Paghatol sa mga Pagpatay: Hindi para Sisihin si Duterte kundi Lagumin ang Katotohanan
Ang paghatol na may pagkapatas at katarungan ay batay sa mga katotohanan, realidad, at lohika. Ang kasaysayan ang sasaksi na sa mga mahihirap na mga kaso na nireresolba sa pamamagitan ng hustisya ng tao, pinaka madalas, lohika, realidad at katotohanan ay nagkakatulong na magkasama upang lagumin kung ano ang katotohanan.
Ang katotohanan ay, nagkaroon ng dalawang sanggol, ang isa ay patay at ang isa ay buhay. Mayroong dalawang babae na nag-aangkin na siyang byolohikong ina ng nabubuhay na sanggol. Upang solusyunan at makapagbigay ng hatol sa tila mahirap na kaso, si Solomon ay gumamit ng lohika.
I MGA HARI 3:16-28
16 Nang magkagayo'y naparoon sa hari ang dalawang babae na mga patutot, at nagsitayo sa harap niya.
17 At sinabi ng isang babae, Oh panginoon ko, ako at ang babaing ito ay tumatahan sa isang bahay; at ako'y nanganak ng isang batang lalake sa bahay na kasama ko siya.
18 At nangyari, nang ikatlong araw pagkatapos na ako'y makapanganak, na ang babaing ito'y nanganak naman; at kami ay magkasama; walang iba sa amin sa bahay, liban sa kaming dalawa sa bahay.
19 At ang anak ng babaing ito ay namatay sa kinagabihan; sapagka't kaniyang nahigan.
20 At siya'y bumangon sa hating gabi, at kinuha niya ang anak kong lalake sa siping ko, samantalang ang iyong lingkod ay natutulog, at inihiga niya sa kaniyang sinapupunan, at inilagay ang kaniyang patay na anak sa aking sinapupunan.
21 At nang ako'y bumangon sa kinaumagahan upang aking pasusuhin ang aking anak, narito, siya'y patay: nguni't nang aking kilalanin ng kinaumagahan, narito, hindi ang aking anak na aking ipinanganak.
22 At sinabi ng isang babae, Hindi; kundi ang buhay ay aking anak at ang patay ay iyong anak. At sinabi ng isa: Hindi; kundi ang patay ay ang iyong anak, at ang buhay ay siyang aking anak. Ganito sila nangagsalita sa harap ng hari.
23 Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Ang isa'y nagsasabi, Ang aking anak ay ang buhay, at ang iyong anak ay ang patay: at ang isa'y nagsasabi, Hindi; kundi ang iyong anak ay ang patay, at ang aking anak ay ang buhay.
24 At sinabi ng hari, Dalhan ninyo ako ng isang tabak. At sila'y nagdala ng isang tabak sa harap ng hari.
25 At sinabi ng hari, Hatiin ng dalawa ang buhay na bata, at ibigay ang kalahati sa isa at ang kalahati ay sa isa.
26 Nang magkagayo'y nagsalita ang babae na ina ng buhay na bata sa hari, sapagka't ang kaniyang pagmamahal ay nagniningas sa kaniyang anak, at sinabi niya, Oh panginoon ko, ibigay mo sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag mong patayin. Nguni't ang sabi ng isa, Hindi magiging akin ni iyo man; hatiin siya.
27 Nang magkagayo'y sumagot ang hari at nagsabi, ibigay sa kaniya ang buhay na bata, at sa anomang paraa'y huwag patayin: siya ang ina niya.
28 At nabalitaan ng buong Israel ang kahatulan na inihatol ng hari; at sila'y nangatakot sa hari: sapagka't kanilang nakita na ang karunungan ng Dios ay nasa kaniya, upang gumawa ng kahatulan.
Mayroong internasyonal na paghiyaw tungkol sa diumano ay extra-judicial killings sa laban ni Duterte kontra sa ipinagbabawal na gamot. Sinasabi ko na “diumano” sapagka’t ang mga ito ay hindi maibibilang na katotohanan.
Samantala, pahintulutan ninyo na aking maipaalala sa media na maging maingat sa kanilang paggamit ng mga salita. Ang “Extra-judicial killings” ay nararapat mangahulugan na ang mga gumagawa ng mga pagpatay ay mga tao na nasa kapangyarihan!
Ito ay pinaka-tiyak na hindi patas na taguriang “extra-judicial killing” sa mga pagpatay na ginawa mismo ng mga kriminal!
