Ang Ideya Sa Likod Ng Doktrina Ng Bloc Voting o Isahang Pagboto
Ang doktrina ng bloc voting o isahang pagboto para sa isang politiko ay natatangi sa Iglesia ni Manalo. (Ang Iglesia ni Cristo ay maling katawagan para sa isang grupo na hindi naniniwala sa pagka-Dios ni Kristo.)
Ang mga panatiko na nailigaw nitong maling paniniwala, ay bumoboto bilang isa, sa pagkatakot na matiwalag sa di umano’y kaisa-isang “tunay na iglesia” na sa labas nito ay walang sinumang maliligtas.
Itong tahasang malupit na hatol na ito na ipinapasa sa lahat ng mga tao sa labas ng kanilang iglesia sa pamamagitan ni Manalo at ng kanyang mga kasabwat ay tiyak na hindi Biblikal! Ang mga Manalo at ang kanyang mga “yes men” o “mga tauhan na taga-amen” ay walang kahit na anong karapatan upang humusga sa kaninoman sa labas ng kanilang iglesia. Ipagpalagay na natin, (bagaman di natin ito tinatanggap) na ang kanilang iglesia ay ang tunay na iglesia, labag sa Biblia na humatol sa mga nangasa labas.
I CORINTO 5:13
Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.
Itinuro ni Apostol Pablo sa tunay na iglesia sa Corinto na huwag humatol sa mga nangasa labas kundi yaong mga nangasa iglesia at hindi nabubuhay sa paraan ng buhay Kristiyano.
1 CORINTO 5:11-12
11 Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.
12 Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?
Tanging ang Dios lamang ang may kapangyarihan upang hatulan ang bawat isa, maging yaong mga nangasa labas ng tunay na iglesia! At ang Dios, sa Kanyang biyaya at kahabagan, ay makapagliligtas maging ng mga tao na walang pananampalataya o yaong mga nangasa labas ng tunay na iglesia.
I TIMOTEO 4:10
Sapagka't dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka't may pagasa kami sa Dios na buhay, na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao, lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya.
Ang “lalong lalo na yaong mga nagsisisampalataya” ay nangangahulugan na mayroong pag-asa sa kaligtasan sa mga hindi nakasampalataya dahil sa mga sirkumstansya na wala sa kanilang kontrol.
II PEDRO 2:21
Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.
ROMA 2:13-14
13 Sapagka't hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap;
14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;
Ang mga talatang ito ay naghahatid sa isang mahabaging konklusyon: ang mga tao na hindi nakaalam ng katotohanan ay maaaring maligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Dios kung sila ay nagsigawa ng mga mabubuting bagay na nasa kautusan bagaman hindi sila nagkaroon ng pakinabang na mapakinggan ito.
Ang doktrina ng bloc voting o isahang pagboto ay isang banayad na porma ng pananakot at pamimilit nitong hindi Kristiyanong iglesia na itinatag ni Manalo at hindi ni Kristo! Ito ay labag sa saligang batas ng Republika ng Pilipinas.
BATAS PAMBANSA BLG. 881, OMNIBUS ELECTION CODE OF THE PHILIPPINES, ARTICLE XXII, ELECTION OFFENSES
Seksyon 261. Mga Ipinagbabawal na Gawain. - Ang mga sumusunod ay magkakasala ng isang paglabag sa halalan:
(d) Pamimilit sa mga nasasakupan. -
(1) Sinumang opisyal ng publiko, o sinumang opisyal ng alinmang pampubliko o pribadong korporasyon o samahan, o sinumang puno, nakatataas, o tagapamahala ng alinmang samahang relihiyoso, o alinmang amo o may-ari ng lupa na namimilit o nagtutulak, o sa anumang kaparaanan nang-impluwensya, direkta o hindi direkta, ng alinman sa kanyang mga nasasakupan o mga kasapi o mga parokyano o mga empleyado o mga katulong sa bahay, mga naninirahan, mga tagabantay, mga katulong sa bulkirin, mga tagapagbungkal ng lupain, o mga taga hawak ng upa upang tumulong, ay kumampanya o bumoto para o laban sa kaninumang kandidato o sinumang naghahangad para sa nominasyon o pagpili ng mga kandidato.
(2) Sinumang opisyal ng publiko o sinumang opisyal ng alinmang komersyal, pang-industriya, pansaka, pang-ekonomiya o panlipunang negosyo o pang-publiko o pribadong korporasyon o samahan, o sinumang pinuno, nakatataas, o tagapamahala ng alinmang relihiyosong samahan, o sinumang amo ay may-ari ng lupa na nagtatanggal o nagbabanta ng pagtatanggal, nagpaparusa o nagbabanta ng pagpaparusa sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanyang sweldo, sahod, o kabayaran o sa pamamagitan ng pagbababa ng ranggo, paglilipat, suspensyon, paghihiwalay, pagtitiwalag sa iglesia o samahan ng pananampalataya, pagpapatalsik, o pagdudulot sa kanya ng kayayamutan sa pagganap niya ng kanyang trabaho o sa kanyang pagiging miyembro, sinumang nakakababang miyembro o kasamahan, parokyano, o empleyado, o katulong sa bahay, namamahay, tagatingin, katulong sa bukid, mag-aararo, o tagahawak ng upa, dahil sa hindi pagsunod o hindi pagtupad sa anumang mga gawang inutos ng huli upang tumulong, kumampanya o bumoto para o laban sa isang kandidato, o sinumang aspirante para sa nominasyon o pagpili ng mga kandidato.
(e) Mga pagbabanta, pananakot, terorismo, paggamit ng aparatong mapandaya o iba pang mga uri ng pamimilit. - Sinumang tao na, direkta o hindi direktang, nagbabanta, nananakot o aktwal na nagbibigay sanhi, nagdudulot o nagbibigay ng anumang karahasan, pinsala, parusa, pagkasira, pagkawala o desbentaha sa kanino mang tao o mga tao o mga malapit na miyembro ng kanyang pamilya, ang kanyang karangalan o pag-aari, o gumagamit ng anumang mapandayang aparato o pamamaraan upang mapilit o mahikayat ang pagpapatala o mapigil ang pagpapatala ng sinumang botante, o ang pagkikilahok o ang pagpigil mula sa pagpapatala ng sinumang botante, o ang pakikilahok sa pangangampanya o pagpigil o pagtanggi sa alinmang kampanya, o ang paglalagay ng alinmang boto o pagtanggal sa pagboto, o ang anumang pangako ng gayong talaan, kampanya, boto, o ang pagtanggal mula roon.
(f) Pamimilit sa mga opisyal at mga kawani ng halalan.- Sinumang tao na, tuwiran o di- tuwirang nagbabanta, nananakot, naninindak o namimilit sa kaninumang opisyal o kawani ng halalan sa pagtupad ng kanyang mga gawain o mga tungkulin.
Seksyon 264. Parusa. - Ang sinumang tao na nasumpungang nagkasala ng anumang paglabag sa halalan sa ilalim ng Kodigo ay parurusahan ng pagkabilanggo ng hindi kukulangin sa isang taon at hindi hihigit sa anim na taon at hindi mapapasailalim sa probasyon. Bilang karagdagan, ang nagkasalang partido ay hahatulan upang mgdusa ng pag-aalis ng karapatan upang humawak ng pampublikong katungkulan at pagtatanggal ng karapatan upang makaboto. Kung siya ay isang dayuhan, siya ay hahatulan ng deportasyon na ipapatupad psgkatapos na kanyang matapos ang termino ng kanyang pagkabilanggo. Alinmang partido politikal na mapapatunayang nagkasala ay hahatulan na magbayad ng parusa na hindi bababa sa sampung libong piso, na ipapataw sa gayong partido matapos na ang kriminal na aksyon ay napasimulan kung saan ang kanilang kinauukulang opisyales ay napatunayang nagkasala. Sa kaso ng bilanggo o mga bilanggo na ilegal na pinalaya sa alin mang bilangguan o piitan sa periodo na ipinagbawal gaya ng isinasaad sa Seksyon 261, parapo (n) ng Kodigong ito, ang direktor ng mga bilangguan, warden ng probinsya, katiwala ng piitan o bilangguan, o mga tao na inaatasan ng batas upang ingatan sa kanilang pangangalaga ang naturang bilanggo, kung mahatulan ng karampatang hukuman, ay papatawan ng pagdurusa ng multa ng prison mayor sa kanyang pinakamahabang periodo kung ang bilanggo o mga bilanggo na ilegal na pinalaya ay gumawa ng alinmang akto ng pagbabanta, terorismo ng pakikialam sa halalan.
Sinumang masumpungan na nagkasala ng paglabag ng pagkabigo upang magpatala o pagkabigo upang bumoto, sa oras na mahatulan, ay mumultahan ng isang daang piso. Bilang karagdagan, siya ay tatanggalan ng karapatan upang tumakbo para sa pampublikong opisina sa susunod na halalan kasunod ng hatol sa kanya o maitalaga sa pampublikong opisina sa loob ng isang taon kasunod ng hatol sa kanya.
Ang kanilang artikulo ng pagsasama ay nagpapatunay na ang kanilang iglesia ay itinatag sa pamamagitan ni Manalo at mga kasama, at hindi sa pamamagitan ng Kristo!
Walang doktrina na umuubliga sa sinumang miyembro ng tunay na iglesiang Kristiyano upang bumoto para sa kaninumang politiko. Sa doktrina ng pagkakaisa na itinuro sa pamamagitan ni Kristo at ng mga apostol ay hindi kasama ang pagkakaisa sa pagbibigay ng inyong "oo" o suporta para sa mga tao sa labas ng tunay na iglesia, na ayon kay Manalo ay mga nakatadhana na lahat sa impyerno!
I CORINTO 1:10
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.
Kanilang maling pinakahuluganan na sa sugnay na “sa isang kahatulan” ay kabilang ang pagboto sa politikal na pagsasanay para sa isang tao sa labas ng kanilang iglesia na sa demonyo, at kung sila ay hindi boboto para sa gayong tao na pinili ng kanilang lider, ang miyembro na hindi sumunod ( na dapat sana ay mapupunta sa langit ) ay matitiwalag ( itatapon sa apoy ) dahil lamang sa isang tao na nakatadhana sa impyerno!
Ang pamimilit at pagbabanta ng mga pinuno ng Iglesia ni Manalo ay napakalinaw sa Pasugo na ito! Ang mga miyembro ay “obligado” na bumoto ayon sa nais ng kanilang pinuno!
Ito ay tiyak na mali sapagka’t sa pagkakaisa sa paghatol na binabanggit ng apostol Pablo ay hindi kabilang ang mga makamundo o makasanglibutang gawain.
ROMA 12:2
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
II TIMOTEO 2:3-4
3 Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
Nguni’t ano ang nagbigay inspirasyon kay Manalo at mga kasabwat upang bumalangkas nitong hindi Kristiyanong doktrina ng paggamit sa mga boto ng mga miyembro upang akitin ang mga politiko upang hangarin ang kanyang pag-endorso?
Sincerely in Christ,
Brother Eli
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
Ang Iglesia ni Cristo ay maling katawagan para sa isang grupo na hindi naniniwala sa pagka-Dios ni Kristo.
TumugonBurahin-Iba talaga ang pag sa Panginoong Dios nanggagaling ang sugo, hindi ito matutulan, patunay na sinasamahan ng Dios ang bayang ito.
Salamat sa Dios sa isang Bro. Eli Soriano.
Dati po ako kaanib sa kanila at yun ang utos nila na hnd ko sinunod ang kaisahan nila sa pagboto dahil sumasama ang loob ko pag hnd nasusunod ang dikta ng puso ko kaya siguro naanib ako sa MCGI dahil alam ko Diyos ang nagdala sakin d2.. Salamat po sa Diyos
TumugonBurahinDati po ako kaanib sa kanila at yun ang utos nila na hnd ko sinunod ang kaisahan nila sa pagboto dahil sumasama ang loob ko pag hnd nasusunod ang dikta ng puso ko kaya siguro naanib ako sa MCGI dahil alam ko Diyos ang nagdala sakin d2.. Salamat po sa Diyos
TumugonBurahinProud to be MCGI..
TumugonBurahinSi manalo pala founder ng INC at hindi si Cristo. Kaya mali mali aral eh.
TumugonBurahin
TumugonBurahinAt huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.ROMA 12:2
Salamat sa Dios sa pagkakaroon ng mga ganitong blog upang magbukas ng kaisipan.
TumugonBurahinWala sa Biblia ang aral na kaisahan sa pagboto, lalo na ang pagtitiwalag sa mga di susunod sa aral na ito. Dito makikita na ang aral ng Iglesia ni Cristo ni Manalo ay hindi galing sa Dios. Mas mahalaga pa sa kanila ang kapakanan ng mga kaibayo nila sa pananampalataya kaysa sa kanilang kapatiran. Aral sa INC ni Manalo na walang kaligtasan sa labas ng kanilang iglesia pero gustong-gusto nilang bumoto sa mga taga labas, at handa pa silang itiwalag ang mga hindi boboto sa gusto ng kanilang tagapangasiwa. Kaawaan nawa ng Dios ang mga nadadaya sa maling iglesiang iyan.
TumugonBurahinsalamat sa Dios sa Blog na ito, sana mabuksan ang puso at isip ng mga taong nailigaw ng INC.
TumugonBurahin