Pagsusuri sa Pinakadakilang mga Relihiyon sa Mundo
Hindi lahat ng mga dakilang bagay ay mabuti o sa Dios. (Apocalipsis 17:5)
"At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA, DAKILANG BABILONIA, INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA."
Malinaw sa talata na itong dakilang Babilonia ay ang ina ng lahat ng mga kasuklamsuklam sa lupa.
Mayroong mga gang at mga ilegal na mga organisasyon na lumalaki upang maging internasyonal, tumatagos sa mga hangganan ng mga kontinente at mga bansa, guwardiyadong mabuti ng mga may armas na autoridad. Maaaring isang kabalintunaan sa mundong ito kung saan ang mga pangunahing batas at mga bibig ng mga makapangyarihang mga tao ay kumokondena ng kasamaan.
Ang kabaligtaran ay napakaliwanag: na samantalang ang lipunan ng tao ay kumokondena ng kasamaan sa lantaran, ang kasamaan ay lumalaki upang maging “dakila” sa mundong kalaliman. Ang Biblia ay may paliwanag. Sa Awit 37:35 ay sinasabi,
"Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan, at lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan."
Bakit ito lumalaki upang maging dakila? Ang sagot: ang masama ay may kapangyarihan upang makaimpluwensya - maging sa mabuti. (1 Corinto 15:33)
"Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali."
Ang sanhi na nakapagpapalala ay samantalang ang mga pinuno ng mundo ay kumokondena sa masama sa pamamagitan ng salita, kanilang pinahihintulutan o pinababayaan ito sa pamamagitan ng puso. (Roma 1:32)
"Na, bagama't nalalaman nila ang kautusan ng Dios, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan, ay hindi lamang gayon ang ginagawa, kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon."
Ang pagpatay ng tao ng walang awa - o puno ng awa - ay laban sa mga kasulatan. (Mateo 5:44)
"Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;"
Kung ating minamahal ang ating mga kaaway, hindi natin sila papatayin. Sa katotohanan, tayo ay obligado na pakainin sila kapag nagugutom at pawiin ang kanilang uhaw kapag sila’y nauuhaw. (Roma 12:20)
"Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo."
Ang lohika ay malinaw: kung kaya nating mahalin sa puso ang ating mga kaaway, lalo naman na ating makakayang mahalin ang ating mga kamag-anak at mga kaibigan - at maging ang ating mga sarili! Nakamamangha na samantalang ang Iglesia Katolika ay nagsasabi na ito lamang ang tunay na relihiyon sa mundo, ito ay mayroong kanyang bantog na kasaysayan, mga tala ng pagpatay at pag-aalsa ng mga erehe at mga inosenteng tao.
Ang mga tala na naaayon sa Biblia ay naghahayag na ang mga Kristiyano ay pinatay, nguni’t hindi kailan man mga mamamatay tao! Ang mga mamamatay tao ay sa demonyo. (Juan 8:44)
"Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito."
Sa panahon ng mga Israelita, ang mga kondenadong tao lamang ang pinapatay ng walang awa. (Hebreo 10:28-29)
"28 Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:
29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios, at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya, at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?"
Utos ng Dios sa Kanyang bayan na igawad ang Kanyang kahatulan sa mga kondenadong tao na ito. (Deuteronomio 17:2, 6)
"2 Kung may masusumpungan sa gitna mo, sa loob ng alin man sa iyong mga pintuang-daan, na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ang lalake o babae na gumagawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon mong Dios, sa pagsalangsang sa kaniyang tipan,
6 Sa bibig ng dalawang saksi, o ng tatlong saksi ay papatayin ang dapat mamatay; sa bibig ng isang saksi ay hindi siya papatayin."
Ang Dios ang tagapagbigay ng buhay. (Gawa 17:28)
"Sapagka't sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula, Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi."
… at ang tanging may karapatan upang ito ay bawiin. (Deuteronomio 32:39)
"Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay."
Ang kautusang, “huwag kayong gaganti sapagka’t ang paghihiganti ay akin,” ay isang matingkad na indikasyon na maging ang Kanyang bayan na inaapi ng kanilang mga kaaway ay hindi maaaring kumitil ng buhay sa kanilang sarili. Paano ngayon maaari na ang “dakilang” Iglesia Katolika ay makapag-aangkin na sila ay sa Dios at pawalan ng sala ang kanilang krimen ayon sa Biblia?
Ang utos mula sa kanilang pinakamataas na mga autoridad upang sunugin ang mga kasulatan ng Biblia na isinalin ni Wycliffe sa wika na mauunawaan ng mga tao, at upang sunugin si Tyndale ng buhay dahil sa pagsasalin ng Biblia sa Ingles ay mga gawain na nagpapatunay ng makasatanas na kapangyarihan sa likod ng Iglesia Katolika. Ang tanging kapanipaniwalang katotohanan na dapat paniwalaan at dapat tanggapin ng buong puso ay ang salita ng Dios. (Juan 17:17)
"Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan."
Kahit anong make-up o pagbabalatkayo na susubukan ng sinoman upang pagtakpan ang mga krimen na kanilang nagawa laban sa sangkatauhan ay hindi katanggaptanggap sa isang nag-iisip na pag-iisip. Ang mga Mormons ay hindi makatatanggi sa kanilang hindi maka-Kristiyanong doktrina ng pagbububo ng dugo:
Subali’t may mga pagkakataon na mayroong ilang seryosong kasalanan kung saan ang paglilinis ng Kristo ay hindi gumagana, at ang batas ng Dios ay ang mga tao ay nararapat magkaroon ng kanilang sariling pagbububo ng dugo upang mapatawad ang kanilang mga kasalanan. Kung kaya, gayundin, kung ang isang tao ay sumulong na ng mataas sa katuwiran na ang kanyang pagkatawag at pagkapili ay nagawang tiyak, kung siya ay nakarating sa isang posisyon kung saan kanyang nalalaman “sa pamamagitan ng pahayag at ang espiritu ng hula, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na pagka Saserdote” na siya ay natatakan sa buhay na walang hanggan (D.&C. 131:5), pagkatapos kung siya ay nagkamit ng kapatawaran para sa ilang mabibigat na mga kasalanan, siya ay nararapat na “mawasak sa laman” at “ihatid sa mga pagpapahirap ni satanas hanggang sa araw ng pagkatubos, sabi ng Panginoong Dios.” (Doctrines and Covenants 132:19-27)
Ang kapanahunang Kristiyano ay napakaiba mula sa mga Mosaikong panahon ng bayan ng Dios. Samantalang ang Dios ay gumagamit ng Kanyang mga tao upang kondenahin ang mga tao sa kamatayan sa mga sinaunang panahon, si Kristo at nag-utos sa Kanyang mga alagad upang maging maawain hanggang sa pinakamapait nilang mga kaaway. (Hebreo 9:10; 8:13; 7:12)
"Palibhasa'y palatuntunan lamang na ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis). "
"Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas."
"Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan."
Ako ay maaari, pansamatala, na magsabi na yaong mga relihiyon na hindi nakakakilala kay Krsito (gaya ng Confucianismo) ay mas maigi pa kaysa sa mga Mormons na nag-aangkin bilang Kristiayano at nagtuturo ng kalupitan, hindi maka-kristiyanong doktrina. (II Pedro 2:21)
"Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila."
Nasabi man ito, ako ay hindi rin sumasang-ayon sa Confucianismo … ipagpapatuloy.
[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]
0 (mga) komento: