministro Eduardo Manalo ay nananatiling nakalungga sa halos isang taon.

Iyong maiisip na ito ay pamilya na kung saan ang mga anak ay kasangkot, at pagkakaitan ba sila ng Kataastaasang Ministro ng tubig at pagkain? Ito ay ang tahanan kung saan ikaw dati ay kabilang, ang pamilya ng iyong ama at iyong sariling dugo na ina at mga kapatid. At iyo bang tatanggihan sila sa karapatan sa tubig at pagkain?

Sa kabutihang palad, mayroon pa ring Espiritu ng Bayanihan sa kanilang mga miyembro na ipinaglaban ito upang lingapin yaong mga ulit-ulit na pinighati sa loob.

Aking nalaman mula sa aking pagkabata na ang mga Pilipino ay mahabagin, magiliw sa pagtanggap ng panauhin, at mabait. Ang ating tradisyon ng “bayanihan” ay nagpapatunay nito!

Ang bayanihan gaya ng pakahulugan, ay tumutukoy sa espiritu ng pagkakaisa ng komunidad, paggawa at kooperasyon upang makamit ang isang partikular na layunin. Narito ang isang larawang orihinal na ipininta ni Carlos “Botong” V. Francisco na nagsasalarawan ng espiritu ng bayanihan. 


Nang ang 36 Tandang Sora Avenue ng Quezon City ay patuloy na humihingi ng saklolo, ang ilan ay naglakas ng loob upang magdala ng pagkain at tubig na panustos sa isang takdang petsa - bagaman may mga bantay sa paligid.

Nguni’t papaano ito? Ang pinagmulan ay internasyonal. Orihinal na isinulat ng CBC ng Canadian Broadcasting Corp, “Isang Pilipino nag-aangkin ng mga banta sa buhay mula sa mga miyembro ng makapangyarihang iglesia Kristiyana” ay tungkol sa isang hindi naordinahan na ministro ng INC na tumatakas mula sa kanyang dating relihiyon dahil sa kanyang paglalantad tungkol sa katiwalian. (https://ca.news.yahoo.com/filipino-man-claims-death-threats-090006032.html).

Tumatanggap ng mga banta sa buhay mula sa mensahe na inilagay sa kanyang nakaparadang kotse isang araw noong Marso ng taong ito, Lowell Menorca II at ang kanyang pamilya ay lumipad patungong Vietnam at pagkatapos ay patungong Thailand.


Ang banta sa buhay ay pinadala gamit ang larawan ng pamilya ni Menorca na may petsang Marso 7, ang mukha ng kanyang anak na babae ay minarkahan ng “X” (Tetch Torres-Tupas, “Ex-INC minister who accused sect leaders goes missing — lawyer,” Philippine Daily Inquirer, 4/7/2016).

Ang kanyang buntis na asawa at anak ay iniwan samantalang siya ay naghahanap ng kanlungan sa Canada. Samantala, ang abogado ng INC ay inutusan na tanggihan ang mga akusasyon sa Canada at upang pabulaanan ang banta. Si Menorca ay nag-aangkin na siya ay palihim pa ring sinusubaybayan sa Canada. Ang mismong pinagmulan ay nagsasabi -

Ang Iglesia Ni Cristo ay ang ikatlong pinakamalaking pananampalataya sa Pilipinas pagkatapos ng Katolisismo at Islam, at ito ay mayroong daan-daang mga kapilya sa buong mundo, kabilang ang marami sa Canada.

Ang INC ay nangangaral na ang mga ito “ang mga huling araw,” at tanging ang mga miyembro nito ang maliligtas. Ayon sa mga doktrina ng iglesia, ang pagkatiwalag ay nangangahulugan ng pagkawala ng iyong kaligtasan.

Maaaring ipaliwanag nito kung bakit sa kabila ng nalalantad sa organisasyon na ito, ang mga miyembro ay nananatili pa rin at nakikipaglaban “upang ibalik ang INC sa kanyang dating kaluwalhatian,” desperadong tumutuya kay Eduardo Manalo at sa kanyang liderato.

Ako ay isang Pilipino at aking nakikilala ang mga tunay na Pilipino. Ako ay sapat na sa katandaan, may 70 taong gulang, upang makilala ang klase ng Pilipino. Hindi karaniwan sa mga Pilipino ang pumatay ng kapuwa mga Pilipino, subali’t ang relihiyosong impluwensya ay gumagawa sa ilang Pilipino upang iwala ang pagpapahalaga na yaon.

Ito ay lalong lalo na sa ilang mga denominasyon na ibinibilang ang kanilang mga sarili na mga Kristiyano, pumapatay o nagddudulot ng pinsala sa iba, na kabilang din bilang mga Kristiyano.

Sa aking sariling kaso, ito ay kaalaman ng publiko na ang mga ministro ng INC ay nagpapahayag na kanilang hangad nilang kamatayan sa akin sa Net25. Ito ba ay dahil nagsasabi ako ng katotohanan? Tungkulin ko ang maghayag ng mga kabulaanan. Ito ay parte at bahagi ng aking pagkatawag. Ngayon, iyo ba akong papatayin dahil doon?


Ang hindi karaniwan sa mga Pilipino sa nagdaan, ay ngayon ay karaniwang senaryo dahil sa iba’t ibang maling relihiyosong paniniwala na ipinakilala sa mga Pilipino, at yaon ay “Gawin mo sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo!” Ang mga relihiyon sa silangan ay nagbigay ng kanilang tuntunin ng ganito -

Confucianismo: "Huwag mong gawin sa iba kung ano ang hindi mo nais sa kanila na gawin nila sa iyo." (Analects 15:23)

Hinduismo: “Ito ang kabuoan ng tungkulin: huwag mong gawin sa iba ang makapagdudulot ng sakit kung gagawin sa iyo.” (Mahabharata 5:1517)

Buddhismo: “Huwag mong saktan ang iba sa mga paraan na ikaw sa sarili mo ay makasasakit.” (Udanavarga 5:18)

Ako ay umaasa lamang para sa isang banal na interbensyon upang maalis ang Pilipinas dito sa makademonyong brutal na pagpatay ng mga tao lalo na ng mga inosente dahil sa mga panrelihiyong kabuktutan!

JUAN 16:2-3 
2 Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga: oo, dumarating ang oras, na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios. 
3 At ang mga bagay na ito'y gagawin nila, sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama, ni ako man.

MATEO 23:15 
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.

Ang mga talatang ito ay malinaw na nagpapakita ng impluwensya ng mga bulaang relihiyon sa sangkatauhan!

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Biblia: Ang Aklat na Pinaka Nagamit sa Maling Paraan sa Lahat ng Panahon


Ipinakikita ng estatistika na ngayon ay may 6 na bilyong kopya ng Biblia ang naipagbili!


Bakit ko sinasabi na ang Biblia ay ang pinaka nagamit sa maling paraan sa lahat ng mga aklat? Ang mga lider relihiyoso, na nagtatag ng kanilang sariling mga relihiyon na gumagamit ng Biblia ( diumano ) bilang kanilang batayan, ay nagtuturo ng magkakasalungat na paniniwala at pananampalataya. Mali ang pagkakagamit, ang nasulat na salita ng Dios sa Biblia ay hindi maglalabas ng mga magandang resulta.

I TIMOTEO 1:8 
Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,

Nadumhan sa pamamagitan ng mga ideya ng mga tao, ang kabutihan na nasa salita ng Dios ay namantsahan. Ang katotohanan ay nararapat na walang iba kundi ang katotohanan.

JUAN 17:17 
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.

KAWIKAAN 30:6 
Huwag kang magdagdag sa kaniyang mga salita, baka kaniyang sawayin ka, at masunduan kang sinungaling.

Nahaluan ng mga kasinungalingan ng mga tao, ang katototohanan ay nawawala!

Ang mga katuruan ng Iglesia ni Manalo (INCM), na ang pagkakaisa ng mga Kristiyano na itinuro ng Panginoong Jesus ay nagsasali sa pagkakaisa sa pagboto sa eleksyon, ay hindi isang Biblikal na katotohanan! Ito ay isang ideya mula sa utak ni Manalo na kanyang isinaksak sa mga isip ng kanyang mga bulag na mga tagasunod. Ating suriin ito sa liwanag ng mga Kasulatan.

AWIT 133:1 
Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!

Ito ay mabuti at kaayaaya sa mga tao ng Dios na magsitahan na magkakasama sa pagkakaisa. Nguni’t anong mga sangkap ang nagbubunga ng kabutihan sa pagkakaisa?

ROMA 7:12 
Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.

Ang pagkakaisa ay nararapat na pinamamahalaan ng batas ng Dios, sa pamamagitan ng Evangelio. Ang mga Kristiyano sa unang siglo ay pinayuhan upang magkaisa sa pananampalataya sa Evangelio.

I CORINTO 1:10 
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

FILIPOS 1:27 
Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;

Pansinin na ang pagkakaisa sa isip at espiritu na itinuro ng Apostol Pablo sa mga tunay na Iglesiang Kristiyano ay pagkakaisa sa Evangelio, hindi sa eleksyon o sa alin pa mang mga makamundong gawain!

Hindi lahat ng mga pagkakaisa ay nagdadala sa maganda at kaayaayang mga resulta! Ang mga diakono at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ni Manalo, kasama ang isang minstro na presente, ay nasa pagkakaisa nang kanilang brutal na pinatay ang limang Katolikong mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ng dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan sa isang laro ng basketbol.

Sa aklat na Supreme Court Reports Annotated, Volume 339, August 28, 2000, People vs. Abella, ating mababasa:


Ang pagkakaisa sa mga kasapi ng Iglesia ni Cristo ni Manalo ay masyadong naimpluwensyahan ng mga maling pakahulugan ng mga biblikal na mga pahayag ng kanilang mga bulag na lider! Ito ay hindi nagdala ng kaayaaya at mabuting mga resulta! Sila ay tila pinagdikit na magkasama sa paggawa ng mga gawaing kriminal.


Philippine Daily Inquirer 
By Ramon Tulfo 
First Posted 02:40:00 07/07/2009

Ang pagsasaya sa isang nayon ng San Juan, Apalit, Pampanga ay naging marahas nang ang isang katolikong nagdiriwang ay nambasa ng tubig sa isang ministro ng Iglesia ni Cristo ( INC ).

Ang insidente ay naganap sa kasalukuyan ng piyesta ni San Juan Bautista kung kailan ang mga lokal na mga mamayanan ay nagsasaboy ng tubig sa mga dumdadaan sa mga mga lansangan. Si Joel Banag, 31, isang tsuper ng tricycle, ay nambasa ng tubig sa isang tila ministro ng iglesia na hindi niya nakilala. Diumano ang mangangaral ng INC ay nanuntok kay Banag, na kanya namang ginantihan ng suntok. Sila ay pinayapa at si Banag ay umuwi ng bahay.

Nguni’t ang insidente ay hindi natapos doon. Isang grupo diumano ng mga kasapi ng INC, na nakaarmas, ay nagpunta sa bahay ni Banag at siya ay pinalabas. Hindi lumabas si Banag, natatakot sa paghihiganti. Sa puntong ito, si Senior Police Officer 1 Avelino Balingit Jr. ng kapulisan ng Apalit, isang umano ay miyembro ng INC, ay pumasok sa bahay ni Banag at inaresto siya ng walang warrant. Samantalang si Banag ay dinadala sa himpilan ng pulis, ang kuyog ng INC umano ay ginulpi sa kanya ng sagad. Siya ay dumating sa himpilan na duguan at kalahating hubad dahil umano sa pinunit ang kanyang kamiseta ng mga dumaluhong sa kanya.

Kung ang Obispo ng INC Erano “Ka Erdie” Manalo ay magbabasa nito, nasisiguro ko na siya ay usok sa galit sa mga abusadong miyembro.

(Source:http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20090707-214205/Trillanes-should-look-at-himself-in-the-mirror)

Tandaan na sa lahat ng mga gawaing kriminal na ito, ang pagkakaisa sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ni Manalo ay napakalinaw na nakikita. Kung sila ay may tapang upang magpakita ng kanilang mga gawaing labag sa batas, sila ay tiyak na lalo pang magpaparangalan sa pagsuporta sa isang kandidato na idinikta sa kanila ng kanilang mga lider, na malaunan ay maaaring maimpluwensyahan, sa pamamagitan ng kanilang paniniwala na sila ay nagwagi sa halalan dahil sa kanilang mga boto, na susundan ng di masukat na mga pabor at proteksyon mula sa mga tiwaling mga pulitiko na ito. 

Nguni’t ano ang humubog sa pag-iisip ng mga Manalo upang manindigang matatag sa kanilang mga katuruan sa isahang pagboto?

Kailangan nating matuto mula sa kasaysayan!

God Bless.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Ang Ideya Sa Likod Ng Doktrina Ng Bloc Voting o Isahang Pagboto


Ang doktrina ng bloc voting o isahang pagboto para sa isang politiko ay natatangi sa Iglesia ni Manalo. (Ang Iglesia ni Cristo ay maling katawagan para sa isang grupo na hindi naniniwala sa pagka-Dios ni Kristo.)

Ang mga panatiko na nailigaw nitong maling paniniwala, ay bumoboto bilang isa, sa pagkatakot na matiwalag sa di umano’y kaisa-isang “tunay na iglesia” na sa labas nito ay walang sinumang maliligtas.



Itong tahasang malupit na hatol na ito na ipinapasa sa lahat ng mga tao sa labas ng kanilang iglesia sa pamamagitan ni Manalo at ng kanyang mga kasabwat ay tiyak na hindi Biblikal! Ang mga Manalo at ang kanyang mga “yes men” o “mga tauhan na taga-amen” ay walang kahit na anong karapatan upang humusga sa kaninoman sa labas ng kanilang iglesia. Ipagpalagay na natin, (bagaman di natin ito tinatanggap) na ang kanilang iglesia ay ang tunay na iglesia, labag sa Biblia na humatol sa mga nangasa labas.

I CORINTO 5:13
Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.

Itinuro ni Apostol Pablo sa tunay na iglesia sa Corinto na huwag humatol sa mga nangasa labas kundi yaong mga nangasa iglesia at hindi nabubuhay sa paraan ng buhay Kristiyano.

1 CORINTO 5:11-12
11 Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.
12 Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?

Tanging ang Dios lamang ang may kapangyarihan upang hatulan ang bawat isa, maging yaong mga nangasa labas ng tunay na iglesia! At ang Dios, sa Kanyang biyaya at kahabagan, ay makapagliligtas maging ng mga tao na walang pananampalataya o yaong mga nangasa labas ng tunay na iglesia.

I TIMOTEO 4:10
Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.

Ang “lalong lalo na yaong mga nagsisisampalataya” ay nangangahulugan na mayroong pag-asa sa kaligtasan sa mga hindi nakasampalataya dahil sa mga sirkumstansya na wala sa kanilang kontrol.

II PEDRO 2:21
Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.

ROMA 2:13-14
13 Sapagka't hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap;
14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;

Ang mga talatang ito ay naghahatid sa isang mahabaging konklusyon: ang mga tao na hindi nakaalam ng katotohanan ay maaaring maligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Dios kung sila ay nagsigawa ng mga mabubuting bagay na nasa kautusan bagaman hindi sila nagkaroon ng pakinabang na mapakinggan ito.

Ang doktrina ng bloc voting o isahang pagboto ay isang banayad na porma ng pananakot at pamimilit nitong hindi Kristiyanong iglesia na itinatag ni Manalo at hindi ni Kristo! Ito ay labag sa saligang batas ng Republika ng Pilipinas.

BATAS PAMBANSA BLG. 881, OMNIBUS ELECTION CODE OF THE PHILIPPINES, ARTICLE XXII, ELECTION OFFENSES

Seksyon 261. Mga Ipinagbabawal na Gawain. - Ang mga sumusunod ay magkakasala ng isang paglabag sa halalan:

(d) Pamimilit sa mga nasasakupan. -

(1) Sinumang opisyal ng publiko, o sinumang opisyal ng alinmang pampubliko o pribadong korporasyon o samahan, o sinumang puno, nakatataas, o tagapamahala ng alinmang samahang relihiyoso, o alinmang amo o may-ari ng lupa na namimilit o nagtutulak, o sa anumang kaparaanan nang-impluwensya, direkta o hindi direkta, ng alinman sa kanyang mga nasasakupan o mga kasapi o mga parokyano o mga empleyado o mga katulong sa bahay, mga naninirahan, mga tagabantay, mga katulong sa bulkirin, mga tagapagbungkal ng lupain, o mga taga hawak ng upa upang tumulong, ay kumampanya o bumoto para o laban sa kaninumang kandidato o sinumang naghahangad para sa nominasyon o pagpili ng mga kandidato.

(2) Sinumang opisyal ng publiko o sinumang opisyal ng alinmang komersyal, pang-industriya, pansaka, pang-ekonomiya o panlipunang negosyo o pang-publiko o pribadong korporasyon o samahan, o sinumang pinuno, nakatataas, o tagapamahala ng alinmang relihiyosong samahan, o sinumang amo ay may-ari ng lupa na nagtatanggal o nagbabanta ng pagtatanggal, nagpaparusa o nagbabanta ng pagpaparusa sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanyang sweldo, sahod, o kabayaran o sa pamamagitan ng pagbababa ng ranggo, paglilipat, suspensyon, paghihiwalay, pagtitiwalag sa iglesia o samahan ng pananampalataya, pagpapatalsik, o pagdudulot sa kanya ng kayayamutan sa pagganap niya ng kanyang trabaho o sa kanyang pagiging miyembro, sinumang nakakababang miyembro o kasamahan, parokyano, o empleyado, o katulong sa bahay, namamahay, tagatingin, katulong sa bukid, mag-aararo, o tagahawak ng upa, dahil sa hindi pagsunod o hindi pagtupad sa anumang mga gawang inutos ng huli upang tumulong, kumampanya o bumoto para o laban sa isang kandidato, o sinumang aspirante para sa nominasyon o pagpili ng mga kandidato.

(e) Mga pagbabanta, pananakot, terorismo, paggamit ng aparatong mapandaya o iba pang mga uri ng pamimilit. - Sinumang tao na, direkta o hindi direktang, nagbabanta, nananakot o aktwal na nagbibigay sanhi, nagdudulot o nagbibigay ng anumang karahasan, pinsala, parusa, pagkasira, pagkawala o desbentaha sa kanino mang tao o mga tao o mga malapit na miyembro ng kanyang pamilya, ang kanyang karangalan o pag-aari, o gumagamit ng anumang mapandayang aparato o pamamaraan upang mapilit o mahikayat ang pagpapatala o mapigil ang pagpapatala ng sinumang botante, o ang pagkikilahok o ang pagpigil mula sa pagpapatala ng sinumang botante, o ang pakikilahok sa pangangampanya o pagpigil o pagtanggi sa alinmang kampanya, o ang paglalagay ng alinmang boto o pagtanggal sa pagboto, o ang anumang pangako ng gayong talaan, kampanya, boto, o ang pagtanggal mula roon.

(f) Pamimilit sa mga opisyal at mga kawani ng halalan.- Sinumang tao na, tuwiran o di- tuwirang nagbabanta, nananakot, naninindak o namimilit sa kaninumang opisyal o kawani ng halalan sa pagtupad ng kanyang mga gawain o mga tungkulin.

Seksyon 264. Parusa. - Ang sinumang tao na nasumpungang nagkasala ng anumang paglabag sa halalan sa ilalim ng Kodigo ay parurusahan ng pagkabilanggo ng hindi kukulangin sa isang taon at hindi hihigit sa anim na taon at hindi mapapasailalim sa probasyon. Bilang karagdagan, ang nagkasalang partido ay hahatulan upang mgdusa ng pag-aalis ng karapatan upang humawak ng pampublikong katungkulan at pagtatanggal ng karapatan upang makaboto. Kung siya ay isang dayuhan, siya ay hahatulan ng deportasyon na ipapatupad psgkatapos na kanyang matapos ang termino ng kanyang pagkabilanggo. Alinmang partido politikal na mapapatunayang nagkasala ay hahatulan na magbayad ng parusa na hindi bababa sa sampung libong piso, na ipapataw sa gayong partido matapos na ang kriminal na aksyon ay napasimulan kung saan ang kanilang kinauukulang opisyales ay napatunayang nagkasala. Sa kaso ng bilanggo o mga bilanggo na ilegal na pinalaya sa alin mang bilangguan o piitan sa periodo na ipinagbawal gaya ng isinasaad sa Seksyon 261, parapo (n) ng Kodigong ito, ang direktor ng mga bilangguan, warden ng probinsya, katiwala ng piitan o bilangguan, o mga tao na inaatasan ng batas upang ingatan sa kanilang pangangalaga ang naturang bilanggo, kung mahatulan ng karampatang hukuman, ay papatawan ng pagdurusa ng multa ng prison mayor sa kanyang pinakamahabang periodo kung ang bilanggo o mga bilanggo na ilegal na pinalaya ay gumawa ng alinmang akto ng pagbabanta, terorismo ng pakikialam sa halalan.

Sinumang masumpungan na nagkasala ng paglabag ng pagkabigo upang magpatala o pagkabigo upang bumoto, sa oras na mahatulan, ay mumultahan ng isang daang piso. Bilang karagdagan, siya ay tatanggalan ng karapatan upang tumakbo para sa pampublikong opisina sa susunod na halalan kasunod ng hatol sa kanya o maitalaga sa pampublikong opisina sa loob ng isang taon kasunod ng hatol sa kanya.

Ang kanilang artikulo ng pagsasama ay nagpapatunay na ang kanilang iglesia ay itinatag sa pamamagitan ni Manalo at mga kasama, at hindi sa pamamagitan ng Kristo!


Walang doktrina na umuubliga sa sinumang miyembro ng tunay na iglesiang Kristiyano upang bumoto para sa kaninumang politiko. Sa doktrina ng pagkakaisa na itinuro sa pamamagitan ni Kristo at ng mga apostol ay hindi kasama ang pagkakaisa sa pagbibigay ng inyong "oo" o suporta para sa mga tao sa labas ng tunay na iglesia, na ayon kay Manalo ay mga nakatadhana na lahat sa impyerno!

I CORINTO 1:10
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

Kanilang maling pinakahuluganan na sa sugnay na “sa isang kahatulan” ay kabilang ang pagboto sa politikal na pagsasanay para sa isang tao sa labas ng kanilang iglesia na sa demonyo, at kung sila ay hindi boboto para sa gayong tao na pinili ng kanilang lider, ang miyembro na hindi sumunod ( na dapat sana ay mapupunta sa langit ) ay matitiwalag ( itatapon sa apoy ) dahil lamang sa isang tao na nakatadhana sa impyerno!


Ang pamimilit at pagbabanta ng mga pinuno ng Iglesia ni Manalo ay napakalinaw sa Pasugo na ito! Ang mga miyembro ay “obligado” na bumoto ayon sa nais ng kanilang pinuno!


Ito ay tiyak na mali sapagka’t sa pagkakaisa sa paghatol na binabanggit ng apostol Pablo ay hindi kabilang ang mga makamundo o makasanglibutang gawain.

ROMA 12:2
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

II TIMOTEO 2:3-4
3 Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.

Nguni’t ano ang nagbigay inspirasyon kay Manalo at mga kasabwat upang bumalangkas nitong hindi Kristiyanong doktrina ng paggamit sa mga boto ng mga miyembro upang akitin ang mga politiko upang hangarin ang kanyang pag-endorso?

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Pagkatakot sa Buhay ng Isang Tao Vs. Ang Madilim Na Mga Lihim ng Iba


Natural para sa isang tao na matakot sa maaaring kumitil ng kanyang buhay sampu ng kanyang mga minamahal. Natural din na hindi mabubuhay ng matagal ang isang tao na nagtatago ng mga lihim ng maling gawain, lalong lalo na ng madidilim na mga lihim ng iba.

Inilagay ng Dios ang mga natural na pakiramdam ng tao at ang kanyang “proclivity”, at dahil dito, sa madalas ay ating masasabi kung ano ang gagawin ng isang tao sa ganito at ganoong sitwasyon.

Ang “proclivity” ay may kahulugan na tendency upang pumili o gumawa ng isang bagay, isang inklinasyon o “predisposition” o ang mas malamang na gawin patungo sa isang partikular na bagay. Ang tao ay pangkaraniwang kikilos ng gayon din kapag ang kanyang buhay ay nasa panganib. Katulad din ito ng pangangailangang ingatan ang mga lihim ng maling gawain.

Ang kaisipan sa sugnay na “ordinary promptings of man” na malalim na nakasaad sa pangunahing estruktura ng Saligang Batas ng Pilipinas at ng ibang mga bansa ay ganap na tumutugma sa kaisipan ng sugnay na “common sense” o sentido komun.

Ang mga pangyayari kamakailan lamang sa mga nasasakupan ng INC ay nagpapatunay ng kapangyarihan ng Dios at ng pagiging totoo ng Kanyang mga salita.

AWIT 12:6 
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.

HEBREO 4:12 
Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

Walang karunungang pantao at teknolohiya ang ganap na makaaalam sa mga layunin ng puso subali’t ito ay nahahayag sa pamamagitan ng makapangyarihang salita ng Dios. Ang mga lihim at ang mga ikinubli ay hindi makapananatiling nakakubli, sinasabi ng Biblia.

MATEO 10:26 
Huwag nga ninyo silang katakutan: sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.

Mayroong mga tao na nag-iingat ng mga bagay sa lihim at “pinangangalagaan” ang mga ito sukdulang gumawa ng masama at mga gawaing labag sa batas upang mapanatili lamang na nakatago ang kanilang mga lihim. Nguni’t ang ordinaryo o karaniwang ginagawa ng tao ay ipakita ang bawa’t mabuti at ang bawa’t inaakalang mabuti sa mga tao at ikubli ang mga kasalanan at mga pagkakamali!

KAWIKAAN 28:13 
Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

Tiyak na may mga tao na hindi kailanman aamin ng pagkakamali sa lantaran at mayroong sadyang makakapal ang mukha at talagang mga walang hiya upang gawin ang bawa’t paraan maging ang garapalan, kawalanghiyaan at kahangalan upang maikubli lamang ang masama na kanyang ginagawa.

Ang pamunuan ng INC ay tumatanggi na kanilang dinukot at ilegal na ikinulong ang mga miyembro at mga ministro na lumantad sa hayagan upang ibunyag ang pinakaiingatang mga lihim ng “kulto” na ang pagkahayag ay nagsimula sa blog na iglesianicristosilentnomore at Wordpress na naging https://iglesianicristoneverkeepsilent.wordpress.com

Bakit ang mga ministro at mga miyembro ng INC ay naglalabasan sa hayagan lalong lalo na sa social media na nagpapahayag ng kaparehong bagay? “Ang aming mga buhay ay nasa panganib,” ayon sa kanilang lahat. Nasa “ordinary promptings of man” na matakot para sa kanyang buhay at sa mga buhay ng kanyang mga minamahal. 

http://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/105998-inc-isaias-samson-expulsion-life-danger 

http://kickerdaily.com/iglesia-ni-cristo-minister-abduction-illegal-detention/

Ang lohika ang nagdidikta na ang mga ministrong ito, itiniwalag dahil sa kanilang mga pagbubunyag, ay nakakaalam kung ano ang nangyayari sa nasasaklawan ng kanilang samahan! Ang mabigat dito ay maging ang mismong mga kapatid at ang ina ng lider nitong grupong relihiyoso ay lantarang nangumpisal na ang kanilang mga buhay ay nasa panganib. Ang gayon ay totoo rin para sa mga dinukot sa kanilang iglesia. (Pansinin: Aking ginamit ang pananalitang “grupong relihiyoso”, nguni’t sa aking kaisipan, ang gayon ay hindi isang grupong relihiyoso!)


Mayroong padron ng pangdadahas na ibinubunyag itong ang mga ministro at mga miyembro na natiwalag mula sa INC nang kanilang ilantad ang mga “katiwalian” at ibang mga maling gawain ng namamahalang lupon ng kanilang iglesia!

Una, ang pagkatha ng mga kasong kriminal laban sa kanila.

Ikalawa, ang pagwasak sa kanilang reputasyon.

Ikatlo, paggamit ng braso ng batas, na sa pamamagitan ng impluwensya ng kanilang iglesia ay maaaring tayahin bilang kapuwa mabilis at mabagal laban at pabor sa nagreklamo depende sa kung sino ang nagrereklamo. Pahintulutan ninyo akong magpaliwanag. Ang gayon ding bagay ay nangyari sa akin. Isang kaso ng panggagahasa ay isinampa ng mga INC laban sa akin isang panahon ng 2005. Mula sa provincial prosecutor nagmula ang kahilingan na ako ay agarang malagay sa “watch list”. Ito ay ipinagkaloob ng madali ng Bureau of Immigration.

Ayon sa aking abogado, ang dating Solicitor General Frank Chavez, ang provincial prosecutor ay walang karapatan ayon sa saligang batas na humiling na ako ay ilagay sa Immigrations’ Watch List. Nang maghain ng petisyon si Atty. Frank Chavez laban sa utos na naglalagay sa akin sa Watch List, ang opisyal ding yaon ang bumawi ng utos.

Ang gawang yaon ng paglalagay sa akin sa Watch List sa pamamagitan ng sentido komun at lohika ay maituturing na ilegal! Kung tutuusin, ako ay nararapat na ituring na inosente sa mga mata ng batas hanggang sa mapatunayang hindi sa tamang lugar.

Ang mga balitang umiikot mula sa grupo na tinatawag ang kanilang mga sarili na INC Defenders ay nagsasabi na ang lider ng INC at ang Sanggunian ay lumabas na ng bansa. Maaari bang ito’y nangangahulugan ng isang paghahanda para sa kung ano ang inaasahang mangyari?

http://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/111504-trip-japan-eduardo-manalo-iglesia-ni-cristo 

Ang aking panalangin ay sana ang kamay ng batas ay mapahintulutang kumilos na malaya sa mga nasasakupan ng saligang batas. Isa pang kamakailang pangyayari na maaaring ayon sa lohika ay maging isang suporta sa pagsasabi na mayroon talagang nagaganap na mga ilegal na detensyon ay ito. Ang kamatayan ng driver ni Angel Manalo sa loob ng compound ng mga INC na hindi binigyan ng karapatan na matingnan ng isang manggagamot o malagay sa ilalim ng pangangalagang medikal sa isang ospital, sa aking opinyon, ay matingkad na ebidensya!

Narito si Samson na nagpapahayag ng kamatayan ni Arellano.


Maging ang abogado na si Trixie Angeles ay hindi pinahintulutang pumasok upang tingnan ang kalagayan ng mga taong di umano’y hinahawakan ng labag sa kanilang kalooban.

Atty. Angeles at mga manggagamot hindi pinahintulutang makapasok sa compound


Kung ako ay naging isang huwes, “ordinary promptings of man,” at lohika at sentido komun ay maaaring gumabay sa akin sa pagtukoy sa kasalanan ng akusado.

Kung ako ay naging isang taga-usig, ang mga bagay na ito ay sapat para sa akin upang makakita ng isang prima facie evidence ng kaso na isinampa laban sa kanila hindi lamang ng dalawa o tatlong mga saksi (Ang bilang ayon sa Biblia ay sapat) nguni’t marami.

HEBREO 10:28 
Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:

II CORINTO 13:1 
Ito ang ikatlo na ako'y paririyan sa inyo. Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa't salita.

Ang katulong ni Menorca ay tumanggi sa umano’y detensyon


Tayo ay palaging makasasalig sa mga salita ng Dios. Maging ang mga hukuman ay maaaring matulungan sa kanilang mga desisyon sa pamamagitan ng pag-unawa sa “ordinary promptings of man”.

Marami pang mga pagsusuri na darating, kung loloobin ng Dios.

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Pagkatakot sa Buhay ng Isang Tao Vs. Ang Madilim Na Mga Lihim ng Iba


Natural para sa isang tao na matakot sa maaaring kumitil ng kanyang buhay sampu ng kanyang mga minamahal. Natural din na hindi mabubuhay ng matagal ang isang tao na nagtatago ng mga lihim ng maling gawain, lalong lalo na ng madidilim na mga lihim ng iba.

Inilagay ng Dios ang mga natural na pakiramdam ng tao at ang kanyang “proclivity”, at dahil dito, sa madalas ay ating masasabi kung ano ang gagawin ng isang tao sa ganito at ganoong sitwasyon.

Ang “proclivity” ay may kahulugan na tendency upang pumili o gumawa ng isang bagay, isang inklinasyon o “predisposition” o ang mas malamang na gawin patungo sa isang partikular na bagay. Ang tao ay pangkaraniwang kikilos ng gayon din kapag ang kanyang buhay ay nasa panganib. Katulad din ito ng pangangailangang ingatan ang mga lihim ng maling gawain.

Ang kaisipan sa sugnay na “ordinary promptings of man” na malalim na nakasaad sa pangunahing estruktura ng Saligang Batas ng Pilipinas at ng ibang mga bansa ay ganap na tumutugma sa kaisipan ng sugnay na “common sense” o sentido komun.

Ang mga pangyayari kamakailan lamang sa mga nasasakupan ng INC ay nagpapatunay ng kapangyarihan ng Dios at ng pagiging totoo ng Kanyang mga salita.

AWIT 12:6 
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.

HEBREO 4:12 
Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

Walang karunungang pantao at teknolohiya ang ganap na makaaalam sa mga layunin ng puso subali’t ito ay nahahayag sa pamamagitan ng makapangyarihang salita ng Dios. Ang mga lihim at ang mga ikinubli ay hindi makapananatiling nakakubli, sinasabi ng Biblia.

MATEO 10:26 
Huwag nga ninyo silang katakutan: sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.

Mayroong mga tao na nag-iingat ng mga bagay sa lihim at “pinangangalagaan” ang mga ito sukdulang gumawa ng masama at mga gawaing labag sa batas upang mapanatili lamang na nakatago ang kanilang mga lihim. Nguni’t ang ordinaryo o karaniwang ginagawa ng tao ay ipakita ang bawa’t mabuti at ang bawa’t inaakalang mabuti sa mga tao at ikubli ang mga kasalanan at mga pagkakamali!

KAWIKAAN 28:13 
Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

Tiyak na may mga tao na hindi kailanman aamin ng pagkakamali sa lantaran at mayroong sadyang makakapal ang mukha at talagang mga walang hiya upang gawin ang bawa’t paraan maging ang garapalan, kawalanghiyaan at kahangalan upang maikubli lamang ang masama na kanyang ginagawa.
Ang pamunuan ng INC ay tumatanggi na kanilang dinukot at ilegal na ikinulong ang mga miyembro at mga ministro na lumantad sa hayagan upang ibunyag ang pinakaiingatang mga lihim ng “kulto” na ang pagkahayag ay nagsimula sa blog na iglesianicristosilentnomore at Wordpress na naging https://iglesianicristoneverkeepsilent.wordpress.com

Bakit ang mga ministro at mga miyembro ng INC ay naglalabasan sa hayagan lalong lalo na sa social media na nagpapahayag ng kaparehong bagay? “Ang aming mga buhay ay nasa panganib,” ayon sa kanilang lahat. Nasa “ordinary promptings of man” na matakot para sa kanyang buhay at sa mga buhay ng kanyang mga minamahal.

http://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/105998-inc-isaias-samson-expulsion-life-danger

http://kickerdaily.com/iglesia-ni-cristo-minister-abduction-illegal-detention/

Ang lohika ang nagdidikta na ang mga ministrong ito, itiniwalag dahil sa kanilang mga pagbubunyag, ay nakakaalam kung ano ang nangyayari sa nasasaklawan ng kanilang samahan! Ang mabigat dito ay maging ang mismong mga kapatid at ang ina ng lider nitong grupong relihiyoso ay lantarang nangumpisal na ang kanilang mga buhay ay nasa panganib. Ang gayon ay totoo rin para sa mga dinukot sa kanilang iglesia. (Pansinin: Aking ginamit ang pananalitang “grupong relihiyoso”, nguni’t sa aking kaisipan, ang gayon ay hindi isang grupong relihiyoso!)


Mayroong padron ng pangdadahas na ibinubunyag itong ang mga ministro at mga miyembro na natiwalag mula sa INC nang kanilang ilantad ang mga “katiwalian” at ibang mga maling gawain ng namamahalang lupon ng kanilang iglesia!

Una, ang pagkatha ng mga kasong kriminal laban sa kanila.

Ikalawa, ang pagwasak sa kanilang reputasyon.

Ikatlo, paggamit ng braso ng batas, na sa pamamagitan ng impluwensya ng kanilang iglesia ay maaaring tayahin bilang kapuwa mabilis at mabagal laban at pabor sa nagreklamo depende sa kung sino ang nagrereklamo. Pahintulutan ninyo akong magpaliwanag. Ang gayon ding bagay ay nangyari sa akin. Isang kaso ng panggagahasa ay isinampa ng mga INC laban sa akin isang panahon ng 2005. Mula sa provincial prosecutor nagmula ang kahilingan na ako ay agarang malagay sa “watch list”. Ito ay ipinagkaloob ng madali ng Bureau of Immigration.

Ayon sa aking abogado, ang dating Solicitor General Frank Chavez, ang provincial prosecutor ay walang karapatan ayon sa saligang batas na humiling na ako ay ilagay sa Immigrations’ Watch List. Nang maghain ng petisyon si Atty. Frank Chavez laban sa utos na naglalagay sa akin sa Watch List, ang opisyal ding yaon ang bumawi ng utos.

Ang gawang yaon ng paglalagay sa akin sa Watch List sa pamamagitan ng sentido komun at lohika ay maituturing na ilegal! Kung tutuusin, ako ay nararapat na ituring na inosente sa mga mata ng batas hanggang sa mapatunayang hindi sa tamang lugar.

Ang mga balitang umiikot mula sa grupo na tinatawag ang kanilang mga sarili na INC Defenders ay nagsasabi na ang lider ng INC at ang Sanggunian ay lumabas na ng bansa. Maaari bang ito’y nangangahulugan ng isang paghahanda para sa kung ano ang inaasahang mangyari?

http://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/111504-trip-japan-eduardo-manalo-iglesia-ni-cristo

Ang aking panalangin ay sana ang kamay ng batas ay mapahintulutang kumilos na malaya sa mga nasasakupan ng saligang batas.

Isa pang kamakailang pangyayari na maaaring ayon sa lohika ay maging isang suporta sa pagsasabi na mayroon talagang nagaganap na mga ilegal na detensyon ay ito. Ang kamatayan ng driver ni Angel Manalo sa loob ng compound ng mga INC na hindi binigyan ng karapatan na matingnan ng isang manggagamot o malagay sa ilalim ng pangangalagang medikal sa isang ospital, sa aking opinyon, ay matingkad na ebidensya!

Narito si Samson na nagpapahayag ng kamatayan ni Arellano.

Maging ang abogado na si Trixie Angeles ay hindi pinahintulutang pumasok upang tingnan ang kalagayan ng mga taong di umano’y hinahawakan ng labag sa kanilang kalooban.

Atty. Angeles at mga manggagamot hindi pinahintulutang makapasok sa compound
Kung ako ay naging isang huwes, “ordinary promptings of man,” at lohika at sentido komun ay maaaring gumabay sa akin sa pagtukoy sa kasalanan ng akusado.

Kung ako ay naging isang taga-usig, ang mga bagay na ito ay sapat para sa akin upang makakita ng isang prima facie evidence ng kaso na isinampa laban sa kanila hindi lamang ng dalawa o tatlong mga saksi ( Ang bilang ayon sa Biblia ay sapat ) nguni’t marami.

HEBREO 10:28 
Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:

II CORINTO 13:1 
Ito ang ikatlo na ako'y paririyan sa inyo. Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa't salita.

Ang katulong ni Menorca ay tumanggi sa umano’y detensyon


Tayo ay palaging makasasalig sa mga salita ng Dios. Maging ang mga hukuman ay maaaring matulungan sa kanilang mga desisyon sa pamamagitan ng pag-unawa sa “ordinary promptings of man”.

Marami pang mga pagsusuri na darating, kung loloobin ng Dios.

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Pagsalungat sa Katotohanan ng Dios: Dahilan kung bakit ang Iglesia ni Cristo (INC) ay hindi Nabanal


Sa gitna ng kung ano ang nagaganap ngayon sa Iglesia ni Cristo, mahalaga na ating matutunan na tukuyin kung ano ang totoo mula sa kung ano ang mali.

Nang ang mga sana ay mga biktima ay nagsilabas upang sumigaw sa publiko kung papaano sila tinrato ng hindi patas, sila ay nauwi sa pagsasabi na sila ay nagmula sa isang tunay na iglesia. Subali’t lagi tayong makakasuling sa patnubay ng Dios mula sa Biblia upang matutunan kung ano ang katotohanan. Dumako tayo sa mga basiko. Sino ang nagtatag ng katotohanan kung hindi ang lumikha ng lahat ng mga bagay?

Atin munang pagtuonan ang mga katangian ng katotohanan - ang katotohanan ng Dios o ang ganap ng katotohanan.

Una, ang katotohanan ay makapagpapabanal. Ang pinakamandang bagay sa katotohanan ay pinagpapala nito ang nagdadala at nanghahawak dito. Dinadalisay nito ang puso. Ang pagpapabanal ay isa sa mga bagay na magagawa ng katotohanan ng Dios.

JUAN 17:17 
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.

Ikalawa, ang katotohanan ay ganap. Ang katotohanan ng Dios ay ganap na katotohanan. Hindi Siya nagsisinungaling sapagka’t hindi Siya makapagsisinungaling at “imposible” sa Kanya ang magsinungaling.

TITO 1:2 
Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;

HEBREO 6:18 
Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:

Ikatlo, ang katotohanan ay may wastong lugar. Nalalaman ng katotohanan ang kanyang angkop na lugar. Ito ay kasama ng Dios, ang Ama, na makatuwirang pinakahuluganan ng Panginoong Jesucristo sa Juan 17:17 na “Ang Iyong katotohanan.”

Ito rin ay nasa Panginoong Jesucristo gaya ng sinabi ni Apostol Pablo.

EFESO 4:21 
Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.

Ito rin ay nasa Banal na Espiritu.

JUAN 16:13 
Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.

Ang katotohanan ay maaari ding nasa isang alagad.

II JUAN 1:1-2 
1 Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak, na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan; 
2 Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man:

III JUAN 1:3 
Sapagka't ako'y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan, ayon sa paglakad mo sa katotohanan.

Ikaapat, ang katotohanan ay umiiral at hindi kailanman namamatay sa kabila ng mga kasinungalingan na bumabangon upang takpan ito. Kapag ang isa ay lumulutang upang ihayag na kung ano ang kanyang sinasabi ay mga katotohanan, ang isa pa ay lumilitaw na may ibang bersyon. Subali’t ang katotohanan ay naroroon - batid ng isa na Siyang lumikha sa ating lahat. Tandaan na ang kabaligtaran ng katotohanan ay kasinungalingan nguni’t kailan man ay hindi ito magwawagi sa ibabaw ng katotohanan.

Ikalima, subali’t hindi ang pinakamababa, ang hindi pagmamahal sa katotohanan ay mayroong kahihinatnan: sila ay mangalilinlang, silang mga nagsisipaniwala sa kasinungalingan o ang kabaligtaran ng katotohanan.

II TESALONICA 2:9-12 
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, 
10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. 
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: 
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.

Ikaanim, mayroong “pakinabang” sa paglayo sa katotohanan nguni’t isang kahabaghabag na pakinabang. Ang isa ay maaaring umani ng materyal at pisikal na mga pakinabang, na sa unang lugar ay ang dahilan kung bakit ang isa ay tumatalikod mula sa katotohanan at bumabaling sa mga kasinungalingan. Antimano, aking sasabihin sa inyo, ang “pakinabang” na ito ay nagsasalin ng kanyang sarili sa kaparusahan.

Ang Biblia kung gayon ay nagsasaad na may mga “tunay na mga nagpapakunwari”! Sila ay ang mga tunay na mga sinungaling! Hindi nila tinatanggap ang pag-ibig sa katotohanan kundi mas ginugusto nila ang mga kaaliwan ng hindi katuwiran. At dahil doon, sila ay nangalinlang sa paniniwala sa kanilang mga kasinungalingan. Iyon ay ang nakalulungkot na epekto.

II CORINTO 11:13-15 
13 Sapagka't ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol, mga magdarayang manggagawa, na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo. 
14 At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.  15 Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa.

Samantalang sila ay maaaring lumitaw ng ilang panahon na tulad sa mga ilaw, gaya ni Satanas, ang ilaw na yaon ay hindi ganap sapagka’t sa isang dako na hindi natatalos ng walang malay, ay malaking kadiliman! Maaari silang magmukhang tupa, sa panlabas ay gayon nga sila, nguni’t isang bagay na malupit ay nakakubli!

MATEO 7:15 
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila.

JUDAS 1:16
Ang mga ito'y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin.

Sa kabuoan, ang Biblia ay tumukoy sa dalawang katotohanan: Ang isa ay ganap na katotohanan na tinawag na “katotohanan ng Dios.” Ang iba ay kasamaan na nasa pagpakunwaring katotohanan at, sa katunayan, kasamaan - na nalalaman ng sanlibutan bilang kasinungalingan. Yaong mga nagsisipaniwala rito, ay talagang nagsisipaniwala rito bilang “katotohanan” mula sa delusyon na pinahintulutan ng Dios. Ang gayon ay ang kalikasan ng kasinungalingan o “mga katotohanan” na pinaniwalaan mula sa delusyon. Ang ganap na katotohanan at ang katotohanan mula sa delusyon ( mga kasinungalingan ) ay direktang magkasalungat sa isa’t isa.

Ang publiko ay tinrato sa pamamagitan ng “katotohanan” mula sa mga dinukot na mga ministro at ng ina at ng mga kapatid ng Kataastaasang Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo na si Eduardo Manalo. Sila ay tinanggihan sa pamamagitan ng tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala at ng pamunuan ng INC na nagpahayag ng iba pang “katotohanan.” Alin ang alin ngayon? Ang kanilang sinasabi ay ang direktang kasalungat ng isa’t isa - at, para sa isang katotohanan, ay hindi ko mga katha.

Maaari kong tawagin ang mga natiwalag na mga ministro ng INC bilang aking mga “hostile witnesses” sa lugar ng saksi upang sumaksi sa mga katotohanang ito! Sila ay sina Isaias Samson Jr., ang dating editor-in-chief ng Pasugo, at si Lowell Menorca II, isa ring ministro ng Iglesia ni Cristo.


Ipinahayag ni Isaias Samson Jr. na siya ay ilegal na ikinulong.

Hulyo 2015, sa Net25, himpilan ng INC, si Lowell Menorca, nasa gitna, ay nagpahayag na siya ay hindi dinukot.

Tatlong itiniwalag na mga ministro ng INC ay tumakbo sa Department of Justice upang humanap ng tulong, nagsasabing ang mga buhay ay nasa panganib.

Oktubre 2015, si Lowell Menorca ay pumunta sa Youtube pagkatapos na ang Writ of Amparo at Writ of Habeas Corpus ay naipagkaloob ng Korte Suprema, nagsasabing ang unang pahayag ay scripted.

Oktubre 2015, si Lowell Menorca ay nagsalita ng lahat tungkol sa pagdukot (Rappler interview).

Ating tingnan kung ano ang una nilang pahayag. Sila ba talaga ay nasa tunay na iglesia? Kung sila nga ay nasa tunay, bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kanila?

Mabigat na Kahihinatnan

Gaya ng ating tinalakay nang nauna, ang hindi paniniwala sa katotohanan ay may mabigat na kahihinatnan: Ang isa ay ang isang tao ay nalilinlang upang maniwala sa mga kasinungalingan. Ipinahihintulot ng Dios ang gayon dahil sa pagtanggi na maniwala sa kung ano ang totoo. Ang kagustuhan sa mga kaaliwan ng hindi katuwiran ay nagmumula kay Satanas, ang ama ng mga kasinungalingan.

2 TESALONICA 2:9-12 
9 Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, 
10 At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas. 
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: 
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.

At dahil diyan, ang INC ay masyadong puno ng mga kasinungalingan, subali’t tayo ay tumutok sa kaunti lamang sa mga paglalahad na madalas ulitin.

Ang mga natiwalag na mga Ministro ng INC na sina Samson at Menorca ay nag-aangkin at talagang naniniwala na sila ay nasa tunay na iglesia, at sa labas, sinoman ay hindi maliligtas. Ito ba’y totoo?

Pagpapabanal hindi gumagawa sa INC

Ating nauna nang sinabi na ang unang katangian ng katotohanan ay ito’y dumadalisay sa sumasampalataya o sa taong nananangan sa katotohanan. Sa kabaligtaran, ang tao na naniniwala sa mga kasinungalingan ay nalilinlang upang maniwala sa kasinungalingan bilang “katotohanan.” Mayroong kaaliwang natatagpuan sa hindi katuwiran na kanilang ikinaliligaya. Atin kung gayon ay masasabi, kung saan walang katotohanan, ang pagdadalisay ay hindi nangyayari.

Sa isang artikulo na sinulat ni Eduardo V. Manalo, ang kasalukuyan na Kataastaasang Tagapamahala, ay sinasabi sa bernakular, “Hindi malilligtas ang nasa labas ng Iglesia ni Cristo.” Sa saling Ingles, mababasa ito, “Outside of the INC, no one can be saved.” Kanyang sinulat ito halos 40 na taon na ang nakalilipas, at kung gayon ay ang doktrina nilang ito ay masasabing itinuturo sa loob ng 40 mahabang mga taon.





Si Eraño Manalo, ang ikalawang henerasyong Kataastaasang Tagapamahala, ay nagsasabing ang mga nasa labas ng INC ay mga “sentensyado sa apoy.” Siya ay nangangaral ng hindi kukulangin sa 50 taon o kalahating siglo bago siya pumanaw. Sa haba ng panahong yaon ng pangangaral ng maling doktrina, isipin ang maraming mga tao na kanyang dinaya!


Kung ano ang ipinangangaral ng dalawang Manalo na ito sa loob ng daang mga taon ay direktang sumasalungat sa Dios na nagsasabing Siya ang may ibig na ang lahat ng mga tao ay maligtas. Hindi Niya sinabi ang ipinangangaral ng mga Manalong ito.

I TIMOTEO 2:3-4 
3 Ito'y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas; 
4 Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao'y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.

Ating kung gayon makikita kapuwa ang ama at anak, na nanguna sa INC, nagpapatibay sa isa’t isa sa kanilang maling doktrina upang mabitag ang mga tao sa kanilang samahan.

Korupsyon ng Kaluluwa

Ang ating isyu rito ay hindi ang pagdukot o ilegal na pagkulong sa mga itiniwalag na mga ministro kundi ang kanilang pag-aangkin na sila ay mga saksi sa katiwalian sa ubod ng “kaisa-isang at bukod-tanging tunay na iglesia.” Ang kaisa-isa at bukod-tanging tunay na iglesia? Gaano sila nakasisiguro? 

Kung magpapahayag man, ang katiwalian na nararapat na ipinahahayag ni Samson at Menorca ay hindi dapat matutok sa paghigop ng salapi sa pamamagitan ng kanilang inaakusahan ( materyal ) kundi tungkol sa katiwalian ng mga turo ng INC. Iyon ang ubod ng tunay na iglesia - ang mga katuruan. Sa gayon at sa gayon lamang sila makasisiguro na sila ay nasa tunay na iglesia. Kung ang mga katuruan ay totoo, walang pangangailangan sa kaninoman sa kanila na humihigop ng mga kontribusyon ng kanilang mahihirap na mga miyembro.

Mga Imbestigasyong Kailangan

Ang mga imbestigasyon ng mga Pilipino tungkol sa grupong ito ay matagal nang lampas sa taning! Napapanahon na para sa aking mga kababayan upang malaman, ayon sa mga biblikal na tuntunin, kung ano ang uri ng iglesia na itinatag ni Felix Manalo sa Pilipinas.

Naririto ang aking masasabi: Ang iglesia na nag-aangkin na ito ang “tunay na iglesia,” ang “kaisa-isa lamang” pa naman, subali’t kinatatakutan ng kanyang sariling mga ministro at mga miyembro sa maaaring gawin nito sa kanila, ay maaaring sa kabalintunaan maging totoo! Ito ay ang tunay na iglesia ni Satanas!

Walang iba kundi ang mismong balo ng dating Kataastaasang Tagapamahala, Eraño Manalo, na siyang ina ng kasalukuyang Kataastaasang Tagapamahala, Eduardo Manalo, ang natatakot para sa kanyang buhay at sa mga buhay ng kanyang mga anak - ang mga kapatid mismo ng kasalukuyang Kataastaasang Tagapamahala! Sa pamamagitan lamang ng paghahayag ng kanilang kaalaman tungkol sa katiwalian sa ubod ng kanilang iglesia, sila ay itiniwalag! Hindi ba ang inaasahang reaksyon ng isang nakakaalam ng katotohanan - hayaan silang magsalita ng kanilang nalalaman, at magsagawa ng mga imbestigasyon?

Narito ang ina na naghahangad na makausap ang kanyang anak subali’t mula sa mga ulat, ang anak ay hindi kailanman nakipag-usap sa kanya sa loob ng anim na taon - o simula nang si Eraño Manalo ay pumanaw.

Mayroon bang biblikal na posibilidad na ang INC ay isang “tunay na iglesia?” Naniniwala akong wala!

Hindi ko tinanggap na magaan nang sa telebisyon sa Pilipinas ay sinabi ng mga ministrong ito ng hayagan na kanilang sasalubungin ako sa paliparan sa aking pagbabalik bayan ng kanilang kapatid na Amurao, isang punenarya, upang sumundo sa akin. Sa ibaba ay ang kuha mula sa Net25, ang himpilan ng INC.



Narito ang karatula ng Punenarya Amurao 

Ako’y Napawalang Sala

Hindi dahil sa karuwagan kundi upang maisalba ang mga buhay ng ibang mga tao kung kaya ako ay nagpasya - bagaman mabigat sa puso - na manatiling malayo sa aking minamahal na bansa!

Ang mga ministrong ito ng INC ay nangungutya at naninira sa akin, na nagsasabing ako ay duwag, at nararapat na magbalik sa Pilipinas upang harapin ang mga kinathang mga kaso na kanilang isinampa laban sa akin sa mga hukuman ng Pilipinas!

Maging ang mga Depensor Katoliko ay naghahamon sa akin upang magbalik sa Pilipinas para harapin itong mga ( hindi tunay ) na mga akusasyon laban sa akin.

Ngayon, mas nalalaman ko: Ako ay napawalang sala sa pamamagitan ng kung ano ang ibinunyag nitong mga ministro at mga miyembro ng Iglesia ni Cristo. Kung ang kanila mismong sariling mga kasamahan ay nasisindak sa pamunuan, isang katalinuhan para sa akin ang makaramdam din ng gayon - hindi lamang para sa aking buhay kundi para na rin sa mga tao na nagmamasalakit sa aking kaligtasan!

Aking pinupuri ang Panginoon sa lahat ng Kanyang pagmamahal, Kanyang katarungan, at Kanyang pagmamalasakit!

Kay Samson at Menorca

Yaong mga hindi nakakaalam ng katotohanan at hindi nanghahawak sa katotohanan ay hindi napagiging banal. Sila ay hindi nalilinis mula sa kanilang walang habas na mga kasiyahan.

Wala silang nalalamang hangganan kung kaya’t kanilang natatagpuan ang kaligayahan sa mga kasinungalingan gaya ng panghikayat ng ama ng mga kasinungalingan. Aking masasabi sa inyo, kinatha ng pamunuan ng INC ang lahat ng mga maling paratang na kanilang isinampa laban sa akin. 

Ang iglesia na nagtuturo ng kasinungalingan upang masilo ang mga tao dito ay isang hukay na inilaan para sa masasamang mga tao. Ang aking pag-asa kay Samson at Menorca at sa mga kagaya nila ay sila nawa’y magpatuloy na magsikap upang mahayag ang katotohanan. Higit at sa ibabaw ng pagrereklamo tungkol sa hinuthot na salapi, sila sa halip ay dapat na umangat sa mas mataas na antas at magsuri ng kanilang mga sariling paniniwala. Ang sanlibutan ay hindi masyadong makitid upang hindi sila makakita ng mga pamamaraan upang magawa ito. Ang katotohanan ay may tamang mga lugar.

Sa Dios ang lahat ng karangalan magpakailanman! Amen!

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Si Kristo ay ang Tunay na 'Uod na Jacob' - Hindi si Felix Manalo


Ang Iglesia ni Cristo ni Manalo ay nag-aangkin na si Felix Manalo, ang kanilang tagapagtatag, ay ang "uod na Jacob" sapagka't siya di umano ay hinamak ng mga tao. Haha! Iyon ay katawa-tawa!

Sa kanilang Pasugo ng Nobyembre 1976, sa Pahina 15, sa isang Tanong at Sagot na pamamaraan, ang katanungan na tinatanong ay bakit ang kanilang "Huling Sugo" ay tinawag na uod na Jacob. Ang "sagot," ayon sa kanilang pagtuturo, ay ito’y dahil sa si Manalo ay hinahamak at nilibak.


Malay natin, maaaring ngang si Manalo ay hinamak at nilibak dahil sa ibang mga bagay gaya ng pangunguwarta sa pamamagitan ng mapandayang pangangaral! Ngayon mismo, ito ay pagnanakaw ng mga pagkakakilanlan ni Jesucristo.

Itong may sakit na aklat sa lahat ng panahon (Pasugo), na nagtuturo sa kanilang mga miyembro ng mga kasuklamsuklam, ay nagmumungkahi na ang isang tao ay maaaring magkaroon ng kalayaan upang pumili ng mga pangalan mula sa Biblia at ilapat ito sa kanyang sarili. Alin sa dalawa, kung hindi si Manalo ang may sakit sa isip ay ang mga taong nagsusulat sa kanilang magasin na “Pasugo” upang siya’y sambahin.

Papaano naman ang kahulugan ng mga pagkakakilanlan na ito? Pinupulot ang Awit 22:6-7 upang ipaliwanag ang pagkakahamak at pagkakalibak ni Manalo, tinatangkang “alisan ng saysay” si Jesucristo sa pagkakakilanlan.

Si Manalo o ang kanyang mga tagapalo ng tambol ay sinadyang huwag isaalang-alang ang kabuoan ng ayon sa hulang pahayag ni David. Napansin ba nila ang mga talatang 16-18 ng kapiluto ring iyon?

AWIT 22:16-18 
16 Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. 
17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18 Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.

Ang “uod” na binanggit sa 22:6-7 [na kanilang (maling)inilapat para kay Manalo] ay hindi lamang hinamak. Ang uod na yaon ay binutasan ng kanyang mga kaaway - partikular na sinasabi sa mga kamay at mga paa!

At sa talatang 18, “ang uod” ay nagsabi ‘kanilang hinapak ang aking mga kasuutan… at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.’ Ang lahat ng mga ito ay natupad ayon sa mga naliwanagang autoridad sa Biblia, sa ating Panginoong Jesucristo - hindi kay Manalo gaya ng paliwanag ng kanyang nagnanakaw na mga ministro!

Tayo’y tumingin kay Juan.

JUAN 19:23-24 
23 Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas. 
24 Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi, Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan, At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran.

Ang “uod” na yaon ay siya ring paksa ng hula ni Isaias bilang tao na “hinamak…”

ISAIAS 53:2-5 
2 Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. 
3 Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya. 
4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. 
5 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

Ang mga talata sa Biblia ay nag-uugnay ng mga katotohanan bagaman inilagay sa ibang mga aklat at kapitulo. Kanilang pinagtitibay ang isa’t isa na mahirap na basta na lamang nakawin ang pagkakakilanlan at (maling)ilapat ito sa isang tao. Dahil dito, si Manalo ay malinaw na isang pakunwari, isang huwad na pastor para sa lahat ng layunin.

Tiyak na ang “uod na Jacob” na hinamak ng mga tao at binutasan sa mga kamay at mga paa ay hindi si Manalo kundi ang Panginoong Jesucristo!

Sa umpisa, ang Isaias 41:2 ay nagsasalita ng tungkol sa isang “tao mula sa silanganan” - hindi si Manalo, kundi sa isang “matuwid na tao” kung kanino ibinigay ng Dios ang mga bansa at upang “magpuno” o maging “hari” sa mga hari!

ISAIAS 41:2 
Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog.

Kanilang pinapatungkol ang mga pagkakakilanlan na ito kay Manalo! Isang napakalaking kasinungalingan! Mangangailangan ng isang propesyonal na walang hiyang tao na may matinding hilig sa pagsisinungaling upang angkinin na siya ay ang tao na binanggit!

Ang mga pahayag na ito kabilang ang nasa Talatang 8 ay nagsasabi, “Nguni’t ikaw Israel, aking lingkod, Jacob na aking pinili, ang binhi ni Abraham na aking kaibigan,” ay lumalapat lamang sa Panginoong Jesucirsto at hindi sa kanino mang iba, lalong hindi kay Manalo!

ISAIAS 41:8 
Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan;

Si Kristo “ang binhi ni Abraham.” Pansinin ang paggamit ng tiyak na pantukoy na “ang” sa pariralang, “ang binhi ni Abraham,” nangangahulugan na isang tao lamang - hindi gaya ng isang grupo o ang Iglesia ni Cristo ni Manalo na mayroong mga pag-aangkin sa katawagang ito. Pinatutunayan ng Galacia 3:16 na sila ay mali.

GALACIA 3:16 
Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo.

Si Kristo ay ang “hari ng mga hari” gaya ng isinasalarawan sa talatang 2 sapagka’t ang mga bansa ay ibinigay sa Kanya upang mapasailalim sa Kanyang nasasakupan! Si Manalo ay hindi isang hari para makatuwirang matawag na “isang tagapamahala sa ibabaw ng mga hari” bilang ang “uod na Jacob”!

APOCALIPSIS 19:13-16 
13 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. 
14 At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. 
15 At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. 
16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.

Masasabing halos sa mga talatang 2 hanggang sa talatang 27 ng kapitulo 41 ng Isaias, ang lahat ng mga teksto at mga konteksto ay bumabanggit ng mga bagay na tungkol sa Panginoong Jesucristo. 

Ang nakikita ng Dios sa hinaharap ay ang gawin ang Kanyang Anak na Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon at upang dalhin ang mga bansa sa ilalim ng pagkapasakop sa Kanya! Ang Talatang 2 at 3 ay dumidiskwalipika kay Manalo. Gayon din ang talatang 25 at 27!

ISAIAS 41:1-4 
1 Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan. 
2 Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog. 
3 Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa. 
4 Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,

ISAIAS 41:8-15 
8 Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan; 
9 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; 
10 Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran. 
11 Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak. 
12 Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala. 
13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka. 
14 Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel. 
15 Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.

ISAIAS 41:25-27 
25 May ibinangon ako mula sa hilagaan, at siya'y dumating; mula sa sikatan ng araw ay tumatawag siya sa aking pangalan: at siya'y paroroon sa mga pinuno na parang cimiento, at para ng magpapalyok na yumuyurak ng putik na malagkit. 
26 Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming maalaman? at nang una, upang aming masabi, Siya'y matuwid? oo, walang magpahayag, oo, walang magpakita, oo, walang duminig ng inyong mga salita. 
27 Ako'y unang magsasabi sa Sion, Narito, narito sila; at ako'y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita.

Si Kristo ay binanggit kasama ang Israel sa iba’t ibang pagkakataon kung saan si Kristo ang nararapat sanang ulo ( ng bayan ng Dios ). Subali’t ang Israel, sa kabila ng lahat ng kabutihan ng Dios ay nahuhulog paatras ngayon at noon, at siyempre ay naparurusahan. Sila ay bumabaling sa pagsisiyasat ng kanilang sarili at nagsisisi at iyon ay nakikita ng Dios. Ang gayong relasyon ay nagaganap ngayon at noon kasama ang Dios na nangangako sa kanila ng tulong.

Ang uod gaya ng karaniwang ginagamit sa ordinaryong wika ay maaaring mangahulugan ng maraming bagay nguni’t hindi positibo. Maaring mangahulugan ito ng korupsyon at kabuktutan. Ang paggamit kay Kristo tungkol sa kanya bilang “uod” ay tumutukoy sa panghihiya ng tao sa kanya, ang kakulangan ng respeto gaya ng sa mga sundalo na humapak ng kanyang mga kasuutan. Ito’y maaari ding mangahulugan ng paghamak mula sa mga tao, lalo na niyaong mga nagpaparatang sa kanya ng maraming bagay sampu na ng hindi pagiging mananampalataya.

Ang paggamit sa katagang “uod” mula sa Dios ay sinamahan ng “Jacob,” Pagka ginamit ng gayon, ang kahulugan ay nababago sa positibo. Isaisip na ang pangalang Israel ay ang pangalang bigay ng Dios kay Jacob, at ang Dios ay may plano para kay Jacob. Kay Kristo bilang “uod na Jacob,” ang kahulugan ay higit pang nagiging isang pangako ng pagpapatuloy - ang katuparan ng intensyon ng Dios sa tao, ang Kanyang obra maestra.

Ang tanging personahe na maaaring lumagay sa katuparan ng hulang yaon ay ang unang personahe na magdadala ng mabuting balita (ang evangelio) sa Jerusalem. Ito ay natupad sa personahe ng Panginoong Jesucristo.

MARCOS 1:14-15 
14 Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios, 
15 At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.

Marami pa sa darating.

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]