Grabidad Nagpapalutang ng Lahat ng mga Lihim ng mga Lihim
Hinihila ng gravity o grabidad ang mga bagay patungo sa ibaba, ngunit kamangha-mangha na ang grabidad sa pamamagitan ng “law of gravity” o “batas ng grabidad” ay makagagawa na ang mga bagay ay kumuha ng kasalungat na direksiyon - pataas!!! Hindi ba iyan kagilagilalas?
Walang aksyon ng grabidad sa lupa na, sa halip na dalhin ang isang bagay pababa, ay dadalhin ito pataas. Ang kababalaghang ito na nagdadala ng mga bagay pataas ay maituturing na “extra-terrestrial” o “hindi panlupa”! Isalarawan sa isip, isang tao na tinanggal ang kaniyang sarili mula sa lupa at makalupang mga bagay. Ito ay posible lamang sa isang tunay na Kristiyano!
ROMA 12:2
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
Bagaman ito ay mahirap na matamo, isang katuruang Kristiyano na ang isang tao ay bumaklas ng kaniyang sarili mula sa mga makalupa, o sa mga sa mundo.
COLOSAS 3:1-3
1 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.
2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.
3 Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.
Ang hila ng grabidad na nanggagaling sa langit ang maaaring makapagtanggal sa isang tao mula sa lahat ng atraksyon sa lupa at ito ay ang paghila ng pananampalataya sa Dios!
May mga puwersa - literal at hindi panlupa o “extra-terrestrial” - na nagpapahintulot sa isang bagay mula sa lupa upang maabot ang matataas at makapag-alis ng sarili nito sa mga puwersa ng paghila ng grabidad sa lupa. Sinasabi ng agham na ang paghila ng grabidad ng Araw ang nagpapaumbok sa mga gilid ng mundo, at ang paghila ng grabidad ng Buwan ang nagpapataas ng tubig sa mga karagatan at mga dagat sa mundo. Iyan ay terrestrial o panlupa. Narito ang sinasabi ng Universe.com -
Ang Mundo ba ay Bilog?
Ang aktwal na hugis ng Mundo ay talagang oblate spheroid - isang globo na may umbok sa palibot ng equator. Ang Mundo ay nakaumbok sa kaniyang ekwador dahil ito ay mabilis na umiikot sa kaniyang aksis. Ang sentripetal na puwersa ng pag-ikot ay nagiging sanhi kung bakit ang mga rehiyon sa ekwador ay umuumbok palabas.
Balik sa mga puwersa na makapagdadala sa mga bagay sa ibaba sa ilalim, mayroong posibilidad ng kasalungat na puwersa na makapagpaangat ng mga bagay pataas at lumutang. Kung ano ang natatamo ngayon sa Iglesia ni Cristo ni Manalo sa kabila ng itinurong paglilihim ng kung ano ang kanilang ginagawa, ay isang puwersang mula sa itaas ang gumagawa na ang mga lihim na yaon ay lumutang. Walang pagaalinlangan, ito ay ang kapangyarihan ng Dios! Ang grupong yaon ay matagal nang nagsasanay ng akto ng pagtatakip ng mga pangit na bagay sa loob ng kanilang iglesia, ng pagdadala ng mga ito sa ibaba at paghahanay ng mga ito sa pagkalihim.
Ngunit kung ano ang ginawa nila sa limang magaaral ng PUP sa lihim, bilang halimbawa, ay lumitaw. Isinaad ng kaso na ang kanilang mga miyembro na kasangkot ang lumuray sa mga katawan ng biktima sa silong o basement ng kanilang kapilya. Ang mga bangkay ay lumutang at iniahon mula sa maputik na ilog Pasig!!!
Narito ang isang sipi mula sa Supreme Court Annotated, Volume 339, ika-28 ng Agosto 2000 sa kasong People vs. Abella. Sa isang pagtatangkang mai-flush off o mapagtakpan ang pagpatay, ang ilog ang disin sana’y solusyon. Ngunit ang mga bangkay ay lumutang sa itaas upang sumaksi laban sa mga salarin.
...Samantala, noong halos ika-6 ng hapon sa loob ng Iglesia ni Cristo (INC), Sta. Ana compound o bakuran sa Bacood, si ELENA Bernardo ay naghihintay kay Pastor Cesar Almedina upang humingi ng payo hinggil sa problema ng kaniyang manugang na lalake. Hiniling sa kaniya ni Pastor Almedina na maghintay, at gayon nga ang kaniyang ginawa. Siya ay naghintay hanggang ika-10 ng gabi. Bigla na lamang na pinatay ng guwardya ang mga ilaw sa loob ng bakuran. Tanging ang ilaw mula sa MERALCO na nagbibigay liwanag sa bakuran mula sa labas, siya ay nakakita ng isang puting Ford Fiera na puno ng mga pasahero na pumasok at pumarada sa tapat ng tirahan ng pastor malapit sa landas patungo sa silong, na nasa likod ng kapilya at nasa ibaba ng opisina ng mga mang-aawit. Sumunod si ELENA. Sa loob ng silong ang mga biktima ay pinagbububugbog, hinampas ng baril, at hinataw ng mga bakal na tubo, pamalong tingga at iba pang matigas na mga instrumento. Isa sa mga biktima ay iginapos ng kawad. Si Filemon Garcia ay dumating dala ang “blowtorch” o suplete at pumasok din sa silong. Narinig ni ELENA ang mga biktima na nagmamakaawa. Dahil sa hindi niya matagalan ang kaniyang nakita siya ay naupo sa tapat ng kapilya at nanatili ng 30 minuto. Dumating si Pastor Almedina at sinabi sa kaniya na sila ay mag-uusap tungkol sa kaniyang problema sa ibang pagkakataon. Pagkatapos ay dinala ang mga biktima sa Ford Fiera. Sila ay tila halos mga patay na.
Noong ika-10 ng Marso 1992, sa oras na 8:45 ng umaga, ang walang buhay na katawan ni FELIX ay natagpuang lumulutang sa ilog Pasig malapit sa Beata-Tawiran sa Pandacan. Sa oras na 12:25 ng tanghali, ang katawan ni ERWIN ay nakuha sa ilog ding yaon sa likod ng pamilihan ng Sta. Ana. Sa halos gayon ding oras, ang naaagnas na mga bangkay nila ANDRES, MARLON at JOSEPH ay naiahon din mula sa ilog Pasig malapit sa tulay ng Lambingan .
(http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2000/aug2000/127803.htm)
Papaano naman ang tungkol sa akin? Ako ang kanilang naging pinakamatinding kritiko - maging magpahanggang ngayon. Sa kanilang walang tagumpay na pagtatangka na masiraan at mawasak ang aking pagkatao, sila ay nag-utos sa kanilang mga ministro na palihim na mamahagi ng mga komiks o magasin na nagsasalarawan sa akin bilang isang masama at mahalay na tao. Ang impormasyong iyan ay lumabas noong ang isang ministro sa kanilang ranggo ay nangumpisal sa akin ng kanilang pailalim na misyon.
Bago nagsumite ng kaniyang sarili sa bautismo sa Iglesia ng Dios Internasyonal, ibinigay niya sa akin ang katunayan na ako ay isinisipi dito. Pansinin ang VI.7. Tagubilin mula sa Central. “Kumuha ng “komiks” at ipamahagi nang “discreet”. Bakit discreetly? Sapagkat ito’y nanggaling sa kanila!
Pagkatuto mula sa kanilang mga Matatanda
Ang hindi maisalarawang katiwalian sa kanila ay naging hayag sa publiko nang ang isang ministro ay nag-abot sa akin ng maraming mga piraso ng DVD. Ang ministro ay hindi na naniniwala sa kanila ngunit siya ay nasa kanila pa rin dahil sa pangamba sa kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya. Ang mga nilalaman ay mga sermon ni Eraño Manalo at ang isa sa mga ito ay ang pag-atake niya sa kaniyang mga ministro sa mga katiwalian at masasamang gawain sa isang espesyal na pagpupulong ministerial o serbisyong pagsamba!
Ang mga bagay na nilalaman ng mga DVD ay hindi kailanman itinanggi ng kanilang mga ministro sa telebisyon, kundi sa halip ay kanilang tinanggap na mismong mga salita ng kanilang “tagapamahalang pangkalahatan” o “kataastaasang tagapamahala”. Ang mga ito at marami pang iba ay nahahayag sa pamamagitan ng isang puwersa na kumokontra sa paghila ng grabidad sa mundo na nasa mga kamay ng dios ng sanglibutang ito.
II CORINTO 4:4
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.
Masasabi ba nating ito ay gaya ng Cambrian Period o Periodo ng Kambriyano kung saan sinasabi na mayroong malaking pagsabog ng paghahayag? (Tandaan : Ako’y hindi naniniwala sa Cambrian Period sa pagiging isang pagsabog)
Ang Cambrian Period o Kambriyanong Periodo
Minamarkahan ng Cambrian Period ang isang mahalagang punto sa kasaysayan ng buhay sa lupa; ito ay ang panahon kung kailan ang karamihan sa mga grupong mayoria ng mga hayop ay unang lumitaw sa fossil record o rekord ng mga labi. Ang pangyayaring ito ay tinatawag kung minsan na “Cambrian Explosion” o Kambriyanong Pagsabog, dahil sa relatibong maikling panahon kung saan ang magkakaibang porma ay nagsilitaw. Minsan ay naisip na ang mga Kambriyanong malalaking bato ay naglaman ng una at pinakamatandang labi ng mga hayop, ngunit ang mga ito ay natagpuang nauna sa Ediacaran ( Vendian ) strata o istratang Ediakarano.
http://www.ucmp.berkeley.edu/cambrian/cambrian.php
Ang katotohanan sa bawat uri ay dumating sa pag-iral na kasabay ang kaniyang ka-uri na may habi ng disenyo ng simbayotikong pag-iral, na nagtutulak sa akin na bale-walain ang bawat kuro-kuro ng ebolusyon! Papaanong mabubuhay ang isang leon kung ang pagkain nito ay di pa iiral na kasabay nito? Ang katotohanan ay ang bawat uring umiiral, ay nagbibigay ng paraan ng pag-iral para sa iba.
GENESIS 1:24-25
24 At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon.
25 At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.
Hindi natin masasabi na ang katiwalian sa Iglesia ni Cristo ay nagkaroon ng ebolusyon! Kung ano ang totoo sa Kambriyanong Panahon ay kolateral na totoo sa INC ni Manalo. Mula sa pasimula nito, mayroong mga tiwaling gawain ang mga ministro nito! Pinatutunayan ito ng mismong salita ni Eraño Manalo, ang ikalawang henerasyong Kataastaasang Tagapamahala, na ang katiwalian sa mga kasalukuyang henerasyon ng kaniyang mga ministro ay kanilang minana sa mga ministro na nangauna sa kanilang mga gawang katiwalian! Nauna nang pinatunayan ito ng palibot liham na nilagdaan mismo ni Felix Manalo, ang unang henerasyong Kataastaasang Tagapamahala, na nagbunyag ng mga tiwaling gawain ng kaniyang mga nangungunang ministro.
Sa ibaba ay ang palibot liham na binasa noong ika-3 ng Hunyo 1937 ( ika-27 ng Mayo 1937 ) na nilagdaan ni Felix Manalo mula sa address, 42 Broadway New Manila, San Juan, Rizal, Kapuluang Pilipinas. Isinulat sa Tagalog, Sa pamamagitan ng liham na ito, ipinatatalastas namin sa inyo na sila Kapt. na Norberto Cruz, Antonio Macasiano, Bienvenido Castro, Simplicio Elizaga at Fortunato Lozano ay nawalan ng karapatan sa pagka-manggagawa dahil sa kasalanang paghalay at pagpapabaya sa kanilang tungkulin.
Sila Fortunato San Esteban at Joaquin Balmores ay dahil sa pag-vale ng labis at paglilinglang sa mga naglalagay ng "O.K." na ito'y makalawang ginagawa sa isang pagkakataon. Si Kapt. na Vivencio Cosico ay sa pagbali ng higit sa kaniyang tinatanggap.
Si Felix Ortiz ay itinitiwalag dahil sa panglilinglang sa pag-utang sa mga kapatid na ang sinasangkalan ay ang ating Tanggapan. Si Antonio Collantes ay itinitiwalag din sa Iglesia dahil sa paghuwad sa pangalan ng Tagapamahala ng Div. ng Laguna upang makakuha ng kwarta sa Ingat-Yamang Pang-pook, at ikalawa'y ang kaniyang pagsasamantala sa kamangmangan ng isang dalaga upang maitanan.
Sinabi pa ng palibot liham o sirkular na ang mga itiniwalag na sina Joaquin Balmores, Cirilo Gonzales, Felix Ortiz at Antonio Collantes ay hindi pinahihintulutang sumamba kahit sa labas ng bahay sambahan, ni kaawaan, kupkupin o tanggapin sa inyong mga tahanan.
ANO ANG NANGYAYARI NGAYON?
Ito ba’y isang pagsubok ng pananampalataya? O ito kaya’y isang paghahayag mula sa Dios?
MATEO 24:35
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.
At bakit ko ipinagpapatuloy na busisiin ang kanilang mga doktrina? Bakit hindi ko panatilihing nakatikom ang aking bibig? Sinabi ni Kristo:
MATEO 10:27-28
27 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.
28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.
Ito ay aking pakay na magsalita at sumigaw tungkol sa kung ano ang iniutos sa akin na gawin. Ang bawat programang isinahimpapawid ng Iglesia ng Dios Internasyonal sa buong mundo ay dumarating sa mga "bubungan" sa pamamagitan ng satellite at telebisyon. Ito ay naging labis na nabahagi dahil sa ako’y laging nasa ilalim ng patuloy na banta mula sa Iglesia ni Manalo. Sinasabi ko ang “katotohanan sa mga bubungan!” Dahil sa kanilang makapritsong paguusig sa aking pagkatao, sila ang mismong mga dahilan kung bakit nilisan ko ang Pilipinas, ang aking minamahal na bansa. Yaon ay upang maiwasan ang mga pisikal na labanan at pagdanak ng dugo.
Ngayon, ako ay tunay na nakumbinsi na kung ano ang hindi ko maisiwalat sa pagsunod sa utos ng Panginoong Hesukristo, ito ay isiniwalat at nabunyag sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios!
Ang mismong sariling mga kapatid at ina ng tao na nagdulot ng inhustisya o kawalang katarungan sa aking pagkatao sa pakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal sa Pilipinas sa rehimen ng isang pangulo na tinagurian ng Asia Pulse Survey bilang “The Most Corrupt of All Philippine Presidents” o “ Ang Pinakatiwali sa Lahat ng mga Pangulo ng Pilipinas “ ngayon ay nagsisilbi bilang “hostile witness” na pumapabor sa akin!
Narito ang kapatid na lalake at ang ina ni Eduardo Manalo, ang kasalukuyang Kataastaasang Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo -
Kapatid na lalake ng mga Manalo, tinira ang korupsyon sa Iglesia ni Cristo
http://www.rappler.com/nation/100304-manalo-brother-iglesia-cristo-corruption
Narito ang tungkol kay Gloria Macapagal Arroyo na magpapabilanggo sa akin sa pagsulsol ng INC. Sa “GMA found most corrupt president” na sinulat ni Regina Bengco (Malaya 12/12/2007), isang pagsisiyasat na isinagawa mula ika-20 ng Oktubre hanggang ika-31 sa pamamagitan ng Pulse Asia ay ipinakita na halos isa sa bawat dalawang Pilipino ay naniniwalang ang Pangulo (Arroyo) ay ang “pinakatiwali (pangulo) sa kasaysayan ng Pilipinas.”
Ang pagsisiyasat, na nagkaroon ng 1,200 na kalahok, ay nagkaroon ng margin of error na +/- 6 na porsyento. Apat na pu’t dalawang porsyento ng mga kalahok ay nagtaguri kay Arroyo na “pinakatiwaling” pangulo, sinundan ni Ferdinand Marcos ( 35 porsyento ), Joseph Estrada ( 16 porsyento ), Fidel Ramos ( 5 porsyento ) at Corazon Aquino ( 1 porsyento ). (http://www.malaya.com.ph/dec12/news1.htm).
Nasaan si Gloria Arroyo ngayon? Nalalaman ng lahat kung saan siya naroroon ngayon.
(Vote-rigging charges against Arroyo. http://english.sina.com/world/p/2011/1121/416344.html)
Sinasabi kong 99 porsyento ng lahat ng mga kaso na isinampa laban sa akin sa korte ay pawang imbento ng mga Iglesia Manalo, karamihan sa mga ito ay ginagamitan ng mga taong itiniwalag ko bilang mga tagapaghain ng reklamo o kaya nama’y mga saksi! Isang porsyento sa kanila ay nagmula sa kanilang mga kaibigan.
Hindi lahat ng mga puwersa sa lupa ay makapagdadala sa bawat bagay sa ilalim upang matakpan. Sa kabaligtaran, ay may mga puwersang mula sa itaas ng lupa na makakapagdadala ng mga ito sa itaas upang maihayag at ang mga lihim ay hindi maaaring matakpan ng matagal! Sa wakas ay nakita ng Dios na nararapat nang malinis ang aking pangalan pagkatapos ng mga kasinungalingang yaon at maraming kabulaanan. Kaya ngayon ay mapapansin natin ang ganitong uri ng grabidad - hindi panlupa o extra-terrestrial - nagpapalutang sa itaas ng mga lihim ng lahat ng mga lihim.
Tunay na hindi natin maitatago ang anoman sa buhay na ito. Hindi natin maaapi ang lahat sa lahat ng panahon. Mayroong isang Dakilang Tagapagbalanse na nakakakita ng lahat ng nangyayari. Hindi Niya ipahihintulot na ang masama ay magpatuloy magpakailanman.
Ang mga tumatamasa sa pansamantalang kapangyarihan at pansamantalang kaaliwan ay matututo ng kanilang leksiyon sa mahirap na paraan. Mayroon talagang dios ng sanglibutang ito na nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga anak ng pagsuway. Subalit doon sa mga maaaring maging mapagtiyaga at makapagpapaubaya sa Dios na Makapangyarihan sa Lahat na humawak ng mga bagay, sa wakas ay kanilang makikita ang pangako ng Dios sa pagsapit ng tamang panahon. Ang lahat ng mga itinagong lihim sa pamamagitan ng dahas at pananakot ay lulutang - ibubunyag sa pamamagitan ng grabidad na ito!
Pagpalain nawa ng Dios ang Pilipinas!
Sincerely in Christ,
Brother Eli
77 (mga) komento: