Pagpapatikom ng Bibig: Tayo ay Manalangin para sa Kapayapaan

11/17/2016 , 0 Komento


Ang mga serye ng mga pangyayari at mga pagpatay na nagaganap sa Pilipinas ay gumising sa aking pansin, ang pinakahuli ay ang pagpatay sa sumuko sa Albuera, na Alkalde ng Leyte Rolando Espinosa Sr. sa loob ng Baybay, Leyte Sub-Provincial Jail.

Alkalde ng Leyte Rolando Espinosa pinatay sa ‘putukan’ sa loob ng piitan
Albuera, ang Mayor ng Leyte Rolando Espinosa Sr. ay napatay sa isang “putukan” matapos na diumano ay lumaban sa pag-aresto sa Baybay, Leyte Sub-Provincial Jail, maaga noong Sabado ng umaga.

Isang putukan sa pagitan ni Espinosa at Raul Yap at ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group sa Northern Leyte (CIDG8) ay nagresulta sa mga kamatayan ng dalawang bilanggo, sabi ng ulat ng pulis sa insidente.

http://newsinfo.inquirer.net/841271/rolando-espinosa-killed-in-jail

Ang mga mamamayan ay nababalaan sa lawak at lalim ng network ng korupsyon na sangkot sa mga iligal na droga sa ating bansa. Ang ilan ay naniniwala na ang isang pangunahing saksi gaya ni Espinosa ay dapat na inilagay sa ilalim ng pangangalaga ng SAF sa Camp Sto. Domingo, o maging sa ilalim ng mga Marines sa isang kampo ng mga Marines.

Sa pagsasaalang-alang sa oras na ika-4 ng madaling araw, hindi marami ang mga gising upang magbigay ng tulong. Ang ulat sa nangyari ay hindi kapanipaniwala!

Inaasahan na ang mga salarin ay magtatrabaho ng pinakamatindi hangga’t maaari upang mapagtakpan ang pagpaslang sa dalawang walang magagawang lalake na ito sa bilangguan! Aking sinasabi na “walang magagawa” sapagka’t sila ay nasa likod ng mga rehas, na walang anumang sandata.

Subali’t may mga hindi maiiwasang mga posibiidad. Sila ay maaaring pinatahimik ng kung sinoman ang nagkaroon ng interes sa kanilang mga testimonya tungkol sa mga bagay na kanilang nalalaman sa bilihan ng droga kung saan sila ay kasangkot.

Para hatulan na ang pamahalaan ang nagplano ng “extra judicial killing,” ay hindi nagmemerito ng lohikal na pangangatuwiran. Muli, ang EJK ay karaniwang ipinaparatang laban sa mga operatiba ng pamahalaan sa ilalim ng isang blanket command upang maglinis.

Sino ang makikinabang kung ang bibig ni Espinosa ay matitikom magpakailanman? Ang mga tao sa kanyang blue book? Sa dalawang grupo ng Police Force, sino ang kukuha ng sisi? Ang CIDG na nagsilbi sa search warrant? Ang Warden at kanyang mga bantay?

Ang ilan sa mga pulis na ayon sa Pangulo ay nasa mahabang listahan din ng mga personalidad sa droga ay maaaring magamit bilang mga instrumento ng ilang hindi nakikitang kapangyarihan. Ang mga ito ay mga posibilidad. Subali’t hintayin nating pumasok ang ebidensya.

Kung ano ang nangyari ay nangyari na. Walang tao na makapagbabalik sa mga buhay ng mga taong ito na hindi maaaring tawaging mga biktima; ni maaari man silang matawag na mga inosente. Kailangan nating maghintay at tumingin. (Maaari ba itong matawag na krimen? Maaari ba itong matawag na katarungan?)

Ang mga Kristiyano ay maaaring mga nananahan sa isang bansa na walang hustisya, at tiwaling pamahalaan kagaya sa Roma, subali’t mayroong paraan upang mabuhay sa kapayapaan. Tayo ay manalangin!

1 TIMOTEO 2:1-2
1 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
2 Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.

Sa Roma, binigyang diin ni Pablo sa mga Kristiyanong naninirahan doon na magpasakop sa mga awtoridad.

ROMA 13:1-3 
1 Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.
2 Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
3 Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:

Sa katiwalian sa sistema ng pamahalaan ng mga Romano, ang normal ay ang mga awtoridad ay hindi “kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama.” Kaya kailangan natin manalangin para sa mga awtoridad upang mas maging kumikiling sa panig ng mabuti at hindi ng masama. Tayo ay manalangin ng walang patid.

1 TESALONICA 5:17 
Magsipanalangin kayong walang patid;

Sa ganang atin, tayo ay nahaharap sa mahirap na mga sitwasyon sa ating bansa. Ang pagmamahal sa bansa at pagkamakabayan nawa ay pumailanglang sa atin. Kailangan nating manalangin para sa Pilipinas yamang kailangan natin ang karunungan at basbas ng Panginoon. Sa nakaraan, tayo ay naharap sa maraming mahirap na panahon. Ang panalangin ang siyang makapagpapatagpos sa atin. Ating imbitahan ang interbensyon ng Makapangyarihan sa Lahat para sa ating minamahal na bansa. 

Tayo ay manalangin.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

0 (mga) komento: