Si Kristo ay ang Tunay na 'Uod na Jacob' - Hindi si Felix Manalo


Ang Iglesia ni Cristo ni Manalo ay nag-aangkin na si Felix Manalo, ang kanilang tagapagtatag, ay ang "uod na Jacob" sapagka't siya di umano ay hinamak ng mga tao. Haha! Iyon ay katawa-tawa!

Sa kanilang Pasugo ng Nobyembre 1976, sa Pahina 15, sa isang Tanong at Sagot na pamamaraan, ang katanungan na tinatanong ay bakit ang kanilang "Huling Sugo" ay tinawag na uod na Jacob. Ang "sagot," ayon sa kanilang pagtuturo, ay ito’y dahil sa si Manalo ay hinahamak at nilibak.


Malay natin, maaaring ngang si Manalo ay hinamak at nilibak dahil sa ibang mga bagay gaya ng pangunguwarta sa pamamagitan ng mapandayang pangangaral! Ngayon mismo, ito ay pagnanakaw ng mga pagkakakilanlan ni Jesucristo.

Itong may sakit na aklat sa lahat ng panahon (Pasugo), na nagtuturo sa kanilang mga miyembro ng mga kasuklamsuklam, ay nagmumungkahi na ang isang tao ay maaaring magkaroon ng kalayaan upang pumili ng mga pangalan mula sa Biblia at ilapat ito sa kanyang sarili. Alin sa dalawa, kung hindi si Manalo ang may sakit sa isip ay ang mga taong nagsusulat sa kanilang magasin na “Pasugo” upang siya’y sambahin.

Papaano naman ang kahulugan ng mga pagkakakilanlan na ito? Pinupulot ang Awit 22:6-7 upang ipaliwanag ang pagkakahamak at pagkakalibak ni Manalo, tinatangkang “alisan ng saysay” si Jesucristo sa pagkakakilanlan.

Si Manalo o ang kanyang mga tagapalo ng tambol ay sinadyang huwag isaalang-alang ang kabuoan ng ayon sa hulang pahayag ni David. Napansin ba nila ang mga talatang 16-18 ng kapiluto ring iyon?

AWIT 22:16-18 
16 Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. 
17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako:
18 Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.

Ang “uod” na binanggit sa 22:6-7 [na kanilang (maling)inilapat para kay Manalo] ay hindi lamang hinamak. Ang uod na yaon ay binutasan ng kanyang mga kaaway - partikular na sinasabi sa mga kamay at mga paa!

At sa talatang 18, “ang uod” ay nagsabi ‘kanilang hinapak ang aking mga kasuutan… at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.’ Ang lahat ng mga ito ay natupad ayon sa mga naliwanagang autoridad sa Biblia, sa ating Panginoong Jesucristo - hindi kay Manalo gaya ng paliwanag ng kanyang nagnanakaw na mga ministro!

Tayo’y tumingin kay Juan.

JUAN 19:23-24 
23 Ang mga kawal nga, nang si Jesus ay kanilang maipako na sa krus, ay kanilang kinuha ang kaniyang mga kasuutan at pinagapat na bahagi, sa bawa't kawal ay isang bahagi; at gayon din naman ang tunika: at ang tunika ay walang tahi, na hinabing buo mula sa itaas. 
24 Nangagsangusapan nga sila, Huwag natin itong punitin, kundi ating pagsapalaranan, kung mapapakanino: upang matupad ang kasulatan, na nagsasabi, Binahagi nila sa kanila ang aking mga kasuutan, At ang aking balabal ay kanilang pinagsapalaran.

Ang “uod” na yaon ay siya ring paksa ng hula ni Isaias bilang tao na “hinamak…”

ISAIAS 53:2-5 
2 Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. 
3 Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya. 
4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. 
5 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

Ang mga talata sa Biblia ay nag-uugnay ng mga katotohanan bagaman inilagay sa ibang mga aklat at kapitulo. Kanilang pinagtitibay ang isa’t isa na mahirap na basta na lamang nakawin ang pagkakakilanlan at (maling)ilapat ito sa isang tao. Dahil dito, si Manalo ay malinaw na isang pakunwari, isang huwad na pastor para sa lahat ng layunin.

Tiyak na ang “uod na Jacob” na hinamak ng mga tao at binutasan sa mga kamay at mga paa ay hindi si Manalo kundi ang Panginoong Jesucristo!

Sa umpisa, ang Isaias 41:2 ay nagsasalita ng tungkol sa isang “tao mula sa silanganan” - hindi si Manalo, kundi sa isang “matuwid na tao” kung kanino ibinigay ng Dios ang mga bansa at upang “magpuno” o maging “hari” sa mga hari!

ISAIAS 41:2 
Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog.

Kanilang pinapatungkol ang mga pagkakakilanlan na ito kay Manalo! Isang napakalaking kasinungalingan! Mangangailangan ng isang propesyonal na walang hiyang tao na may matinding hilig sa pagsisinungaling upang angkinin na siya ay ang tao na binanggit!

Ang mga pahayag na ito kabilang ang nasa Talatang 8 ay nagsasabi, “Nguni’t ikaw Israel, aking lingkod, Jacob na aking pinili, ang binhi ni Abraham na aking kaibigan,” ay lumalapat lamang sa Panginoong Jesucirsto at hindi sa kanino mang iba, lalong hindi kay Manalo!

ISAIAS 41:8 
Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan;

Si Kristo “ang binhi ni Abraham.” Pansinin ang paggamit ng tiyak na pantukoy na “ang” sa pariralang, “ang binhi ni Abraham,” nangangahulugan na isang tao lamang - hindi gaya ng isang grupo o ang Iglesia ni Cristo ni Manalo na mayroong mga pag-aangkin sa katawagang ito. Pinatutunayan ng Galacia 3:16 na sila ay mali.

GALACIA 3:16 
Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo.

Si Kristo ay ang “hari ng mga hari” gaya ng isinasalarawan sa talatang 2 sapagka’t ang mga bansa ay ibinigay sa Kanya upang mapasailalim sa Kanyang nasasakupan! Si Manalo ay hindi isang hari para makatuwirang matawag na “isang tagapamahala sa ibabaw ng mga hari” bilang ang “uod na Jacob”!

APOCALIPSIS 19:13-16 
13 At siya'y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios. 
14 At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. 
15 At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito'y sugatan niya ang mga bansa: at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal: at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat. 
16 At siya'y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.

Masasabing halos sa mga talatang 2 hanggang sa talatang 27 ng kapitulo 41 ng Isaias, ang lahat ng mga teksto at mga konteksto ay bumabanggit ng mga bagay na tungkol sa Panginoong Jesucristo. 

Ang nakikita ng Dios sa hinaharap ay ang gawin ang Kanyang Anak na Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon at upang dalhin ang mga bansa sa ilalim ng pagkapasakop sa Kanya! Ang Talatang 2 at 3 ay dumidiskwalipika kay Manalo. Gayon din ang talatang 25 at 27!

ISAIAS 41:1-4 
1 Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan. 
2 Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog. 
3 Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa. 
4 Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga,

ISAIAS 41:8-15 
8 Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan; 
9 Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; 
10 Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran. 
11 Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak. 
12 Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala. 
13 Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka. 
14 Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel. 
15 Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.

ISAIAS 41:25-27 
25 May ibinangon ako mula sa hilagaan, at siya'y dumating; mula sa sikatan ng araw ay tumatawag siya sa aking pangalan: at siya'y paroroon sa mga pinuno na parang cimiento, at para ng magpapalyok na yumuyurak ng putik na malagkit. 
26 Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming maalaman? at nang una, upang aming masabi, Siya'y matuwid? oo, walang magpahayag, oo, walang magpakita, oo, walang duminig ng inyong mga salita. 
27 Ako'y unang magsasabi sa Sion, Narito, narito sila; at ako'y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita.

Si Kristo ay binanggit kasama ang Israel sa iba’t ibang pagkakataon kung saan si Kristo ang nararapat sanang ulo ( ng bayan ng Dios ). Subali’t ang Israel, sa kabila ng lahat ng kabutihan ng Dios ay nahuhulog paatras ngayon at noon, at siyempre ay naparurusahan. Sila ay bumabaling sa pagsisiyasat ng kanilang sarili at nagsisisi at iyon ay nakikita ng Dios. Ang gayong relasyon ay nagaganap ngayon at noon kasama ang Dios na nangangako sa kanila ng tulong.

Ang uod gaya ng karaniwang ginagamit sa ordinaryong wika ay maaaring mangahulugan ng maraming bagay nguni’t hindi positibo. Maaring mangahulugan ito ng korupsyon at kabuktutan. Ang paggamit kay Kristo tungkol sa kanya bilang “uod” ay tumutukoy sa panghihiya ng tao sa kanya, ang kakulangan ng respeto gaya ng sa mga sundalo na humapak ng kanyang mga kasuutan. Ito’y maaari ding mangahulugan ng paghamak mula sa mga tao, lalo na niyaong mga nagpaparatang sa kanya ng maraming bagay sampu na ng hindi pagiging mananampalataya.

Ang paggamit sa katagang “uod” mula sa Dios ay sinamahan ng “Jacob,” Pagka ginamit ng gayon, ang kahulugan ay nababago sa positibo. Isaisip na ang pangalang Israel ay ang pangalang bigay ng Dios kay Jacob, at ang Dios ay may plano para kay Jacob. Kay Kristo bilang “uod na Jacob,” ang kahulugan ay higit pang nagiging isang pangako ng pagpapatuloy - ang katuparan ng intensyon ng Dios sa tao, ang Kanyang obra maestra.

Ang tanging personahe na maaaring lumagay sa katuparan ng hulang yaon ay ang unang personahe na magdadala ng mabuting balita (ang evangelio) sa Jerusalem. Ito ay natupad sa personahe ng Panginoong Jesucristo.

MARCOS 1:14-15 
14 Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios, 
15 At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y mangagsisi, at magsisampalataya sa evangelio.

Marami pa sa darating.

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Sapilitang Isahang Pagboto o Bloc Voting: Laban sa Saligang Batas ng Pilipinas at sa Biblia


Ang saligang batas na nagbibigay ng ganap na kalayaan sa relihiyon at paghihiwalay ng iglesia at estado ay siya ring saligang batas na nagsasabing ang isang botante ay mayroong karapatang bumoto ayon sa kanyang konsensya na walang pananakot ng sinuman!

Ating binibigyang linaw dito ang pamimilit sa mga nasasakupan (D) gayon din ang mga Pagbabanta, pananakot, terorismo, paggamit ng aparatong pandaya o iba pang uri ng panggigipit (E) bilang bahagi ng Sec. 261. Prohibited Acts under Election Offenses of the Omnibus Election Code - Article XXII. Una nating puntahan ang pamimilit sa mga nasasakupan -

Omnibus Election Code – Article XXII 
Sec. 261. Prohibited Acts under Election Offenses (Mga Ipinagbabawal na Gawain sa ilalim ng Paglabag sa Halalan)

D. Pamimilit sa mga Nasasakupan 
1. Sinumang opisyal ng publiko, o sinumang opisyal ng alinmang pampubliko o pribadong korporasyon o samahan, o sinumang pangulo, nakatataas, o tagapamahala ng alinmang relihiyosong organisasyon, o sinumang amo o may-ari ng lupa na nanggigipit o nananakot o namimilit, o sa alin pa mang paraan ay nang-i-impluwensya, direkta man o hindi direkta, ng sinuman sa kanyang nasasakupan o mga miyembro o mga parokyano o mga empleyado o mga katulong sa bahay, mga namamahay, mga tagatingin, mga katulong sa bukid, mga mag-aararo, o mga tagahawak ng upa sa pagtulong, kakampanya o boboto para o laban sa alinmang kandidato o alinmang aspirante para sa nominasyon o pagpili ng mga kandidato.

2. Sinumang opisyal ng publiko o sinumang opisyal ng komersyal, pang-industriya, pang-agrikultura, pang-ekonomiya o panlipunang negosyo o pang-publiko o pribadong korporasyon o samahan, o sinumang pinuno, nakatataas, o tagapamahala ng alinmang relihiyosong samahan, o sinumang amo ay may-ari ng lupa na nagtatanggal o nagbabanta ng pagtatanggal, nagpaparusa o nagbabanta ng pagpaparusa sa pamamagitan ng pagbabawas sa kaniyang sweldo, sahod, o kabayaran o sa pamamagitan ng pagbababa ng ranggo, paglilipat, suspensyon, paghihiwalay, pagtitiwalag sa iglesia o samahang ng pananampalataya, pagpapatalsik, o pagdudulot sa kaniya ng kayayamutan sa pagganap niya ng kaniyang trabaho o sa kaniyang pagiging miyembro, sinumang nakakababang miyembro o kasamahan, parokyano, o empleyado, o katulong sa bahay, namamahay, tagatingin, katulong sa bukid, mag-aararo, o tagahawak ng upa, dahil sa hindi pagsunod o hindi pagtupad sa anumang mga gawang inutos ng huli upang tumulong, kumampanya o bumoto para o laban sa isang kandidato, o sinumang aspirante para sa nominasyon o pagpili ng mga kandidato. (http://goo.gl/5YYvKe)

Kaya maliwanag na ang sinumang puno, nakatataas, o tagapamahala ng alinmang relihiyosong organisasyon ay hindi maaaring mamilit sa kanyang mga miyembro o parokyano upang tumulong, kumampanya o bumoto para o laban sa sinumang kandidato o sinumang aspirante para sa nominasyon o pagpili ng mga kandidato. Ito ay isang paglabag sa halalan.

Hindi rin nya maaaring ibaba ang ranggo, ilipat, suspendihin, ihiwalay, itiwalag sa iglesia yaong mga “hindi sumusunod o hindi tumutupad sa alinmang mga gawang inutos nito upang tumulong, kumampanya o bumoto para a laban sa sinumang kandidato,o sinumang aspirante para sa nominasyon o pagpili ng mga kandidato. Ito ay isang paglabag sa halalan.

Omnibus Election Code – Article XXII 
Sec. 261.Prohibited Acts under Election Offenses (Mga Ipinagbabawal na Gawain sa ilalim ng Paglabag sa Halalan)

E. Mga pagbabanta, pananakot, terorismo, paggamit ng aparatong mapandaya o iba pang mga uri ng pamimilit. - Sinumang tao na, direkta o hindi direktang, nagbabanta, nananakot o aktwal na nagbibigay sanhi, nagdudulot o nagbibigay ng anumang karahasan, pinsala, parusa, pagkasira, pagkawala o desbentaha sa kanino mang tao o mga tao o mga malapit na miyembro ng kanyang pamilya, ang kanyang karangalan o pag-aari, o gumagamit ng anumang mapandayang aparato o pamamaraan upang mapilit o mahikayat ang pagpapatala o mapigil ang pagpapatala ng sinumang botante, o ang pagkikilahok o ang pagpigil mula sa pagpapatala ng sinumang botante, o ang pakikilahok sa pangangampanya o pagpigil o pagtanggi sa alinmang kampanya, o ang paglalagay ng alinmang boto o pagtanggal sa pagboto, o ang anumang pangako ng gayong talaan, kampanya, boto, o ang pagtanggal mula doon.

Ihambing ang mga probisyon na ito sa Batas ni Manalo.

Ang litrato ng batayan sa ibaba ay nagsasabi -


Ang mga paglabag na ito ay napakahalatang ginagawa ng mga lider ng Iglesia ni Cristo-Manalo ngunit tila walang sinoman ang may lakas ng kalooban upang upang ilagay ang pwersa ng batas laban sa mga taong ito. Bakit? Sa simpleng dahilan na ang kanilang pinagsanayang ipinag-utos na mga boto ay nagsisilbi sa pansariling interes ng mga pulitiko na sa mas madalas na pagkakataon ay nahuhulog sa mga silo nitong mga manggagamit ng impluwensya.

Ang pagsasanay ng INCM na ito gaya ng nalalaman ng publiko ay bumubuo ng kanilang mga lider na nagpapatupad sa kanilang mga miyembro upang bumoto para sa mga kandidato na kanilang pinili sa ilalim ng banta ng pagkatiwalag sa iglesia kung hindi sumunod. Samakatuwid, ang mga politiko ay napaniniwala na kung kanilang makuha ang tango ng lider, ito ay siguradong panalo, tinatagurian pa sila bilang “king makers” o tagagawa ng hari.

Ang kailangang kahihinatnan ay kung ang pulitiko ay mananalo, ang masama at katiwalian ay mananalo sapagkat ang pagpapalitan ng pabor na sa malaunan ay mangyayari para sa kapuwa bentahe ng bawat panig. Ang masama ay pumapabor sa masama. Ang interes ay pumapabor sa interes!

Ngunit tayo’y tumigil sandali. Tayo’y gumawa ng kaunting pagninilay. Bakit nila inihahayag ang kanilang kandidato na pinili pagka may dalawa o tatlong araw na lamang bago ang halalan? Dahilan: sila ay naghihintay ng resulta ng mga survey o pag-aaral at ang malamang na mananalo o ang nangunguna sa survey ay siyang magiging kanilang kandidato! Napakatuso at mapanglinlang! Itong mga lobong mapanlilang ay naglalayon na magpakita na ang kanilang mga boto ang nagpapanalo sa kandidato! Ang katotohanan ay kanilang ginagawa ang mga bagay sa katusuhan, ngunit ngayon ang nagwagi ay kailangang balikan sila ng bayad!

Ating lingunin ang nakalipas.

Matagal pa bago ang halalan, bago ang pulso ng mga botante ay nalaman sa pamamagitan ng mga survey, kanilang pinasyahan na susuportahan ang isang partikular na kandidato ngunit ang kanilang kandidato ay natalo sa pampanguluhang karera. Ang kandidato ng INCM para sa halalan noong 1992 ay si Eduardo Cojuanco Jr. ngunit siya ay natalo kay Fidel Ramos. Si Cojuanco Jr. ay nakatanggap lamang ng 4,116,376 (18.17 %) boto kontra kay Ramos na 5,342,521 (23.58%).

Naging king maker ba ang INC?


Isang artikulo na isinulat ni Jake Astudillo ( 4/21/2013, Wordpress.com ) ay nagtala ng ibang mga natalong kandidato ng INC. Narito ang mga sipi mula sa “Are We Now Going to Give the Country to Bloc-Voting People?” -

Noong 1992, ang Iglesia ni Cristo (INC ) ay nag-endorso kay Danding Cojuanco sa panguluhan. Si Danding ay nakaabot lamang sa ikatlong pwesto sa katapusan ng bilangan ng mga boto. Makalipas ang anim na taon, noong 1998, Ang Iglesia ni Cristo ay sumuporta kay Joseph Estrada na hindi nakatapos ng kanyang mandato. Noong ika-10 ng Mayo 2007, sina Michael Defensor, Ralph Recto at Vicente Sotto ay inendorso bilang mga senador ng INC subalit sila’y natalo sa halalan ng 2007. Noong ika-5 ng Mayo 2010, ang INC ay nag-endorso kay Mar Roxas bilang ikalawang pangulo ngunit siya ay natalo. Muli, noong ika-5 ng Mayo 2010, si Raffy Biazon ay inendorso ng mga INC bilang Senador ngunit siya’y natalo. Sa gayon ding taon, noong ika-22 ng Hulyo 2010, ang Iglesia ni Cristo ay sumuporta kay Manny Villar sa pagkapangulo ng senado ngunit siya’y nabigong manalo.

Si Walden Bello noong 2010 ay nagsulat tungkol sa mga lokal na lider ng INC na nagbebenta ng mga ipinangakong isahang boto sa mga lokal na kandidato sa Bulacan, Siya noon ay tumatakbo bilang Kinatawan ng Akbayan. O ito ba’y ipinag-utos na boto? Mas tinatawag ito ni Alex Magno ng Philippine Star na “command votes” o “mga utos na boto” . Gaya ng pagkasanay ng mga INC ito ay ipinag-utos na mga boto, wika niya, “evoking sad imagery of witness voters and omnipotent political lords.”

Kaya ito ay katusuhan at makasatanas na paraan upang maghintay muna sa survey at pagkatapos ay paboran ang nangungunang taya upang makuha ang karangalan ng pagiging “kingmaker” kahit na hindi naman talagang ganoon!

Isang pagkain ng kaisipan para sa mga politiko na ang mga ulo’y walang laman: kung tunay na sila ay “king makers”, sa kanilang sariling kakayahan, hindi ba sila makapagpapatakbo ng kanilang sariling kandidato sa mga pambansang posisyon?

Napakahalata na ang kanilang interes sa paglalagay ng kanilang mga pinagtitiwalaang miyembro o mga kaibigan sa mga pampublikong tanggapan ay ang ideya na ang mg pabor ay magpapalitan sa kanilang pagitan. Ito ay lalo nang mararamdaman sa kaso ng pampanguluhang halalan. Ngayon, kung ang pag-aangkin ng pagiging “king maker” ay totoo sa anumang oras ay madali silang makakatakbo sa pambansang tanggapan, at hahawakan ang buong bansa sa ilalim ng mga kapritso ng kanilang lider!

Ngunit ang lahat ng kanilang ginagawa ay upang mailagay ang ilang tao sa ilang maseselang posisyon sa pamahalaan, kumilos upang mapawalang sala ang isang tao, o kumilos para sa isang tao upang manatili sa pwesto sa kabila ng mga iregularidad na nabunyag. Bakit? Dahil sa katunayan ang INC ay hindi isang “king maker”! Ang mga pambansang pahayagan sa katunayan ay nagtatala nitong mga sawing palad na pagpipilit ng INC sa loob ng mga taon.

Narito ang isang ulat mula sa Philippine Daily Inquirer ng paglalakad ng INC. Kanilang ginusto ang dating Supreme Court Justice Renato Corona na mapawalang sala. Apat na mga inutusan ang napabalitang nakipagkita sa mga senador. Bakit nila kailangang yumuko ng ganito kababa?

Ang mga tinukoy dito ay sina Dan Orosa, isang mataas na ranggong opisyal ng INC; Resty Lazaro, abogado ng grupo ng INC; Manny Cuevas at Victor Cheng . Ang unang dalawa ay gumagawa ng mga pagikot sa mga senador simula nang ang kongreso ay nasa pansamantalang pagtigil, ayon sa ulat. Ang huling dalawa ay gumagawa ng lihim na pag-impluwensya sa mga senador noong ang pagpapatalsik ay nagpatuloy.


At narito ang isang napakalinaw na ulat na isinulat ni Aries Rufo ng RapplerDotCom (7/28/2014) na pinamagatang “INC lobbies for key gov’t positions.” Sa katunayan ito ay lundong bahagi. May mga naunang mga bahagi. Ang unang bahagi ay tumatalakay sa “INC: From rag-tag sect to influential wheeler-dealer?” at ang ikalawang bahagi : “How potent is the INC’s vote-delivery system?


Aming ginawang muli ang pangwakas na bahagi (kasama ang aming pagbibigay diin sa nakapula) sapagkat pinapangalanan nito ang mga taong inilagay ng INC sa pangunahing posisyon sa pamahalaan at samakatuwid ay nauunawaan ng ilang sektor na sila’y mga tuta ng INC (Basahin: ang mga taong gumagawa sa kanila ng mga pabor).

INC lobbies for key gov't positions 
Rappler / July 28, 2014

Pinadadali ng INC para sa kanilang mga kaalyado na malaman kung ano ang kanilang gusto sa pamamagitan ng listahan ng mga posisyon na maitatalaga na gusto nilang masiguro para sa kanilang mga miyembro.

Maynila, Pilipinas - Hindi lamang sa mga ibinobotong opisyales ang sinusubukan ng Iglesia ni Cristo na maitatag ang kanilang pakikipagrelasyon.

Kanila ring sinusubukang maitatag ang kaugnayan sa mga hinihirang na opisyales - kahit na sila’y hindi mga miyembro ng INC - lalo na kung kanilang nakita na maaaring maging panggalingan ng tulong balang araw. Sila ay tumutulong na makaimpluwensya para sa pagkahalal o pagtataas ng ranggo nitong mga opisyales sa mga pangunahing pwesto sa pamahalaan.

“Ito ay gaya ng pass-it-forward na bagay,” wika ni Gladstone Cuarteros na propesor ng agham pampulitika sa De La Salle. Dalawa sa ganitong mga kaso ay sina dating Ombudsman Merceditas Gutierrez at ang pinatalsik na chief justice Renato Corona, kinumpirma ng miyembro ng INC.

Ang kapangyarihang maka-impluwensya ay medyo nabawasan sa ilalim ng pamahalaan nila dating Pangulong Corazon Aquino at Fidel V. Ramos. Si Aquino ay iniluklok sa pamamagitan ng isang pag-aalsang people power na suportado ng simbahang Katoliko, samantalang si Ramos, isang Protestante, na pinaboran ng Christian evangelical group, ang Jesus is Lord Movement ni Brother Eddie Villanueva.

Ngunit ang INC ay nagbalik na may paghihiganti sa panahon ng maiksing pagkapangulo ni Joseph Estrada.

Ang dating pangulo at ang mga Manalo, mga lider ng iglesia, ay nakapagtamasa ng malapit na personal na relasyon mula pa noong si Estrada ay ang alkalde ng San Juan. Sa katunayan, ang punong himpilan ng INC ay dating nakabase sa San Juan.

Sa pagsasauli ng pabor ng mga INC, inihalal ni Estrada ang maraming miyembro ng sekta sa mga pangunahing posisyon. Ilang sandali pagkatapos na makaupo sa pwesto, kaniyang inihalal ang miyembro ng INC na si Serafin Cuevas bilang kaniyang kalihim sa Department of Justice. Siya ay nanatili hanggang siya ay mamatay. Dalawang taon makalipas, inihalal ni Estrada ang isa pang miyembro ng INC, Artemio Toquero, bilang justice secretary din.

Papaanong nalaman ni Estrada kung ano ang makapagbibigay lugod sa INC?

Talaan ng Iglesia

Ginagawang magaan ng INC para sa kanilang mga kaalyado sa pulitika na malaman kung ano kanilang gusto sa anyo ng isang talaan ng mga appointive positions o inihahalal na mga posisyon na kanilang gustong masiguro para sa kanilang sariling mga miyembro. Kanilang sinumite ang talaan kay Estrada. Kanila ring sinumite ang talaan kay Pangulong Aquino,” wika ng isang dating opisyal ng pamahalaan na parehong nagtrabaho para kay Estrada at Aquino.

Ang paboritong palaruan ng INC ay ang hudikatura, mga ahensiya sa pagpapatupad ng batas, kinatawan sa regulasyon, at mga ahensya na nag-aakyat ng mga kita gaya ng Bureau of Customs. “Inyong mapapansin na ang mga ito ay mga pangunahing posisyon sa pamahalaan. Ang layunin ay hindi upang gumawa ng salapi, kundi lalo pa sa proteksyon ng kanilang mga miyembro at mas madaling akseso sa pamahalaan.”

Ang INC ay nagtamasa rin ng mga pulitikal na konsiderasyon mula sa dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Ang mga posisyon sa Court of Appeals at sa Supreme Court ay napuno sa atas ng INC.

Kabilang sa mga mahistrado na benepisyaryo ng pag-endorso ng INC ay ang kasalukuyang SC Associate Justice Presbitero Velasco at retiradong SC justice Ruben T. Reyes. Ang INC rin ang nasa likod nila nang sila ay ihalal sa Court of Appeals sa umpisa. Inihalal din ni Arroyo si Reynaldo Wycoco, isang retiradong heneral at miyembro ng INC, bilang hepe ng NBI. Namatay si Wycoco noong 2005.

Noong si Aquino ay maluklok sa tungkulin, ang INC ay umaasang magsasauli ng pabor ang Pangulo. Sa kanilang pagkadismaya, gayunpaman, ay nagbigay ng kaunting atensyon si Aquino sa talaan ng INC, bagaman kanyang inihalal ang miyembro ng INC at dating hepe ng pulis na si Magtanggol Gatdula sa National Bureau of Investigation.

Siya nang malaunan ay nagtamo ng galit ng INC nang si Aquino ay nagsimulang pumuntirya kay Gutierrez at Corona na ibinilang na mga kaalyado ng INC.

Nauna pa noong Agosto 2010, ang INC ay nagpahiwatig ng pagkadismaya sa pagkabigo ni Aquino na maghalal ng mga rekomendadong tao nito sa ilang pwesto sa pamahalaan, sinabi ng isang INC source. Kinumpirma ng source na ito na siya ay isa sa mga nirekomenda ng INC sa isang ahensya na nag-aakyat ng kita subalit nabalewala.

Ang pagkadismaya ay umabot sa punto kung saan ang kataastaasang tagapamahala ng INC na si Eduardo Manalo ay sumulat kay Aquino na binabawi ang talaan ng mga inirerekomenda ng iglesia.

Sinabi ng INC source na mabilis na humingi si Aquino ng pagpupulong kay Manalo upang ayusin ang ugnayan, ngunit si Manalo ay wala na sa kondisyon ng pakikipag-ayos. Nagutos si Manalo ng isa sa kanyang mga pinagtitiwalaang kawani upang makipagkita kay Aquino sa kanyang tahanan sa Times Street sa Quezon City.

Upang mapalugod ang INC, sumang-ayon si Aquino na panatilihin ang isang customs official ng Ninoy Aquino International Airport - isang miyembro ng INC - sa kanyang pwesto, wika ng isang hiwalay na source. Ngunit ang pababang likaw ng relasyon ni Aquino sa INC noon ay hindi na maisasauli.

Pagpapakita ng lakas

Sa EDSA 3 noong 2001, ang INC ay nagtibay na nakaisip na mayroon silang kapangyarihang mag-utos at makaimpluwensya maging sa labas ng mga botohan. “Doon ay kung saan sila lalong nabigyan ng kapangyarihan,” wika ni Cuarteros. Pinakikilos ang mga miyembro nito upang magsasama-sama sa EDSA Shrine bilang pagsuporta kay Estrada, na naaresto at napiit dahil sa mga kaso ng pandarambong, ang INC ay nakatuklas ng bagong source na kanilang matatapik upang ang kanilang presensya ay maramdaman.

Ang pagpapakita ng lakas na ito ay lalo pang nakita sa panahon ni Aquino. Kanilang ipinakita ang kanilang lakas, kahit sa mga lansangan lamang, at sa iba pang banayad na pamamaraan. Ang kanilang mga misyong medikal sa pagsapit ng ika-isang daang taong pagdiriwang, ay mga banayad na pagpapakita ng kapangyarihan na nagpapahayag na nasa kanila ang mga bilang at lumalago.

Sa panahon ng pagpapatalsik kay Corona, ang INC ay nagtanghal ng tinatawag nilang “relihiyosong aktibidad” ngunit siyang pinakahulugan ng maraming nagmamasid bilang isang pagpapakita ng pwersa at suporta para sa ipinaglabang pinatalsik na Chief Justice. (READ: Iglesia’s show of force)

Ito rin ay naging isang pagpapakita ng sama ng loob sa kung papaanong ang pamahalaang Aquino ay tumrato sa mga miyembro ng INC sa pamahalaan. Ang INC ay nag-imbita sa mga lokal na kaalyado sa pulitika at pati ng mga mataas na ranggong opisyales ng Simbahang Katoliko na mga kritikal kay Aquino.

Ang isa sa lalong prominenteng kaso ay yaong kay Gatdula, na ang karera ay inalagaan ng INC. Noong 2006, siya ay nahalal noon ng dating alkalde ng Quezon City at ngayon ay Speaker Feliciano Belmonte Jr. bilang hepe ng kapulisan sa Quezon City - sa malakas na pang-iimpluwensya ng INC.

Si Gatdula gayunpaman ay tinanggal ni Aquino matapos na lumutang ang mga ulat na nag-uugnay sa kaniya sa pagdukot sa isang Hapon.

Ginusto ng INC na bigyan ni Aquino si Gatdula ng isang magandang paglabas sa pamamagitan ng pagbibigay pahintulot sa kaniya na makapagbitiw sa halip na patalsikin. Ngunit ang mga bagay ay nauwi sa lalong malala nang si Eduardo Manalo ng INC ay nagpakahulugan ng “blackmail” sa kontrang-alok ng Malacañang na ang mga sakdal laban kay Gatdula ay ilalaglag kung si Cuevas ay aatras bilang abogado ni Corona.

Higit sa mga kalsada, ang INC ay nagtatrabaho rin sa likod ng mga eksena upang magpakita ng suporta para kay Corona sa mga senador. Habang ang Malacanang ay naghangad na ibaba ang pakikialam ng INC, ito gayunman ay nagtulak kay Aquino upang humanap ng pagdinig kay Manalo.

Pagpapalit ng katapatan

Upang makasiguro, ang INC ay nakapagtayo ng isang matinding imahe na ito ay makagagawa o makasisira sa kererang pampulitika ng mga naghahangad sa mga pampublikong opisina. Ang solidong boto nito ay isang mahalagang huli sa kaninoman, at maaaring makahikayat sa mga botatante na hindi pa nakapagpapasya upang piliin ang mga may potensyal na manalo.

Sinabi ng tagapagsalita ng INC na si Edwil Zabala na ang bloc-voting o isahang pagboto ay nakabatay sa mga katuruan ng Biblia. “Isa sa nga katuruan ng Biblia ay ang pagkakaisa. Pagkakaisa sa paglilingkod sa Panginoong Dios. Pagkakaisa sa pananampalataya. Pagkakaisa sa pagbibigay ng kahatulan. Iyan ay nasa Biblia. Kaya kapag ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, halimbawa, dito sa Pilipinas, ay pinaboto, hinihingi sa amin na magbigay ng kahatulan. Kaya kailangan naming ilagay ang Dios, pagsunod sa Dios muna, bago pagsunod sa alinmang batas na gawa ng tao. Kung hinihingi ng Dios ang pagkakaisa, kung hinihingi ng Dios na ang katawan ni Kristo, ang Iglesia ni Kristo ay maging isa, aming gagawin ito kahit na anuman ang maging reaksyon ng iba rito.”

Sa katotohanan, tila ito ay kabaligtaran ng kasabihan, “Ang tinig ng mga tao ay ang tinig ng Dios”

Ngunit para sa lahat ang pampulitikang pagpuwesto, ang pagpapakita ng kapangyarihan at pagkakaisa ng INC habang halalan, ito ay dumaranas ng isang malaking depekto: pagpapalit ng katapatan. Sila ay maaaring maging masugid na sumusuporta sa isang kandidato sa isang pagkakataon, at pagkatapos ay lilipat sa kabilang panig sa susunod na pagkakataon.

Gayon ang naging kaso ni Estrada, na siyang sinuportahan ng INC sa lahat ng kaniyang buhay pulitika, bukod lamang sa halalan ng 2010. Si Escudero ay natrato ng gayundin.

Sa mga lokal na labanan, si dating alkalde ng Maynila Joselito Atienza ay nagkaroon din ng gayong karanasan sa kaniyang proxy battle laban sa karibal na si Alfredo Lim. Sa 3 halalan para sa karera ng pagka-alkalde ng Maynila - ang isa rito ay tinutulan ni Lim, sinuportahan ng INC si Atienza. Gayunman, nang itulak ni Atienza ang kanyang anak, Arnold, upang tutulan ang karera ng pagka-alkalde pagkatapos na siya ( ang nakatatandang Atienza ) ay makabuo ng 3 termino, ang INC ay naglipat ng suporta nito kay Lim.

Nang tutulan ni Estrada ang karera sa pagka-alkalde laban kay Lim noong 2013, ang INC ay lumipat pabalik kay Estrada.
“Sila lamang ay nagiging praktiko,” naobserbahan ng isang dating opisyal ng kabinete at tagamasid pampulitika. Sila ay pupunta doon sa isa na kung kanino sila ay makikinabang.

Sinabi ng retiradong arsobispo na ito ang problema pagka ang mga pasya ng mga nakatataas sa iglesia sa mga bagay ng pulitika ay nakabatay sa personalidad at hindi narating na may buong pagkawari. Ito ay maaaring mapasailalim sa mga naisin at kapristo ng mga lider ng iglesia. - Rappler.com

http://www.rappler.com/newsbreak/64529-inc-lobbies-key-government-positions

Ang labag sa saligang batas na pagsasanay nitong tinawag na umano’y makapangyarihang grupo relihiyosa ay siguradong malaking banta laban sa prinsipyo ng demokrasya!

Katuruang Kristiyano ng Pagkakaisa?

Ang wika nila ay bumoboto sila sa pamamagitan ng bloc o isahan dahil ang “unity” o “pagkakaisa” ayon sa kanila ay isang Kristiyanong katuruan, batayan ang 1 Corinto 1:10. Ngunit narito ang sinasabi ng talata -

1 CORINTO 1:10 
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

Kanilang sinasabi na ang pagboto ay paghatol, nararapat silang isa sa pag-iisip at sa paghatol, kaya, bumotong pwersahan sa pamamagitan ng isahan! Ito ay malinaw na sinadyang masamang pakahulugan ng banal na utos ng pagkakaisa sa mga Kristiyano!

Ang pagiging Kristiyano ay hindi pagiging “robot”! Ang mga Kristiyano ay malaya sa ilalim ng isang batas na tinatawag sa Biblia na “kautusan ng kalayaan”!

SANTIAGO 1:25 
Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.

Ang mga Kristiyano ay wala sa ilalim ng pagdidikta ng iba pang tao!

1 CORINTO 7:22-23 
22 Sapagka't ang tinawag sa Panginoon nang siya'y alipin, ay malaya sa Panginoon: gayon din naman ang tinawag nang siya'y malaya, ay alipin ni Cristo. 
23 Sa halaga kayo'y binili; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao.

Ang pagkakaisa na itinuro sa mga Kristiyano ay pagkakaisa kay Kristo at sa ebanghelyo, hindi pagkakaisa sa pagsisilbi sa mga lalang ng ilang mga tao - pampulitika, materyal, o sa kabaligtaran! Ang lalang ay isang panlinlang o pamamaraan na sinadya upang makahuli sa silo o makapandaya. Ito ay panlilinlang sa mga walang malay. Iwinawagayway ang watawat ng ispiritwal na pagkakaisa samantalang binabalewala ang kanilang kaloobang pantao ay talagang paglalaro ng mga salita na hindi kailanman ipinatangkilik ni Kristo.

GALACIA 3:28 
Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.

FILIPOS 1:27 
Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;

“Isang pag-iisip” o “nagkakaisang mga pag-iisip” para sa pananampalataya sa ebanghelyo ay ang ibig ipakahulugan ni Kristo - hindi pagkakaisa sa ipinag-utos na bloc voting! Ulitin natin ang 1 Corinto 1:10.

1 CORINTO 1:10 
Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

Ano ang “isang paghatol” o ang “parehong paghatol?” May mga bagay sa loob ng iglesia na nararapat na mapagpasyahan o mahatulan sa nalolooban ng iglesia. Ang tunay na iglesia ay humahatol hindi sa mga bagay na nasa labas ng iglesia.

1 CORINTO 6:1-6 
1 Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at hindi sa harapan ng mga banal? 
2 O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit? 
3 Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito? 
4 Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia? 
5 Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid, 
6 Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?

1 CORINTO 5:12-13 
12 Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? 
13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.

Kaya ito ay malinaw na ang paghatol o ang paggagawad ng kahatulan na kung saan ang pagkakaisa ng mga magkakapatid ay kinakailangan ay sa mga bagay sa loob ng iglesia - hindi sa mga pulitiko! 

Inyo bang nahalata ang kagaguhang pakahulugan ng mga Manalista? Dalangin ko na “harinawa!” Magkagayon sana! Ang mga Kristiyano ay mayroong bahagi ng panlipunang obligasyon gaya ng itinatadhana ng mga batas ng Bagong Tipan.

1 PEDRO 2:13 
Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;

Alang-alang sa Panginoon at para sa mapayapang buhay, ang mga Kristiyano ay nakatali sa pananagutan na sumunod sa mga batas pantao!

1 TIMOTEO 2:2 
Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo'y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.

ROMA 13:1-2 
1 Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios. 
2 Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.

Kung ang mga pinuno ng relihiyon ay tutupad sa batas Kristiyanong ito, sila ay hindi mamimilit o magbabanta sa kanilang mga miyembro ng pagkatiwalag kung sila ay hindi boboto sa mga kandidato na pinili ng kanilang mga lider.

Itinatadhana ng saligang batas na ang isang botante ay nararapat bumoto ayon sa kanyang sariling konsensya sa kanyang sariling kalooban at walang pananakot. Iyon ang esensya na itinadhana sa Omnibus Election Code - Article XXII - Election Offenses. Ayon sa Biblia, ang Kristiyano ay maaari sa pamamagitan ng kanyang sariling kakayahan, “magbigay kay Cesar ng mga bagay na kay Cesar.”

Gaya ng mga Robot

Ang mga botante ng isahang pagboto na nasa ilalim ng pamimilit ng kanilang mga lider ay gaya ng mga robot, hindi nag-iisip, hindi namimili, walang pinipili, at higit sa lahat ay hindi bumoboto ayon sa kanilang konsensya. Sila ay mga “zombie” na pinakikilos sa pamamagitan ng masamang kapangyarihan ng kanilang mga lider! Papaano silang naging ganito? Sila ay naging mga panatiko sa kanilang sariling kalooban.

Ang mga Kristiyano ay makapipili para sa kanilang sarili, isang asawang babae o lalake, bakit naman hindi maaari sa simpleng pagpili sa isang kandidato?

1 CORINTO 7:39 
Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa; nguni't kung patay na ang kaniyang asawa, ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya; sa kalooban lamang ng Panginoon.

Kung nasa loob ng pagpapahintulot ng Dios na pumili sa pagitan ng buhay at kamatayan, kaligtasan at kapahamakan, bakit naman hindi siya maaari para sa isang kandidato?

DEUTERONOMIO 32:39 
Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya't piliin mo ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

Sa katunayan, ito ay isang kalayaan ng mga lingkod ng Dios mula pa nang unang panahon - ang pumili sa pagitan ng isa at ng iba - sapagkat hindi ang lahat ay pareho.

JOB 34:4 
Ating piliin sa ganang atin ang matuwid: ating alamin sa gitna natin kung ano ang mabuti.

Ang tinawag sa mga INCM na “pagkakaisa” o “unity” ay hindi tunay na pagkakaisa. Bakit? Sapagkat ang kataga, pagkakaisa, ay nararating matapos ang angkop na konsultasyon at pagsasaalang-alang ng bawat isa - hindi gaya ng idinikta ng isa lamang.

Ang pagkakaisa ay dumarating hindi sa pamamagitan ng pamimilit kundi sa pamamagitan ng indibidwal na pagbibigay ng kaloobang pantao - isang kalooban na ibinigay ng Dios na naglalayon na makatulong sa tao upang makakilala sa pagitan ng mabuti at masama. Alisin mo ang kalooban na iyon at ikaw ay lilinang ng isang robot, walang isip at sumusunod sa kahit anong masama na iyong imumungkahi.

Pagpalain nawa kayo ng Dios.

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Hindi Pumapasa sa Pagsubok sa Propeta: Si Manalo ay Isang Bulaang Propeta!


Ang mga payahag ng mga propetang sinugo ng Dios ay eksakto. Ang mga ito ay nangyayari.

DEUTERONOMIO 18:22 
Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya.

Ang mga pahayag na ginawa sa pangalan ng Panginoong na hindi nagkakaroon ng katuparan ay ang mga tanda ng isang bulaang propeta.

Ganito iyon: Ang katuparan o pangyayari ng isang hula ay isang tanda na ang hula ay maaaring nagmula sa Dios. Mayroon din kasing mga pagkakataon na ang mga pahayag ng mga bulaang propeta ay nangyayari sa pahintulot ng Dios. Ito ay pagsubok ng Dios sa katapatan ng Kaniyang bayan, subalit hindi kailanman maaari na ang isang hindi natupad na hula ay magiging sa Dios.

DEUTERONOMIO 13:1-3  
1 Kung may bumangon sa gitna mo na isang manghuhula, o isang mapanaginipin ng mga panaginip, at kaniyang bigyan ka ng isang tanda o kababalaghan,  
2 At ang tanda o ang kababalaghan ay mangyari, na kaniyang pagsalitaan ka, na sabihin, Sumunod tayo sa ibang mga dios, na hindi mo nakikilala, at ating paglingkuran sila;  
3 Ay huwag mong didinggin ang mga salita ng manghuhulang yaon, o ng mapanaginiping yaon ng mga panaginip: sapagka't sinusubok kayo ng Panginoon ninyong Dios, upang maalaman kung iniibig ninyo ang Panginoon ninyong Dios ng inyong buong puso at ng inyong buong kaluluwa.

Kaya ang diin ay doon sa hindi pagkakaroon ng katuparan.

Mayroon tayong maraming bilang ng mga bulaang propeta sa ating panahon na napatunayan sa pamamagitan ng kanilang hindi natupad na mga pahayag na nagsilbi bilang maling pagasa para sa kanilang mga nilinlang na mga tagasunod! Aming ipakikilala sa inyo ang ilan sa kanila.  

1. Mga Saksi ni Jehova - wakas ng sanglibutan

Ang lahat ng mga petsa tungkol sa Armagedon na ibinigay ng WTBTS ay nabigo, anupat nagpapatunay na ang mga lider ng mga Saksi ni Jehova ay pawang mga bulaang propeta!

“Katapusan ng Sanglibutan” Mga Hula Ang 1914 ay isa sa mga mahahalagang pagtaya ng simula ng digmaan ng Armagedon ng mga Saksi ni Jehova (Watch Tower and Tract Society). Kanilang kinalkula ang 1914 mula sa hula sa aklat ng Daniel, Kapitulo 4. Ang mga kasulatan ay tumukoy sa “makapito”. Ang WTS ay nagpakahulugan na ang bawat “tiyempo” ay katumbas ng 360 araw, na nagbibigay ng kabuuang 2520 araw. Ito ay malaunan pang pinakahuluganan bilang kumakatawan sa 2520 taon, na sinukat mula sa simula ng 607 BCE. Ito ay nagbigay sa 1914 bilang target na petsa. 1914, 1918, 1920, 1925, 1941, 1975 at 1994 ay ang ibang mga petsa na hinulaan ng Watchtower Society. Ang 1975 ay tila kinalkula bilang ika-6,000 anibersaryo ng pagkalalang kay Adan sa halamanan ng Eden sa 4026 BCE. Kanilang pinakahuluganan ang Awit 90:10 bilang pangtukoy sa haba ng isang henerasyon upang maging 80 taon. Yamang ang 1914 kung dadagdagan ng 80 ay katumbas ng 1994, kanilang hinulaan ang Armagedon ay mangyayari sa nalolooban ng taong yaon. Ang pinakahuling pagtaya ay 6,000 taon pagkatapos ng paglalang kay Eva, na dito’y walang petsa na maaaring matukoy na may kasiguraduhan.(http://www.preteristarchive.com/StudyArchive/t/theory_false-prophets.html)

2. Sabbath Day Adventists (SDA) - sa Pagdating ni Jesus

Nang ang Panginoong Hesukristo ay hindi bumalik sa petsa na kanilang inasahan siya, si Ellen G. White, isang propetisa ng Seventh Day Adventist Church, ay kaniya pang ipinasa ang kaniyang “pagkakamali” sa Dios!


3. Mormons - Para sa Bagong Herusalem sa Missouri

Diumano ito ay isang pahayag na mula sa Panginoon na ang Bagong Herusalem ay matatatag sa Kanlurang Hangganan ng estado ng Missouri na ngayon ay tinatawag na Independence, at isang templo ay tatayo para sa kaluwalhatian ng Dios ng mga Mormons na kailanman ay hindi nangyari!


4. Apollo Carreon Quibuloy - hinulaan kung sino ang magiging pangulo ng Pilipinas para sa 2010. 

Isang Pilipinong bulaang propeta na umaapaw sa kayabangan at paniniwala sa sarili na nag-angking siya ay “the appointed Son of God.” Ang pundador at lider ng iglesiang nakabase sa Pilipinas, the Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. ay nagsabi na isang partikular na kandidato ang magiging pangulo ng Pilipinas. Hindi ito kailanman nangyari sapagkat ang taong ito na natalo noong 2010 sa pambansang halalan sa Pilipinas!!!!


Kaniya ring sinabi na ang may-akda ng blog na ito ay nakatakda na sa kapahamakan at mamamatay makalipas ang anim na buwan mula sa oras na paghahayag ( ika-6 ng Pebrero 2005 ) na di umano ay kaniyang natanggap mula sa Panginoon. Ngunit salamat sa Dios makalipas ang 10 taon, ang inyong lingkod ay buhay pa rin. Sa Dios ang kaluwalhatian!


5. Harold Camping - sa katapusan ng sanglibutan

Humula si Camping ng makaitlo na ang sanglibutan ay magwawakas noong 1994, at makalawa noong 2011, subalit ang lahat ay nabigo, anupat pinatutunayan ito na siya ay isang bulaang propeta.  


6. Luis Miranda - sa katapusan ng sanglibutan at mga maling pag-aangkin

Ang bulaang Kristo na ito ay nagsabi na ang wakas ay sa ika-30 ng Hunyo 2012 ngunit nabigo! Hindi lamang ito isang bulaang propeta. Siya ay nag-angkin na siya ay “Christ incarnate” o Kristong nagkatawang-tao.


7. Pat Robertson - sa katapusan ng sanglibutan
Sinabi ni Robertson na ang paghuhukom ay darating sa sanglibutan sa katapusan ng 1982; ngayon ay ika-19 ng Agosto 2015.


8. Eraño Manalo at ang Pasugo 

Sinabi ni Eraño Manalo na ang mga anak ng kaniyang iglesia ay mananatiling matatag sa pananamapalataya hanggang sa wakas. Anim na taon makalipas ang kaniyang kamatayan, ang kaniyang mga anak na lalake at babae kasama ang kaniyang minamahal na asawa ay itiniwalag at itinapon sa labas ng kaniyang iglesia ng kaniyang mismong sariling anak na si Eduardo Manalo!

Sa panahon ni Felix Manalo, ama ni Eraño at lolo ni Eduardo, ang Pasugo ay humula na pagkatapos ng pangangaral ni Manalo, ang dapat sana ay ang “huling sugo ng Dios sa mga huling araw,” ang paghuhukom o ang katapusan ng sanglibutan ay darating. Ang gayong pahayag sa isang taong nag-iisip, na kagaya ng may-akda ng blog na ito, ay interesanteng maigi, nag-udyok sa kaniya upang gumawa ng mga pagsisiyasat tungkol sa mga katuruan ng sektang ito sa Pilipinas. Ang resulta ay hindi maiiwasang nagpapatunay na ang mga manunulat ng Pasugo at ang mga nagdidikta sa kanila ay pawang mga bulaang propeta!

(Pagkamatay ni Felix, pagkatapos ay darating ang paghuhukom. Walang sugo na susunod).



Narito ang isang sipi sa letra por letrang pahayag ni Eraño Manalo na narinig at sinampalatayanan ng bawat miyembro ng iglesia ni Cristo, itinatanim sa kanilang mga puso ang isang maling pag-asa!

"JEREMIAS 32:39-40"

At bibigyan ko sila ng isang puso at ng isang daan, upang sila’y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila...

"Tayo lang?"

...at ng kanilang mga anak pagkamatay nila:...

"Anong gagawin ng Dios?"

...At ako’y makikipagtipan ng walang hanggan sa kanila, na hindi ako hihiwalay sa kanila, upang gawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sa puso ng takot sa akin, upang huwag silang magsihiwalay sa akin.

"Ano pong gagawin ng Dios sa iglesiang ito patuloy sa kaniyang mga anak? Ang sabi ng Dios, " ...bibigyan ko sila ng isang puso, isang daan, para sila’y matakot sa akin magpakailan man; sa ikabubuti nila, at ng kanilang mga anak... 

At ako’y makikipagtipan sa kanila ng isang tipang walang hanggan, hindi ako hihiwalay sa kanila, gagawan ko sila ng mabuti: at sisidlan ko sila ng takot sa akin para huwag na silang magsihiwalay sa akin. Ganyan po kamahal ng Dios ang iglesiang ito at ang bawat isa sa inyo."
 

Ngunit sa mga social media sites, inyong mababasa na sila ay nagtatalo. Ang ilan ay nagsisialis dahil sa kamakailan-lamang na kontrobersiya na kinasadlakan ng grupo ng iglesiang ito. Ang ilan sa kanila ay natiwalag for spilling the beans in media o dahil sa pagsisiwalat ng mga lihim sa media. Ang mga nalalabi ay nalilito. Ang kanilang mga lider ang akusado ng maluhong paraan ng pamumuhay. Ang iglesia ay iniwanan ng katakut-takot na utang. Ang kanilang malalaking gusali gaya ng Philippine Arena ay sumisipsip ng maraming salapi para sa pagmamantine pa lamang subalit ang mga miyembro, karamihan sa kanila ay kabilang sa mahihirap sa Pilipinas, ay hindi sumasang-ayon sa layunin ng paggamit dito. Samantala, nagkaroon ng mga akusasyon sa mga politiko at sa mga INC na gumagamit sa isa’t isa at nagpapalitan ng pabor sa pamamagitan ng kwestiyonableng pagsasanay ng INC ng bloc voting o isahang pagboto.

Hindi na nga ba sila mangangalat? Ang mga itiniwalag na mga ministro at kritiko ay nananawagan para sa isang kilusan laban sa kanila sa kabila ng mga pagbabanta sa kanilang mga buhay mula sa looban. Sila ay nangalat. Hindi nakapasa si Manalo sa pagsubok sa propeta.

Si Eduardo Manalo, anak ni Eraño Manalo at ang ikatlong henerasyong Kataastasaang Tagamapamahala, ay nagtiwalag mula sa kanilang iglesia ng kaniya mismong sariling ina at mga kapatid. Bago iyon, ay pinaniwalaan ng publikong siya’y hindi nakikipag-usap sa kaniyang ina ng anim na taon, kahit na pagkatapos na ang mga video ay inilabas sa publiko na ang buhay ng mga nito ay nasa panganib.

Si Felix Manalo ay namatay ngunit ang paghuhukom ay hindi pa dumating, taliwas sa hula ng Pasugo. Si Eraño Manalo ay nagpahayag na ang kaniyang mga anak ay hindi na mangangalat. Subalit sila ay nangalat ng talagang pagkapangalat. Sila’y hindi maaaring magkasama.

Paano natin malalaman kung ang isang propeta ay sa Dios? Ang propetang sinugo ng Dios ay sa Dios.

JUAN 7:17-18  
17 Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito'y sa Dios, o kung ako'y nagsasalita na mula sa aking sarili.
18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan.

Ang propeta na sinugo ng Dios at sa Dios ay hindi nagsasalita ng sa kaniyang sarili at hindi naghahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian. Ngunit si Felix Manalo, ang pundador ng Iglesia ni Cristo, ay nagkaroon ng maraming mga pagaangkin. Sinabi niya na walang tatalikod, ngunit isaalang-alang ang mga kaso ng katiwalian na inihahayag ng kaniyang mga miyembro ngayon. Namatay siya subalit walang paghuhukom na dumating pagkatapos ng kaniyang kamatayan, na nagbibigay ng maling hula.

Ating hanapin ang katotohanan hindi sa kaluwalhatiang materyal ng isang samahan gaya ng mga magagarang gusali. Hindi ginagarantiyahan ng mga ito na ikaw ay matututo ng mga daan ng Dios.

Ating hanapin ang katotohanan hindi sa bilang ng mga tagasunod sapagkat ang mga pagsasanay na katulad ng pangkapatirang proteksyon ay makakaakit ng mga tagasunod ngunit gagawin kang lalong masama.

Ating hanapin ang katotohanan hindi sa pamamagitan ng haba ng pag-iral ng grupo, tatandaan na ang kasaysayan ng sangkatauhan ay isang saksi sa mga siglo at milenya ng pag-iral ng mga bulaang relihiyon sa planetang ito!

Ating tingnan, sa pamamatnubay ng Espiritu ng Dios, ang mga doktrina! Dapat sundin ng mga doktrina ang salita ng Dios - hindi binuo sa iilan lamang na piniling talata ng Biblia at pagkatapos ay sinimentohan ng tradisyonal na turo ng mga tao.

Sa aking mga kababayan, ang pagkapoot sa akin o ang panunumpa sa akin ay walang maidudulot na anumang buti sa inyo. Ang aking trabaho ay ang magsabi ng katotohanan, ako man ay inyong paniwalaan o hindi.

Sa aking mga kababayan, ipanalangin ninyo na gabayan sana kayo ng Panginoon sa inyong paghahanap sa katotohanan. Maging niyutral kayo at naniniwala akong makikita ninyo ang liwanag na nagniningning sa ibayo ng guhit ng hangganan ng mga maling pag-asang ipininta sa inyong mga ilusyon ng mga bulaang propeta na bumiktima sa karamihan sa inyo.

Pagpalain nawa kayo ng Dios!

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]

Grabidad Nagpapalutang ng Lahat ng mga Lihim ng mga Lihim


Hinihila ng gravity o grabidad ang mga bagay patungo sa ibaba, ngunit kamangha-mangha na ang grabidad sa pamamagitan ng “law of gravity” o “batas ng grabidad” ay makagagawa na ang mga bagay ay kumuha ng kasalungat na direksiyon - pataas!!! Hindi ba iyan kagilagilalas?

Walang aksyon ng grabidad sa lupa na, sa halip na dalhin ang isang bagay pababa, ay dadalhin ito pataas. Ang kababalaghang ito na nagdadala ng mga bagay pataas ay maituturing na “extra-terrestrial” o “hindi panlupa”! Isalarawan sa isip, isang tao na tinanggal ang kaniyang sarili mula sa lupa at makalupang mga bagay. Ito ay posible lamang sa isang tunay na Kristiyano!

ROMA 12:2 
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.

Bagaman ito ay mahirap na matamo, isang katuruang Kristiyano na ang isang tao ay bumaklas ng kaniyang sarili mula sa mga makalupa, o sa mga sa mundo.

COLOSAS 3:1-3 
1 Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. 
2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa. 
3 Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios.

Ang hila ng grabidad na nanggagaling sa langit ang maaaring makapagtanggal sa isang tao mula sa lahat ng atraksyon sa lupa at ito ay ang paghila ng pananampalataya sa Dios!

May mga puwersa - literal at hindi panlupa o “extra-terrestrial” - na nagpapahintulot sa isang bagay mula sa lupa upang maabot ang matataas at makapag-alis ng sarili nito sa mga puwersa ng paghila ng grabidad sa lupa. Sinasabi ng agham na ang paghila ng grabidad ng Araw ang nagpapaumbok sa mga gilid ng mundo, at ang paghila ng grabidad ng Buwan ang nagpapataas ng tubig sa mga karagatan at mga dagat sa mundo. Iyan ay terrestrial o panlupa. Narito ang sinasabi ng Universe.com -

Ang Mundo ba ay Bilog? 
Ang aktwal na hugis ng Mundo ay talagang oblate spheroid - isang globo na may umbok sa palibot ng equator. Ang Mundo ay nakaumbok sa kaniyang ekwador dahil ito ay mabilis na umiikot sa kaniyang aksis. Ang sentripetal na puwersa ng pag-ikot ay nagiging sanhi kung bakit ang mga rehiyon sa ekwador ay umuumbok palabas.

Balik sa mga puwersa na makapagdadala sa mga bagay sa ibaba sa ilalim, mayroong posibilidad ng kasalungat na puwersa na makapagpaangat ng mga bagay pataas at lumutang. Kung ano ang natatamo ngayon sa Iglesia ni Cristo ni Manalo sa kabila ng itinurong paglilihim ng kung ano ang kanilang ginagawa, ay isang puwersang mula sa itaas ang gumagawa na ang mga lihim na yaon ay lumutang. Walang pagaalinlangan, ito ay ang kapangyarihan ng Dios! Ang grupong yaon ay matagal nang nagsasanay ng akto ng pagtatakip ng mga pangit na bagay sa loob ng kanilang iglesia, ng pagdadala ng mga ito sa ibaba at paghahanay ng mga ito sa pagkalihim.

Ngunit kung ano ang ginawa nila sa limang magaaral ng PUP sa lihim, bilang halimbawa, ay lumitaw. Isinaad ng kaso na ang kanilang mga miyembro na kasangkot ang lumuray sa mga katawan ng biktima sa silong o basement ng kanilang kapilya. Ang mga bangkay ay lumutang at iniahon mula sa maputik na ilog Pasig!!!

Narito ang isang sipi mula sa Supreme Court Annotated, Volume 339, ika-28 ng Agosto 2000 sa kasong People vs. Abella. Sa isang pagtatangkang mai-flush off o mapagtakpan ang pagpatay, ang ilog ang disin sana’y solusyon. Ngunit ang mga bangkay ay lumutang sa itaas upang sumaksi laban sa mga salarin.


...Samantala, noong halos ika-6 ng hapon sa loob ng Iglesia ni Cristo (INC), Sta. Ana compound o bakuran sa Bacood, si ELENA Bernardo ay naghihintay kay Pastor Cesar Almedina upang humingi ng payo hinggil sa problema ng kaniyang manugang na lalake. Hiniling sa kaniya ni Pastor Almedina na maghintay, at gayon nga ang kaniyang ginawa. Siya ay naghintay hanggang ika-10 ng gabi. Bigla na lamang na pinatay ng guwardya ang mga ilaw sa loob ng bakuran. Tanging ang ilaw mula sa MERALCO na nagbibigay liwanag sa bakuran mula sa labas, siya ay nakakita ng isang puting Ford Fiera na puno ng mga pasahero na pumasok at pumarada sa tapat ng tirahan ng pastor malapit sa landas patungo sa silong, na nasa likod ng kapilya at nasa ibaba ng opisina ng mga mang-aawit. Sumunod si ELENA. Sa loob ng silong ang mga biktima ay pinagbububugbog, hinampas ng baril, at hinataw ng mga bakal na tubo, pamalong tingga at iba pang matigas na mga instrumento. Isa sa mga biktima ay iginapos ng kawad. Si Filemon Garcia ay dumating dala ang “blowtorch” o suplete at pumasok din sa silong. Narinig ni ELENA ang mga biktima na nagmamakaawa. Dahil sa hindi niya matagalan ang kaniyang nakita siya ay naupo sa tapat ng kapilya at nanatili ng 30 minuto. Dumating si Pastor Almedina at sinabi sa kaniya na sila ay mag-uusap tungkol sa kaniyang problema sa ibang pagkakataon. Pagkatapos ay dinala ang mga biktima sa Ford Fiera. Sila ay tila halos mga patay na.

Noong ika-10 ng Marso 1992, sa oras na 8:45 ng umaga, ang walang buhay na katawan ni FELIX ay natagpuang lumulutang sa ilog Pasig malapit sa Beata-Tawiran sa Pandacan. Sa oras na 12:25 ng tanghali, ang katawan ni ERWIN ay nakuha sa ilog ding yaon sa likod ng pamilihan ng Sta. Ana. Sa halos gayon ding oras, ang naaagnas na mga bangkay nila ANDRES, MARLON at JOSEPH ay naiahon din mula sa ilog Pasig malapit sa tulay ng Lambingan . (http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2000/aug2000/127803.htm)

Papaano naman ang tungkol sa akin? Ako ang kanilang naging pinakamatinding kritiko - maging magpahanggang ngayon. Sa kanilang walang tagumpay na pagtatangka na masiraan at mawasak ang aking pagkatao, sila ay nag-utos sa kanilang mga ministro na palihim na mamahagi ng mga komiks o magasin na nagsasalarawan sa akin bilang isang masama at mahalay na tao. Ang impormasyong iyan ay lumabas noong ang isang ministro sa kanilang ranggo ay nangumpisal sa akin ng kanilang pailalim na misyon.

Bago nagsumite ng kaniyang sarili sa bautismo sa Iglesia ng Dios Internasyonal, ibinigay niya sa akin ang katunayan na ako ay isinisipi dito. Pansinin ang VI.7. Tagubilin mula sa Central. “Kumuha ng “komiks” at ipamahagi nang “discreet”. Bakit discreetly? Sapagkat ito’y nanggaling sa kanila!


Pagkatuto mula sa kanilang mga Matatanda
Ang hindi maisalarawang katiwalian sa kanila ay naging hayag sa publiko nang ang isang ministro ay nag-abot sa akin ng maraming mga piraso ng DVD. Ang ministro ay hindi na naniniwala sa kanila ngunit siya ay nasa kanila pa rin dahil sa pangamba sa kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya. Ang mga nilalaman ay mga sermon ni Eraño Manalo at ang isa sa mga ito ay ang pag-atake niya sa kaniyang mga ministro sa mga katiwalian at masasamang gawain sa isang espesyal na pagpupulong ministerial o serbisyong pagsamba! 


Ang mga bagay na nilalaman ng mga DVD ay hindi kailanman itinanggi ng kanilang mga ministro sa telebisyon, kundi sa halip ay kanilang tinanggap na mismong mga salita ng kanilang “tagapamahalang pangkalahatan” o “kataastaasang tagapamahala”. Ang mga ito at marami pang iba ay nahahayag sa pamamagitan ng isang puwersa na kumokontra sa paghila ng grabidad sa mundo na nasa mga kamay ng dios ng sanglibutang ito.

II CORINTO 4:4 
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

Masasabi ba nating ito ay gaya ng Cambrian Period o Periodo ng Kambriyano kung saan sinasabi na mayroong malaking pagsabog ng paghahayag? (Tandaan : Ako’y hindi naniniwala sa Cambrian Period sa pagiging isang pagsabog)

Ang Cambrian Period o Kambriyanong Periodo 
Minamarkahan ng Cambrian Period ang isang mahalagang punto sa kasaysayan ng buhay sa lupa; ito ay ang panahon kung kailan ang karamihan sa mga grupong mayoria ng mga hayop ay unang lumitaw sa fossil record o rekord ng mga labi. Ang pangyayaring ito ay tinatawag kung minsan na “Cambrian Explosion” o Kambriyanong Pagsabog, dahil sa relatibong maikling panahon kung saan ang magkakaibang porma ay nagsilitaw. Minsan ay naisip na ang mga Kambriyanong malalaking bato ay naglaman ng una at pinakamatandang labi ng mga hayop, ngunit ang mga ito ay natagpuang nauna sa Ediacaran ( Vendian ) strata o istratang Ediakarano.
http://www.ucmp.berkeley.edu/cambrian/cambrian.php

Ang katotohanan sa bawat uri ay dumating sa pag-iral na kasabay ang kaniyang ka-uri na may habi ng disenyo ng simbayotikong pag-iral, na nagtutulak sa akin na bale-walain ang bawat kuro-kuro ng ebolusyon! Papaanong mabubuhay ang isang leon kung ang pagkain nito ay di pa iiral na kasabay nito? Ang katotohanan ay ang bawat uring umiiral, ay nagbibigay ng paraan ng pag-iral para sa iba.

GENESIS 1:24-25 
24 At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon. 
25 At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti.

Hindi natin masasabi na ang katiwalian sa Iglesia ni Cristo ay nagkaroon ng ebolusyon! Kung ano ang totoo sa Kambriyanong Panahon ay kolateral na totoo sa INC ni Manalo. Mula sa pasimula nito, mayroong mga tiwaling gawain ang mga ministro nito! Pinatutunayan ito ng mismong salita ni Eraño Manalo, ang ikalawang henerasyong Kataastaasang Tagapamahala, na ang katiwalian sa mga kasalukuyang henerasyon ng kaniyang mga ministro ay kanilang minana sa mga ministro na nangauna sa kanilang mga gawang katiwalian! Nauna nang pinatunayan ito ng palibot liham na nilagdaan mismo ni Felix Manalo, ang unang henerasyong Kataastaasang Tagapamahala, na nagbunyag ng mga tiwaling gawain ng kaniyang mga nangungunang ministro.

Sa ibaba ay ang palibot liham na binasa noong ika-3 ng Hunyo 1937 ( ika-27 ng Mayo 1937 ) na nilagdaan ni Felix Manalo mula sa address, 42 Broadway New Manila, San Juan, Rizal, Kapuluang Pilipinas. Isinulat sa Tagalog, Sa pamamagitan ng liham na ito, ipinatatalastas namin sa inyo na sila Kapt. na Norberto Cruz, Antonio Macasiano, Bienvenido Castro, Simplicio Elizaga at Fortunato Lozano ay nawalan ng karapatan sa pagka-manggagawa dahil sa kasalanang paghalay at pagpapabaya sa kanilang tungkulin.

Sila Fortunato San Esteban at Joaquin Balmores ay dahil sa pag-vale ng labis at paglilinglang sa mga naglalagay ng "O.K." na ito'y makalawang ginagawa sa isang pagkakataon. Si Kapt. na Vivencio Cosico ay sa pagbali ng higit sa kaniyang tinatanggap.

Si Felix Ortiz ay itinitiwalag dahil sa panglilinglang sa pag-utang sa mga kapatid na ang sinasangkalan ay ang ating Tanggapan. Si Antonio Collantes ay itinitiwalag din sa Iglesia dahil sa paghuwad sa pangalan ng Tagapamahala ng Div. ng Laguna upang makakuha ng kwarta sa Ingat-Yamang Pang-pook, at ikalawa'y ang kaniyang pagsasamantala sa kamangmangan ng isang dalaga upang maitanan.

Sinabi pa ng palibot liham o sirkular na ang mga itiniwalag na sina Joaquin Balmores, Cirilo Gonzales, Felix Ortiz at Antonio Collantes ay hindi pinahihintulutang sumamba kahit sa labas ng bahay sambahan, ni kaawaan, kupkupin o tanggapin sa inyong mga tahanan.

ANO ANG NANGYAYARI NGAYON?

Ito ba’y isang pagsubok ng pananampalataya? O ito kaya’y isang paghahayag mula sa Dios?

MATEO 24:35
Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.

At bakit ko ipinagpapatuloy na busisiin ang kanilang mga doktrina? Bakit hindi ko panatilihing nakatikom ang aking bibig? Sinabi ni Kristo:

MATEO 10:27-28
27 Ang sinasabi ko sa inyo sa kadiliman, ay sabihin ninyo sa kaliwanagan; at ang narinig ninyo sa bulong, ay inyong ipagsigawan sa mga bubungan.
28 At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

Ito ay aking pakay na magsalita at sumigaw tungkol sa kung ano ang iniutos sa akin na gawin. Ang bawat programang isinahimpapawid ng Iglesia ng Dios Internasyonal sa buong mundo ay dumarating sa mga "bubungan" sa pamamagitan ng satellite at telebisyon. Ito ay naging labis na nabahagi dahil sa ako’y laging nasa ilalim ng patuloy na banta mula sa Iglesia ni Manalo. Sinasabi ko ang “katotohanan sa mga bubungan!” Dahil sa kanilang makapritsong paguusig sa aking pagkatao, sila ang mismong mga dahilan kung bakit nilisan ko ang Pilipinas, ang aking minamahal na bansa. Yaon ay upang maiwasan ang mga pisikal na labanan at pagdanak ng dugo.

Ngayon, ako ay tunay na nakumbinsi na kung ano ang hindi ko maisiwalat sa pagsunod sa utos ng Panginoong Hesukristo, ito ay isiniwalat at nabunyag sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios! 

Ang mismong sariling mga kapatid at ina ng tao na nagdulot ng inhustisya o kawalang katarungan sa aking pagkatao sa pakikipagsabwatan sa mga tiwaling opisyal sa Pilipinas sa rehimen ng isang pangulo na tinagurian ng Asia Pulse Survey bilang “The Most Corrupt of All Philippine Presidents” o “ Ang Pinakatiwali sa Lahat ng mga Pangulo ng Pilipinas “ ngayon ay nagsisilbi bilang “hostile witness” na pumapabor sa akin!

Narito ang kapatid na lalake at ang ina ni Eduardo Manalo, ang kasalukuyang Kataastaasang Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo -

Kapatid na lalake ng mga Manalo, tinira ang korupsyon sa Iglesia ni Cristo


http://www.rappler.com/nation/100304-manalo-brother-iglesia-cristo-corruption



Narito ang tungkol kay Gloria Macapagal Arroyo na magpapabilanggo sa akin sa pagsulsol ng INC. Sa “GMA found most corrupt president” na sinulat ni Regina Bengco (Malaya 12/12/2007), isang pagsisiyasat na isinagawa mula ika-20 ng Oktubre hanggang ika-31 sa pamamagitan ng Pulse Asia ay ipinakita na halos isa sa bawat dalawang Pilipino ay naniniwalang ang Pangulo (Arroyo) ay ang “pinakatiwali (pangulo) sa kasaysayan ng Pilipinas.”

Ang pagsisiyasat, na nagkaroon ng 1,200 na kalahok, ay nagkaroon ng margin of error na +/- 6 na porsyento. Apat na pu’t dalawang porsyento ng mga kalahok ay nagtaguri kay Arroyo na “pinakatiwaling” pangulo, sinundan ni Ferdinand Marcos ( 35 porsyento ), Joseph Estrada ( 16 porsyento ), Fidel Ramos ( 5 porsyento ) at Corazon Aquino ( 1 porsyento ). (http://www.malaya.com.ph/dec12/news1.htm).

Nasaan si Gloria Arroyo ngayon? Nalalaman ng lahat kung saan siya naroroon ngayon.


(Vote-rigging charges against Arroyo. http://english.sina.com/world/p/2011/1121/416344.html)

Sinasabi kong 99 porsyento ng lahat ng mga kaso na isinampa laban sa akin sa korte ay pawang imbento ng mga Iglesia Manalo, karamihan sa mga ito ay ginagamitan ng mga taong itiniwalag ko bilang mga tagapaghain ng reklamo o kaya nama’y mga saksi! Isang porsyento sa kanila ay nagmula sa kanilang mga kaibigan.

Hindi lahat ng mga puwersa sa lupa ay makapagdadala sa bawat bagay sa ilalim upang matakpan. Sa kabaligtaran, ay may mga puwersang mula sa itaas ng lupa na makakapagdadala ng mga ito sa itaas upang maihayag at ang mga lihim ay hindi maaaring matakpan ng matagal! Sa wakas ay nakita ng Dios na nararapat nang malinis ang aking pangalan pagkatapos ng mga kasinungalingang yaon at maraming kabulaanan. Kaya ngayon ay mapapansin natin ang ganitong uri ng grabidad - hindi panlupa o extra-terrestrial - nagpapalutang sa itaas ng mga lihim ng lahat ng mga lihim.

Tunay na hindi natin maitatago ang anoman sa buhay na ito. Hindi natin maaapi ang lahat sa lahat ng panahon. Mayroong isang Dakilang Tagapagbalanse na nakakakita ng lahat ng nangyayari. Hindi Niya ipahihintulot na ang masama ay magpatuloy magpakailanman.

Ang mga tumatamasa sa pansamantalang kapangyarihan at pansamantalang kaaliwan ay matututo ng kanilang leksiyon sa mahirap na paraan. Mayroon talagang dios ng sanglibutang ito na nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga anak ng pagsuway. Subalit doon sa mga maaaring maging mapagtiyaga at makapagpapaubaya sa Dios na Makapangyarihan sa Lahat na humawak ng mga bagay, sa wakas ay kanilang makikita ang pangako ng Dios sa pagsapit ng tamang panahon. Ang lahat ng mga itinagong lihim sa pamamagitan ng dahas at pananakot ay lulutang - ibubunyag sa pamamagitan ng grabidad na ito!

Pagpalain nawa ng Dios ang Pilipinas!

Sincerely in Christ,

Brother Eli

[Disclaimer notice on translation: Ang blog na ito ay maingat na isinalin sa wikang Tagalog ng aming translators sa abot ng kanilang kakayahan. Gayunman, hindi nito ginagarantiya ang ganap na kawastuan ng pagsasalin ng mga impormasyon dulot ng magkakaibang mga dahilan. Kung magkaroon man ng pagkakaiba sa orihinal bersyon, ang orihinal na bersyon na nasa Ingles ang laging mangingibabaw.]