Pagsasalitang Ayon sa Gramatika

2/22/2017 0 Komento


Ayon sa Gramatika: Ang salitang “adventist” o adbentista ay isang pangngalan.

Ang pariralang "ikapitong araw" ay isang pang-uri (adjectival) na parirala.

Kung ang kahulugan ng salitang “adbentista,” ay isang tao na naghihintay sa pagparito o pagdating ng isang bagay (na tiyak na ito ang kahulugan), kung gayon: ang pangalang, Seventh Day Adventist Church, ay nangangahulugan na isang iglesia na naghihintay ng ika-pitong araw at hindi ng pagdating ng Kristo!

Ang katotohanang ito ay totoo rin kahit na ang orihinal na “Iglesia Adventista del Septimo Dia” ay ang gamitin!

Batay rin sa gramatika:

Ito ay dapat na “cada septimo dia” o “bawat ika-pitong araw” sapagka’t, simula pa nang pinangunahan ni Ellen White ang kilusang ito, ilang hindi masabing bilang ng mga Sabado ang nagsilipas!

Ang mga taga Colosas ay binigyan ng babala ng Apostol Pablo tungkol sa pagiging nahahatulan dahil sa hindi pagsunod sa mga sabbath at ibang palatuntunang panlaman tungkol sa mga pagkain at mga inumin na ayon sa kanya ay mga anino ng tunay na bagay na yaon ay si Kristo.

COLOSAS 2:16-17 
16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: 
17 Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo.

COLOSSIANS 2:16-17 (CODEX SINAITICUS IN ENGLISH TRANSLATION) 
16 Let no one therefore judge you in eating or in drinking or in respect of a feast or of a new moon or of sabbaths, 
17 which are a shadow of things to come, but the body of Christ is the substance.

Pansinin: Ang mga palatuntunan sa Matandang Tipan ay mga anino ng tunay na materya, ang katawan ni Kristo.

Ang mga ito ay mga palatuntunang panlaman na ibinigay sa mga Israelita at magtatagal hanggan sa itinakdang panahon ng pagbabago!

HEBREO 9:10 
Palibhasa'y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).

Ang mga simpleng katotohanang ito na naaayon sa Biblia ay hindi naunawaan ng mga pinuno ng Seventh Day Adventist Church. Ang kanilang kapusungan laban sa Espiritu Santo sa pagsasabing diumano ang “pagsamba ng Linggo” ay isang tanda ng hayop ay nagdulot ng kabayaran sa kanilang pag-unawa sa mga Kasulatan!


II CORINTO 3:14-15 
14 Datapuwa't ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka't hanggang sa araw na ito, pagka binabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas, na ito'y naalis sa pamamagitan ni Cristo. 
15 Datapuwa't hanggang sa araw na ito, kailan ma't binabasa ang mga aklat ni Moises, ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.

II CORINTO 4:4 
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

Ang mga katotohanan ay: Magkakaroon ng panahon ng pagbabago. Ang itinakdang panahon ay ang pagpapalit ng pagkasaserdote.

HEBREO 7:12 
Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

Mula kay Moises hanggang kay Kristo!

HEBREO 3:1-3 
1 Kaya, mga banal na kapatid, mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan, inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala, si Jesus; 
2 Na siya'y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya. 
3 Sapagka't siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises, palibhasa'y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay.

Hinulaan maging sa panahon ni Moises na ang Kristo ay hahalili sa kanya sa pagkasaserdote.

DEUTERONOMIO 18:18 
Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.

Ang katuparan ng hulang ito ay si Kristo.

GAWA 3:22, 20 
22 Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya.
20 At upang kaniyang suguin ang Cristo na itinalaga sa inyo, na si Jesus:

Ang kautusan ni Moises ay pinalitan at ang kautusan ni Kristo ay umiral.

GAWA 13:39 
At sa pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

Hanggang kay Juan ay ang batas at ang mga propeta.

LUCAS 16:16 
Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: mula noo'y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at ang bawa't tao ay pumapasok doon na nagpipilit.

Si Kristo ay ang katapusan ng kautusan.

ROMA 10:4-6 
4 Sapagka't si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa't sumasampalataya. 
5 Sapagka't isinulat ni Moises na ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito. 
6 Datapuwa't sinasabi ng katuwiran ayon sa pananampalataya ang ganito, Huwag mong sabihin sa iyong puso, Sino ang aakyat sa langit? (sa makatuwid baga'y upang ibaba si Cristo:)

Tayo ngayon ay nasa ilalim ng Kautusan ni Kristo at hindi nasa ilalim ng Kautusan ni Moises!

I CORINTO 9:20-21 
20 At sa mga Judio, ako'y nagaring tulad sa Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan; 
21 Sa mga walang kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan.

Ang Kautusan ni Kristo ay ang kautusan na itinuro ni Pablo sa mga Kristiyano noong unang siglo at hindi ang Kautusan ni Moises.

GALACIA 6:2 
Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.

Ang koleksyon ng “ikapu” ay isang bahagi ng batas Levita.

HEBREO 7:5 
At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote, ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan, sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid, bagama't ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham:

Hindi ba ito ang dahilan kung bakit ang mga ministro ng Seventh-Day Adventist ay kumakapit sa Matandang Tipan na batas ni Moises? Ang pagbibigay ng ikapu ay hindi batas Kristiyano! Ito ay pinalitan nang ang pagkasaserdote ay napalitan!

HEBREO 7:12 
Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

Ang kapalit ng pagbibigay ng ikapu ay:

II CORINTO 9:7 
Magbigay ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.

Ating subukin ang mga espiritu.

I JUAN 4:1 
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

Mayaroong sa isang lugar, sa isang paraan nakatagong pandaraya sa paggiit na ang kautusan ni Moises ay nararapat na sundin, ang pakinabang at kayamanan na maaaring makuha ng isang pastor mula sa mga ikapu.

II CORINTO 2:17 
Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.

Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

0 (mga) komento: