Ang Karanasan ay Mabuting Tagapagturo; Nguni't ang Panginoon ng Biblia ay ang Pinakamahusay!
Saludo ako sa mga marangal na layunin ng Commission on Human Rights (CHR) . Sa aking bansa, may kilala ako na mga komisyoner ng CHR na walang kinikilingan at naninindigan sa kanilang mga prinsipyo at integridad. Karapatdapat para sa kanila ang pinakamataas na pagkilala sapagka't ito'y nauukol sa kanila.
ROMA 13:7
Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.
Upang maging walang kinikilingan at patas sa disposisyon ng isang kaso samantalang ang isang tao ay napaliligiran ng mga banta at gumagamit ng impluwensya, lalo na, kung ang mga gumagamit ng impluwensya ay humahawak ng mga matataas na posisyon sa pamahalaan ay hindi napakadaling gawain upang gawin.
Ang isang tao na hindi nagnanakaw ay hindi kapagdaka’y matatawag na tapat at hindi magnanakaw. Ang isang tapat na tao (at hindi magnanakaw) ay isang tao na hindi nagnanakaw maging sa panahon na mayroong pagkakataon upang gawin ito. Ang tao na naninindigan sa mga prinsipyo ng katarungan kahit na nasa ilalim ng pamumuwersa ay isang matuwid na tao.
Nalalaman ko na ito ang naging kalagayan niyaong mga humawak sa aking petisyon sa CHR-NCR na nagpasya ng pabor sa akin laban sa opisyal ng pamahalaan na kanilang nasumpungang lumabag sa aking mga karapatang pantao. Dahil dito at sa kanilang mga pagsisikap, aking dalangin na sana'y gantimpalaan sila ng Makapangyarihan sa lahat.
Upang magbigay ng karangalan at kapurihan sa kung kanino hindi ito nauukol ay ang pinakamataas na kahangalan na magagawa ng isang tao.
KAWIKAAN 24:24
Siyang nagsasabi sa masama, Ikaw ay matuwid; susumpain siya ng mga bayan, kayayamutan siya ng mga bansa:
KAWIKAAN 15:5
Hinahamak ng mangmang ang saway ng kaniyang ama: nguni't siyang nagpapakundangan ng saway ay gumagawang may kabaitan.
Nguni't ang aking pagpapahalaga ay may kaakibat na pagka-awa at simpatya sa mga taong ito na may integridad at katapangan sa pagsisilbi ng tunay na katarungan.
Ang Commision on Human Rights sa aking bansa ay hindi maaaring umusig sa mga yaon na napatunayang nagkasala ng paglabag sa mga karapatang pantao. Ang proseso ay para sa kanila ang magrekomenda sa pagsasampa ng isang kaso laban sa lumalabag na opisyal sa Ombudsman. Ang Ombudsman, bagaman, itinuturing na isang malayang opisyal ay hinirang ng Pangulo. Kung ang tanggapan ng Ombudsman ay magbabasura ng petisyon ng nagreklamo, ang mga pinaghirapan ng CHR ay halos masasayang. Kung ang tao na inihabla ay hinirang ng Pangulo; at ang Ombudsman ay hinirang din ng Pangulo, inyo bang mahuhulaan kung ano ang mangyayari sa reklamo?
Ang karanasan ay mabuting tagapagturo; nguni't ang Panginoon ng Biblia ay ang pinakamahusay!
JOB 9:24
Ang lupa ay nabigay sa kamay ng masama: kaniyang tinatakpan ang mga mukha ng mga hukom nito; kung hindi siya, sino nga?
Maraming mga bansa sa mundo ang sinalot ng mga korupsyon at mga kawalan ng hustisya. Ang korupsyon ay hindi maaaring magsimula sa mga karaniwang mamamayan. Ang mga ito ay nagmumula sa mga tiwaling mga opisyal at mga pinuno.
MIKAS 3:11
Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin.
Nguni't ang mga tunay na mukha ng mga tiwaling lider ay nakatago sa mga tao dahil sa kanilang mga makalupang karunungan at katalinuhan.
ECCLESIASTES 8:1
Sino ang gaya ng pantas na lalake? at sinong nakakaalam ng kahulugan ng isang bagay? Ang karunungan ng tao ay nagpapasilang ng kaniyang mukha, at ang katigasan ng kaniyang mukha ay nababago.
Nguni't walang sapat na dami ng make-up o pampaganda, karunungan, o kapaimbabawan ang makapagkukubli ng tunay na katauhan ng mga tiwaling lider mula sa isang tao na nakaaalam ng karunungan ng Dios sa Biblia. Ang tumataas na bilang ng mga katibayan ay madaling mababatid sa pamamagitan ng magagawang gabay ng pinakamahusay na tagapagturo!
KAWIKAAN 29:2
Pagka ang matuwid ay dumadami, ang bayan ay nagagalak: nguni't pagka ang masama ay nagpupuno, ang bayan ay nagbubuntong-hininga.
Ang kawalan ng katiwasayan at kawalan ng kasiyahan ay mga sintomas ng isang umiiral na kultura ng katiwalian sa alinmang pamahalaan.
Ang mga hinagpis at panaghoy ng mga tao ay tiyak na tutukoy sa sanhi ng sakit ng lipunan.Bagaman sa sektor ng relihiyon, ako ay nasa media sa nakalipas na tatlong dekada. Nakihalubilo ako sa mga pinakamahusay at kilalang personalidad sa media. Ako ay naging panauhin sa halos lahat ng uri ng programa sa telebisyon at radyo. Ito ay hindi hanggang ngayon, kamakailan lamang, na aking nalaman na ang mga tauhan ng media na nag-uulat ng mga 'political developments' ay iginapos na gaya ng mga baboy ng mga awtoridad. Mapalad ako dahil ako'y wala roon. Sa aking opinyon, ito ay isa na namang paglabag sa mga karapatang pantao, lalo na sa mga mamamahayag, nguni't hindi ko maipapayo sa kanila na magsampa ng kaso sa Commission on Human Rights dahil maaari nilang maranasan ang aking mabuting tagapagturo. Ito ay tiyak na hindi magiging kaaya-ayang karanasan. Ang ating tanging pag-asa para sa tunay na katarungan ay sa luklukan ng hukuman ng Dios.
ECCLESIASTES 12:14
Sapagka't dadalhin ng Dios ang bawa't gawa sa kahatulan, pati ng bawa't kubling bagay, maging ito'y mabuti o maging ito'y masama.
May nagsabi sa akin, na isang tao (marahil ay isang huwad na apostol) na nagkomento “…pinakawalan na sila, hindi sila finaylan (no case was filed against them)…”(“… they were freed and were not charged”); narinig ko ang ang kanyang sinabi, "nakikisimpatya ako sa iyo. Naaawa ako sa iyo kung hindi ka nakararamdam ng awa sa iyong sarili dahil ang iyong sinabi ay hindi dapat sinasabi ng isang tao na may kalibre na inaakala ng iba’y iyong tinataglay. Sa bagay na ito ang masasabi ko, "No comment." Subali't ang Biblia ay nagsasabi nito:
JUDAS 1:10
Datapuwa't ang mga ito'y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman: at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa, ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait.
Sa ating mga mamahayag sa media, sa susunod ay huwag kayong masyadong lumapit sa pagtutok sa alinmang pangyayari, ang inyong katapangan ay maaaring magdala sa inyo sa bilangguan. Mabuti kung kayo ang magiging katulad ni Enoc.
HEBREO 11:5
Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:
Sincerely in Christ
Brother Eli
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
Salamat sa Dios sa Panibagong Blog na ito ni Mr.ControversyX Basahin at ibahagi sa mga mahal sa mga mahal natin sa buhay at sa ating mga kaibigan ang Blog na ito
TumugonBurahinSalamat sa Dios, nakapakinig kami sa nagtuturo ng salita ng Dios.
TumugonBurahinAng katarungan sa lupa ay mahirap makamtam. Maraming kalakip na balakid at pasakit. Ngunit sa tamang panahon na itinakda ng Maylikha ay malalasap din ang pangako ng pag ibig at hustisya na mula sa Kanya.
TumugonBurahinMaraming Salamat sa Dios at sa Panginoong Hesukristo sa walang sawang pagsama sa kapatid na Eli at kapatid na Daniel, na sa pamamagitan nila ay laging ipinaaalala ang mga bagay na ito sa buong kapatiran.
Sa Dios Ama ang lahat ng kapurihan!!
Marami mang panggigipit, kailanma'y hindi mabubuwag ang mga totoong lingkod ng Dios.
TumugonBurahin