Ang Iglesia na Naghihintay ng Ika-pitong Araw

2/22/2017 0 Komento


Malinaw na, sila ay hindi naghihintay sa pagdating ng Panginoong Jesucristo gaya ng kanilang inaangkin. Ang pangalan ng kanilang iglesia ay nangangahulugan na sila ay naghihintay sa pagdating ng “ika-pitong araw.” Maging sa gramatika o sa lohika, ang binibigyan ng diin ng mga Adbentista ay nasa ika-pitong araw o Sabado. Ating pag-aralan ang kanilang mga doktrina:

Sa kanilang aklat, Seventh Day Adventists Believe, pahina 224:


Ang tunay na iglesia ay itinatag ng Dios kay Kristo.

HEBREO 3:4 
Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios.


Noong unang siglo ng ating karaniwang panahon, paano mangyayari na ang iglesia na itinatag ni Ellen G. White ay magiging tunay na iglesia samantalang ito ay itinatag sa ibang petsa at pagkatatag? Ang isang babae na gaya ni White ay walang biblikal na karapatan na anupaman upang itatag o kahit pamunuan ang tunay na iglesia.

I TIMOTEO 2:11-13 
11 Ang babae'y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop. 
12 Nguni't hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik. 
13 Sapagka't si Adam ay siyang unang nilalang, saka si Eva;

Ang doktrina Kristiyana ay malinaw na parang kristal sa aspeto na ito na ang babae ay hindi maaaring maging lider ng tunay na iglesia. Ang babae ay nararapat na nasa ilalim ng pagkasakop ng lalake na nasa ilalim ni Kristo: Kung papaano na si Kristo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Ama, gayundin ang babae sa ilalim ng kapangyarihan ng lalake.

I CORINTO 11:3 
Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.

Ang Biblia, maging sa hula, ay nagbabala sa bayan ng Dios na ang babae ay magliligaw sa bayan ng Dios.

ISAIAS 3:12 
Tungkol sa aking bayan, mga bata ang mga mamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas.

Mayroong napakaraming magagamit na mga katunayan na magpapatunay sa naliligaw na katuruan ni White.


“Ang pagsamba ng Linggo ay ang tanda ng hayop.”

Maliwanag, na si White at ang kanyang mga kasabwat ay hindi nakakaalam sa biblikal na kahulugan ng pagsamba. Paanong magagawa ng sinuman, na nasa kanyang tamang kaisipan, na magsabi na ang pagsamba ng Linggo ay ang tanda ng hayop samantalang ang mga apostol ay nagpisan ng kanilang mga sarili upang manalangin at sumamba sa Dios ng Linggo?

JUAN 20:19 
Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.

Ang Apostol Pablo, kasama ang iba pang mga Kristiyano, ay nagkatipon, nagputol putol ng tinapay, nanalangin, at nangaral ng Linggo.

GAWA 20:7 At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.

Ang iglesia sa Corinto at sa Galacia ay inutusan upang gawin ang koleksyon ng mga araw ng Linggo (ayon sa lohika, samantalang sila ay nagkakatipon na magkakasama).

I CORINTO 16:1-3 
1 Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia. 
2 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko. 
3 At pagdating ko, ang sinomang inyong mamagalingin, ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem:

Sa kanilang walang kabuluhang pagsisikap upang patunayan na ang mga Kristiyano ay nagpisan ng kanilang mga sarili ng mga araw Sabado, ang mga Sabadista ay namusong sa Espiritu Santo ng Dios na naroon sa lahat ng mga pagkakatipon Kristiyano nang kanilang sabihin na ang pagsamba ng Linggo ay ang tanda ng hayop.

Ang katotohanan ay maaari nating sambahin ang Dios sa alin pa mang araw ng isang linggo.

GAWA 2:46-47 
46 At araw-araw sila'y nagsisipanatiling matibay sa pagkakaisa sa templo, at sa pagpuputolputol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsisikain sila ng kanilang pagkain na may galak at may katapatan ng puso. 
47 Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.

Ang pagsamba ng linggo ay ginawa ng mga Kristiyano. Ang malisyosong isip lamang ni White ang posibleng magsabi na ang pagsamba ng Linggo ay ang tanda ng hayop.

Brother Eli Soriano

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

0 (mga) komento: