Ang Mga Kasinungalingan Ay Maaaring Masyadong Makasakit Subali’t Tayo Ay Magsidalangin
Ang katiyagaan at ang paghihintay sa magagawa ng Dios, ay makapagbibigay sulit. Ang sampung taon o mahigit pa na pagdurusa ay hindi gaanong matagal. Ating ilagay ang ating tiwala sa Dios at huwag kunin ang mga bagay sa ating mga kamay pagka tayo ay tinatrato ng hindi wasto. Kailangan lang nating gawin ang ating trabaho at manalangin.
Para sa mga nakakakilala sa akin, ang aking pangalan ay nakakalat sa internet - ang bahagi nito’y kagagawan niyaong mga natutuwa sa mga kasinungalingan at sa samo’t saring mga kabulaanan. Kung may isang tao na mananalo dahil sa pagkakaroon ng maraming materyales na pampamuhi, ay nararapat na ako na iyon. Walang kasamaan na hindi pa ibinintang sa akin. Sa kabuoan, ako ay panalo sa pagiging pinakamasamang tao ayon sa mga lathala na ito. Maging yaong mga nasa Interpol ay napilitan na alamin kung sino ako. Nguni’t sa kabutihang palad ay nagbago ang kanilang isip - nang ang katotohanan ay gumawa ng kanyang daan.
Oo, tayo ay manalangin.
Ang mga panalangin ay nanggaling sa langit gaya ng pagkaturo ng Panginoong Jesucristo rito.
MATEO 5:44-45
44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
Ako ay nasanay na manalangin para sa aking mga mahal sa araw-araw ng aking buhay gaya ni Apostol Pablo kay Timoteo, ang kanyang minamahal na anak sa pananampalataya.
II TIMOTEO 1:2-3
2 Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.
3 Nagpapasalamat ako sa Dios, na mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing malinis, na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw;
Nguni’t ang mga kasalukuyang pangyayari sa mundo ng relihiyon ay nagpapaalaala sa akin upang manalangin para sa mga tao na sa pisikal at espiritual ay nakapagdulot sa akin ng malabis sa sakit ng kalooban at mga hindi kaalwanan sa mga nakaraan - at kahit ngayon.
Ang mga mesa ay nabaligtad; sila ngayon ay nasa gusot, at aking nauunawaan ang mabigat na kinakaharap ng mga taong ito. Aking natagpuan ang aking sarili na sumasambit ng isang simpleng panalangin na sana ay magkamit sila ng awa ng Dios.
Kaya ganooon kalupit ang mga ito. Sila ay gumawa ng malabis na pinsala sa akin at sa samahan na aking pinangungunahan kung kaya ang mga bagay ay pamilyar sa akin. Gaya ng sinasabi ng iba, may mga pattern o padron na lumilitaw.
Nalalaman ng mundo kung gaano nila ako gustong maipahiya. Sino ang makapagpapalagay sa akin sa Interpol bilang WANTED dahil sa mga “sex crimes?” Walang iba kundi ang hayop sa mga hayop! Ang Internet ay puno nito; nguni’t ang Panginoong Makapangyarihan sa Lahat na aking pinaglilingkuran ay hindi natatalian. Ang kasamaan na ito ay inaasahan mula sa mga kaaway ng katotohanan.
Hindi ko kailanman naisip na kanilang gagawin ang gayon ding mga bagay sa kanilang mga sariling kasamahan. Aking nararamdaman ang pagkabigo at kapaitan sa puso ng babaeng ito habang aking pinanonood ang video ni Jinky Menorca. Siya ay nag-uugnay ng hindi makataong pagtrato na ginawa sa kanya at sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang asawa, dating ministro ng INC, Lowell Menorca.
http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/11/05/15/ex-inc-ministers-lawyer-slapped-with-disbarment-rap
Sino ang mag-aakala na ang mga bagay na ito ay mangyayari? Ang isang pangkaraniwang ina ng tahanan gaya ng ina ni Abegail, ang katulong sa bahay ng mga Menorca ay may lakas ng loob upang magsampa ng disbarment case sa abogadong ito, Atty. Trixie Cruz-Angeles! Ano naman ang nalalaman nitong pobreng babae na ito tungkol sa disbarment? Subali’t una, ang babae ay sumubok na agawin si Abegail sa korte - isang babae na ayon sa kanya ay hindi man niya nakikilala! Ang abogado mula sa kabilang panig ay nagsasabi na iyon ay ang ina! Drama! Ang gayong drama ay nababasa natin sa mga pahayagan sa mga araw na ito, subali’t ang mga ito’y nagpapatuloy.
Nakakakita ako ng padron na ang mga ito ay maaaring gawin lamang ng mga kamay na gumagawa sa kadiliman. Ito ay nangyari sa aking kaso. Muli, ang Internet ay puno nitong mga paratang na ito laban sa akin.
Mayroon nitong isa na may hilig sa pag-imbento ng mga kaso upang manggipit ng mga tao. Hindi ba ito ay nangyari sa akin? Maliwanag na si Menorca ay nagdurusa ngayon ng gaya ng aking ipinagdusa - at akin pa ring ipinagdurusa. Ako’y taos na naniniwala na ang mga kasong yaon ay kinatha ng mga ministro ng INC. Ang aking mga panalangin ay para sa mga Menorca at para sa mga umuusig sa akin at sa MCGI.
ROMA 10:2,1
2 Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala.
1 Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila, upang sila'y mangaligtas.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang mga sumusunod ay ilang mga kaso na napatunayang kinatha, pinlano o ginawa-gawa. Tunghayan natin ang Less Traveled Road (kotawinters.wordpress.com) na nagsalaysay ng ilan sa mga kasong ito na isinara.
(01) Libel case (Criminal Case 5957) - DISMISSED.
Ang mga nagreklamo sa pangunguna ni Bernardo Santiago ay nabigong patunayan “ng walang anumang pag-aalinlangan” na mayroong malisya sa mga pahayag na di umano’y sinabi ni Soriano sa kanyang pahayag sa himpapawid sa telebisyon noong ikaw-7 ng Setyembre 2001.
Ang kasong ito ay isinara pitong taon makalipas na ito ay naisampa. Sa walong pahinang desisyon na isinulat ni Josephine Zarate Fernandez, ang Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 76 ng San Mateo Rizal, ang TV Broadcaster na si Eliseo Soriano ay pinawalang sala sa kasong libelo. Sa utos na nilagdaan noong ika-24 ng Enero 2014, sinabi na ang malisya ay hindi napatunayan ng walang anumang bahid duda na makatuwiran.
Inyo ring mababasa: http://newsinfo.inquirer.net/600843/court-dismisses-libel-case-vs-televangelist#ixzz3qlhUhLvc
(02) Attempted Murder (Criminal Cases Nos. 2002-4236-MK) - DISMISSED.
Nagsampa ng kasong attempted murder si Bernardo Santiago ng Iglesia Ni Cristo laban kay Bro. Eli Soriano at sa kanyang mga kasamahan. Nakatala bilang Criminal Cases Nos. 2002-4236-MK at tumutukoy sa ika-4 ng Setyembre 2001, sa gayon ding petsa nang siya at si Dr. Pascua ay dumadalaw sa mag-asawang Jimenez, ang pribadong naghain ng reklamo na si Bernardo Santiago ay nag-akusa kay Soriano na kumilos sa pakikipagsabuwatan sa mga iba pa upang siya’y patayin.
Batay sa utos na nagbabasura sa kaso, ang tagausig ay nagprisinta ng mga saksi na sina Glen Fernandez at Rommel Elbambuena na parehong nakarinig sa isa sa mga akusado na nagsabi, “Patayin yan! Patayin yan! Utos ni Ingkong!” Ang “Ingkong” ay isang katawagan kay Bro. Eli Soriano.
Si Judge Geraldine Fiel-Macaraig ng Regional Trial Court, Branch 192 ng Marikina City, gayunman, ay nagbasura sa kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya noong ika-11 ng Pebrero 2010. Ang pakikipagsabuwatan ay hindi napatunayan. (Bro. Eli Soriano wins Case Vs. Iglesia ni Cristo: “Killing Fields” and “Katayan” Comment not Libelous, kotawinters.wordpress.com, 3/8/2014)
Judge dismisses case of attempted murder, Feb 11, 2010. No evidence of alleged conspiracy. |
(03) 1st Motion to Declare Eliseo Soriano as Fugitive from Justice – DENIED.
Ang mga nagreklamo sa Criminal Case 5957 ( Para sa kasong Libelo ) sa Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 76 ng San Mateo Rizal, Philippines ay naghain ng motion to declare accused Eliseo Soriano bilang fugitive from justice o tumakas sa hustisya at upang mag-isyu ng hold departure laban sa kanya.
Gayunman, sa desisyon na nilagdaan ni Judge Josephine Zarate Fernandez noong ika-31 ng Agosto 2007, ang mosyon ay tinanggihan. Binigyang diin ng abogado ni Soriano na ang kanyang kliyente ay nasa ilalim ng matinding pag-uusig ng INC, na nagpapaliwanag sa kanyang pagkabigo upang makabalik sa bansa.
https://kotawinters.wordpress.com/tag/josephine-zarate-fernandez/
(04) 2nd Motion to Declare Eliseo Soriano as Fugitive from Justice – DENIED.
Sa kabila ng pagtanggi ng korte, noong 2007, makalipas ang dalawang taon, ang mga nagreklamo sa Criminal Case 06-248365 (Para sa Libelo) sa Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 8, Manila ay humiling din sa isang mosyon na ideklara ang akusado na si Eliseo Fernando Soriano na isang fugitive from justice o tumakas sa hustisya. Ang korte sa pagkakataong ito ay nagtiyagang magpaliwanag na ang kahulugan ng “fugitive from justice” ay para sa isang tao na nahatulan na o “convicted by final judgment.” Hanggang sa mapatunayan na may kasalanan, ang isang akusado ay itinuturing na inosente.
Sa desisyon na sinulat ni Presiding Judge Felixberto T. Olalia, Jr. noong ika-15 ng Disyembre 2009, sa kakulangan ng mga ebidensya upang suportahan ang mga akusasyon, sinabi ng korte na ang akusado ay hindi maaaring ideklara na isang “fugitive from justice,” dahil doon ay ang mosyon ay ibinasura. Kabilang sa iba, ang desisyon ay nagsabi na inamin ng prosekusyon na ang akusado ay umalis ng bansa bago ang pagsasampa ng kaso ( ika-5 ng Setyembre 2006 ), kung gayon ang layunin na takasan ang prosekusyon ay wala. (Eli Soriano Not Fugitive from Justice: Two Courts Deny Motions.
Judge denies motion to declare Bro. Eli, the accused, a “fugitive from justice,” in the absence of evidences to support accusations. Take note that this is the second attempt. |
(05) Criminal Case No. QO4-126059 for Libel – ACQUITTED.
Minarkahan ng pagpapawalang sala ng korte ang isa pang tagumpay para sa MCGI sa maraming mga kaso ng libelo na isinampa ng Iglesia ni Cristo laban sa mga ministro ng huli. Isang paksa sa “buhay na walang hanggan” ay naghatid sa dalawang panelista ng palatuntunang ANG DATING DAAN na tumatalakay ng mga balitang bumabanggit sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ( INC ) na mga mamamatay tao. Ang buhay na walang hanggan ay hindi para sa gayong mga tao, kanilang ipinahayag.
Sina Joselito Mallari at Wilfredo Santiago ay nagkomento sa tatlong balita na inilathala sa tatlong lokal na mga pahayagan sa kanilang programa sa telebisyon. Bilang resulta, ang Iglesia ni Cristo (INC) na kinakatawan ni Bienvenido C. Santiago ay nagsampa ng mga kaso laban sa kanila noong ika-31 ng Marso para sa krimen ng libelo.
Ang reklamo ay nag-akusa sa mga panelista ng “naglayon na magpakita ng malisyoso at opensibong pakahulugan at pagbibintang na mga nakakasira at naglalayon na wasakin ang pangalan at reputasyon ng Iglesia ni Cristo na walang mabuting makatarungang motibo kundi ang tanging layunin ay siraang puri, sirain ang pangalan, karangalan, katangian at reputasyon ng nasabing naaping partido at upang ibulgar sila gaya ng katunayang sila ay nahayag sa pagkamuhi ng publiko at pangungutya sa kanilang pagkasira at pinsala.
Ang hukuman, gayunpaman, ay nagpawalang sala sa mga panelistang ito sa telebisyon ng Ang Dating Daan kamakailan lamang.
Sa 13-pahinang desisyon na sinulat ni Presiding Judge Manuel B. Sta. Cruz, Jr. ng Regional Trial Court, NCJR, Branch 226 para sa Criminal Case No. QO4-126059, si Joselito “Josel” Mallari at Wilfredo “Willy” Santiago ay pinawalang sala sa krimen ng libelo dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang lahat ng elemento ng krimen na isinampa, kung kaya’t nabigo ito na maipakita ang kasalanan ng akusado lampas sa makatwirang pagdududa.
Ang ilang mga pahayagan at mga tabloid ay nag-ulat ng mga kasong ito gaya ng People’s Tonight.
Here were other cases dismissed (From our records at Legal Department) -
(06) People of the Philippines (Elma Morales) vs. EFS / Libel / RTC Marikina br. 193 / Crim Case No. 2002-4178 – DISMISSED on Oct. 29, 2004;
(07) People of the Philippines (Elma Morales) vs. EFS / Libel / RTC Marikina br. 193 / Crim Case No. 2002-4179– DISMISSED on Oct. 29, 2004;
(08) People of the Philippines (Elma Morales) vs. EFS / Libel / RTC Marikina br. 193 / Crim Case No. 2002-4180– DISMISSED on Oct. 29, 2004;
(09) People of the Philippines (Ber Santiago) vs. EFS / Attempted Murder / RTC Marikina br. 192 / Crim Case No. 2002-4463- DISMISSED on Feb. 11, 2010;
(10) Mayor Tirso G. Lacanilao V. EFS / Violation of Building Permit / Office of the Provincial Prosecutor, San Fernando Pampanga / I.S. # 07-B-506- DISMISSED on Feb. 15, 2011;
(11) Apalit Municipal Police Station et.al. vs. EFS et. al. / Obstruction of Justice / Office of the Provincial Prosecutor, San Fernando Pampanga/I.S. No. #: 05-L-3288-3289 - DISMISSED on Aug. 24, 2010.
Ang mga bagay na ito ay talagang nangyayari at yaong mga nakauunawa na mayroong mga anak ng pagsuway ay maaari ding makaunawa na mayroong mga puwersa ng kasamaan na gumagawa.
Nguni’t ang Dios ay tapat; Kanyang nalalaman kung kailan nararapat isauli ang balanse. Nababatid Niya ang mga pagdurusa ng mga inosente. Para sa mga matiyagain, lagi tayong makapagtitiwala sa Dios na ang katotohanan ay mananaig palagi laban sa mga kasinungalingan.
Ako’y nanawagan sa bawa’t netizen na may pagkatakot sa Dios na samahan ako sa mga pananalangin para sa mga kahabag-habag na biktima ng kalupitan ng tao. Ipagkaloob nawa ng Dios ang Kanyang awa sa henerasyong ito.
Sincerely in Christ,
Brother Eli
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
Salamat sa Panginoon ng marami!
TumugonBurahinWhat a good and informative blog of mr controversy..about the misled of inc to bloc voting according to bible.
TumugonBurahinThanks be to God for this blog mr controversy x..
To God Be The Glory.
Salamat sa Dios sa mga paliwanag
TumugonBurahinTo God be the glory
TumugonBurahinNakita ko ang puso ng kapatid na Eli sa blog na ito - kahit na pagpatung-patungin pa ang lahat ng mga paninira at pang-uusig, isinasama niya pa rin ang mga ito sa kanyang pagdaing sa Panginoon na sila ay magising at magbagong-buhay. Taos-pusong nagpapasalamat ako sa Dios sa kabutihang nakakilala ng mangangaral ang aming pamilya tulad niyo po ni Kapatid na Daniel. Mahal po namin kayo. Sana po makita po kitang muli, Ingkong at mayapos balang araw, kung loloobin po ng Ama. Salamat sa Ama dahil sa tulad niyo! <3
TumugonBurahinNapakagandang Blog para malinawan ang mga tao kung anu ang Totoo at mga imbento ng Detractor ni Bro.Eli ......Like and Share to your Friends and LoveOnes this is very Enlighten Blog
TumugonBurahinsalamat sa Dios sa kanyang paglilitas. mabuhay ka bro. eli.
TumugonBurahinSalamat po sa DIOS
TumugonBurahin"Ako ay nasanay na manalangin para sa aking mga mahal sa araw-araw ng aking buhay gaya ni Apostol Pablo kay Timoteo, ang kanyang minamahal na anak sa pananampalataya. " -Yan ang natutunan namin kay Bro. Eli! Hindi 'yung katulad sa iba na pagtapos manghamak ng kapwa, manlait at manira eh saka mananalangin.
TumugonBurahinsalamat sa Dios!
TumugonBurahinThanks be to God!
TumugonBurahinI'm so thankful to God na sa mura kung edad nakilala ang tunay na relihiyon, isa na dalangin ko sa Dios nang minsan akong mag simba (RC December 2011)na sana makilala ko ang tunay na relihiyon, sa awa at tulong naman ng Dios ipinagkaloob niya sa akin ang munti kung kahilingan August 2012 nabautismohan ako sa MEMBERS CHURCH OF GOD INTERNATIONAL. Maraming maraming salamat sa Dios sa Kaniyang kaloob na di masayod!Sana po dumating yung araw na makita ko po kayo at ang kapatid na Daniel ng mukhaan kung ipahihintulot ng Dios.
Kasama po palagi kayo sa aming mga pagdaing sa Dios na lagi Niya kayong ingatan at pagpalain po.
TumugonBurahinsalamat po sa Dios sa panibagong sulat ni mr. Controversy..
TumugonBurahinTo: Mr. Cotroversy X,
TumugonBurahinSalamat sa Dios sa isang katulad mo.
Naliwanagan at namulat sa katotohanan,
Fernando Yim
Salamat po sa Dios, tunay po ang Dios na sa bawat panalangin at daing ng matuwid niyang mga lingkod ay ipinagkakaloob niya. Salamat po sa Dios at nakilala namin ang kabutihan ng puso ninyo Bro.Eli at Bro. Daniel, Dalangin ko po na ingatan po sana kayo ng Panginoong Dios palagi,bigyan ng lakas ng katawan at ng maraming kaarawan.Salamat po sa Dios.
TumugonBurahinSalamat sa Dios sa mga aral at katotohanan na ginamit si Bro.Eli para ihayag ang mga ito.TO GOD BE THE GLORY....
TumugonBurahinsalamat sa Dios, mahal kami ng Dios dahil lagi po kayong iniingatan...to God be the Glory
TumugonBurahinSALAMAT SA DIOS
TumugonBurahinSalamat sa Dios, sana sama sama tayong manalangin sa Dios na isama natin sa ating panalangin ang ating mga kaaway.
TumugonBurahinMaraming salamat sa Dios. Tunay na mabisa ang panalangin ng matuwid sa lahat ng mga problemang dumarating sa ating buhay. To GOD be the Glory.
TumugonBurahinTO GOD BE THE GLORY..
TumugonBurahin