Napaka hindi patas na ipatungkol ang lahat ng mga pagpatay na nangyari mula Mayo 10 ng taong ito sa pamamahala ng nakaupong Pangulo. Ang mga mamamahayag ay nararapat na magsanay ng sentido ng delicadeza sa pagpapatungkol sa kaninoman ng anumang maling gawain sa lipunan. Sa akin personal, ako’y naniniwala na ang lahat ng mga pagpatay na nangyari mula Mayo 10 ay hindi nararapat na ibilang sa administrasyon ni Duterte.
Ito ay malinaw na naaayon sa konstitusyon at tumpak na si Duterte ay kumuha ng pamamahala ng kapangyarihan noon lamang huling araw ng Hunyo ng taong ito. Paano magagawa ng sinoman na nasa kanyang tamang estado ng lohika, konsensya at isip, na mag-isip na yaong mga pinatay sa nakaraang rehimen ay isisisi sa pamahalaan ni Pangulong Duterte? Hindi ba ito ang implikasyon na ating nakukuha sa mga ulat ng kapuwa lokal at internasyonal na pahayagan ngayon? Kung ang isa ay hindi makapagsabi ng simula - at ang mga hangganan ng panahon - napaka tiyak na hindi niya rin masisiguro kung ano ang magiging dulo.
ISAIAS 46:9-10
9 Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;
10 Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:
Mayroong maraming pagdadaanan na maaaring ibilang upang humantong sa pinaka siguradong punto ng katarungan at pagkapatas. Sigurado na ang pinakamaikling guhit sa pagitan ng dalawang distansya ay sa pagitan ng dalawang eksaktong tuldok na tumatakbo na tuwid hangga’t maaari mula sa isa hanggang sa isa pa.
Ang punto upang magsimula rito ay, maaari ba na ang mga kriminal na tinutugis ngayon ng administrasyong Duterte ay nagpapatayan upang mapangalagaan ang kanilang sariling interes!?
Maaari ba na may mga pagpatay na nangyari pangunahin dahil ang mga pulis ay nagsisikap na ipagtanggol ang konstitusyon, o ang utos ng kanilang kumander, at ang kanilang sariling mga buhay!?
Maaari ba na mayroong mga nagwawala dahil wala nang kinabukasan sa kanilang mga bisyo at mga ilegal na mga gawain sa ilalim ng administrasyong Duterte? At maaari ba na gusto lamang nilang idawit ang iba, maging ang inosente!?
Kung ang sagot sa lahat ng mga katanungang ito ay oo, kung gayon ay hindi lohikal na isisi at bilangin ang bilang ng mga pinatay at namatay mula Mayo 10 hanggang sa araw na ito sa administrasyong Duterte. Gaano ka estupido ang isa tao ay maaaring maging!!! Paano mo lalagumin ang mga bilang at ipatungkol ito sa isa at isa lamang dahilan? Ang malala, ikaw ay magpatuloy at tagurian ang mga ito bilang “extra-judicial killings.”
Nalalaman natin ayon sa siyensya at lohika na ang mga adik sa droga ay mga taong ibinilang na wala sa kontrol, maging ng kanilang mga sarili. Ang isang paraan upang tulungan sila ay ipakita sa kanila at ipatikim sa kanila ang hampas ng braso ng batas.
Kung kanilang makikita na ng mga nagtutulak at mga gumagamit ay isinasakdal at hindi hinahayaan, sila ay magdadalawang isip sa pagpapatuloy sa kanilang mga bisyo na pinaka siguradong estupido. Ang parusa ay pamigil sa krimen.
HEBREO 10:28
Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:
Mayroon tayong napakalakas na himaymay sa hibla ng hurisprudensya ng Pilipinas na tinatawag na “karapatang pantao.” Ito ay bahagi rin ng batas ng lupain na samantalang mayroong mga klausa na nangangalaga sa mga hayop, walang batas o seksyon o artikulo sa konstitusyon na nagsasabi na pangalagaan ang buhay ng hayop, kailangan nating isakripisyo ang buhay ng isang tao.
Sa Biblia, mayroong mga tao na hindi maibibilang na mga tao upang tamasahin ang karapatang pantao, lalo pa nga, ang mga nahatulang mga drug lord at mga nagtutulak!
II PEDRO 2:12
Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.
Marami pa sa kasunod.
Sincerely yours,
Brother Eli
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
0 (mga) komento: