Blogging para sa Katotohanan at Pagbubunyag ng Kasamaan

12/01/2015 , 31 Komento


Salamat sa parangal. Ang aking pinakamataas na pagtanaw sa mga tagapagtaguyod ng Philippine Blogging Awards 2015 para sa kung anumang parangal ang nakalaan para sa aking blogsite. Sinabi nila sa akin na “ito’y isang surpresa.” Pagpalain nawa kayo ng Dios!

Ako ay sumusulat hindi upang maparangalan ng mga pagkilala mula sa mga tao. Kung ang mga parangal ay darating, ang mga ito ay nagdudugtong sa aking layunin ng pag-abot sa lalong marami at marami.

Sa umpisa ng pagdating ng siglong ito, aking nakita ang aking sarili na nagsusulat, isang aktibidad na hindi ko karaniwang ginagawa. Ako ay napuwersa na lumayo noon nguni’t hindi ko maitigil ang pangangaral. Noon nagsimula ang tinatawag nila ngayon na “blogs” na inuri sa iba’t ibang kategorya, at sa aking partikular na kaso ako ay nagsulat tungkol sa relihiyon at lipunan. Kaya ako ay nagsimulang magsulat sapagka’t ang aking pangangaral ay sinisikil sa pamamagitan ng mga pag-uusig sa aking bansa.

Bagaman nag-aatubili sa pasimula, aking naramdaman ang pangangailangan ng pagpapahayag ng aking pananampalataya, aking paniniwala, aking mga hinaing, ang mga hindi ko ibig, aking mga opinyon, sa web dahil sa napakaraming mga sakit at mga kamalian ng lipunan na sa mga ito ako ay isang buhay na saksi. Mayroong pandaraya at kapaimbabawan lalong lalo na sa maituturing na pinakamataas na institusyon ng moral sa planeta at iyan ay ang relihiyon.

Aking naisulat ang mga artikulo na tumatalakay sa mga paniniwalang pang relihiyon, ang pag-unawa sa katotohanan, at mga pagkatha ng mga kasinungalingan, gamit ang Biblia bilang kasangkapan. Nalalaman ko na halos, kung hindi man lahat ng relihiyon, ay gumagamit sa Biblia bilang pamantayan ng pagtuturo. Maging ang mga ateista ay nagtangka na gamitin ito para sa kanilang pansariling layunin.

MIKAS 3:11 
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.

JEREMIAS 5:26-27 
26 Sapagka't sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao: sila'y nagbabantay, gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag; sila'y nangaglalagay ng silo, sila'y nanghuhuli ng mga tao. 
27 Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon, gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan: kaya't sila'y naging dakila, at nagsisiyaman.

II CORINTO 2:17 
Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.

Gaya ng babala ni Jeremias, ang mga masasamang tao ay magsisigawa ng mga silo sa kanilang mga bahay ng pandaraya at sa gayon sila magiging mayayaman at dakila. Upang maipagpatuloy ang komersyalisasyon, isinisinsay ng mga tao ang salita ng Dios. Muli’t muli, aking aatakihin ang mga gayong gawain gaya ng nasasaksihan sa aking mga blogs.

Dahil sa aking pamamaraan, ang aking mga blogs ay umaani para sa akin ng isang hukbo ng mga kaaway at mga kaalit na gumagamit sa web hindi upang tutulan ang mga biblikal na prinsipyo na aking ipinangangaral kundi upang wasakin ang aking pagkatao. Kanilang inaatake ako ng mga hidwang paratang at lahat ng mga uri ng pagpapasama subali’t isa-isang ibinabasura ng mga hukuman sa Pilipinas kung saan kinatha ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa akin. 

Pahintulutan ninyong ulitin ko ang listahan ng mga kasong ibinasura na una ko nang binanggit -

(01) Libel case (Criminal Case 5957) - DISMISSED.
Ang mga nagreklamo sa pangunguna ni Bernardo Santiago ay nabigong patunayan “ng walang anumang pag-aalinlangan” na mayroong malisya sa mga pahayag na di umano’y sinabi ni Soriano sa kanyang pahayag sa himpapawid sa telebisyon noong ikaw-7 ng Setyembre 2001. Ang kasong ito ay isinara pitong taon makalipas na ito ay naisampa. Sa walong pahinang desisyon na isinulat ni Josephine Zarate Fernandez, ang Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 76 ng San Mateo Rizal, ang TV Broadcaster na si Eliseo Soriano ay pinawalang sala sa kasong libelo. Sa utos na nilagdaan noong ika-24 ng Enero 2014, sinabi na ang malisya ay hindi napatunayan ng walang anumang bahid duda na makatuwiran.

(02) Attempted Murder (Criminal Cases Nos. 2002-4236-MK) - DISMISSED.
Nagsampa ng kasong attempted murder si Bernardo Santiago ng Iglesia Ni Cristo laban kay Bro. Eli Soriano at sa kanyang mga kasamahan. Nakatala bilang Criminal Cases Nos. 2002-4236-MK at tumutukoy sa ika-4 ng Setyembre 2001, sa gayon ding petsa nang siya at si Dr. Pascua ay dumadalaw sa mag-asawang Jimenez, ang pribadong naghain ng reklamo na si Bernardo Santiago ay nag-akusa kay Soriano na kumilos sa pakikipagsabuwatan sa mga iba pa upang siya’y patayin.

Batay sa utos na nagbabasura sa kaso, ang tagausig ay nagprisinta ng mga saksi na sina Glen Fernandez at Rommel Elbambuena na parehong nakarinig sa isa sa mga akusado na nagsabi, “Patayin yan! Patayin yan! Utos ni Ingkong!” Ang “Ingkong” ay isang katawagan kay Bro. Eli Soriano.

Si Judge Geraldine Fiel-Macaraig ng Regional Trial Court, Branch 192 ng Marikina City, gayunman, ay nagbasura sa kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya noong ika-11 ng Pebrero 2010. Ang pakikipagsabuwatan ay hindi napatunayan. (Bro. Eli Soriano wins Case Vs. Iglesia ni Cristo: “Killing Fields” and “Katayan” Comment not Libelous, kotawinters.wordpress.com, 3/8/2014)

(03) 1st Motion to Declare Eliseo Soriano as Fugitive from Justice – DENIED.
Ang mga nagreklamo sa Criminal Case 5957 ( Para sa kasong Libelo ) sa Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 76 ng San Mateo Rizal, Philippines ay naghain ng motion to declare accused Eliseo Soriano bilang fugitive from justice o tumakas sa hustisya at upang mag-isyu ng hold departure laban sa kanya.

Gayunman, sa desisyon na nilagdaan ni Judge Josephine Zarate Fernandez noong ika-31 ng Agosto 2007, ang mosyon ay tinanggihan. Binigyang diin ng abogado ni Soriano na ang kanyang kliyente ay nasa ilalim ng matinding pag-uusig ng INC, na nagpapaliwanag sa kanyang pagkabigo upang makabalik sa bansa. https://kotawinters.wordpress.com/tag/josephine-zarate-fernandez/

(04) 2nd Motion to Declare Eliseo Soriano as Fugitive from Justice – DENIED.
Sa kabila ng pagtanggi ng korte, noong 2007, makalipas ang dalawang taon, ang mga nagreklamo sa Criminal Case 06-248365 (Para sa Libelo) sa Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 8, Manila ay humiling din sa isang mosyon na ideklara ang akusado na si Eliseo Fernando Soriano na isang fugitive from justice o tumakas sa hustisya. Ang korte sa pagkakataong ito ay nagtiyagang magpaliwanag na ang kahulugan ng “fugitive from justice” ay para sa isang tao na nahatulan na o “convicted by final judgment.” Hanggang sa mapatunayan na may kasalanan, ang isang akusado ay itinuturing na inosente.

Sa desisyon na sinulat ni Presiding Judge Felixberto T. Olalia, Jr. noong ika-15 ng Disyembre 2009, sa kakulangan ng mga ebidensya upang suportahan ang mga akusasyon, sinabi ng korte na ang akusado ay hindi maaaring ideklara na isang “fugitive from justice,” dahil doon ay ang mosyon ay ibinasura. Kabilang sa iba, ang desisyon ay nagsabi na inamin ng prosekusyon na ang akusado ay umalis ng bansa bago ang pagsasampa ng kaso ( ika-5 ng Setyembre 2006 ), kung gayon ang layunin na takasan ang prosekusyon ay wala. (Eli Soriano Not Fugitive from Justice: Two Courts Deny Motions.

(05) Criminal Case No. QO4-126059 for Libel – ACQUITTED.
Minarkahan ng pagpapawalang sala ng korte ang isa pang tagumpay para sa MCGI sa maraming mga kaso ng libelo na isinampa ng Iglesia ni Cristo laban sa mga ministro ng huli. Isang paksa sa “buhay na walang hanggan” ay naghatid sa dalawang panelista ng palatuntunang ANG DATING DAAN na tumatalakay ng mga balitang bumabanggit sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ( INC ) na mga mamamatay tao. Ang buhay na walang hanggan ay hindi para sa gayong mga tao, kanilang ipinahayag.

Sina Joselito Mallari at Wilfredo Santiago ay nagkomento sa tatlong balita na inilathala sa tatlong lokal na mga pahayagan sa kanilang programa sa telebisyon. Bilang resulta, ang Iglesia ni Cristo (INC) na kinakatawan ni Bienvenido C. Santiago ay nagsampa ng mga kaso laban sa kanila noong ika-31 ng Marso para sa krimen ng libelo.

Ang reklamo ay nag-akusa sa mga panelista ng “naglayon na magpakita ng malisyoso at opensibong pakahulugan at pagbibintang na mga nakakasira at naglalayon na wasakin ang pangalan at reputasyon ng Iglesia ni Cristo na walang mabuting makatarungang motibo kundi ang tanging layunin ay siraang puri, sirain ang pangalan, karangalan, katangian at reputasyon ng nasabing naaping partido at upang ibulgar sila gaya ng katunayang sila ay nahayag sa pagkamuhi ng publiko at pangungutya sa kanilang pagkasira at pinsala.

Ang hukuman, gayunpaman, ay nagpawalang sala sa mga panelistang ito sa telebisyon ng Ang Dating Daan kamakailan lamang.

Sa 13-pahinang desisyon na sinulat ni Presiding Judge Manuel B. Sta. Cruz, Jr. ng Regional Trial Court, NCJR, Branch 226 para sa Criminal Case No. QO4-126059, si Joselito “Josel” Mallari at Wilfredo “Willy” Santiago ay pinawalang sala sa krimen ng libelo dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang lahat ng elemento ng krimen na isinampa, kung kaya’t nabigo ito na maipakita ang kasalanan ng akusado lampas sa makatwirang pagdududa.

Ang ilang mga pahayagan at mga tabloid ay nag-ulat ng mga kasong ito gaya ng People’s Tonight. Here were other cases dismissed (From our records at Legal Department) -

(06) People of the Philippines (Elma Morales) vs. EFS / Libel / RTC Marikina br. 193 / Crim Case No. 2002-4178 – DISMISSED on Oct. 29, 2004;

(07) People of the Philippines (Elma Morales) vs. EFS / Libel / RTC Marikina br. 193 / Crim Case No. 2002-4179– DISMISSED on Oct. 29, 2004;

(08) People of the Philippines (Elma Morales) vs. EFS / Libel / RTC Marikina br. 193 / Crim Case No. 2002-4180– DISMISSED on Oct. 29, 2004;

(09) People of the Philippines (Ber Santiago) vs. EFS / Attempted Murder / RTC Marikina br. 192 / Crim Case No. 2002-4463- DISMISSED on Feb. 11, 2010;

(10) Mayor Tirso G. Lacanilao V. EFS / Violation of Building Permit / Office of the Provincial Prosecutor, San Fernando Pampanga / I.S. # 07-B-506- DISMISSED on Feb. 15, 2011;

(11) Apalit Municipal Police Station et.al. vs. EFS et. al. / Obstruction of Justice / Office of the Provincial Prosecutor, San Fernando Pampanga/I.S. No. #: 05-L-3288-3289 - DISMISSED on Aug. 24, 2010.

MATEO 5:11 
Mapapalad kayo pagka kayo'y inaalimura, at kayo'y pinaguusig, at kayo'y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.

Para sa lahat ng mga ito na hindi kailangang pang-aabala, ako ay naging pasensyoso, kumukuha ng kaaliwan mula sa pangako ni Kristo na ang pag-uusig ay hindi ang katapusan ng lahat ng ito. Ang Panginoon ay magbabalanse ng mga bagay gaya ng Kanyang ipinangako ukol sa mga nagsasalita para sa katotohanan.

Uulitin ko ang aking sinabi sa isang naunang blog na kung ang record holder sa henerasyong ito para sa may pinakamataas na bilang ng mga hidwang paratang at maling gawain na ibinintang sa kanya ay susuriin, ay ako ang dapat na maging record holder na yaon. Naniniwala ako na ako ay makagagawa ng wala pang nakagagawang record at malalagay sa Guiness Book of World Records bilang tao na pinakakilalang kilala sa kasamaan o kabuktutan .

Subali’t salamat sa Dios dahil sa mga tapat na mga tao na marunong kumilala ng katotohanan mula sa pagpapasama, at katotohanan mula sa pagliligaw ng impormasyon at pangingimbulo.

Bilang halimbawa, ang isang hindi nailikong source ay nakatagpo ng mga tapat na talaan na nakaimbak sa mga computers sa isa kong blog na karapatdapat na kilalanin bilang “Most Educational to Follow” sa Open Web Awards sa mga nagdaan noong 2009.

Ang aking blog (esoriano.wordpress.com) ay palagian na nominado at nakapanalo ng mga parangal na ito: (1) Most Educational to Follow (Mashable, 2009); (2) Most Popular Website, and People’s Choice in blogs category, 11th Philippine Web Awards, 2009); and (3) People’s Choice, 12th Philippine Web Awards, 2011.

3rd Mashable.com’s #OpenWebAwards (2009) - Most Educational to Follow 

11th Philippine Web Awards (February 2009) –2009 Most Popular Website and the People’s Choice in Blogs Category https://hazelthechronicler.wordpress.com/2009/12/19/bro-eli’s-blog-makes-history-two-highest-web-awards-in-a-year/

12th Philippine Web Awards (2011) - People’s Choice 

Kasisimula ko pa lamang dito sa controversyextraordinary.com na pinagkakalooban ng award “isang surpresa.”

Sa loob ng 3 buwan ay nakaani na ng mahigit sa 3 milyong views at ngayon ay nananatiling Numero 1 sa kategorya ng Relihiyon. Kung ito ay ipinasok sa #bloggys15 contest, ang pangunahin dito ay upang ipalaganap ang katotohanan gaya ng aking nilayon para dito - gaya ng lagi na.

At salamat na muli para dito sa pinakabagong surpresang award. Ibig ko lamang na mabigyang diin at maitanim sa mga kaisipan ng aking mga mambabasa ang isang bagay na aking nararamdaman mula sa kaibuturan ng aking puso. Ako ay nagsusulat hindi upang mabigyan ng mga parangal mula sa mga tao. Ang pinakamasarap na pakiramdam para sa akin ay kapag ang isang tao kahit na siya ang pinakamaralita ng mga dukha - ay naliwanagan sa pamamagitan ng mga salita ng Dios na hindi ko kailan man kinalimutan na ipakilala sa bawa’t blog na aking ibinabalangkas. 

Sa Dios ang karangalan.

Sincerely in Christ,

Brother Eli Soriano

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

31 komento:

  1. Salamat sa Dios kay Mr. Controversy X...dahil isa na naman itong dagdag kaalaman na Blog na maging ang katotohan at katuwiran sa Dios ay maalaman sa bawat tao. Maging ang pagbubunyag sa kasamaan itoy nagbabahagi na, ang lahat ng anomang bagay O mga lihim na gawang kasamaan
    ay ang lahat ay maging hayag sa Dips Ama. At salamat sa Dios may kinasangkapan siyang Aliping tapat na nakaunawa sa panahon natin ngayon na kawakasan. TO GOD BE THE GLORY!!!!!!

    TumugonBurahin
  2. Sa dios ang lahat ng karangalan at ng kapurihan magpakailan kailan pa man amen...
    Salamat sa dios brother eli!!!!
    #TheTruthCaster
    #BlocVotingIsUnBiblical

    TumugonBurahin
  3. Gumagawa ang kamay ng Dios sa huling panahon salamat sa Dios

    TumugonBurahin
  4. Salamat sa Dios at mayroong BroEli na patuloy na naghahasik ang katotohanan.

    TumugonBurahin
  5. salamat sa Dios, at binigay nya sa atin ang isang tunay na mangangaral sa panahon natin.

    TumugonBurahin
  6. Thanks be to God. Suicide is not an option for those who believe in God. Thank you mr controversy.

    TumugonBurahin
  7. Sa panahon nating ito mayroong kagaya ni Apostol Pablo na ipinangangaral ang Evagelio sa lahat ng kaparaanan. Salamat sa Dios sa pamamagitan ng "Blog" ay naibabahagi ni Kapatid na Eli ang mga KATOTOHANANG di itinuturo sa atin ng mga bulaang mga mangangaral.
    salamat sa Dios, sa Panginoong Jesucristo at sa Espiritu Santo.

    ¡gracias a Dios!

    TumugonBurahin
  8. This is a timely blog from Bro Eli.I hope a lot of people will be able to access read this blog.To God be the glory.

    TumugonBurahin
  9. Salamat sa Dios sa Panibagong Blog ni Mr. Controversy dagdag ng kaalaman at pwede ishare sa love ones and friends

    TumugonBurahin
  10. Thanks be to God for this article by Mr. Controversy! With the help of the Lord, it is sure to save souls from utterly destroying themselves in the face of problems and trials in their lives.

    TumugonBurahin
  11. Salamat sa Dios at mayroong taong matapat at matapang sa paghahayag ng katotohanan. Purihin ang Dios.

    TumugonBurahin
  12. If you truly know and understand the Truth, you will ever be against all opposing it.

    TumugonBurahin
  13. Ang bayan ng Dios na siyang tunay na nagpapasalamat na may kalakip na gawa ayon sa kabutihang kanyang pinalalaganap, kailan may hindi mapapahintulutang maigupo ng kasamaang pinalalaganap ng kadiliman.To God Be The Glory!

    TumugonBurahin
  14. This blog will help other people to enlighten how good and grateful is God. Because suicide is not a solution for our daily problem. Just kneel down and pray. God will listen to us. I hope you continue making blog Mr. Controversy! To God be the Glory

    TumugonBurahin
  15. Salamat sa Dios sa lahat ng Kanyang pagliligtas! Salamat sa Dios sa isang kapatid na Eli na handang mag alay ng kanyang lakas upang maihatid ang kaligtasan sa lahat sa kabila ng mga pag uusig. To God be the Glory!

    TumugonBurahin
  16. Salamat po sa Dios Bro Eli sa pagtuturo ng dalisay na aral. Sa Dios ang karangalan at kapurihan magpakailanman!

    TumugonBurahin
  17. Bagaman malayo ka na sa amin ay patuloy mo pa rin kaming inaalalayan sa pamamagitan ng mga aral na nanggagaling sa bibla. Isang makabayani at maka Dios na pagkilos para sa amin at sa iyong inang bansa. Ngunit marami pa rin mga naninira sa iyo, tama ang sabi sa biblia na hindi pinababayaan ng Dios ang kanyang mga lingkod. Aming dalangin nawa ay palakasin ka pa ng Panginoon sa iyong walang tigil na pangangaral ng aral ng Panginoong Hesukristo. Slmat sa Dios at may isang Mr Controversy X na isinilang sa aming bansa.

    TumugonBurahin
  18. Karapat dapat lang na bigyan parangal ang isang blog na nagtuturo sa atin na lumayo sa masasamang sektang pumapatay at maipluwensya sa Pilipinas. Walang tigil na naghahayag ng kanilang mga kabulukan. Isa kang bayaning buhay Mr. Controversy X. Thanks be to God.

    TumugonBurahin
  19. Sa Dios ang karangalan at kapurihan Amen!

    TumugonBurahin
  20. salamat sa Dios kay Mr. Controversy

    TumugonBurahin
  21. Salamat sa Dios!
    isa ko sa naliwangan at natuto sa mga aral ng Panginoon💖

    TumugonBurahin
  22. Salamat po sa Dios dahil sa isang katulad mo Bro. Eli Soriano! Ang Pilipinas ay mayroong isang Ikaw na maipagmamalaki namin! Ingatan ka po nawa palagi at patuloy na pagpalain ng Panginoon!

    #TheTruthCaster

    TumugonBurahin
  23. iniingatan talaga ng Dios ang kanyang bayang mahal, lalong lalo na ang kanyang mga sinugo. TO GOD BE THE GLORY.

    TumugonBurahin
  24. Nice One! Keep Up the Good Work. Thanks be to God

    TumugonBurahin