Pagkatakot sa Buhay ng Isang Tao Vs. Ang Madilim Na Mga Lihim ng Iba

11/29/2015 12 Komento


Natural para sa isang tao na matakot sa maaaring kumitil ng kanyang buhay sampu ng kanyang mga minamahal. Natural din na hindi mabubuhay ng matagal ang isang tao na nagtatago ng mga lihim ng maling gawain, lalong lalo na ng madidilim na mga lihim ng iba.

Inilagay ng Dios ang mga natural na pakiramdam ng tao at ang kanyang “proclivity”, at dahil dito, sa madalas ay ating masasabi kung ano ang gagawin ng isang tao sa ganito at ganoong sitwasyon.

Ang “proclivity” ay may kahulugan na tendency upang pumili o gumawa ng isang bagay, isang inklinasyon o “predisposition” o ang mas malamang na gawin patungo sa isang partikular na bagay. Ang tao ay pangkaraniwang kikilos ng gayon din kapag ang kanyang buhay ay nasa panganib. Katulad din ito ng pangangailangang ingatan ang mga lihim ng maling gawain.

Ang kaisipan sa sugnay na “ordinary promptings of man” na malalim na nakasaad sa pangunahing estruktura ng Saligang Batas ng Pilipinas at ng ibang mga bansa ay ganap na tumutugma sa kaisipan ng sugnay na “common sense” o sentido komun.

Ang mga pangyayari kamakailan lamang sa mga nasasakupan ng INC ay nagpapatunay ng kapangyarihan ng Dios at ng pagiging totoo ng Kanyang mga salita.

AWIT 12:6 
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.

HEBREO 4:12 
Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

Walang karunungang pantao at teknolohiya ang ganap na makaaalam sa mga layunin ng puso subali’t ito ay nahahayag sa pamamagitan ng makapangyarihang salita ng Dios. Ang mga lihim at ang mga ikinubli ay hindi makapananatiling nakakubli, sinasabi ng Biblia.

MATEO 10:26 
Huwag nga ninyo silang katakutan: sapagka't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag; at natatago na hindi malalaman.

Mayroong mga tao na nag-iingat ng mga bagay sa lihim at “pinangangalagaan” ang mga ito sukdulang gumawa ng masama at mga gawaing labag sa batas upang mapanatili lamang na nakatago ang kanilang mga lihim. Nguni’t ang ordinaryo o karaniwang ginagawa ng tao ay ipakita ang bawa’t mabuti at ang bawa’t inaakalang mabuti sa mga tao at ikubli ang mga kasalanan at mga pagkakamali!

KAWIKAAN 28:13 
Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

Tiyak na may mga tao na hindi kailanman aamin ng pagkakamali sa lantaran at mayroong sadyang makakapal ang mukha at talagang mga walang hiya upang gawin ang bawa’t paraan maging ang garapalan, kawalanghiyaan at kahangalan upang maikubli lamang ang masama na kanyang ginagawa.
Ang pamunuan ng INC ay tumatanggi na kanilang dinukot at ilegal na ikinulong ang mga miyembro at mga ministro na lumantad sa hayagan upang ibunyag ang pinakaiingatang mga lihim ng “kulto” na ang pagkahayag ay nagsimula sa blog na iglesianicristosilentnomore at Wordpress na naging https://iglesianicristoneverkeepsilent.wordpress.com

Bakit ang mga ministro at mga miyembro ng INC ay naglalabasan sa hayagan lalong lalo na sa social media na nagpapahayag ng kaparehong bagay? “Ang aming mga buhay ay nasa panganib,” ayon sa kanilang lahat. Nasa “ordinary promptings of man” na matakot para sa kanyang buhay at sa mga buhay ng kanyang mga minamahal.

http://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/105998-inc-isaias-samson-expulsion-life-danger

http://kickerdaily.com/iglesia-ni-cristo-minister-abduction-illegal-detention/

Ang lohika ang nagdidikta na ang mga ministrong ito, itiniwalag dahil sa kanilang mga pagbubunyag, ay nakakaalam kung ano ang nangyayari sa nasasaklawan ng kanilang samahan! Ang mabigat dito ay maging ang mismong mga kapatid at ang ina ng lider nitong grupong relihiyoso ay lantarang nangumpisal na ang kanilang mga buhay ay nasa panganib. Ang gayon ay totoo rin para sa mga dinukot sa kanilang iglesia. (Pansinin: Aking ginamit ang pananalitang “grupong relihiyoso”, nguni’t sa aking kaisipan, ang gayon ay hindi isang grupong relihiyoso!)


Mayroong padron ng pangdadahas na ibinubunyag itong ang mga ministro at mga miyembro na natiwalag mula sa INC nang kanilang ilantad ang mga “katiwalian” at ibang mga maling gawain ng namamahalang lupon ng kanilang iglesia!

Una, ang pagkatha ng mga kasong kriminal laban sa kanila.

Ikalawa, ang pagwasak sa kanilang reputasyon.

Ikatlo, paggamit ng braso ng batas, na sa pamamagitan ng impluwensya ng kanilang iglesia ay maaaring tayahin bilang kapuwa mabilis at mabagal laban at pabor sa nagreklamo depende sa kung sino ang nagrereklamo. Pahintulutan ninyo akong magpaliwanag. Ang gayon ding bagay ay nangyari sa akin. Isang kaso ng panggagahasa ay isinampa ng mga INC laban sa akin isang panahon ng 2005. Mula sa provincial prosecutor nagmula ang kahilingan na ako ay agarang malagay sa “watch list”. Ito ay ipinagkaloob ng madali ng Bureau of Immigration.

Ayon sa aking abogado, ang dating Solicitor General Frank Chavez, ang provincial prosecutor ay walang karapatan ayon sa saligang batas na humiling na ako ay ilagay sa Immigrations’ Watch List. Nang maghain ng petisyon si Atty. Frank Chavez laban sa utos na naglalagay sa akin sa Watch List, ang opisyal ding yaon ang bumawi ng utos.

Ang gawang yaon ng paglalagay sa akin sa Watch List sa pamamagitan ng sentido komun at lohika ay maituturing na ilegal! Kung tutuusin, ako ay nararapat na ituring na inosente sa mga mata ng batas hanggang sa mapatunayang hindi sa tamang lugar.

Ang mga balitang umiikot mula sa grupo na tinatawag ang kanilang mga sarili na INC Defenders ay nagsasabi na ang lider ng INC at ang Sanggunian ay lumabas na ng bansa. Maaari bang ito’y nangangahulugan ng isang paghahanda para sa kung ano ang inaasahang mangyari?

http://www.rappler.com/newsbreak/inside-track/111504-trip-japan-eduardo-manalo-iglesia-ni-cristo

Ang aking panalangin ay sana ang kamay ng batas ay mapahintulutang kumilos na malaya sa mga nasasakupan ng saligang batas.

Isa pang kamakailang pangyayari na maaaring ayon sa lohika ay maging isang suporta sa pagsasabi na mayroon talagang nagaganap na mga ilegal na detensyon ay ito. Ang kamatayan ng driver ni Angel Manalo sa loob ng compound ng mga INC na hindi binigyan ng karapatan na matingnan ng isang manggagamot o malagay sa ilalim ng pangangalagang medikal sa isang ospital, sa aking opinyon, ay matingkad na ebidensya!

Narito si Samson na nagpapahayag ng kamatayan ni Arellano.

Maging ang abogado na si Trixie Angeles ay hindi pinahintulutang pumasok upang tingnan ang kalagayan ng mga taong di umano’y hinahawakan ng labag sa kanilang kalooban.

Atty. Angeles at mga manggagamot hindi pinahintulutang makapasok sa compound
Kung ako ay naging isang huwes, “ordinary promptings of man,” at lohika at sentido komun ay maaaring gumabay sa akin sa pagtukoy sa kasalanan ng akusado.

Kung ako ay naging isang taga-usig, ang mga bagay na ito ay sapat para sa akin upang makakita ng isang prima facie evidence ng kaso na isinampa laban sa kanila hindi lamang ng dalawa o tatlong mga saksi ( Ang bilang ayon sa Biblia ay sapat ) nguni’t marami.

HEBREO 10:28 
Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:

II CORINTO 13:1 
Ito ang ikatlo na ako'y paririyan sa inyo. Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa't salita.

Ang katulong ni Menorca ay tumanggi sa umano’y detensyon


Tayo ay palaging makasasalig sa mga salita ng Dios. Maging ang mga hukuman ay maaaring matulungan sa kanilang mga desisyon sa pamamagitan ng pag-unawa sa “ordinary promptings of man”.

Marami pang mga pagsusuri na darating, kung loloobin ng Dios.

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

12 komento:

  1. Ako naglaum nga ang mga sakop sa INC ang makahimo sa pagbasa niini nga blog . Mr. Manalo , mohunong impluwensiya sa hunahuna sa atong mga isigka mga tawo sa Brazil ug Portugal . Ikaw nagpahisalaag kanila ug pagdala kanila ngadto sa pagkahinukman sa silot .

    Mga miyembro sa INC , palihug pagmata ug mosunod sa pagtawag sa matuod nga Dios sa langit .

    Salamat sa Dios alang niini nga oportunidad sa komentaryo alang sa imong blog . Hinaut nga ang Dios mopanalangin kaninyo , Bro . Eli !

    TumugonBurahin
  2. Salamat sa Dios sa Blog na ito para mamulat ang mga tao kung anu talaga meron ang INC dahil mismo Ministro na nila ang nagbubulgar ng Baho nila at Mismong Nanay at kapatid na Eduardo Manalo ang nagsalita na nasa Panganib ang Buhay nila pati ng mga Ministro na nawawala......Read and Share

    TumugonBurahin
  3. Nawa mabuksan ang isip ng mga inc members sa pamamagitan ng blog na ito!

    TumugonBurahin
  4. Isang karumal-dumal na krimen, na maliwanag pa sikat ng araw, ang ginagawa ng relihiyosong kuno. Mga bulag na nasa gobyerno na nagtatakip ng kanilang tainga at mata sa nangyayari dahil sa pananakot ng mga ministrong maipluwensya sa ating bansa ang siyang ugat ng lahat mga katiwalian at paghihirap ng bansa. Gobyernong nagbibigay layaw sa lahat ng nasa ng INC, pumipigil sa batas na dapat ipatupad ay nahahadlangan dahil sa kanilang pananakot. Kahit na malinaw na may krimeng nangyayari ay walang kumikilos dahil sa mga pananakot, panggigipit ng maimpluwensiyang INC. Hindi pa rin sila tumitigil sa paninira kay Bro Eli kahit na siya ay nasa malayo na upang makaiwas sa pagbabanta sa kanyang buhay, at patuloy pa rin na kanilang ibinabagsak ang kanyang pagkatao. Patunay lang ito na kumikilos sa sanglibutang ito ang mga kampon ng kadiliman, ngunit nananalig ako na sa huli ang Panginoong Hesukristo pa rin ang hahatol at uusig, maghahari sa lahat ng mga kasamaan nilang ginagawa. Salamat sa Dios sa pagkasangkapan sa dalawang lalaking matapang na humarap sa mga katiwalian ng mga relihiyong mapagsamantala. Dalangin ko nawa na malayo sila sa banta ng kaaway.

    TumugonBurahin
  5. Salamat sa Blog na ito dahil nalalaman ng tao Kung anong na Hindi sa Dios ang iglesia ni manalo dahil kalupitang ng ni Eduardo manalo sa kanyang Pamilya.at sa mga ministro.

    TumugonBurahin
  6. Salamat sa Dios may Blog na ganito na nagsisiwalat ng Panloloko ng iglesia ni manalo,at ang kalupitan NI Eduardo mamalo sa kanyang Nanay at mga kapatid.at sa mga ministro.

    TumugonBurahin
  7. Salamat sa Dios sa kaniyang mga paggawa na hindi masayod.

    TumugonBurahin
  8. Salamat sa Dios sa kaniyang mga paggawa na hindi masayod.

    TumugonBurahin
  9. ay Naku! Eduardo gumising ka na idilat muna un iyongg mga mata bago mahuli lahat maawa ka sa mga kapatid mo at nanay mo huwag ka maniwala sa mga Sangunian lumaban ka ipagtanggol mo un pamilya mo nanay mo nagpalaki saiyo di Sangunian..

    TumugonBurahin
  10. May ibang miembro ng INC imbes na magising sa katotohanan ipinagtanggol pa nila,mas nagagalit pa sila sa mag-inang angel at lottie at saka sa mga ministrong nagsasalita sa di magandang naranasan mula sa kamay ng mga namumuno sa kanila. Hay naku! Gising mga miembro!

    TumugonBurahin
  11. salamat uli sa karagdagang kaalaman.

    TumugonBurahin
  12. Asan yong pagmamahalan sa Iglesia Ni Cristo? Oyy gumising napo kayo. Wag kau magbulag bulagan.. Sana mabasa niyo ito.

    TumugonBurahin