Ang Literatura ng Biblia ay Pinakamataas sa Antas ng Husay!
Bilang isang aklat, ang Biblia ay mapagkakatiwalaan bilang nasa pinakamataas na kalagayan na gawang literatura. Ang mga salita sa Biblia ay direktang nagmula sa Manlilikha, ang pinagmulan ng impormasyon na nagpapahayag ng Kanyang mga kaisipan at karunungan sa Kanyang mga nilalang gaya ng mga tao. Ang mga salitang ginamit mismo ng Dios ay nararapat na kilalanin at paniwalaan taglay ang ating pinakamataas na paggalang dito. Ang mga ito ay dalisay!
AWIT 12:6
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.
Ang mga ito ay totoo!
JUAN 17:17
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
Ang mga ito ay nararapat na salitain ng mangangaral na kagaya ng pagkasalita ng Dios.
JEREMIAS 26:2
Ganito ang sabi ng Panginoon, Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
Maging ang Panginoong Hesus, bagaman siya ay ang Anak, matapat Niyang sinalita ang salita ng Dios!
JUAN 12:49
Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
Ang pagkatha ng mga salita o paggamit ng mga ginawa ng mga tao na mga salitang kasingkahulugan ay isang tahasang kawalang paggalang sa Dios na Siyang orihinal na pumili ng mga salitang Kanyang sinasalita.
Ang mga tao ay tila hindi magalang na pumipili ng mga salita at mga pariralang iba sa salitang ginamit ng Dios sa isang partikular na okasyon. Ang isang magandang halimbawa ay ang salitang ginamit sa Mateo 16:18 nang sinabi ng Panginoon “... sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang “aking iglesia” o "ἐκκλησία" o "ekklēsia" (ek-klay-see'-ah) sa Griyego o " קהל" o "qâhâl" (kawhal) sa Hebreo.
Ang komunidad ng mga tao ng Dios ay tinawag na “Iglesia ng Dios” sa Biblia.
GAWA 20:28
Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
Nguni’t pinili ng mga tao na matawag na “ Mga Saksi ni Jehova “, ipinalit ang mga salitang “mga saksi” sa salitang “iglesia” na ginamit upang deskribihin ang kongregasyon ng Dios!Ang mga iba, bagaman gumagamit ng salitang “iglesia,” ay mapanghimagsik na nagpalit ng pangalang “Iglesia ng Dios” sa “Wesleyan Church” o “Presbyterian Church” o “Lutheran Chruch”, etc.
Ang tapat na lingkod ng Dios ay nararapat gumalang sa paggamit ng salita ng Dios kung alin ang ginamit ng Dios sa partikular na okasyon upang ipakita ang buong pagpapasakop sa Kanyang karunungan!
MATEO 4:4
Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
Ang mga dahilan kung bakit ang salitang “papa” ay hindi matatagpuan sa Biblia ay:
(1) Walang katungkulan sa iglesia na ginawa ng Dios na gaya ng tungkulin ng papa, at
(2) Ang apostol Pedro, na inaangkin ng mga Katoliko na umano’y ang unang papa, kailanman ay hindi naging papa!
I CORINTO 12:28
At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.
Kung ang tungkulin ng mga apostol ay ang una sa iglesia, at si Pedro ay isa sa mga unang apostol na tinawag ni Kristo, kung gayon ay malinaw na ang katungkulan ng Papa, na kinatha ng mga Katoliko, ay hindi umiiral sa Biblia! Ang katungkulan ng papa ay ang pinakamahalagang tungkulin sa buong Iglesia Katolika. Siya ang ulo ng buong organisasyon.
Papaanong magiging tunay na iglesia ang Iglesia Katolika samantalang ang pinakamataas na katungkulan ay hindi matatagpuan sa Biblia! Bukod dito, kung ang Iglesia Katolika ay itinayo ng Panginoong Hesukristo, “ang mga pintuan ng impyerno ay hindi nararapat na makapanaig dito!” Ito ba ay totoo sa katungkulan ng Papa? Hayaan nating tumugon ang mga awtoridad Katolika.
Ang pariralang “most notorious” o “pinakabantog sa kasamaan” ay nangangahulugan na nagkaroon ng maraming bantog sa kasamaan na mga papa sa kasaysayan ng Katolika Romana! Mapapatunayan ba ngayon ng sinoman na mayroon nga talagang hindi naputol at hindi nasira sa paghahalili ng kapangyarihan mula sa Apostol Pedro hanggang sa kasalukuyang papa? Nang ang mga pinuno ng mga Israelita ay naging sakop ng “mga pintuan ng impyerno” ( Ang pintuan ay daanan upang mapasok ang partikular na lugar, at ang kasamaan ay ang pintuan ng impyerno), iniwan sila ng Dios, kung kaya’t walang Dios sa kanila.
II CRONICA 15:3
Ngayon nga ang Israel ay malaon nang walang Dios na tunay at walang tagapagturong saserdote, at walang kautusan:
Bakit? Sapagka’t kanilang kinalakal ang relihiyon!
MIKAS 3:11
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.
Hindi ba totoo na ang mga paring katoliko ay gumaganap dahil sa salapi? Mga binyag, kumpil, seremonya ng kasal, mga misa at maraming iba pang mga ritwal ay binabayaran ng mga miyembro ng Iglesia Katolika. Sa nangyayaring ito sa Katolika Romana, totoo ba na “walang kasamaan na sumapit sa kanila?” Maging ang katungkulan ng papa, ang pinakamataas sa pamunuan ng Iglesia Katolika, ay tinamaan ng lahat ng uri ng mga kasamaan sa mahabang kasaysayan ng Iglesia Katolika. Sa kasalukuyan ay may mga reklamo ng napakaraming uri ng mga abuso na may sapat na popularidad upang magkamit ng merito ng isang entrada sa Guiness Book of World Records.
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.AWIT 12:6
TumugonBurahinAmen!
TumugonBurahinSalamat po sa Dios sa napakataas na pagkatawag sa amin at nalaman namin ang katotohanan ng tunay na relihiyong na nakasulat sa bibliya, iyon ay ang Iglesia ng Dios. Salamat po sa Dios.
TumugonBurahinSalamat sa Dios at naging kasapi ako sa Iglisia ng Dios .salamat po Panginoon sa pagsugo mo ng mga tapat at magkakatiwalaang mangangaral.
TumugonBurahinTo God Be The Glory.
Thanks Be To God for the Highest Calling for us
TumugonBurahinAWIT 12:6
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.
Salamat po sa Dios sa pagsama Niya sa mga kapatid sa iglesia! Sa lahat ng pagmamahal at pag iingat! At isang milyong salamat sa Dios sa isang mangangaral na palaging handang ituwid ang mga maling paniniwala dahil sa pag ibig!
TumugonBurahinSa Dios ang lahat ng kapurihan!
Thanks be to God
TumugonBurahinsalamat sa Dios
TumugonBurahinMaliliwanagan ang isang bumabasa ng article na ito dahil informative ang taglay taglay na mensahe, harinawa Ang lahat ng taong naghahanap ng totoo sa buhay ay makatunghay ng liwanag na hatid ni mr.controversyXtraordinary. Sa Dios pa rin ang kapurihan
TumugonBurahingandang paksa ito...!
TumugonBurahin