Mula sa Silangan hanggang sa Kanluran: Part 2
Continuation...
Napakaraming mga mangangaral sa silangan na nag-aangkin na sila ay sisidlan o kasangkapan ng Dios sa pangangaral ng katotohanan. Ang isa sa kanila na isang bantog sa malayong silangan ay Koreano na nagngangalang Sun Myung Moon. Ang isa pa ay isang Pilipino na nagngangalang Felix Manalo na nagtuturo na siya ay ang anghel na umaakyat sa sikatan ng araw sa aklat ng Apocalipis kapitulo 7. Ang isa pa ay isa pa ring Pilipino na nagngangalang Salvador Payawal, na nagturo na ang pagdating na muli ng Panginoong Hesukristo sa lupa ay sa ika-1 ng Enero 2001 sa ganap na 12:01 ng umaga. At siyempre, sa Pilipinas, ay mayroon ding kapatid na Soriano. Sino sa mga ito na nagsasabing sila ay ang kasangkapan ng Dios sa pagtatatag ng bayan ng Dios sa Malayong Silangan ang tunay na sugo ng Dios? Muli ay ating itutok ang ating mga mata sa hula sa silangan. Walang pagdududang Biblikal na, ayon sa hula, magkakaroon ng bayan ng Dios sa silangang bansa; na ang silangan na binanggit ay hindi ang Malapit na Silangan. Lohikal na ito ay tumutukoy sa ibang silangan. At atin nang naunang nakita, na maaaring ito ay nasa Malayong Silangan. Subali’t tingnan natin kung sino ang magiging kasangkapan ng Dios na Kanyang gagamitin sa pangangaral ng kaluwalhatian ng Kanyang pangalan sa mga Gentil o sa bayan ng Dios sa silangan o sa Malayong Silangan. Sa aklat ng Isaias 24:15 ay sinasabi -
"Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat."
Ibig kong ipapansin sa inyo kung ano ang sinasabi ng talata. Ang hula ay nangungusap ng bayan na nagbibigay luwalhati sa pangalan ng Panginoong Dios ng Israel sa mga pulo ng dagat sa silangan. Napansin ba ninyo ang salitang ginamit “mga pulo ng dagat sa silanganan”? Sa bersyon ng King James, ito ay nakasalin na “isles of the sea” samantalang sa Revised Standard Version, ito ay tumukoy sa “mga baybayin ng dagat”. Kaya, ang bansa na binabanggit ay binubuo ng maraming mga pulo at sila ay mga pulo ng dagat. Ang katangian ng bansang Las Islas Filipinas o nang malaunan ay Ang Pilipinas ay lapat na lapat. Magkakaroon ng bayan ( saan magmumula? sa mga pulong yaon?) na nagbibigay luwalhati sa pangalan ng Dios ng Israel. Ito ay isang kolateral na hula na kaugnay na kaugnay ng Malakias 1:11 na ating ginamit nang nauna.
Ngayon, papaano magbibigay luwalhati ang mga taong ito? Ano ang aakay sa kanila upang magbigay luwalhati sa pangalan ng Panginoong Dios ng Israel sa silangan? Mayroon pang isa pa ring hula sa aklat ng Jeremias. Nguni’t bago natin basahin ang gayong hula, ating tuklasin kung anong uri ng propeta si Jeremias. Sa aklat ng Jeremias 1:5 sinabi ng Panginoon -
"Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa."
Siya ay inihalal na propeta sa mga bansa. Ibig sabihin, ang hula ni Jeremias ay hindi lamang bumabanggit sa bansa ng Israel kundi rin naman ng ibang mga bansa. At napakaposible na ang Pilipinas ay isang bahagi ng hula ng aklat ni Jeremias. Sa Jeremias 30:19-22,24 -
"19 At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.
20 Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.
21 At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
22 At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
24 Ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; sa mga huling araw ay iyong mauunawa."
Ang hula ay nagsasabi na magkakaroon ng bayan ng Dios sa mga huling araw. Nararapat ninyong tandaan ang katotohanan sa hula - na sila ay bayan ng Dios sa panahon ng kawakasan o sa mga huling araw. Mula sa mga taong ito magmumula ang mga pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoong Dios ng Israel. Nguni’t kailangan din ninyong mapansin na sa mga talatang binanggit, sila ay kaunti. Magkagayon pa man, ang kapangyarihan ng Dios ay hindi makikita silang kakaunti sa lahat ng panahon sapagka’t Kanyang sinabi na “Aking pararamihin sila …,” nangangahulugan, sila ay magsisimula na kaunti; “Aking luluwalhatiin sila at sila ay hindi magiging maliit…,” ibig sabihin, sa kanilang pasimula sila ay magiging kaunti at sila ay magiging maliit. Mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat at ang tinig ng nangagsasaya para sa kaluwalhatian ng pangalan ng Panginoong Dios ng Israel. Papaano ito magsisimula? Sa hula rin, sinasabi na mula sa kanila magmumula ang kanilang gobernador o ang kanilang lider at ang kanilang prinsipe ay magmumula sa kanila. Isang lider o isang gobernador, na mula sa kanila, ay darating. Kaya magkakaroon ng kasangkapan kagaya ni Apostol Pablo na mangunguna sa kanila upang maging bayan ng Dios. Ang kanilang lider ay magmumula sa kanila. Kagilagilalas na katotohanan, si Kapatid na Eli Soriano ay hindi nagmula sa alin mang ibang grupong relihoyoso. Siya ay ipinanganak nang ang kanyang mga magulang ay mga kasapi na ng Iglesia ng Dios at sila ay kaunti. Sa pagkamatay ni Kapatid na Nicolas Perez, si Kapatid na Soriano ay nangasiwa sa Iglesia ng Dios sa mga panahong yaon nang sila ay napakakaunti.
Marahil ang mga kritiko ay magsasabi, “kaya, kung gayon, hindi si Soriano ang nagsimula ng pangangaral, kundi si Nicolas Perez.” Yaon ay totoo, at hindi namin tututulan iyan, subali’t ang hula ay maliwanag - hindi si Perez ang kikilalanin ng Dios bilang lider. Siya lamang ay kagaya ni Juan Bautista na nakapangaral ng pasimula ng Kristiyanismo. Hindi siya naging lider nguni’t siya ay ang tagapagpakilala. Si Nicolas Perez ay ginamit bilang kasangkapan ng Dios upang simulan ang pangangaral nguni’t hindi siya ang dapat sanang lider na mangunguna sa bayan sapagka’t nanggaling siya sa ibang relihiyosong samahan. Kahalintulad na kahalintulad ni Manalo, na nag-aangkin din sa hulang ito. Sa kasong ito, hindi maaaring siya ang maging katuparan, sapagka’t ipinanganak siyang Katoliko at naging kasapi ng napakaraming grupo ng relihiyon bago niya itinayo ang Iglesia ni Cristo ( ni Manalo ) sa Pilipinas. Kagayang kagaya rin siya ng Koreano na ipinanganak sa mga relihiyon sa silangan. Si Kapatid na Soriano, sa kabilang banda, ay ipinanganak sa Iglesia ng Dios. Ang kanyang mga magulang ay mga miyembro na bago pa siya ipinanganak. Ito ay nakatutugon sa katuparan ng hula sa Jeremias na nagsasabi “at ang kanilang gobernador ay magmumula sa gitna nila; at aking palalapitin siya ay siya’y lalapit sa akin: sapagka’t sino ang nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon” At pagka yaon ay nangyari, “At kayo ay magiging aking bayan, at ako ay magiging inyong Dios”. At ito ang magaganap sa mga huling araw o sa panahon ng katapusan.
Bukod sa hula ni Jeremias, ay mayroon pa bang isa pang hula na maaaring gamitin sa Biblia upang mabanggit ang katauhan ni Kapatid na Eli Soriano? Sa aklat ng Apocalipsis 1:3 ay sinasabi ito -
"Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na."
Sa panahon ng kawakasan, kung kailan ang pagdating ng Panginoong Hesukristo ay nalalapit na, ay mayroong isa pang hula sa aklat ng mga hula ng Apocalipsis na magkakaroon ng isang tao na babasa ng Biblia. Mayroon niyaong mga makikinig ng salita ng hula sa Biblia kapag kanyang binabasa, ang mga tao ay makikinig at kanilang tutuparin ang mga bagay na nangasulat sa hula. Naniniwala ako ng aking buong puso na ito ay natupad sa samahang ito na nagmula sa silanganan na ngayon ay kilala sa tawag na Iglesia ng Dios Internasyonal. Ang katauhan ni Kapatid na Soriano ang ginamit ng Dios upang ang katotohanang ito ay mapakinggan mula sa mga pulo ng dagat sa silanganan o silangan. Sa katunayan, si Kapatid na Soriano ay kilala mula sa dulong itaas hanggang ibaba ng Kapuluang Pilipinas dahil sa kanyang pangangaral na kanyang ginagawa sa loob ng apat na dekada ng kanyang buhay.
Ngayon, si Kapatid na Soriano ay nasa kanluran. Hanggang ngayon, kung siya ay pahihintulutan ng Dios, siya ay nahahanda upang magamit bilang kasangkapan para sa mga taga kanluran sapagka’t ang hula ay nagsasabi, kung ating babalikan ang Malakias 1:11 -
"Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo."
Ito ay nagsasabi na “mula sa sinisikatan ng araw at hanggang sa nilulubugan niyaon”, nangangahulugan na sa kanluran, ang kapalaran at pananampalataya ang nagdala kay Kapatid na Soriano mula sa silangan hanggang sa kanluran. Para sa inyong kaalaman siya ngayon ay nangangaral sa kanluran upang magawa na ang hula ay makita sa mga bansa na ang Panginoong Dios ay nagsabi na mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan nito, o mula sa silangan hanggang sa kanluran, “Aking ililigtas ang aking bayan sa bansang silangan at sa bansang kanluran.” Ako’y naniniwala na makapangyarihan na mga salita ng Dios. Ako’y naniniwala sa mga kapangyarihan ng salita ng Dios. Ang lahat ng mga ito ay magkakatoto. At ako ay nahahanda upang maging maliit na kasangkapan ng hulang ito!
So help me, God. AMEN!
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
Kaalinsabay ng hulang ito ay ang setting ng hula ng buong Isaiah 24. Panahon ng kagibaan at kababagsakan na nasasaksihan sa mga lindol na nagaganap habang niluluwalhati sa mga pulo ng dagat ang Dios ng Israel.
TumugonBurahinSalamat sa Dios nahahayag ang mga salita ng Dios dahil sa mga blogs ni brother Eli Soriano
TumugonBurahinIsang Milyong Salamat sa Dios!
TumugonBurahinSalamat po sa Dios
TumugonBurahinIsang Milyong Salamat sa Dios at sa Blog ni Bro.Eli Soriano...
TumugonBurahinSalamat po sa Dios sa blog na ito ni mister controversy x
TumugonBurahin