Ang Dios na Nagpaparusa sa mga Kasalanan ng Pagsuway

10/20/2016 0 Komento


Gaya ng lumilitaw, ang Dios ay inaasahan ng mga tao, na mga hindi nakakaalam sa paraan ng Biblia, upang patigilin ang kriminalidad at ang matinding ikot ng korupsyon - na walang anumang pagkilos mula sa mga tao na kasangkot.

Subali’t hindi ba ang mga tao ang sanhi ng moral na kasamaan - ang mga nagdo-droga, gumagawa ng krimen at korupsyon? Sa kaso ng Pangulo ng Pilipinas Rodrigo Duterte na nagwagi sa halalan sa isang plataporma ng pagsugpo sa droga, kriminalidad, at korupsyon, sa kanyang mga sandali ng pagdidilidili sa kasalimuotan ng mga suliranin na pumapalibot sa kanyang laban, siya ay nagsasalita ng kanyang naiisip at ang kabilang bahagi ng isip ay nagtatanong ng mga katanungan.

Subali’t siya ay hindi nag-iisa. Kapag ang masama ay dumarating sa isang punto kung saan ay natatagpuan ng tao ang kanyang sarili na walang magawa, siya ay nagtatanong, “Nasaan ang Dios? Bakit nangyayari ang lahat ng mga walang sentidong kabagabagan sa mundo? Ito ay maaaring dumating sa isang punto ng pagdududa sa Kanya mismong pag-iral. Ito ay sapagka’t tayo ay umaasa na ang Dios ay mabuti at kaya Niya na sugpuin ang kasamaan. Nguni’t hindi Niya basta na lamang gagawin ang mga bagay para sa tao gaya ng pagsugpo sa kasamaan sa buong mundo na walang pagsasakripisyo ng Kanyang mga layunin para sa sangkatauhan.

Narito ang mga katotohanan sa Biblia:

1. Ang Dios ang nagpairal ng lahat ng mga bagay na mabuti!

ROMA 1:19-20 
19 Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila. 
20 Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:

Sa orihinal na kalagayan ng paglalang, ang lahat ng mga bagay ay “napakabuti”.

GENESIS 1:31 
At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.

2. Ang Dios ay nagbigay sa tao ng pinakamagandang kapangyarihan na mayroon siya: ang kalayaan ng pagpili.

JOB 34:4 
Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti.

Maliban kung saan ang gayong gawain ay makahahadlang sa iba sa kanilang paggamit ng kanilang mga kalayaan, tayo ay may karapatan upang gamitin ang ating sarili sa ano pa mang paraan na ating pinipili. Subali’t kailangan tayong maging higit sa mga robot upang tamasahin kung ano ang magagawa ng kalayaan, gaya ng pagkakaroon ng papili sa pagkain, ang preperensya ng isang tao para sa mga panlasa, para sa kulay, para sa amoy, at maging para sa tao upang mahalin gaya ng isang asawang lalake o babae.

Ang kalayaan upang pumili o “free will” ay ibinigay ng Manlilikha; tayo ay may kapangyarihan upang pumili sa pagitan ng mabuti at masama, sa ilang antas ay mayroong mga nag-aakala na ayos lang na suwayin ang Dios.

DEUTERONOMIO 30:19 
Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

Ang mapagmahal na Dios, ang ating Malalalang, ay nagbigay ng diin, “Kung kaya piliin mo ang buhay, upang kapuwa ikaw at ang iyong binhi ay mabuhay.” Subali’t ang may malakas na loob ay mas pinipili ang kalaban ng kalooban ng Dios! Ito ay kung saan ang bawa’t korupsyon at kriminalidad ay nagsisimula.

II TESALONICA 2:11-12 
11 At dahil dito'y ipinadadala sa kanila ng Dios ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala sila sa kasinungalingan: 
12 Upang mangahatulan silang lahat na hindi nagsisampalataya sa katotohanan, kundi nangalugod sa kalikuan.

Ang dahilan kung bakit ang mga tao ay naniniwala sa mga delusyon at kasinungalingan ay ang kanilang tahasang pagbabalewala sa katotohanan! Ito ay nagresulta sa maraming kriminalidad na dumagsa sa lahi ng sangkatauhan!

ROMA 1:28-32 
28 At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat; 
29 Nangapuspus sila ng buong kalikuan, ng kasamaan, ng kasakiman, ng kahalayan; puspos ng kapanaghilian, ng pagpatay sa kapuwa tao, ng pagtatalo, ng pagdaraya, ng mga kasamaan; mga mapagupasala, 
30 Mga mapanirang puri, mga napopoot sa Dios, mga manglalait, mga palalo, mga mapagmapuri, mga mangangatha ng mga kasamaan, mga masuwayin sa mga magulang, 
31 Mga haling, mga hindi tapat sa tipanan, mga walang katutubong paggiliw, mga walang habag:
32 Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.

Ang nakapagpapalala sa kasamaan ay ang pagbabalewala ng mga tao sa pinakamabigat na parusa. Ang Biblia ay nagsasabi sa talatang 32, “”Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon.”

Sa ibang mga pananalita, ang parusa (Kung ano man ito) ay inaasahan para sa gayong mga gawain. Ang kaparusahan gaya ng pinakahulugan dito ay “ang pagpapataw o pagpapatupad ng parusa bilang kabayaran para sa isang paglabag.”

Ayon sa mga eksperto sa pag-uugali, ang parusa ay isang mahalagang kasangkapan sa pakikitungo sa may mga mapanganib na pag-uugali na kinakailangang mapatigil. Bagaman ang Dios mismo ay isang tagapagparusa, Siya ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga awtoridad ng pamahalaan upang tukuyin kung ano ang kaparusahan na nararapat sa mga mamamayan nito para sa alinmang kaukulang krimen.

ROMA 13:1 
Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.

Ang sentido ng pagpapahintulot sa masama at pagkakaroon ng kaligayahan sa kasamaan ang nagpaparami ng kasamaan sa lipunan ng mga tao! At ang masama ay magpapatuloy sa paglago sa loob ng isang lupunan na may gayong mapagpahintulot na disposisyon.

II TIMOTEO 3:13 
Datapuwa't ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama, na mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya.

Sa lahat ng mga ito, ang Dios ay hindi nararapat na masisi o mapagdudahan! Ating nalalaman sa pamamagitan ng budhi na yaong mga dapat na sisihin ay ang mga lider na nagpapahintulot sa masama! Samantala, ang pagkakaiba ng Dios at tao ay ang una ay hindi nagsasagawa ng kahatulan karaka-raka, nagbibigay sa nagkasala ng pagkakataon upang magsisi.

II PEDRO 3:9 
Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.

Bagaman may mga taong masasama na nakikinabang sa pagpapahinuhod ng Dios, ang masasamang tao ay nagsasamantala sa pagkakataon upang gumawa pa ng maraming kasamaan, hindi inuunawa ang kabutihan ng Dios! Sa halip na kunin ang oportunidad upang magbago, kanilang kinukuha ang pagkakataon upang palawigin ang kanilang masasamang mga gawa.

ECLESIASTES 8:11 
Sapagka't ang hatol laban sa masamang gawa ay hindi isinasagawa agad, kaya't ang puso ng mga anak ng mga tao ay lubos na nangalalagak sa paggawa ng kasamaan.

ROMA 2:4 
O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod, na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi?

Kaya paano naman ang duda sa pag-iral ng Dios dahil sa mga kasamaan na ngayon ay lumulukob sa lipunan ng sangkatauhan? Ang isang pantas na mag-aaral ng Biblia ay magsasaalang-alang nito: Ang mga bagay ay nangyayari bilang buhay na mga patotoo na ang sinasabi ng salita ng Dios sa mahabang panahon ay totoo. Una, Siya ay umiiral. Iyon ang hindi mapapasubalian na katotohanan. Ikalawa, kung ang mga tao ay hindi maniniwala at susunod sa Kanya, ang lahat ng kasamaan ay mananagana!

DEUTERONOMIO 28:58-68 
58 Kung hindi mo isasagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito na nasusulat sa aklat na ito, upang ikaw ay matakot dito sa maluwalhati at kakilakilabot na pangalang, Ang Panginoon Mong Dios. 
59 Kung magkagayo'y gagawin ng Panginoon na kamanghamangha ang salot sa iyo, at ang salot sa iyong binhi, malaking salot, at totoong malaon, at kakilakilabot na sakit, at totoong malaon. 
60 At kaniyang pararatingin uli sa iyo ang lahat ng mga sakit sa Egipto, na iyong kinatakutan at kakapit sa iyo. 
61 Bawa't sakit din naman, at bawa't salot, na hindi nasusulat sa aklat ng kautusang ito'y pararatingin nga sa iyo ng Panginoon, hanggang sa ikaw ay maibuwal. 
62 At kayo'y malalabing kaunti sa bilang, pagkatapos na kayo'y naging gaya ng mga bituin sa langit sa karamihan; sapagka't hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon mong Dios. 
63 At mangyayari, na kung paanong ang Panginoon ay nagagalak sa inyo na gawin kayong mabuti at paramihin kayo: ay gayon magagalak ang Panginoon sa inyo na ipalipol kayo, at ibuwal kayo; at kayo'y palalayasin sa lupa na inyong pinapasok upang ariin. 
64 At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato. 
65 At sa gitna ng mga bansang ito ay hindi ka makakasumpong ng ginhawa, at mawawalan ng kapahingahan ang talampakan ng iyong paa: kundi bibigyan ka ng Panginoon doon ng sikdo ng puso, at pangangalumata, at panglalambot ng kaluluwa: 
66 At ang iyong buhay ay mabibitin sa pagaalinglangan sa harap mo; at ikaw ay matatakot gabi't araw, at mawawalan ng katiwalaan ang iyong buhay. 
67 Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita. 
68 At pababalikin ka ng Panginoon sa Egipto sa pamamagitan ng sasakyan, sa daan na aking sinabi sa iyo, Hindi mo na uli makikita; at doo'y pabibili kayo sa inyong mga kaaway na pinaka aliping lalake, at babae, at walang taong bibili sa inyo.

Gaya ng sinabi sa mga talata, ang resulta ng hindi pagtalima sa mga salita ng Dios ay mga salot, karamdaman, sakit, kamatayan, pangangalat ng mga bayan, ang pangangailangan na maglingkod sa ibang mga dios, maging kahoy at bato, at pagiging dayuhan sa ibang mga lupain kung saan mayroong nagpapatuloy na kalungkutan at katakutan. Sa maraming mga porma, ang mga ito ay napagmamasdan sa bawat dako at sa ilang antas ay naranasan ng marami - kabilang na ang mga Pilipino.

Sa kabuoan: Nasaan ang Dios? Siya ay umiiral. Ang mabuting Dios ay umiiral subali’t ang masama ay malaganap dahil sa rebelyon ng tao: yaon ay ang hindi pagsunod sa Kanyang mga salita. Ang tao ay nagdurusa mula sa kanyang sariling kagagawan.

Ang Dios ba ay dapat sisihin dahil sa lipunan na mayroong lumalalang mga karamdaman? Hindi. Sila na nagpapahintulot na ang kasamaan ay yumabong ang nararapat na sisihin. Sila ang nagpapahintulot sa kasiyahan ng kasalanan.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

0 (mga) komento:

Maitim na Balat, Pangong Ilong, at Makapal na mga Labi? Nguni’t Tayong Lahat ay Magkakapatid!


Bakit kailangang magkaroon ng pakiramdam ng pagiging mataas kaysa iba, pagiging bastos, matayog ang isip, arogante, o makasarili simpleng dahil sa kulay ng balat ng isa, ang tabas ng ilong ng isa, ang hugis ng mga labi ng isa?

Sa madalas na pagkakataon, iniisip ng mga tao na ang kulay ay tumutukoy kung sino ang mas mataas (lahi). Subali’t maging ang pisikal na hugis ng mga mata, mga labi, at ang ilong ay nag-aanyaya ng diskriminasyon mula sa mga tao na naniniwala na sila ay nilikha na higit na mataas kaysa iba.

Walang mali, halimbawa, sa mas malapad na mga ilong at malalaking mga labi niyaong mga galing ng Aprika. Sa ilalim ng ating mga balat, tayong lahat ay magkakapareho. Nguni’t ito ay mahalaga sapagka’t ang mga kaisipang nakabatay sa kulay ng herarkiya batay sa lahi ay nagpapatuloy sa pagsalot sa atin, ang puti bilang nasa ibabaw at ang itim ang nasa ilalim.

Sa isang pagsasaliksik na isinagawa sa pamamagitan ng may kakayahan na mga siyentipikong mga awtoridad ay sinasabing sa ilalim ng ating mga balat tayong lahat ay biyolihikong magkakapatid na lalake at babae.


Maging bago pa ang katunayan na ito ay napatunayan sa pamamagitan ng agham, ang Biblia ay nagsasabi na sa atin nito! Lahat tayo at nagmula sa isa lamang biyolohikong ina at ama.

GENESIS 3:20 
At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.


Ang kapaligiran, ang pagkain na ating kinakain, ang mga kaugalian, at mga tradisyon ay nakakadagdag na mga dahilan sa ating mga panlabas na anyo. Ang araw ay makakagawa na ang ating balat ay maging maitim.

AWIT NG MGA AWIT 1:6 
Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.

Ayon sa siyensiya, ang tuloy-tuloy na pagkabilad sa mga sinag ng araw ay nakakadagdag sa pagkulay itim ng ating balat, gumagawa para maging mas maitim ito sa anyo kaysa sa mga mas kaunti ang pagkabilad sa araw. Sa Finland, kung saan ang araw ay hindi sumisikat ng halos apat na buwan, mapapansin, na ang mga tao ay may mapuputing balat. Ang mga taga Pinlandiya ang ibinibilang na pinakamapuputlang mga tao.

Marami ang nagtataka kung paano ang mga taga Pinlandiya ay nabubuhay na walang sinag ng araw kapag taglamig, at ang kalikasan ay tumutugon ng 24 na oras nito sa tag-araw. Ang matinding kaibahan sa mga kundisyon ng liwanag ay mayroong malalalim na epekto sa lahat ng kalagayan sa buhay sa Pinlandiya.

Para sa mauunawaang mga dahilan, ang mga pampublikong mga ispasiyo ay nagkakaroon ng buhay sa tag-init. Ang malupit na taglamig, walang katapusang liwanag sa araw ay hindi dumarating isang araw na masyadong maaga. Ang tag-init sa Pinlandiya ay isang pagkakataon upang gugulin sa labas ng bahay na tinatamasa ang maiksi subali’t matamis na panahon, at ang lahat ng mga alalahanin ay itinigil hanggang ang mga gabi ay dumilim na muli. 

http://www.visitfinland.com/article/land-of-the-midnight-sun/

Hindi kasalanan ng isang miitim na tao na nagdulot sa kanya upang ipanganak na maitim gaya ng paniniwala ng mga Mormons. Narito ang kanilang isinulat sa Aklat ng mga Mormons.


Ang matagal na pagkabilad sa mga elemento at ang araw ay makagagawa sa ating mga balat na maging total na maitim sa isang haba ng panahon ng henerasyon.

Mabilis na mga Katotohanan: 

Si Jablonski at Chaplin ay nagpanukala ng paliwanag para sa naobserbahan na pagkakaiba ng hindi pinaitim na balat ng tao na may taunang pagkabilad sa UV. Sa pamamagitan ng paliwanag ni Jablonski at Chaplin, mayroong dalawang nagkakalabang puwersa na nakakaapekto sa kulay ng balat ng tao:

1. Ang melanin na gumagawa ng mas maitim na kulay ng balat ng mga tao ay nagsisilbi bilang isang pansala sa liwanag upang pangalagaan laban sa masyadong maraming UV light na pumupunta sa ilalim ng balat ng tao kung saan ang masyasdong maraming UV ay nagdudulot ng pagkasunog sa araw at gumagambala sa pagbuo ng mga prekursor upang makagawa ng DNA ng tao; versus

2. Ang mga tao ay nangangailangan at hindi kukulangin sa pinakamababang hangganan ng UV light upang makarating ng malalim sa balat ng tao upang gumawa ng bitamina D, na kailangan para sa pagbuo at pagmamantine ng mga buto ng kalansay ng tao.

Napansin ni Jablonski at Chaplin na kapag ang mga tao na katutubo sa isang lugar ay nag-ibang bayan, sila ay nagdadala sa kanila ng sapat na gene pool upang sa nalolooban ng isang libong (1,000) taon, ang balat ng kanilang mga angkan na nabubuhay ngayon ay naging maiitim o naging mapuputi upang makaangkop para lumapat sa pormula na ibinigay sa itaas-na may kapansin-pansin na pagbukod ng may maitim na balat ng mga tao na lumilipat sa hilagaan, gaya ng pagpaparami ng mga tao sa baybaying dagat ng Greenland, upang manirahan kung saan sila ay mayroong buong taon na tustos ng pagkain na sagana sa bitamina D, gaya ng isda, kaya walang pangangailangan para sa kanilang balat upang pumuti para pahintulutan ang sapat na UV sa ilalim ng kanilang balat upang maghalo ng bitamina D na kailangan ng mga tao para sa malusog na mga buto. 

http://www.beautyofbeauty.com/skincolour.htm

Maging ang pagkain na ating kinakain sa mga henerasyon ay makapagbabahagi sa ating mga pisikal na anyo. Sa Pilipinas ay mayroong mga isla na kilala bilang Camotes Islands kung saan ang mga natibo ay kumakain ng kanila lamang pangunahing pagkain, kamote o sweet potato. Ang mga natibo doon ay mabababa. Ako ay nakaranas nang ang isang kaanib mula sa partikular na lugar na yaon ay nakiusap na magpakuha ng litrato kasama ako, silang lahat ay nakatayo samantalang ako ay nakaupo sa isang silya. Gayunman, ako ay mas mataas pa rin sa kanilang lahat! Ang kamote ay walang sapat na B Complex vitamins na nagdidikta sa pagsulong sa pagtangkad ng isang tao.

Ang mga tao na ang kanilang pagkain ay sagana sa B Complex vitamins gaya niyaong mga kumakain ng tinapay mula sa trigo ay nagtatamo ng higit na tangkad kaysa iba.

Yayamang mayroong walong magkakaibang bitamina na bahagi ng pamilya ng Vitamin B complex, mayroong benepisyong pangkalusugan na nagkaroon ng kaugnayan sa isa’t isa. Sa katunayan maraming eksperto sa kalusugan ang nagrerekomenda sa Vitamin B Complex para sa pagbaba ng timbang yamang ito ay tumutulong sa digestive system at nagpapaganda sa pag-absorb ng carbohydrates. Ang ilang eksperto sa kalusugan ay nagmumungkahi rin upang isama ang Vitamin B complex supplements at mga pagkain sa diyeta ng kanilang mga anak, yamang ito ay magtataguyod sa paglaki at makatutulong sa kanila upang lalong tumangkad. 

http://www.diethealthclub.com/vitamin-diet/vitamin-b-complex.html

Maging ang sukat at haba ng ilong kung minsan ay idinidikta ng kapaligiran.

Gaya ng iniulat ni Emily DeMarco ng Inside Science (8/12/2016), ang ating mga ilong ay gumaganap sa papel ng isang air conditioner ayon sa isang pag-aaral. Ang pagsasaliksik, ay inilimbag sa American Journal of Physical Anthropology, nakasentro sa presyon upang ipaliwanag kung paano nakuha ng ilong ang hugis nito.

Alinsunod, sa mainit, basang kapaligiran, ang presyon sa haba ng panahon ay nagpapabago sa ilong upang mag-iba ito sa mas malapad na hugis upang palamigin ang utak. Si Scott Muddux, ang pangunahing may akda sa pag-aaral at isang biyilohikal na antropologo ngayon sa Unibersidad ng North Texas Health Science Center sa Fort Worth, ay nagsasabi na ang hangin sa malamig na temperatura ay hindi makahahawak ng masyadong maraming tubig, kung kaya, walang presyon sa ilong upang lumapad gaya ng sa kabaligtaran ng sa mainit, basang mga temperatura. “Sa mainit, basang mga kapaligiran na nagbabawas sa abilidad ng ating mga katawan upang maglabas ng init sa pamamagitan ng pagpapawis, ang ilong ay makatutugon sa presyon na yaon at, sa haba ng panahon, mag-iba sa pagkakaroon ng mas malapad na hugis, na nagpapahintulot ng mas maraming pagkabawas ng init at maaaring makatulong sa pagpapanatiling malamig ng utak,” wika ni Maddux. 

Pagkatapos ng pagsasaliksik at ang lahat ng bagay ay nasabi na at nagawa, ang konklusyon ay ang mga katotohanan sa Biblia ay tunay lahat. Tayo ay nagmula kay Adan at Eva - at hindi mula sa mga tsimpanse o bakulaw - at tayo ay biyolohikal na magkakapatid na lalake at babae. Ang magsanay ng diskriminasyon kung gayon ay kasamaan.

SANTIAGO 2:1-4 
1 Mga kapatid ko, yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao. 
2 Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak; 
3 At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan; 
4 Hindi baga kayo'y nagtatangi sa inyong sarili, at nagiging mga hukom na may masasamang pagiisip?

Sa Israel, ang Dios ay nagpakita ng Kanyang galit sa dalawa Niyang mga lingkod nang sila ay nagsaisip ng pakiramdam na yaon ng pagkamataas. Si Miriam at Aaron ay lumaban kay Moises dahil sa pagaasawa sa isang maitim na babae. At sila ay sinansala ng Dios.

BILANG 12:1-15 
1 At si Miriam at si Aaron ay nagsalitaan laban kay Moises tungkol sa pagkapagasawa niya sa isang babaing Cusita: sapagka't siya'y nag-asawa sa isang babaing Cusita. 
2 At kanilang sinabi, Ang Panginoon ba'y kay Moises lamang nakipagsalitaan? hindi ba nakipagsalitaan din naman sa atin? At narinig ng Panginoon. 
3 Ang lalake ngang si Moises ay totoong maamong loob, na higit kay sa lahat ng lalaking nasa ibabaw ng lupa. 
4 At sinalita agad ng Panginoon kay Moises, at kay Aaron, at kay Miriam, Lumabas kayong tatlo sa tabernakulo ng kapisanan. At silang tatlo ay lumabas. 
5 At ang Panginoon ay bumaba sa isang tila haliging ulap, at tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawag si Aaron at si Miriam: at sila'y kapuwa lumabas. 
6 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon ang aking mga salita: kung mayroon sa gitna ninyo na isang propeta, akong Panginoon ay pakikilala sa kaniya sa pangitain, na kakausapin ko siya sa panaginip. 
7 Ang aking lingkod na si Moises ay hindi gayon; siya'y tapat sa aking buong buhay: 
8 Sa kaniya'y makikipag-usap ako ng bibig, sa bibig, ng maliwanag, at hindi sa malabong salitaan; at ang anyo ng Panginoon ay kaniyang makikita: bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises? 
9 At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa kanila; at siya'y umalis. 
10 At ang ulap ay lumayo sa Tolda; at narito, si Miriam ay nagkaketong, na pumuting gaya ng niebe; at tiningnan ni Aaron si Miriam, at narito, siya'y nagkaketong. 
11 At sinabi ni Aaron kay Moises, Oh panginoon ko, isinasamo ko sa iyo na huwag mong iparatang ang kasalanan sa amin, sapagka't ginawa namin na may kamangmangan, at sapagka't kami ay nagkasala. 
12 Huwag mong itulot sa kaniya, isinasamo ko sa iyo, na maging parang isang patay na tunaw ang kalahati ng kaniyang laman paglabas sa tiyan ng kaniyang ina. 
13 At humibik si Moises sa Panginoon, na sinasabi, Pagalingin mo siya, Oh Dios, ipinamamanhik ko sa iyo. 
14 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Kung siya'y niluran ng kaniyang ama sa kaniyang mukha, hindi ba siya mahihiyang pitong araw? kulungin siyang pitong araw sa labas ng kampamento, at pagkatapos ay madadala siyang muli sa loob. 
15 At si Miriam ay kinulong na pitong araw sa labas ng kampamento: at ang bayan ay hindi naglakbay hanggang si Miriam ay nadalang muli sa loob.

Samantala, ang mga pagpatay kamakailan sa Estados Unidos ay nagpapakita na mayroon, sa isang paraan o sa iba, diskriminasyon sa mga Amerikano mismo.

Mga kabataang itim na lalaki pinatay ng pulis EU sa pinakamataas na antas sa isang taon na 1,134 na kamatayan

Ang mga kabataang itim na lalake ay siyam na beses na mas malamang kaysa ibang mga Amerikano ang mapapatay ng mga opisyal ng pulis sa 2015, ayon sa mga natuklasan ng isang Guardian study na nagtala ng pinal na talaan na 1,134 na kamatayan sa mga kamay ng mga opisyal ng pagpapatupad ng batas sa taong ito.

Sa kabila ng umaabot lamang sa 2% ng total na populasyon ng EU, ang mga Aprikanong Amerikano na kalalakihan sa pagitan ng mga edad 15 at 34 ay bumuo ng mahigit sa 15% ng lahat ng mga kamatayan na itinala sa taong ito sa pamamagitan ng kasalukuyang ginagawang imbestigasyon sa paggamit ng nakamamatay na puwersa ng pulis. Ang kanilang antas ng mga kamatayan na kasangkot ang pulis ay limang beses na mataas higit sa mga puting kalalakihan sa katulad na edad.

Itinambal kasama ng opisyal na data ng pamahalaan sa dami ng namamatay, itong bagong natuklasan ay nagpapakita na halos isa sa bawa’t 65 kamatayan ng isang batang Aprikanong Amerikano sa EU ay isang pagpatay ng pulis. 

https://www.theguardian.com/us-news/2015/dec/31/the-counted-police-killings-2015-young-black-men

Ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga pisikal na pagkatao ng isang tao.

ROMA 2:11 
Sapagka't ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao.

Upang maging makadios ay matuto kung paano magmahal ng isang tao hindi alintana ang kulay, tangkad at pisikal na kaanyuan! Pagkatapos ng lahat, tayong lahat ay magkakatulad lampas sa balat. Tayo ay ginawa ng isang Dios.

Pahintulutan ninyo na aming ipaalaala sa mga mamamayang Amerikano na samantalang sila ay nakahihigit sa mga armas, teknolohiya, kayamanan, at kapangyarihang pulitikal, sila ay hindi nakahihigit sa mga maiitim at sa mga tinatawag ng mundo na “mas pangit” na mga tao ng mundong ito.

Sa Dios ang kaluwalhatian.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

0 (mga) komento: